You are on page 1of 6

Timpalak-Balagtasan 2011 Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas

G. DE LEON: Kasabay ng paghagkis ng mga letra, ng bawat diwang mapanlikha, ng diwang naghehele sa misteryo ng mga ulap, ng diwang yumayapos sa palaisipan ng buwan, muli niyang ipamamalas ang kanyang kariktan.

Kariktang minahal natin alindog na maraming umaglahi ngunit nakabangon sa pagkalugami. Patutunayan niyang siyay kasangkapang lubos na makapangyarihan; kapangyarihang gumahis, magwasak, bumuo, bumalangkas, o magpalaya ng mga nagpupumiglas na ideya sa bartolina ng pormat istruktura.

Siya, na bumubuhay sa ating sistema, sa bawat himulmol at himaymay ng ating katawan,diwa,at damdamin, walang iba kundi ang ating Inang Wika!

BB. PAMFILO: Marapat lamang na ating parangalan itong Inang Wikang sa atiy nagbigay-palad. Matapos niya tayong ihantad sa kariktan ng kalikasan, Matapos niya tayong ilantad sa katotohanang panlipunan,

Matapos niyang ibantad sa kanyang mga haplos ang ating mga sesorya, narito siyang muli upang maging ilaw at lakas sa tuwid na landas.

Isang mapagpala, mapagpalaya, at makawikang umaga! Ngalan ko poy Bb. Ellaine Pamfilo sa inyoy nangungumusta.

G. DELEON:

Tunay na mapagpala, mapagpalaya, makawika: G. Richard de Leon po, sa inyoy tumutula. Nararapat lamang na bago magsimula, Hingin ang gabay ng Tunay na Nagpala, Pagpasok ng mga Kulay sa atiy tutunghay Susundan ng Panalangin at pagpupugay sa Pambansang Awit ng Pilipinas pag-awit ng Coro San Antonio, kay G. Paul Medranoy kumpas.

(Pagpasok ng mga Kulay, Pambungad na Panalangin, Pambansang Awit)

BB. PAMFILO: Maraming salamat CAT Cadets at Coro San Antonio sa pagpapaalab ng aming mga damdamin sa umagang ito. Makauupo na po ang lahat. (Upo lahat) Tunay ngang damang-dama natin ang diwang makabansa sa araw na ito, at tayoy sadyang mapalad na magkatipon-tipon upang saksihan ang isa sa mga pinananabikang timpalak tauntaon dito sa School of Saint Anthony; ang Timpalak-Balagtasan. Tama po ba ako G. de Leon?

G. DE LEON: Sang-ayon ako riyan Bb. Pamfilo. Dulot nga ng Taunan ding pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino,na ngayon ay may temang Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas, muli nga nating matutunghayan ang pingkian ng talento at tagisan ng talino ng mga mag-aaral sa larangan ng pagbigkas, lalo na sa larangan ng balagtasan.Ang tema ng Buwan ng Wika sa taong ito ay nakasalig sa mga mithiin ng ating halal na Pangulong Aquino na maigiya ang ating bansa patungo sa tuwid na landas. Paano nga ba magiging ilaw at lakas para sa ating lahat ang Wikang Filipino upang matalunton natin ang tuwid na landas? Kaya ,sa ngalan po ng buong kaguruan ng Kagawaran ng Filipino ng Mataas na Paaralan, kami po ay lubos na nagpapasalamat sa mga magulang, kalahok, mag-aaral, mga guro, at mga bisitang naririto sa bulwagan.

BB. PAMFILO: Ako poy labis na nagagalak dahil muli na naman akong makasasaksi ng mga patimpalak na tulad nito, na kung magugunita koy madalas kong masaksihan sa mga paaralan noong akoy tulad din ng mga mag-aaral sa sekundarya. Minsan sa buhay ko ay ninais ko ring lumahok sa mga timpalak gaya ng balagtasan upang maranasan ang pagbigkas at pag-arte sa harap ng mga manonood, at upang maibahagi ang aking mga ideya at damdamin sa pasalitang paraan.

G. DE LEON: Maging ako may ganyan din ang nadarama Bb. Pamfilo, kaya naman kumapit lamang kayo mga kawika at sabay-sabay nating damhin ang timyas at igkas ng bawat salitang mamumutawi sa bibig ng ating mga kalahok, na buong pusong sinanay at hinubog ng mga gurong walang sawang sumusuporta sa mga mag-aaral.

BB. PAMFILO: Tama ka riyan, G. de Leon. Hindi talaga matatawaran ang husay ng ating mga guro at mag-aaral dito sa SSA. At upang pasimulan ang palatuntunang ito, inaanyayahan namin ang matikas at makisig na tagapamahala ng Antas-Ikatlong Taon, G. Rudy Nabora, para sa pambungad na pananalita. Pasalubungan po natin siya ng masigabong palakpakan. (Pambungad na Pananalita)

G. DE LEON: Maraming salamat po G. Nabora sa inyong napakagandang mensahe para sa aming lahat. Hindi nawawala sa isang timpalak ang lupon ng inampalan na huhusga sa ating mga kalahok. Alamin natin kung sino-sino nga ba ang bubuo sa lupon ng inampalan sa masipag at makisig na guro ng Filipino I at tagapangulo ng pagdiriwang ng buwan ng wika, G. Danilo Agpaoa.

BB. PAMFILO: Salamat, G. Agpaoa. Ngayong kilala na natin ang mga kagalang-galang na hurado na dalubhasa sa larangang ito, alamin naman natin ang mga pamantayan sa pagpupuntos sa ating mga kalahok na magiging sukatan sa pagpili ng mga magwawagi. Buong lugod naming inaanyayahan ang masipag na Tagapag-ugnay ng mga Gawain sa Mataas na Paaralan,Gng. Ana Liza Cordinete para sa pagbasa ng pamantayan.

BB. PAMFILO: Maraming salamat po Gng. Cordinete. At heto na po, ngayong kilala na po natin ang lupon ng inampalan at pamantayan, dadako na tayo sa sandaling pinakahihintay ng lahat! Alam naming sabik na sabik na kayong matunghayan ang mga inihanda ng bawat kalahok, kaya huwag na nating patagalin pa, narito nap o ang Unang Kalahok na susundan ng Ikalawang Kalahok. Pasalubungan po natin sila ng masigabong palakpakan! (Kalahok 1 at 2)

G. DE LEON: Natunghayan po natin ang Una at Ikalawang Kalahok. Patikim pa lamang po iyan dahil marami pa kayong masasaksihan mamaya. Samatala, hayaan nating ipaghele tayo sa oyayi ng mga himig ng SSA Rondalla para sa kanilang natatanging bilang.

G. DE LEON: Maraming salamat SSA Rondalla sa inyong handog sa amin. At ngayon, saksihan natin ang tagisan at pag-uumpugang bato ng Ikatlong Kalahok na susundan ng Ikaapat at huling kalahok.

BB. PAMFILO: Maraming salamat Ikatlo at Ikaapat na Kalahok. Pawang mahuhusay ang ating mga kalahok. Tunay na napakahuhusay ng mga Anthonian, hindi ba G. de Leon?

G. DE LEON: Umaayon ako sa iyo Bb. Pamfilo. Hindi lamang pang-akademiko, pambalagtasan pa. Tila nais ko ulit bumalik sa pagiging mag-aaral at lumahok sa mga balagtasang tulad nito.

BB. PAMFILO: Tiyak na mahihirapan ang lupon ng inampalan sa pagpili ng mga magwawagi kaya naman lubos kaming nagpapasalamat sa mga hurado na ibinigay ang kanilang panahon para sa gawaing ito, kaya naman tinatawagan namin ang mahusay at kapita-pitagang Punungguro ng Mataas na Paaralan, Gng. Juvy Bernal para sa Paggawad ng Sertipiko ng Pagkilala sa Lupon ng Inampalan. Palakpakan po natin siya.

G. DE LEON: Maraming salamat pong muli sa ating mga hurado, at kay Gng. Bernal.Ngayoy patungo na tayo sa nalalapt na hangganan. Ang programang ito ay magwawakas ngunit hindi ang ating masikhay na pagpapahalaga at pagmamahal sa wika. Narito ang butihin at masipag na Tagapag-ugnay ng Filipino sa Mataas na Paaralan, Gng. Joyce Collado para sa Pampinid na Pananalita.

BB. PAMFILO: Salamat po Gng. Collado sa inyong napakagandang mensahe para sa aming lahat. Bago natin alamin ang mga magwawagi, tinatawagan si Bb. Klarissa Bautista, mag-aaral sa Ikaapat na Taon para sa pangwakas na panalangin, na susundan ng pag-awit ng Himig ng San Antonio sa pangunguna ng Coro San Antonio, gayundin ang paglabas ng kulay sa pamumuno ng CAT Cadets. Magsitayo po tayong lahat.

G. DE LEON: At heto na narito na tayo sa pinakahihintay na sandali ng lahat ang paghahayag ng mga nagsipagwagi! Handa na ba kayong mabatid ang mga magwawagi? Huwag na nating patagalin pa, inaanyayahan namin ang Lupon ng Administrasyon sa Mataas na Paaralan gayundin ang mga hurado para sa paggawad ng parangal.

BB. PAMFILO: At diyan po nagwawakas ang ating palatuntunan sa umagang ito,isang mainit na pagbati po sa mga nagsipagwagi gayundin po sa mga kalahok.

G. DE LEON: Malugod po namin kayong inaanyayahan bukas para saksihan ang dalawa sa pinakahihintay na timpalak tuwing Buwan ng Wika; Timpalak-Madulang Sabayang Pagbigkas sa ganap na ikasiyam hanggang ika-labindalawa ng tanghali, at Timpalak-Awitan sa ganap na ikalawa hanggang ikaapat ng hapon.

BB. PAMFILO: Muli na naman nating nasaksihan ang tagisan ng galling ng mga mag-aaral sa larangan ng pagbigkas, sa larangan ng Balagtasan. Muli po tayong magkita-kita bukas.

G. DE LEON: Damhin damhin natin ang kakaibang karanasan at pagpukaw sa ating mga kamalayan, pahalagahan at mahalin ang ating wika, dahil ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas! Maraming salamat sa inyong lahat!

You might also like