You are on page 1of 4

SCRIPT FOR LAKAN AND LAKAMBINI

INTRODUCTION
NORIKA: Maayong buntag. Marhay na hapon.
GIRLIE: Naimbag nga malem. Maayong hapon sa inyong tanan.
BOTH: Isang maalab at mawikang hapon sa ating lahat!
Ako si Bb. G at ako naman si Bb. Norika. At kami ang guro ng palatuntunan sa hapon na
ito.
(Bolahan Momentz)
GIRLIE: Ano nga ba ang tema natin para sa Buwan ng Wika ngayong taong dalawang libo
dalawamput tatlo?
NORIKA: “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong
Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.”
GIRLIE: Alam niyo ba na ang tema natin ngayon ay sumasalamin sa katotohanang ang Pilipinas
ay linguistically diversed. Sa kasalukuyang datos ng Komisyon sa Wikang Filipino, nasa 134
ang bilang ng mga wika sa bansa kasama ang Filipino Sign Language (FSL).
NORIKA: Kung saan ang Filipino at mga katutubong wika rin ay nagsisilbing instrumento sa
pagtaguyod ng kapayapaan, seguridad, at ingklusibong katarungang panlipunan.
GIRLIE: Kaya naman ang pagkilala sa iba’t ibang wika sa bansa ay mahalaga sa pagbubuklod-
buklod ng bawat Pilipino tungo sa mapayapa, ligtas at ingklusibong lipunan.
NORIKA: O diba? Umpisa palang pero ang dami na nating nalaman at natutunan tungkol sa
Wika sa ating bansa.
GIRLIE: Tama. Kaya naman bilang pag tatapos sa pagdiriwang natin sa Buwan ng Wika, ang
huling patimpalak na tila inaabangan ng lahat….
BOTH: Lakan at Lakambini dalawang libo dalawamput tatlo.
JUDGES, RUBRICS, AT PAGPAPAKILALA SA MGA KALAHOK
NORIKA: Grabe ang paghahanda ng mga kalahok natin sa patimpalak na ito. Lahat talaga sila
ay nagpakita ng determinasyon at angking talento.
GIRLIE: Bago natin ipakita ang ating mga kalahok atin munang ipakilala ang ating mga hurado
sa araw na ito. Magsimula tayo kay….

 Bb. Riza Rodriguez


 Ginoong Bob Raneses
 Bb. Mitzi Gervacio at
 Ginoong Joseph Cruz
NORIKA: Ang desisyon naman ng mga hurado ay ibabase sa mga sumusunod na pamantayan:

Una sa Production Number

 Koryographiya- 20%
 Projeksiyon0 40%
 Kasuotan- 30%
 Dating sa Manunuod- 10%

Ikalawa ang Question and Answer

 Mensahe /nilalaman -50%


 Orihinalidad- 10%
 Kaugnayan sa paksa- 20%
 Pagka-makabayan-20%

GIRLIE: Kaya naman wag na nating patagalin pa. Tara na at ating saksihan ang ating mga
Lakan at Lakambini suot ang mga kasuotang nag lalarawan ng modernong Pilipino.
(MAG ASK NG BET SA CROWD)
GIRLIE: Muli ating tunghayan ang mga Lakan at Lakambini sa bawat baitang.
(Walk w/Partner)
INTERMISSION
NORIKA: maraming salamat ating mga naggagandahan at nag gagwapuhang mga kalahok,
habang nag hahanda ang ating mga kalahok ay atin naming pakinggan ang isang awiting alay
sa atin ni Jannah Trinidad. Isang mag aaral mula sa ika sampung baiting.
GIRLIE: maraming salamat Jannah, ngayon naman aking tatawagin ang isa pang talentadong
mag aaral ng ika sampung baiting, walang iba kundi si Anya Tunacao.
NORIKA: Maraming salamat Anya.
FILIPINIANA/BARONG
NORIKA: Sa puntong ito, atin naming matutunghayan ang mga lakambini na suot ang kanilang
pangmalakasang Filipiniana.
GIRLIE: Bigyan natin sila ng masigabong palakpakan.
(Lakambini Walk)
GIRLIE: Ngayon naman, atin namang saksihan ang mga lakan suot ang kanilang mga
magarbong barong.
(Lakan Walk)
(Bolahan Momentz)
GAMES
QUESTION AND ANSWER PORTION
GIRLIE: Ngayon ay ating anyayahan ang ating mga kalahok na pumarito sa entablado para sa
huling bahagi ng programang ito…
BOTH: ang Question and Answer portion.
NORIKA: Para sa oras na ito, ang mga kalahok ay tatawagin sa walang tiyak na bilang. Sa oras
na tawagin ang kanilang numero sila ay pupunta sa harapan at bubunot ng pangalan ng hurado
na siyang magbibigay ng katunangan na kanilang nararapat na sagutin sa loob ng dalawang
minuto.
GIRLIE: At upang masimulan na, tawagin na natin ang Lakan/Lakambini _________.
AWARDING NG GAMES/ACTIVITIES
NORIKA: Habang hinihintay natin ang desisyon ng ating mga hurado para sa lakan at lakambini
atin munang bigyan ng paranggal ang mga nagkamit ng gantimpala sa iba’t ibang paligsahan
na naganap sa Buwna ng wika.
GIRLIE: Maari ko pong tawagin ang ating punong guro upang upang ibigay ang mga sertipiko
ng pagkilala.
GIRLIE: (Basahin ang nilalaman ng sertipiko)
Ang nag kamit ng ikalawang gantimpala sa Paggawa ng Poster ay si _________________.
Ang nag kamit ng unang gantimpala sa Paggawa ng Poster ay si _________________.
NORIKA: Para sa Tagisan ng Talino
Ang nag kamit ng ikalawang gantimpala ay si Andrei Nicole Alfonso.
Ang nag kamit ng unang gantimpala ay si Janna Mariamne Trinidad.
Narating na natin ang katapusan ng selebrasyon para sa buwan ng wika 2023.
GIRLIE: Ngayon naman ay bigyan natin ng gantimpala ang mga mag-aaral na nagpakita ng
kagalingan sa Deklamasyon, umpisahan na natin sa nag kamit ng ikalawang gantimpala, Janna
Mariamne Trinidad.
At ang nagkamit ng unang gantimpala. Andrei Nicole Alfonso.
NORIKA: Para naman sa Spoken Poetry, aking tatawagin ang nagkamit ng ikalawang
gantimpala, Gerard Cortez at Sophia Beatriz Francisco.
Ang ating unang gantimpala ay nakamit ni Alexandra Sophia Alfonso.
GIRLIE: Ang patimpalak na makukulay na pinag handaan ng lahat, babanggitin ko ang mga
nanalo sa Festival Dance…
Ang nag kamit ng ikalawang gantimpala ay ang baiting _____________________.
Ang nag kamit ng unang gantimpala ay ang baiting _____________________.
GIRLIE: Maraming salamat sa pagpapakita ng kahusayan at mga talento.
NORIKA: Hawak na namin ang desisyon ng mga hurado para sa ating mga Lakan at Lakambini.
GIRLIE: Mga binibini at ginoo, ang lakan na nag kamit ng ikalawang gantimpala sa ating Lakan
at Lakambini dalawang libo at dalawamput tatlo. Walang iba kundi, LAKAN #____________.
NORIKA: ang lakambini na nag kamit ng ikalawang gantimpala sa ating Lakan at Lakambini
dalawang libo at dalawamput tatlo. Walang iba kundi, LAKAMBINI #____________.
GIRLIE: Ngayon naman ay ating ipakilala ang nag kamit ng unang gantimpala sa ating Lakan at
Lakambini dalawang libo at dalawamput tatlo. Walang iba kundi, LAKAN #____________.
NORIKA: ang lakambini na nag kamit ng unang gantimpala sa ating Lakan at Lakambini
dalawang libo at dalawamput tatlo. Walang iba kundi, LAKAMBINI #____________.
GIRLIE: Ang pinaka aantay ng lahat, atin na pong matutunghayan ang LAKAN ng dalawang libo
at dalawamput tatlo walang iba kundi si LAKAN# ___________________.
NORIKA: Napakilala na natin ang ating Lakan ngayon naman ating Lakambini sa taong
dalawang libo dalawamput tatlo walang iba kundi si LAKAMBINI# ___________________.

CLOSING REMARKS:
GIRLIE: Narating na natin ang katapusan ng selebrasyon para sa buwan ng wika dalawang libo
dalawamput tatlo.
BOTH: Muli ako si Bb. Gi at ako naman si Bb. Norika At kami ang guro ng palatuntunan sa
hapon na ito.

You might also like