100% found this document useful (3 votes)
4K views3 pages

Buwan NG Wika 2022

Ang dokumento ay tungkol sa pambungad na programa para sa Buwan ng Wika 2022. Naglalaman ito ng iba't ibang aktibidad gaya ng pag-awit ng mga awitin, panalangin, at pagbasa ng memo. May inspirasyunal na mensahe mula sa prinsipal at distrito supervisor. Pinapakita rin ang kasaysayan ng wikang pambansa at pag-unlad nito sa pamamagitan ng mga presentation. Nagtatapos ito sa panapos na mensahe at awiting makabayan.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (3 votes)
4K views3 pages

Buwan NG Wika 2022

Ang dokumento ay tungkol sa pambungad na programa para sa Buwan ng Wika 2022. Naglalaman ito ng iba't ibang aktibidad gaya ng pag-awit ng mga awitin, panalangin, at pagbasa ng memo. May inspirasyunal na mensahe mula sa prinsipal at distrito supervisor. Pinapakita rin ang kasaysayan ng wikang pambansa at pag-unlad nito sa pamamagitan ng mga presentation. Nagtatapos ito sa panapos na mensahe at awiting makabayan.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

BUWAN NG WIKA 2022

G: Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda: kaya ating
pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala. Ito ay tanyag na katagang nagmula sa
ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal na nagbigay kahalagahan sa wika, sa buhay ng
isang tao. Bilang pagtangkilik ng ating paaralan sa Buwan ng Wika, ay uumpisahan
na natin ang Pagpupugay sa Wikang Filipino ngayong Buwan ng Wika na may temang:
FILIPINO AT MGA KATUTUBONG WIKA: KASANGKAPAN SA PAGTUKLAS AT
PAGLIKHA.

Isang mapagpalang umaga sa ating lahat!

Sa araw na ito, isang pagkakataon na naman ang sa atin ay naibigay upang iparating sa ating
mga kababayan na ang ating Pambansang Wika ay hindi lamang para sa
pakikipagkomunikasyon ngunit siya ring pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilang isang
indibidwal at bilang isang bansa.

I-II. PAMBANSANG AWIT at PANALANGIN


G: At bilang pasimula, inaanyayahan ko ang lahat na tumayo para sa Pambansang Awit ng
Pilipinas na susundan ng panalangin.

[Pambansang Awit ng Pilipinas]


[Panalangin]

III-IV.. REGIONAL HYMN, HIMAMAYLAN CITY DIVISION HYMN


G: At para magbigay pugay sa ating rehiyon at dibisyong kinabibilangan, ating awitin ang ating
Regional Hymn na susundan ng Himamaylan City Division Hymn.

[Regional Hymn]
[Himamaylan City Division Hymn]

V. PAMBUNGAD NA SALITA
(Maaari nang maupo ang lahat)

Sa puntong ito, tinatawagan ang ating butihing guro sa Filipino mula sa departamento ng Senior
High School, Gng. Mary Jane Suello upang magbigay ng Pambungad na salita. Bigyan po natin
siya ng masigabong palakpakan!

VI. INSPIRASYUNAL NA MENSAHE


At syempre, hindi mabubuo ang ating selebrasyon kung hindi natin mapakikinggan ang isang
inspirasyunal na mensahe mula sa ating napakaaktibong OIC School Principal at Public
Schools District Supervisor, G. Reynando C. Jainga.

(Maraming Salamat, G. Jainga!)

VII. PAGBASA NG MEMO (BUWAN NG WIKANG PAMBANSA)


Ngayon, upang basahin ang Memorandum ukol sa Buwan ng Wikang Pambansa, aking
tinatawagan ang isa sa pinakamahusay at dedikadong guro sa Filipino mula sa JHS, Gng.
Adora D. Balalitan.
VIII. MENSAHE AT PALIWANAG SA TEMA NG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2022

Sa oras na ito, ating alamin ang dahilan sa pagbubuo at mensaheng hatid ng Tema ng Buwan
ng Wikang Pambansa ngayong taon. Ating tunghayan ang paliwanag ni G. Gaudencio Luis
Serrano.

(play VTR…)

IX. KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay buhay rito. Ito ang
nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa
pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao.

Ngayon, ating panoorin ang Kasaysayan ng Buwan ng Wika sa pamamagitan ng video


presentation na inihanda ng ating mga piling mag-aaral mula sa Grade 11 STEM 3.

X. KASAYSAYAN NG PAG-UNLAD NG WIKANG PAMBANSA


G: Napakahusay! Komprehensibong presentasyon! Maraming salamat Grade 11 STEM 3.

Ako, ikaw, tayo ay Pilipino. Kaya naman, nararapat lamang na tayo’y maalam ukol sa
kasaysayan kung paano lumago, yumabong at umunlad ang ating Wikang Pambansa – ang
Filipino. Panoorin natin ito!

(play VTR…)

XI. SULYAP SA NAKARAAN.


Sabi nga nila, bakas ng nakaraan, kaakibat ng hinaharap. Kaya ngayon, tayo’y magbabalik-
tanaw sa nagdaan at mamangha sa talentong ibabahagi ng mga mag-aaral ng Himamaylan
National High School.
Bigyan natin sila ng masigabong palakpakan!!!

XII. PANAPOS NA MENSAHE

(Napakahusay!)

Ngayon, binabati at pinapasalamatan namin ang lahat ng nagtaguyod sa Pambungad na


Programa ng Buwan ng Wika Dalawang libo dalawampu’t dalawa. At dito na nagwawakas
ang ating programa sa araw na ito.

Ako po si Bb. April Rhose C. Albito, na nagsasabing Mabuhay ang Filipino at mga Katutubong
Wika dahil ito ang Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha!
Hanggang sa muli!
VII. AWITING MAKABAYAN

Halos tatlong taong paghihirap na dulot ng pandemya, ngunit heto, narito pa rin tayo ngayon
patuloy na lumalaban sa agos ng buhay. Nakapagtataka man kung paano natin ito nalampasan,
ang mahalaga’y mas napaigting natin ang diwa ng bayanihan. Kaya sa oras na ito, ating
pakinggan at damhin ang mensaheng hatid ng Awiting Makabayan na isinulat ni Roel Rostata
na pinamagatan niyang “Bagani”.

You might also like