You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division Office of Rizal
KASIGLAHAN VILLAGE NATIONAL HIGH SCHOOL

Lingguhang Banghay-Aralin
Markahan: Ikalawang Markahan Baitang: 9
Linggo: Unang Linggo (November 13-17, 2023) Asignatura: Filipino
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nabibigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga tauhan na parang taong nagsasalita at
Kumikilos. F9PB-IIc-46
Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin. F9WG-IIc-48

Araw Layunin Paksa Pangsilid-aralan na Aktibiti Pantahanan na Aktibiti


1 Naisusulat ang payak na tanka Pangwakas na
Pagninilay: at haiku sa tamang anyo Gawain- pagsulat ng I. PANIMULANG GAWAIN (Introduction /Review of the lesson) Magsaliksik tungkol sa Pabula.
at sukat. tanka at haiku 1. Pang-araw-araw na
Gawain
-Pagdarasal
-Pagpapalinis
-Pagtatala ng liban

2. Balik-aral
Isa-isahin ang mga palatandaan sa pagsulat ng tanka at haiku.
II. PAGLINANG NG ARALIN
(Developmental Activities)
1. Aktibiti/Gawain
a. Pagganyak
b. Talasalitaan
c. Malayang Talakayan
1. Paglalahad ng Aralin
Magkakaroon ng paligsahan ng pagsulat ng tanka at haiku sa inyong
paaralan, ikaw ang naatasang maging representative ng inyong
klase. Ang paksa ay tungkol sa pag-ibig.
2. Pangkatang Gawain/Indibidwal na Gawain
Pagsulat ng Tanka at Haiku

Pamantayan
a. Wastong pagsulat 5
b. Nilalaman 5
c. Kalinisan 5
d. Naipasa sa takdang oras 5
20

III. Analysis
Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng tanka at haiku?

IV. Abstraction
Iisa-isahin ang mga paraan sa pagsulat ng tanka at haiku.
V. Application
Pagpapahalaga:
Bilang mag-aaral ng Kasiglahenyos, ano ang kahalagahan ng
pagsulat ng tanka at haiku?

2 Nasasagot an tanong sa Ang Sutil na Palaka I. PANIMULANG GAWAIN (Introduction /Review of the lesson)
Pagninilay: binasang pabula. Pabula ng Korea 1. Pang-araw-araw na Basahin ang parabulang “Ang
Isinalin sa Filipino Gawain Hatol ng Kuneho”
ni Teresita F. Laxima -Pagdarasal
-Pagpapalinis
-Pagtatala ng liban

2. Balik-aral

II. PAGLINANG NG ARALIN


(Developmental Activities)
1. Aktibiti/Gawain
a. Pagganyak
Ihayag ang katangian ng mga tao na maaaring isagisag sa
hayop na nasa larawan.
b. Talasalitaan

c. Malayang Talakayan
1. Paglalahad ng Aralin
Pagpapanood ng akdang “Ang Sutil na Palaka”
mula sa youtube.
https://www.youtube.com/watch?v=ZMFfFzf-
9BU&t=16s

2. Pangkatang Gawain/Indibidwal na Gawain


Iguhit Mo
Gumuhit ng isang hayop na sumisimbolo sa iyong pagkatao.
Ipaliwanag kung bakit ito ang napili mong hayop. Gawin ito sa
sagutang papel.

III. Analysis
1. Bakit kaya hayop ang inihahambing sa pag-uugali ng tao?
2. Ano ang kultura sa Korea ang mababasa sa akda?

IV. Abstraction

 Ang Korea ay isang bansa sa Silangang Asya na may


makulay at mayamang panitikan.
 Sinasabi at pinaniniwalaan ng marami na ang panitikan ay
salamin ng buhay.
 Pinatotohanan ito ng mga akdang pampanitikan ng Korea
sapagkat malinaw na nasasalamin sa mga akdang nabanggit
ang kanilang pamumuhay, tradisyon, paniniwala, pilosopiya at
kasaysayan, edukasyon at pamilya.

 Ang Korea ay isang bansa sa Silangang Asya na may


makulay at mayamang panitikan.
 Isa sa mga akdang pamapanitikan na labis na kinahihiligang
isulat at basahin ng mga Koreano ay ang pabula o kuwento
na ang tauhan ay hayop na kumikilos at nagsasalita nang
parang tao.

V. Application
Pagpapahalaga:
Ang Pilipinas ay maraming natatagong kagubatab kung saan
nagiging tirahan ng mga hayop.
Bilang isang Pilipino, anong kuwento ang maaari mong gawin na ang
tauhan ay hayop?

3 Nakikilala ang suprasegmental Ponemang I. PANIMULANG GAWAIN (Introduction /Review of the lesson) .
Pagninilay: (antala/hinto, diin at tono) sa Suprasegmental 1. Pang-araw-araw na
pagbigkas ng Haiku at Tanka. Gawain
-Pagdarasal
-Pagpapalinis
-Pagtatala ng liban

2. Balik-aral

II. PAGLINANG NG ARALIN COT 2


(Developmental Activities)
1. Aktibiti/Gawain
a. Pagganyak
Tingnan ang nakadikit na DLP

b. Talasalitaan
c. Malayang Talakayan
1. Paglalahad ng Aralin

2. Pangkatang Gawain/Indibidwal na Gawain

III. Analysis

IV. Abstraction

V. Application
Pagpapahalaga:

4 Nagagamit ang iba’t ibang Ekspresyon sa I. PANIMULANG GAWAIN (Introduction /Review of the lesson) P
Pagninilay: ekpresyon sa pagpapahayag Pagpapahayag ng 1. Pang-araw-araw na
ng damdamin. damdamin Gawain
-Pagdarasal
-Pagpapalinis
-Pagtatala ng liban

2. Balik-aral

II. PAGLINANG NG ARALIN


(Developmental Activities)
1. Aktibiti/Gawain
a. Pagganyak
Bubunot ang mga mag-aaral ng iba’t ibang sitwasyon at
kailangan nila itong ipakita sa harap ng klase:

SITWASYON#1: Nagbakasyon ka sa Bohol at namangha ka sa


ganda ng Chocolate Hills. Ano angiyong reaksyon?

SITWASYON#2: Umuwi ka sa inyong tahanan na kumakalam ang


sikmura at nalaman mong walanang ulam. Ipakita mo ang
reaksyon.

SITWASYON#3: Nanalo sa isang paligsahan ang kaibigan mo at


gusto mo makatikim ng katas ngkanyang pagkapanalo. Paano mo
sasabihin sa kanya sa pamamagitan ng pahiwatig?

b. Talasalitaan
c. Malayang Talakayan
1. Paglalahad ng Aralin

Pagsuri sa Video ng mga sumusunod na eskena mula sa


pinalakang tabi:
1. Eksena mula sa ANAK
2. Eksena mula sa MADRASTA
3. Eksena mula sa FOUR SISTERS AND A WEDDING

2. Pangkatang Gawain/Indibidwal na Gawain


Pangkatang Gawain:
Maalaala mo kaya!
Ipakita sa isang maikling eksena ang mga sumusunod na emosyon at
damdamin-

GALIT-
KASIYAHAN-

PAG-ASA-

PAGTATAKA

Pamantayan:
1. Nilalaman 10pts
2. Arte 5pts
3. Orihinalidad 5pts
KABUUAN 20 PUNTOS

III. Analysis

Paano nababago ng matinding emosyon ang isang pahayag o


pangungusap?

IV. Abstraction

Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin


1. Mga Pangungusap na Padamdam – Ito ay mga pangungusap na
nagpapahayag ng matinding damdamin o emosyon. Ginagamitan ito
ng tandang padamdam (!)
Halimbawa: • Naku po, hindi ko maaatim na patayin ang inosenteng
sanggol na ito! • Ang sakit malamang ang sariling anak ang
pumaslang sa ama!
2. Maiikling Sambitla – Ito ay mga sambitlang iisahin o dadalawahing
pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa: Galing! Aray! Ay! Yehey! Sakit! Sarap! Grabe! Wow! •
Aray! Nasugatan ako ng patalim.
• Wow! Ang bango ng ulam natin ngayon.

3. Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o


Emosyon ng Isang Tao – Ito’y mga pangungusap na pasalaysay
kaya’t hindi nagsasaad ng matinding damdamin, ngunit ito ay
nagpapakita ng tiyak na damdamin o emosyon.

Halimbawa:
Kasiyahan: Napakasayang isipin na may isang bata na namang
isinilang sa mundo.
Pagtataka: Hindi ko lubos maisip kung bakit ipatatapon ng isang
magulang ang isang walang kamalay-malay na sanggol.
Pagkalungkot: Masakit isiping ang mag ama ay ang nagharap sa
isang pagtutunggali.
Pagkagalit: Hindi dapat kinikitil ang buhay ng isang sanggol.
Pasang-ayon: Tama ang naging desisyon ng pastol na hindi patayin
ang bata. Pagpapasalamat: Mabuti na lamang at nakapag-isip ang
pastol.

4. Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi


Tuwirang Paraan – Ito ay mga pangungusap na gumagamit ng
matatalinghagang salita sa halip na tuwirang paraan.

Halimbawa:
• Kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko ang mga magulang na
pinababayaan ang mga anak. (Ibig sabihin ng kumukulo ang dugo ay
galit na galit.)

• Isa kang anghel sa langit (Mabait at mabuti ang tao)

V. Application
Pagpapahalaga:
Bilang mag-aaral ng Kasiglahenyos, paano mo ipapahayag ang iyong
emosyon mula sa napanood mong eksena sa anumang palabas sa
telebisyon?

5 Naisusulat ang paglalarawan Pagsulat ng Pabula


Pagninilay: sa mga hayop na ginamit sa I. PANIMULANG GAWAIN (Introduction /Review of the lesson)
pabula. 1. Pang-araw-araw na
Gawain
-Pagdarasal
-Pagpapalinis
-Pagtatala ng liban

2. Balik-aral
Isa-isahin ang eksresyon sa pagpapahayag ng damdamin.
II. PAGLINANG NG ARALIN
(Developmental Activities)
1. Aktibiti/Gawain
a. Pagganyak
b. Talasalitaan
Magsaliksik tungkol sa
c. Malayang Talakayan
sanaysay.
1. Paglalahad ng Aralin
Sitwasyon: Magdaraos ng iang “Team Building Workshop” ang
inyong kompanya. Layunin ng workshop na mapagtibay ang
pagkakaisa, pagmamalasakit at dedikasyon sa trabaho ng inyong
mga kawani.
Isa sa mga Gawain/paligsahan na iyong ipagagawa ay
pangkatang pagsulat ng pabula. Ang bawat miyembro ng pangkat ay
pipili ng hayop na sumisimbolo ng kanilang pagkatao at ang mga
hayop na sumisimbolo ng kanilang pagkatao at ang mga hayop na
kanilang napili ay gagawin nilang tauhan sa pabulang kanilang
isusulat.

2. Pangkatang Gawain/Indibidwal na Gawain


Pagsulat ng Pabula

Pamantayan
a. Orihinalidad 5
b. Pagiging Malikhain 5
c. Pagkakabuo ng Kuwento 5
d. Malinaw na Paglalahad ng Mensahe 5
20

III. Analysis
Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng pabula?

IV. Abstraction
Pagtalakay sa pagsulat ng Pabula
1. Pumili ng moral o mahalagang kaisipan.
2. Lumikha ng Tauhan
3. Iaayos ang banghay
4. Ilahad ang naging wakas

V. Application
Pagpapahalaga:
Bilang mag-aaral ng Kasiglahenyos, ano ang kahalagahan ng
pagsulat ng pabula?

Tala:

Inihanda ni:
GENITA LUZ T. ALINDAY
Guro sa Filipino

Sinuri ni:

MARLITA H. DE VERA
Department Chairperson

Nabatid ni:

MARIA CRISTINA S. MARASIGAN, Ed. D


Principal IV

You might also like