You are on page 1of 6

PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA

PAUNANG REPLEKTIBONG SANAYSAY

“Ano ang masasabi mo sa Asignaturang Filipino”

_______________________________________________________

Pundasyon ng Edukasyong Pangwika

Dr. Vidal Mendoza Jr.

________________________________________________________

Ipinasa ni:

Genita Luz T. Alinday

Marso 12, 2022

Master sa Artes ng Filipinolohiya


PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA

KAALAMAN SA ASIGNATURANG FILIPINO

PANIMULA

Malaking bahagi ng pag-aaral ang asignaturang Filipino sapagkat dito

natin natutunan ang tamang pagbigkas ng mga salita, pagpapalawak ng

bokabularyo at tamang pagbabaybay sa Wikang Filipino. Dito rin natin

nakilala ang ang pagkakaiba ng maikling kuwento, alamat, kuwentong

bayan, sanaysay, tula atbp. Nakilala rin natin ang mga batikang manunulat

na madalas nating nababasa sa mga aklat. Mas naging hamon din pag-

aralan ang gramatika na akala natin tama na ang paggamit natin ng mga

salita. Nakapokus tayo sa pagtatama ng grammar sa Ingles pero hindi natin

napapansin ang tamang paggamit ng sarili nating wika.

NILALAMAN

Filipino, maaaring wika maaaring asignatura pero iisa lang ang layunin

nito ang ituro ang Wikang Filipino, sabi nga bago natin aralin ang wikang

dayuhan pagtuunan muna natin ang sarili nating wika na mapag-aaralan

yan sa asignaturang Filipino. Sinasaklaw ng asignaturang ito ang

panitikan, uri pananalita, gramatika at iba pa. Madalas kong marinig na

“Filipino lang hindi mo pa maintindihan” Filipino lang ibinagsak mo pa”

Nakakapanting ng tainga sapagkat madaling sabihin ang salitang “lang”


PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
pero isa itong pangmamaliit sa wikang ating nakagisnan. Kung iisipin mas

mahirap ito aralin sapagkat ang wika natin ay nadadagdagan at nababago.

Kailangan ng patuloy na pag-aaral upang mas mapunlad ang kaalaman

hinggil sa wika. Ang Filipino bilang asignatura ay pagpapalawak ng ating

wika at kultura, sa pamamagitan ng pagtuturo nito nahahasa ang ating

kakayahan sa pagsasalita ng Filipino. Isa sa kakaibang nagagawa ng ating

wika ay pagbabaliktad ng mga salita sa pangungusap pero naiitindihan at

buo pa rin ang pangungusap. Halimbawa “Ang pusa ay nasa basahan”

kapag binaligtad natin “Nasa basahan ang pusa” naiintindihan pa rin natin

ang nais ipahiwatig ng pangungusap na hindi nagagawa sa Ingles. Madalas

na marinig ko sa mga bata na mahirap intindihin ang salita sa kanilang mga

nababasa dahil malalim daw ito na lagi kong itinatama “Walang salitang

malalim ang tamang termino ay matatalinghagang salita.” Kaya

nakakatuwa na sa mga kuwento ay naglalagay ng talasalitaan upang higit

na maintindihan ng mga bata. Hindi sapat na nababasa lang at nagagamit

sa pangungusap mas madaling magamit kung ito ay naiintindihan. Ang

wika natin ay patuloy na nadagdagan at dapat pag-aralan may mga salitang

kaugnay sa wika ng pangkat-etniko na bago sa ating pandinig kaya ang

pag-aaral sa Filipino ay hindi dapat natatapos. Pahalagahan ito kung paano

pahalagahan ng ibang unibersidad sa ibang bansa na itinuturo ang Filipino.

Isa si Dr. Teresita Ramos, isang Pilipino na nagturo ng Filipino sa

University of Hawaii ayon sa kaniya ang pagtuturo ng panitikan at literatura

ay hindi makakarating sa mga Pilipino lamang kundi sa mga estudyanteng


PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
di-Pilipino rin upang ipaalam na mayroon tayong mahusay na panitikan. Sa

Peking University sa China pinag-aaralan ang wikang Filipino sa

pangunguna ni Dr. Ato o Shi Yang ayon sa kanya pinag-aaralan nila ito

upang mas madaling maunawaan ang ating kultura ang mas nakakatuwa

hindi sila Filipino-Chinese, sila ay ipinanganak at lumaki sa mainland ng

China, gayundin sa Humboldt University sa Germany na isang Pilipinong

professor ang nanguna sa paglulunsad nito siya ay si Propesor Antonio

Galang Jr. na mula sa University of the Philippines (UP) sinang-ayunan

naman ito ng embahada ng Pilipinas sa Germany.

Noong Oktubre 2018 lumabas ang kautusan ng Korte Suprema

hinggil sa CHED Memo Blg. 20, s. 2013 (“CHED Memo Blg. 20”) na

tinatanggal ang Asignaturang Filipino sa kolehiyo ikinatuwiran ng CHED na

hindi nagagamit ang panitikan at asignatura sa ilang mga pangunahing

kurso sa Kolehiyo na mariing tinutulan ng Tanggol Wika at mga guro sa

Filipino. Ayon pa kay UP Department of Filipino Chairman Vlademeir

Gonzales “Ang malalang krisis pang-ekonomiya na kinakaharap ng bansa

ay kinokomunika gamit ang ating wika. Ang panawagan ng mga drayber at

manininda sa unibersidad ay naririnig natin sa ating wika. Ang wika ng mga

ordinaryong mamamayan ang wikang dapat inaaral at dinadalubhasa,” Ito

ay patunay lamang na hindi sasapat ang naaral natin sa elementarya at

sekondarya bagkos ito ay mas napapalalim sa kolehiyo. Ang pagtalikod sa

wikang ating nakagisnan ay isang pag-aalipusta at paglimot sa mga

bayaning nagtanggol upang makamit natin ito. Nasa bansa tayo kung saan
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
ang batas ay mananatiling batas hindi dapat umayon sa lahat kung hindi

naman nararapat bagkos ipagtanggol natin kung ano ang tama.

KONKLUSYON

May mga handa pa ring manindigan sa pagpapatuloy ng pagtuturo ng

Wikang Filipino at Panitikan sa kolehiyo bilang batayang kurso sa General

Education Curriculum. Ang paniniwala at pagpapahalaga sa Wikang

Filipino ay nagpapalalim ng pagiging mapanuri, malikhain, at malaya sa

pagpapahayag ng kanilang saloobin sa wikang nakagisnan. Ang Wikang

Filipino ay ang wikang itinakda ng konstitusyon ng Pilipinas kaya dapat

patuloy itong pagyabungin at paunlarin ng mamamayang Pilipino. Ito ay

sandata sa pagtataguyod ng katotohanan na tanging tayo lamang ang

nakakaalam kung ano ang tama at nararapat. Nakakalungkot lang sa kabila

ng patuloy na pagkilala ng ibang bansa sa ating wika ang pagtalikod

naman ng ating kawani. Naniniwala ako darating ang panahon na

maibabalik ito at mamumulat sila na kayamanan ang ating Wika kaya bilang

guro sa Filipino tayo ang magiging daan upang mapalawak at mapaunlad

pa ito.

SANGGUNIAN

http://liwanagatdilim.cdh.ucla.edu/filipino2011/__Wika/Entries/

2011/6/12_Mga_Guro_ng_Wikang_Filipino_sa_Ibat_Ibang_Unibersidad.html
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA
http://filipino.cri.cn/501/2017/11/16/106s152826.htm

https://news.definitelyfilipino.net/posts/2019/11/wikang-filipino-itinuturo-na-

sa-isang-unibersidad-sa-berlin-germany-sa-pangunguna-ng-isang-pinoy-

na-propesor/

https://kwf.gov.ph/paglilinaw-sa-pasiya-ng-korte-suprema-noong-9-

oktubre-2018-hinggil-sa-constitutionality-ng-ched-memo-blg-20-s-2013-na-

nagbabago-sa-core-courses-sa-antas-tersiyarya/

You might also like