0% found this document useful (0 votes)
3K views2 pages

Script Filipino Emcee

Ang dokumento ay tungkol sa isang palatuntunan sa paaralan bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ito ay naglalaman ng mga mensahe at aktibidad gaya ng sayaw, pagbigkas, at pagpapakita ng kasuotang Filipino ng mga guro. Ang palatuntunan ay nagtatapos sa pamamagitan ng pagbibigay ng sertipiko sa mga nanalo at pangwakas na mensahe.

Uploaded by

Shaira Rosario
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
3K views2 pages

Script Filipino Emcee

Ang dokumento ay tungkol sa isang palatuntunan sa paaralan bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ito ay naglalaman ng mga mensahe at aktibidad gaya ng sayaw, pagbigkas, at pagpapakita ng kasuotang Filipino ng mga guro. Ang palatuntunan ay nagtatapos sa pamamagitan ng pagbibigay ng sertipiko sa mga nanalo at pangwakas na mensahe.

Uploaded by

Shaira Rosario
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Sa ating pinakamamahal na punungguro, Dr. Gertrudes R.

Marcellano, sa ating butihing head


teacher Dr. Gilbert S. Baysic, mga kapwa naming guro, mga estudyante, at sa mga magulang na
andirito sa araw na ito…
J & S: Isang mapagpalang umaga sa ating lahat!

J: Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda: kaya ating
pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala. Ito ay tanyag na katagang nagmula sa ating
pambansang bayani na si Gat Jose Rizal na nagbigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao.

S: Tama. Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay buhay dito. Ito
ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa
pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao.

J: Higit sa lahat, nagsisilbi ito blang ating pagkikilanlan. Dahil dito ay nakikita ang iba’t ibang
impluwensya sa bansa na siyang nakapagpabago at humulma sa pagkatao ng mga mamamayan.

S. Kaya ngayong umaga ating muling saksihan ang isang palatuntunan ng ating paaralan bilang
pag-alala ng ating Wikang Filipino na may temang:

J&S: Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino

S. Tumayo po tayong lahat para sa isang panalangin na inihanda ng Renaissance Club na susundan
kaagad ng ating pambansang awit.

J: Para magbigay ng pambungad na mensahe, tawagin natin ang napakasipag na head teacher sa
sekondarya, walang iba kundi si Dr. Gilbert S. Baysic.

IKALAWANG BAHAGI
S: Mayaman ang kultura ng Pilipinas kaya naman hindi magpapatalo ang mga piling mag-aaral sa
Ika-siyam na baitang upang magpakita sa atin ng kanilang pinaghandaang katutubong sayaw.
Palakpakan po natin sila!

J: Tunay talagang magagaling ang mga mag-aaral ng Guelew Integrated School! Tama ba? Upang
ipakilala sa atin ang ating panauhing pandangal sa araw na ito, bigyan natin ng malakas na
palakpakan ang ating butihing punungguro na si Dr. Gertrudes R. Marcellano.

S: Upang bigyan tayo ng isang inspirasyunal na mensahe, bigyan natin ng masigabong palakpakan
ang ating napakasipag na board member na walang iba kundi si Hon. Vici M. Ventanilla!

S: Maraming salamat po sa inyong pagpunta dito sa aming paaralan at sa mga bagay at kaalaman
na inyong binahagi sa amin. Tiyak na ang Panginoong Diyos ang magbibigay sa inyo ng marami
pang panalangin.

J: Ang susunod naman nating matutunghayan ay magpapakita sa atin kung gaano kagagaling sa
pagbigkas kasama na rin ang emosyon na nais ipakita sa atin ng mga piling mag-aaral sa ika-
sampung baitang, kaya’t bigyan natin sila ng masigabong palakpakan!!!

IKATLONG BAHAGI
S: Tiyak na mangingibabaw ang mga palakpakan at hiyawan sa susunod na bahagi ng ating
palatuntunan. Ito ay ang pagpapakita ng mga natatanging kasuotang Filipino ng mga minamahal
nating guro. Handa na ba kayong sila ay Makita?

J: Hindi na namin ito patatagalin, isang malakas na hiyawan sa departamento ng elementarya!


(ADLIB)
S: Tunay ngang magaganda at makikisig ang mga guro dito sa Guelew Integrated School.
IKAAPAT NA BAHAGI
J: Upang maggawad ng sertipiko sa mga nagsipagwagi sa mga ginawang aktibidades sa Buwan ng
Wika, bigyan natin ng masigabong palakpakan si _______________

IKALIMANG BAHAGI
S: Lubos ngang pinaghandaan ng lahat ang kanilang kasuotan, kaya naman ay igagawad na
ngayon ang mga sash ng mga nagsipagwaging guro. Maari ba nating bigyan ng masigabong
palakpakan si _________________ para sa paggawad ng sash.
J: Salubungin nating ng masigabong palakpakan si Gng. Monette Solomon para sa kanyang
panggwakas na salita.

S. Binabati naming ang lahat ng mga nagtaguyod sa “ CULMINATION NG BUWAN NG WIKA 2019,
ngayong taon. Ang pagpapahalaga natin sa ating wika ay dapat hindi lamang ipinapakita sa loob ng
ating paaralan.

J. Ipagpatuloy natin ang ating pagmamahalat paggamit ng nito sa ating pang araw araw na buhay,
at loob at labas n gating tahanan. Dito nagwawakas an gating paminid na palatuntunan.

You might also like