You are on page 1of 2

BUWAN NG WIKAEMCEE SCRIPT

B & G: Isang mapagpalang umaga sa ating lahat!


B: “Lahat ng bansa ay may sariling wika. Dahil ang wika ang bumubuo sa isang bansa”: Ito ay
tanyag na katagang nagmula sa isang talumpati na nagbigay kahalagahan sa wika sa buhay ng
isang tao.
G: Tama. Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay buhay dito. Ito
ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa
pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao.
B: Higit sa lahat, nagsisilbi ito blang ating pagkikilanlan. Dahil dito ay nakikita ang iba’t ibang
impluwensya sa bansa na siyang nakapagpabago at humulma sa pagkatao ng mga mamamayan.
G. Kaya ngayong umaga ating muling saksihan ang isang palatuntunan ng ating paaralan bilang
pag-alala ng ating Wikang Filipino na may temang:
B & G: Filipino at mga Katutubong wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong
Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.
B: Ako po si Ginoong Lorenz Ambas
G: Ako naman po si Binibining __________________
B. Maligaya at Mapagpalang umaga po ulit sa ating lahat!
G. Tumayo po tayong lahat at Makinig sa Panalangin ni _____________________
B. Manatiling nakatayo para sa Pambansang Awit ng Pilipinas na Pangungunahan ng mga mag-
aaral mula sa Sekondarya.
PAMBANSANG AWIT
PANALANGIN
B: Ngayon naman ay tunghayan natin ang pag-awit ng mga Mag-aaral ng kantang Tagumpay
Nating Lahat. Nawa’y palapakan natin ang mga magsisitanghal.
G: Para magbigay ng pambungad na mensahe, tawagin natin si_________________________
PAMBUNGAD NA MENSAHE
B: Maraming salamat Bb./Ginoo _____________. Tiyak na mangingibabaw ang mga palakpakan
at hiyawan sa sususnod na bahagi ng ating palatuntunan. Ito ay ang pagpapakita ng malikhaing
kasuotan ng mga mag-aaral sa bawat baitang.
G. Narito si ________ upang tawagin ang mga mag-aaral mula sa kanilang Baitang.
PRESENTATION
B. Maligayang pagbati sa mga nagpakita at nagpamalas ng kani-kanilang malikhaing kasuotan.
G: Ngayon naman po ay dadako na tayo sa Pagbibigay o Paggagawad ng Parangal sa mga mag-
aaral na nakilahok sa mga patimpalak na ginawa ng Paaralan o ng kanilang mga mahuhusay na
mga guro.

PAGGAWAD NG PARANGAL
G: At ngayon ating tawagin si ______________, , para ianunsyo kung sino ang may
pinakamagandang suot sa araw na ito at ipaabot ang kanyang pasasalamat.

LARO NG LAHI.
PANGWAKAS NG MENSAHE
G: Binabati naming ang lahat ng mga nagtaguyod sa “BUWAN NG WIKA 2023, ngayong taon.
Ang pagpapahalaga natin sa ating wika ay dapat hindi lamang ipinapakita sa loob ng ating
paaralan.
B. Ipagpatuloy natin ang ating pagmamahalat paggamit ng nito sa ating pang arawaraw na
buhay, at loob at labas ng ating tahanan. Dito nagwawakas ang ating paminid na palatuntunan
G; Muli Ako po ay si___________________.
B. At ako na man po ay si ________________.
B&G: Mabuhay ang Wikang Filipino! Magandang tanghali sa lahat!

You might also like