You are on page 1of 1

B & G: Isang mapagpalang umaga sa ating lahat mga kapwa naming mag-aaral, mga minamahal

naming mga guro at mga magulang!

G: Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malnsang isda: kaya ating
pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala. Ito ay tanyag na katagang nagmula sa ating
pambansang bayani na si Gat Jose Rizal na nagbigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao.

B: Tama. Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay buhay dito. Ito
ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa.
Sapamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao.

G: Pagkakataon din natin ito upang iparating sa ating mga kababayan na


ang ating Pambansang Wika ay hindi lamang para sa pakikipag komunikasyon ngunit siya
ring pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilang isang indibidwal at bilang isang bansa.

B:Bilang pagtangkilik ng ating paaralan sa Buwan ng Wika, ay uumpisahan na natin


ang Pagpupugay sa Wikang Filipino ngayong Buwan ng Wika
na may temang:

B & G:
“Filipino at Mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Inklusibong Pagpapatupad
ng Katarungang Panlipunan”

G: At bilang pasimula, magsitayo po ang lahat para sa panalangin ni Bb. Pat O. Mari Pambansang
Awit ng Pilipinas sa kumpas ni Vea Angela Taghoy mula sa ika-limang baitang.

PANALANGIN
PAMBANSANG AWIT

B: Maaari na po kayong umupo, tinatawagan po ang ating butihing Pangulo ng Paaralan,


Binibining Patrocinio O. Mari para sa kanyang pambungad na pananalita. Bigyan po natin siya ng
malakas na palakpakan.

G: Maraming salamat po Bb. Pat, at ngayon mga kapwa ko mag-aaral, tatanungin ko kayo. Handa
na ba kayong masaksihan ang lahat ng presentasyon sa bawat baitang ngayong araw?

B: Parang handa na yata sila partner, pero bago natin simulan, gusto muna namin marinig ang
hiyaw mula sa bawat baitang.

Malakas na hiyaw mula sa kinder 1 at kinder 2

Grade 1

Grade 2

Grade 3

Grade 4

Grade 5

At Grade 6

G: Handang-handa na nga silang lahat partner, di na natin papatagalin pa. Ngayon, sabay-sabay po
nating tunghayan ang sayaw na may pamagat na “Pagkagising sa Umaga” mula sa Kinder 1, ang
kanila pong guro ay si Ginang Carry Lou. Bigyan natin sila ng malakas na palakpakan.

………………………………………………….KINDER 1……………………………………………………

You might also like