You are on page 1of 12

1

ISKRIP PARA SA BUWAN NG WIKA


(LAKAN AT LAKAMBINI)

I. PAGBUBUKAS NG PALATUNTUNAN

Estudyante A: Sa ating minamahal na tagapangasiwa, sa aming mga guro,


sa aming mga kapwa mag-aaral, mga magulang at sa ating mga hurado, isa
pong mapagpalang hapon sa inyong lahat.
Ako po si Binibining/ Ginoong _____________mula sa ika-___baitang.

Estudyante B: At ako naman po si Binibining/ Ginoong_______ng baitang


__

Estudyante C: Bilang kinatawan ng ika-____baitang, ako si


Binibining/Ginoong ____________.

Estudyante D: Kabahagi rin ang ika-__ baitang at ako si Binibini/Ginoong


______.

Estudyante A, B, C at D: At kami ang inyong tagapangasiwa ng


palatuntunan sa PAGDIRIWANG NG WIKANG PAMBANSA (taong
dalawang libo’t dalawamput tatlo) 2023.

Estudyante A: Sa pagdating ng Buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang natin


ang Buwan ng Wika upang mabalik-tanaw ang kadakilaang ginawa ng ating
itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa, Manuel L. Quezon. Siya ang
naging tulay upang magkaroon ng pagkakaisa ang ating bansa sa pagtalaga
ng isang pambansang Wika ang Filipino.

Estudyante B: Sa taong ito, ang St. Andrew Montessori and High School ay
nakikiisa sa buong bansa upang ipagdiwang ang Wikang Pambansa na may
temang, “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan,
Seguridad at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan”

Estudyante A: Isang paraan ng pagdiriwang ng ating paaralan ay ang iba’t


ibang patimpalak at isa sa mga pinakahihintay ng lahat ay ang Lakan at
Lakambini upang ipakita na ang mga Pilipino ay hindi lamang magaganda’t
makikisig ngunit mayroon ding angking talino. Ngayon pa lamang ay
2

nagpapasalamat na kami sa mga mag-aaral, magulang, guro, punong-guro at


sa aming minamahal na tagapangasiwa sa pagsasagawa ng ganitong
pagdiriwang.

II. PANALANGIN
Estudyante D: Sa pagsisimula ng ating pagdiriwang, maaaring tumayo
tayong lahat para sa ating panalangin na pangungunahan ng mga mag-aaral
mula sa ika labindalawang baitang ng HUMSS.

III. PAMBANSANG AWIT


Estudyante A: Manatili po tayong nakatayo para sa pagbibigay pugay sa
ating Pambansang watawat at sa pag-awit ng Lupang Hinirang sa pagkumpas
ni Binibining Hezekiah Nicole Tablada ng ika siyam na baitang.

Estudyante A: Maraming salamat sa’yo Binibining Hezekiah.

IV. PAMBUNGAD NA PANANALITA

Estudyante B: Sa puntong ito ay makinig naman po tayo sa isang


Pambungad na Pananalita mula kay Jacy Yuan Camacho, upang ibahagi ang
kaalaman sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Bigyan po natin siya nang
masigabong palakpakan.
(Pambungad na Pananalita)
Estudyante C: Maraming salamat sa iyong pananalitang nakapagbigay
kaalaman at inspirasyon sa ating kapwa mag-aaral. Tunay nga na
napakahalaga ng paggamit ng ating sariling wika.

VI. PAGPAPAKILALA SA MGA HURADO


Estudyante A: Sa puntong ito, nais kong ipakilala ang mga magiging hurado
ngayong hapon. Handa na ba kayong sila’y makilala? Narito ang mga
magaganda at huwarang guro ng ating paaralan. Ang ating unang hurado ay
nakapagtapos ng Batsilyer sa Elementaryang Edukasyon sa Unibersidad ng
Lungsod ng Urdaneta, isang lisensyadong guro at tagapayo ng Ikalawang
Baitang, ating palakpakan si Binibining Nathalie Joy Britos.
3

Estudyante B: Sunod naman nating tawagin ang guro na nakapagtapos sa


Phinma Unibersidad ng Pangasinan- Dagupan, may hawak na Batsilyer sa
Sekundaryang Edukasyon na nagpakadalubhasa sa Ingles, at kasalukuyang
tagapayo ng Ikaanim na baitang, isang mainit na palakpakan para kay
Binibining Jeryle Villanueva.
Estudyante A: Huli man sa listahan ngunit nangunguna naman pagdating sa
husay at dedikasyon sa pagtuturo. Nakapagtapos siya ng kaniyang Batsilyer
ng Agham sa Arkitektura at isa ring lisensyadong arkitekto. Dahil sa
kaniyang interes at pagmamahal sa pagtuturo ay kumuha siya ng Master ng
Edukasyon na nagpakadalubhasa sa Pamamahala at Pamamalakad gayundin
ng Doktor sa Edukasyon. Ang mga ito ay kaniyang natapos sa Eulogio
“Amang” Rodriguez Institusyon ng Agham at Teknolohiya, kaya’t bigyan
natin siya ng isang masigabong palakpakan, ang ating punong guro, Ginang
Juliet R. Tan!

VII. PAGLALAHAD NG MEKANIKS AT KRAYTERYA


Estudyante D: Ngayon naman tayo ay tumungo sa paglalahad ng mekaniks
at krayterya para sa ating patimpalak ngayong hapon.
Estudyante A: Para sa mekaniks, ang gawain ay bukas lamang sa mga
beripikado at kasalukuyang mag-aaral ng SAMHSI ng taong pampaaralan
dalawang libo’t dalawamput tatlo hanggang dalawang libo’t dalawamput
apat.
Estudyante B: Ang gawain ay binubuo ng dalawang (2) mag-aaral (Lakan at
Lakambini) mula sa Junior High School at bawat strands ng Senior High
School.

Estudyante C: Ang bawat kalahok ay maghahanda ng kasuotan tulad ng


Kaswal na kasuotan, Kasuotang Panlaro at Filipinana para sa babae at Barong
sa lalaki.

Estudyante D: Ang hindi tumupad sa mga nabanggit ay may kabawasanng


puntos sa bawat panuntunan. Ang desisyon ng inampalan ay pinal at hindi na
maaring mabago.

Estudyante A: Narito naman ang krayterya sa ating patimpalak ngayong


hapon. Una, pisikal na kagandahan at kakisigan: tatlumpong porsyento.
Ikalawa, galing sa pagdala o pagpresenta ng damit na may dalawampu’t
limang porsyento. Habang ang Pagka-makabayan o Kasuotan, ay mayroong
dalawampu’t limang porsyento at ang huli ay ang dating sa manonood na
may dalawapung porsyento, na may kabuoang isang daang porsyento.
4

Estudyante B: Samantala, narito naman ang krayterya para sa Pagsagot ng


katanungan. Una, mensahe o nilalaman na mayroong limampung porsyento.
Sunod, ang orihinalidad na may labinlimang porsyento, Kaugnayan sa paksa,
dalawampung porsyento at Pagkamakabayan na mayroong labinlimang
porsyento na may kabuoang isang daang porsyento.

VII. PRESENTASYON NG MGA KALAHOK


Estudyante C: Alam kong kayo’y nasasabik nang makilala ang ating mga
kalahok, kaya’t ‘wag na nating patagalin pa. Narito na ang mga makikisig at
magagandang kandidata. Bigyan natin ng isang masigabong palakpakan.
(Presentasyon ng mga Kalahok/Casual Wear)

Estudyante D: Talagang pambungad pa lamang ay makikitang handang-


handa ang ating mga kalahok at kanilang ipinamalas ang kanilang husay sa
pagdadala ng kanilang kasuotan kasabay ng saliw ng musika.

Estudyante A: Kung kaya’t ating kilalanin ang nagkamit ng gantimpala sa


kaswal na kasuotan. Sino sa tingin ninyo?
Akin pong tinatawagan si Binibining Jeryle Villanueva upang igawad sa ating
mananalong kalahok ang kanilang sertipiko.
Ang nagwagi para sa may pinakamagandang kaswal na kasuotan ay sina
Ginoong_______________at Binibining _____________.
Estudyante A: Palakpakan natin ulit ang ating mga kalahok, at maghanda
para sa inyong Kasuotang Panlaro.

VIII. PAGTATANGHAL
Estudyante B: Ayan, tunay na nakabibihagni ang kanilang kakisigan at
kagandahan. Ngayon naman habang sila ay naghahanda para sa kanilang
Kasuotang Panlaro, pasisiklabin naman ang ating entablado ng mga mag-
aaral ng Ikapito at Ikawalong baitang para sa kanilang katutubong sayaw.
(Sayaw ng Grade 7 at 8)
Estudyante B: Palakpakan naman natin sila, tunay na magaling at mahusay
sa sayawan ang mga mag-aaral ng Ikapito at Ikawalong baitang.
5

IX: PRESENTASYON NG KALAHOK


Estudyante C: Inyong tunghayan ang ating mga kalahok sa kanilang
Kasuotang Panlaro! Wala bang palapakan diyan!
(Presentasyon ng mga Kalahok sa kanilang Sports Wear)
Estudyante C: Maging sa pampalakasan ay hindi pahuhuli ang ating mga
kalahok na nagpakita ng kaniya-kaniyang kasuotan pagdating sa napiling
isports.
Sasamahan naman ni Binibining Nathalie Joy Britos ang mapipiling
magwawagi sa may pinakamagandang Kasuotang Panlaro.

Estudyante D: Para sa may pinakamagandang Kasuotang Panlaro, ang


nagwagi ay sina Ginoong___________ at Binibining ________________

Estudyante D: Talaga namang isang pangmalakasang Kasuotang Panlaro


ang ipinakita ng ating mga kalahok! Muli palakpakan natin sila, at humanda
na para sa inyong Filipinana at Barong na kasuotan.

X: PAGTATANGHAL
Estudyante A: Hindi tayo mabibitin sa ating aktibidad ngayong araw, kaya’t
aking tinatawagan si Ginoong Karl Giayafrancia mula sa TVL ng
ikalabindalawang baitang upang ipamalas ang kanyang angking talento.
(Pagpapakita ng Talento)
Estudyante A: Napakagaling mo naman po sa _______________, maraming
salamat sa iyong ipinakitang presentasyon.

XI: PRESENTASYON NG KALAHOK (FILIPINANA/ BARONG)


Estudyante B: Handa na nilang ipamalas ang kanilang mga kasuotan sa
Filipinana at Barong. Salubungin natin ang ating mga kalahok ng masigabong
palakpakan,
(Presentasyon ng Barong at Filipinana)
6

Estudyante C: Palakpakan naman natin sila! Ngayon, tunghayan muna natin


ang ipapakitang talento ni ___________________ mula sa ika_______
baitang. Palakpakan natin.
(Pagpapakita ng Talento)
Estudyante D: Maraming salamat sa isang nakamamanghang pagtatanghal.

Estudyante A: Handa na ba ang ating mga kalahok para sa susunod na punto


ng ating programa? Humanda na ang lahat, dahil dito masusubukan ang ating
mga kalahok na hindi lamang sila makikisig at magaganda ngunit may taglay
ding talino.
Estudyante B: Ang bawat kalahok ay may pagkakataong sumagot sa bawat
katanungan na magmumula sa ating mga punong hurado. Ang ayos ng
pagsagot sa katanungan ay batay sa inyong mga bilang. Kaya’t aking
tinatawagan ang unang pares na pumunta sa harapan at bumunot ng huradong
magbibigay sa inyo ng katanungan.
(Pagsagot ng mga unang kalahok sa katanungan)
Estudyante C: Napakahusay naman ng inyong kasagutan, maraming salamat
sa ating unang kalahok. Ngayon naman, aking tinatawagan ang pangalawang
kalahok na pumunta sa harapan.
(Pagsagot ng mga ikalawang kalahok sa katanungan)
Estudyante D: Talaga namang pinaghandaan ang pagsagot sa katanungan,
maraming salamat. Sunod na magbibigay ng kanilang kasagutan ay ang
pangatlong kalahok.
(Pagsagot ng mga ikatlong kalahok sa katanungan)
Estudyante A: Malawak ang inyong kaisipan pagdating sa wika, maraming
salamat sa ating ikatlong kalahok. Atin namang pakinggan ang kasagutan ng
ikaapat na kalahok.
(Pagsagot ng mga ikaapat na kalahok sa katanungan)
Estudyante B: Hindi rin nagpahuli ang ikaapat na kalahok sa pagbibigay ng
kanilang kasagutan. Salamat, atin namang pakinggan ang ikalimang kalahok.
(Pagsagot ng mga ikalimang kalahok sa katanungan)
Estudyante C: Mahusay din ang pananaw ng ating ikalimang kalahok batay
sa kanilang kasagutan. Maraming salamat, sunod naman nating tawagin ang
ikaanim na kalahok.
(Pagsagot ng mga ikaanim na kalahok sa katanungan)
7

Estudyante D: Kakaibang punto naman ang inihayag ng ating ikaanim


kalahok. Salamat. At atin namang tawagin ang ikapitong kalahok upang
ipamalas ang kanilang husay sa pagsagot ng katanungan.
(Pagsagot ng mga ikapitong kalahok sa katanungan)
Estudyante A: Maraming salamat sa inyong mahusay at matalinong
pagsagot sa mga katanungang inihanda ng mga punong hurado. Talaga
namang naghanda ang lahat at pinatunayang hindi lamang sila palaban sa
pagandahan at pakisigan kundi pati na rin sa husay sa pagsagot ng mga
katanungan.

Estudyante B: Bago tayo dumako sa huli at pinakaaantay na punto ng ating


programa, tinatawagan ko ang ikasiyam at ikasampung baitang para sa
kanilang inihandang presentasyon. Palapakan natin.
(Sayaw ng Grade 9 at 10)
Estudyante A: Nakamamangha naman ang inihandang pagtatanghal ng
ikasiyam at ikasampung baitang, muli natin silang palakpakan.
Ito na ang pinakahihintay ng lahat, handa na ba kayong malaman kung sino
ang hihiranging Lakan at Lakambini dalawang libo’t dalawamput tatlo?

Estudyante D: Muli pong tinatawagan sa harapan sina Binibining Jeryle at


Binibining Nathalie upang ipagkaloob naman ang sertipiko para sa
mananalong kalahok para sa may pinaka natatanging kasuotan.
Ating unang parangalan ang nagkamit ng Lakan at Lakambini ng
Natatanging kasuotan at ito ay sina Ginoong __________ at
Binibining __________________.
.
Estudyante A: Upang igawad naman ang mga nanalo sa Ginoo at Binibining
Mindanao hanggang Luzon, ay ipagkakaloob ni Ginang Juliet R. Tan.
Para sa Lakan at Lakambini ng Mindanao, ang nagkamit ng gantimpala ay
sina Ginoong__________ at Bininining_________. Ang inyo namang Lakan
at Lambini ng Visayas ay sina Ginoong____________at
Binibining__________. At nakamit nina Ginoong_________ at
Binibining_________ ang Lakan at Lakambini ng Luzon.
Estudyante A: Maraming salamat sa mga nagkamit ng gantimpala.
8

Estudyante A: Sa puntong ito atin namang kilalanin ang mananalo para sa


espesyal na parangal at ito ang napusuang kalahok ng madla o “People’s
Choice Award”. Ito ay isang birtwal na gawain na ipinaskil sa opisyal na
facebook page ng SAMHSI, naganap ito sa pagitan ng ikatatlumpo’t isa ng
Agosto hanggang ikaanim ng Setyembre taong kasalukuyan.
Upang igawad ang sertipiko at pagkilala aking tinatawagan sa Binibining
_________.
Ang nanalo ng “Peoples Choice Award” ay sina Ginoong _________ at
Binibining _________. Palakpakan natin.

Estudyante B: Para naman sa ating Pangalawa at Unang pwesto bilang


Lakan at Lakambini ay inaanyayahan ko po ang ating tatlong hurado upang
ipagkaloob sa ating kalahok ang kanilang mga sertipiko.
Ngayon naman tayo ay dumako sa paggawad ng parangal para sa nakakuha
ng titulong pangalawang pwesto bilang Lakan at Lakambini taong dalawang
libo’t dalawamput tatlo ay sina Ginoong___________ at
Binibining_____________.
Para naman sa unang pwesto bilang Lakan at Lakambini dalawang libo’t
dalawamput tatlo ay nakuha nina Ginoong_____________ at Binibining
_______________.
Estudyante A: Bago natin koronahan ang ating bagong Lakan at Lakambini
sa taong ito ay atin munang sasaksihan ang huling pagtapak sa entablado ng
dating Lakan at Lakambini taong (dalawang libo’t labing siyam)2019. Ating
tunghayan sina Emmery Josh Tan at Jan Lorraine Esposo ang inyong Lakan
at Lakambini taong (dalawang libo’t labing siyam) 2019. Salubungin natin
sila ng isang masigabong palakpakan.
Estudyante C: Maraming salamat Ginoong Emmery Josh Tan at Binibining
Jan Lorraine Esposo, Lakan at Lakambini ng Wika taong (dalawang libo’t
labing siyam)2019.

Estudyante D: Sino sa tingin niyo ang mag-uuwi ng titulo bilang ating


Lakan at Lakambini taong dalawang libo’t dalawamput tatlo?

Estudyante D: Nais kong tawagin si Ginoong Emmery Josh Tan upang


parangalan ang ating Lakan ng Wika taong (dalawang libo’t dalawampu’t
tatlo) 2023 at para naman sa ating Lakambini ng Wika taong (dalawang libo’t
9

dalawampu’t tatlo) 2023 ay inaanyayahan ko si Binibining Jan Lorraine


Esposo.

Estudyante A: Ang nanalo para sa titulong Lakan ng Wika ngayong taon ay


si Ginoong____________.
Para naman sa inyong Lakambini ng Wika ay si Binibining
_________________. Palakpakan natin sila.

Estudyante B: Ipinakita ng mga mag-aaral ng St. Andrew na hindi lang sila


magaganda’t makikisig ngunit matatalino rin. Ngunit, hindi pa riyan
nagtatapos ang ating programa ngayong hapon, dahil kayo naman ang bida
sapagkat malalaman na natin ang mga nagkamit ng gantimpala sa iba pang
aktibidad.
Estudyante C: Para naman igawad ang sertipiko at pagkilala sa mga
nagwagi sa iba't ibang patimpalak ay tinatawagan ko po ang ating Assistant
Director, Sir Jesus L. Duque at ang ating punong guro, Ma'am Juliet R. Tan.

Estudyante D: Sino kaya ang nanguna at nagpamalas ng natatanging husay


sa pagkulay? Ang nagkamit ng gantimpala ay si ________________.
Palakpakan natin siya.

Estudyante A: Sunod naman nating bigyang parangal ang nagpakita ng


talento sa pagguhit at paglikha ng islogan. Simulan natin sa husay sa paglikha
ng islogan. Mula sa kategorya ng una hanggang ikatlong baitang, ang
nagkamit ng gantimpala ay si___________________. Habang nakamit
naman ni ______ para sa kategorya ng ika-apat hanggang ika-anim na
baitang.

Estudyante B: Dumako naman tayo sa kategorya ng Junior High School.


Ang nagkamit ng ikatlong pwesto ay si_________. Nakuha naman ni
______ang ikalawang pwesto at para sa unang pwesto ay si__________.

Estudyante C: Pagdating naman sa kategorya ng Senior High School, ang


mag-uuwi ng ikatlong pwesto ay si _________. Sinundan ni _________, para
sa ikalawang pwesto at ang itinanghal sa unang pwesto ay si_____________.
10

Estudyante D: Atin namang parangalan ang mga nanalo pagdating sa husay


sa pagguhit. Mula sa kategorya ng una hanggang ikatlong baitang, ang
nagkamit ng gantimpala ay si___________________. Habang nakamit
naman ni ______ para sa kategorya ng ika-apat hanggang ika-anim na
baitang.

Estudyante A: Sino naman kaya ang nagsipagwagi sa kategorya ng Junior


High School. Ang nagkamit ng ikatlong pwesto ay si_________. Nakuha
naman ni ______ang ikalawang pwesto at para sa unang pwesto ay
si__________.

Estudyante B: Para sa kategorya ng Senior High School, ang mag-uuwi ng


ikatlong pwesto ay si _________. Sinundan ni _________, para sa ikalawang
pwesto at ang itinanghal sa unang pwesto ay si_____________.

Estudyante C: Atin namang saksihan ang mga nagwagi sa Sabayang


Pagbigkas. Para sa ikatlong gantimpala, mula ito sa ___________. Sunod ay
ang nakauha para sa Ikalawang pwesto ay ___________________ at ang
mag-uuwi ng unang pwesto ay ang________________. Palakpakan natin.
Napakahusay!

Estudyante D: Masasalamin sa ating ginawang programa ngayong araw na


hindi lamang sa pagandahan at pakisigan mahusay ang Andrewan’s kundi
maging sa matalinong pagsagot sa mga inihandang katanungan.
Sa puntong ito tinatawan ko si Shersaia Ysabelle Madriaga ng ikalimang
baitang para sa pagtatapos na salita.
(Pagtatapos na Salita)
Estudyante A: At diyan natatapos ang ating programa sa araw na ito, hangad
namin na ang pagtatapos ng ating pagdiriwang ay hindi nangangahulugang
pagtatapos ng pagmamahal sa wika, bagkus ay gamitin ito sa buong taon at
ipalaganap pa natin ito sa susunod na henerasyon. Ako si _____________

Estudyante B: at ako naman si_______________


Estudyante C: Ako po si____________
Estudyante D: at ako si _______________________
11

Estudyante A,B, C at D: Maraming salamat po at Magandang hapon.

Pambungad na Pananalita

Sa aming pinakamamahal na directress ng paaralang ito,/ Madam Lena


L. Duque,/ mam/, sa napakabait na presidente ng paaralang ito G. Alex L.
Duque,/ sir,/ sa butihing assistant director G. Jesus L. Duque,/ sir, sa ating
punong guro,/ Gng. Juliet R. Tan,/ mam,/sa mga guro,/ mga magulang,/ at
mga panauhin,/ isang mapagpalang hapon sa ating lahat.//

Narito na naman po tayo ulit/ na nagtitipon-tipon/ sa isang mahalagang


okasyon dito sa ating paaralan.// Lahat ay naghahanda at para sa pagtitipong
ito. Dito natin naipapakita ang pagkakaisa at ang pagiging Pilipino natin.//
Ika nga ni Gat. Jose Rizal “Ang hindi magmahal sa sariling wika,/ ay higit pa
sa malansang isda.”// Ito ang panahon kung saan ginugunita natin ang
taunang wikang pambansa.// Ayon nga sa ating tema:/ “Filipino at mga
Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad at Ingklusibong
Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan”. Hindi magkakaroon ng isang
matatag/ at buong pamayanan kung walang wikang nagbubuklod sa bawat
isa.// Ang wika ang dahilan kung bakit may nagbubuklod at nagkakaisa.//
Ang wika ay matibay na kasangkapan sa pakikipagtalastasan.// Ito rin ang
pinakamahalagang salik sa pagganap pagtupad bilang tao sa kanyang
lipunang ginagalawan.//

Sana huwag rin nating kalimutan/ na kahit marami mang ibang wika/
ang ating ginagamit ay manatili pa rin ang ating pagiging tatak Pilipino.//
Dahil ang wikang Filipino ay pondasyon ng pagkakaisa,/ pakikipagtalastasan/
at karunungan.//

Muli magandang hapon sa ating lahat.


12

Pagtatapos na Pananalita

Sa ating pinakamamahal na directress ng paaralang ito,/ Madam Lena


L. Duque,/ mam/, sa napakabait na presidente ng paaralang ito G. Alex L.
Duque,/ sir,/ sa butihing assistant director G. Jesus L. Duque,/ sir, sa ating
punong guro,/ Gng. Juliet R. Tan,/ mam,/ sa mga guro,/ mga magulang,/ at
mga panauhin,/ na dumalo sa pagtitipong isang mapagpalang umaga sa ating
lahat.//

Ang wika ay talagang napakahalaga /dahil ito ang nagbubuklod sa ating


lahat/ upang tayo ay magkaunawaan.// Sa lahat ng mga dumalo/ at nakiisa/
lalo na ang mga mag-aaral,/ mga guro/ na gumabay sa amin /maraming
salamat po.// Pati rin po sa mga magulang na nandiyan lagi/ sa amin/ salamat
po,/ sa aming lahat ng namumuno sa paaralan,/ at sa ating panauhing
pandangal /na pinaunlakan tayo sa pagtitipong ito sir,/ at higit sa lahat/ sa
ating Poong Maykapal/ na gumagabay sa ating lahat/ salamat po.// Kung
hindi po sa inyong tiwala at suporta/ hindi magiging matagumpay ang lahat
ng ito.//

Mula po sa amin/ maraming salamat.// At magandang hapon ulit sa


ating lahat.//

You might also like