You are on page 1of 4

DALUMAT SA FILIPINO

SABAYANG PAGBIGKAS

GINOONG CHARLE MAGNE GOMEZ MWF: 2:30-3:30

PORMAL NA PAGSISIMULA NG PROGRAMA


Oras-10:30-10:35
Joefrel: Isang mapagpalang umaga sa ating lahat. Sa pagsisimula ng ating programa, maaring
tumayo tayong lahat upang makinig sa isang panalangin mula kay __________________. at
manatiling nakatayo para sa pagpugay ng ating watawat at sa pag kanta ng Pambansang Awit.
Joefrel: Maaari nang umupo ang lahat.
Loraine: “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda; kaya
ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala."Ito ang katagang nagmula sa ating
pambansang bayani na si Gat.Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan ng wika sa buhay ng isang
tao.
Joefrel: Sang-ayon ako sa iyong tinuran Loraine. Ang wika ng isang bansa ay masasabing siya
ang kaluluwa na nagbibigay buhay dito. Ang wika ay nagsisilbing instrumento sa pagkakaroon
ng mas epektibong komunikasyon at pundasyon ng mabuting pakikipagtalastasan at pakikipag-
ugnayan.
Loraine: Higit sa lahat Joefrel, sa pamamagitan ng wika ay nagkakaunawaan at nagkakaisa ang
bawat tao at nagsisilbi rin ito bilang ating pagkakakilanlan.
Oras-10:35- 10:38
Joefrel: Sa muli,
Sabay: Isang mapagpalang umaga sa ating lahat!
Loraine: Ako si ______
Joefrel: at ako naman si _____
Sabay: Ikinagagalik naming na kami ang inyong tagapagdaloy sa programang ito ngayong
umaga.
Joefrel: Nawa’y nakapaghanda kayo ngayong araw na ito dahil sa ating mga matutunghayan ay
tiyak sulit na sulit, sa pamamagitan ng patimpalak na ito ay maipapamalas ang koordinasyon ng
mga mag aaral at husay sa pagtanghal. Pero bago ang lahat ay ating
pakinggan ang isang Pambungad na Mensahe ni _______________. Bigyan po natin siya ng
masigabong palakpakan.
Loraine: Maraming salamat, ____________ para sa iyong pananalitang nakapagbigay kaalaman
at inspirasyon sa atin. Sa puntong ito, tiyak ako na mangingibabaw ang mga palakpakan at
hiyawan sa mga susunod na bahagi ng ating programa, dahil kung saan ipapamalas ng aming
kapwa mag aaral ang kanilang tanyag at galing sa pagbibigay pugay ng wikang Filipino. Bago
natin simulan ang patimpalak ng Sabayang Pagbigkas ay kilalanin muna natin ang lupon ng
inampalan na siyang naatasang husgahan ang ating mga kalahok.
Oras-10: 38 - 10: 40 am
Joefrel: Unang hurado
Loraine: Pangalawang hurado
Joefrel: Pangatlong hurado
Oras-10: 40 - 10: 43 am
Loraine: Upang lalo tayong maliwanagan sa umagang patimpalak, malugod naming
inaanyayahan si ___________ upang ilahad ang kriterya na pagbabasehan sa patimpalak na
sabayang pagbigkas. Isang masigabong palakpakan.
Oras-10: 43 - 10: 45 am (Pwede si Joefrel muna here while nagready na si Lors for presentation)
Joefrel: Salamat Binibini sa paglalahad ng krayterya, at sa puntong ito bago tayo magpatuloy sa
ating patimpalak, ay tunghayan muna natin ang isang natatanging intermisyon na ipapamalas ni
_____. Pasalubungan natin ng masigabong palakpakan si ______.
Oras-10: 45 - 10: 50 am
Joefrel: Talagang kahanga- hanga, isang patunay lamang na ang mga kapwa kong mag- aaral ay
napakatalentado. Sigurado akong napukaw ang atensyon nating lahat sa ipinakita niyang galing.
Tunay ngang napakatalentado ng Pinoy.
Joefrel: Ang sabayang pagbigkas ay isang masining na paglalarawan o pagbibigay kahulugan ng
isang paksa sa pamamagitan ng pagsanib-sanib ng mga tinig ng koro ayon sa wasto nilang
tunog, puwersa at lakas. Sa puntong ito matutunghayan natin ang pinakahihintay na patimpalak
at ikinagagalak ko pong ipakilala sa inyo ang mga natatanging grupo na kalahok sa ating
patimpalak ngayong umaga ang grupong ____ at_____. Una nating matunghayan ang grupo
_____. Bigyan po natin sila ng masigabong palakpakan.
Oras-10: 50 - 10: 53 am
Joefrel: Maraming salamat, napakahusay talaga.
Loraine: Ang susunod po nating tatawagin ang ikalawa at huling pangkat na magpepresent
ngunit bago natin sila makita ay may isa munang intermisyon na sigurado akong nanamn
mabubusog tayo sa galing at husay nito. Huwag natin patagalin pa, narito si ____. Bigyan po
natin siya ng masigabong palakpakan.
Oras-10: 53 - 11: 03 am
Loraine: Maraming salamat _____, napakagaling at mahusay. At sa puntong to tayo at ay
magpatuloy sa pagtunghay ng ikalawang grupo, wag nating patagilin pa ang grupong _______.
Ating salubongan ng masigabong palakpakan.
Oras-11: 03 - 11: 05 am
Loraine: Maraming salamat sa ikalawang grupo
Joefrel: Mga napakahusay talaga
Loraine: Sa puntong ito ay natapos na ang ating presentasyon ng mga grupo, Joefrel para sa
mahihirapan ba ang ating mga hurado sa pagpili ng mananalo?
Joefrel: Aba tiyak ako, sa husay at galing na ipinamalas ng dalawang grupo dikit na dikit ang
resulta. Kaya marapat lamang na tayo ay magtatanong ng isang opinyon galing sa ating madla.
Loraine: (Adlib asks someone)
Oras-
Joefrel: Tunay ngang napakahuhusay ng kapwa nating mga mag-aaral lalong-lalo na sa
pagbabahagi ng kanilang angking kakanyahan sa pagbigkas ng kanilang mga piyesa. Isang
patunay na hindi pa rin natin naliilmutan ang kahalagahang ng wikang Filipino.
Loraine: Handa na ang ating mga hurado. Sa puntong ito, atin namang bigyang parangal ang
mga kalahok na nanagwagi sa ating patimpalak sa paglalahad ng resulta. Magsisimulatayo sa
pagbibigay ng sertipiko sa ikatlong nagwagi, sumunod ay ang ikalawang nagwagi, at ang
panghuli ay ang nanguna at kampeon sa Sabayang Pagbigkas.
(Reading of Winners)
Joefrel: Maligayang pagbati ang pinapaabot namin sa mga nagwagi sa
patimpalak na ito.
Loraine: Joefrel, labis akong nagagalak na makitang parangalan ang ating mga kapwa mag-aaral.
Joefrel: Maging ako man Loraine, kaya muli, isang masigabong palakpakan.
Loraine: Para sa pagtatapos ng ating palatuntunan, tinatawag namin si ______para sa
Pangwakas na Mensahe. Isang masigabong palakpakan.
Oras-
Joefrel: Maraming salamat Bb. Pauline Mojica sa isang napakagandangmensahe bilang
pagsasara ng ating programa ngayon uamag. Sa puntong ito, ay ninanais po naming tawagin
ang presensya ni ______ sa ating Pangwakas na panalangin.
Oras-
Loraine: At dito nagtatapos ang ating munting programa ngayong umaga. At nawa po ay
nagalak at muling nabigyang halaga ng mga mag aaral ang wikang Filipino.
Joefrel: Lubos akong nagagalak sa matagumpay na patimpalak ngayon, muli kong binabati
ang mga nanalo.
Lorain: Gayundin ako Joefrel. Hanggang sa muli, ako si ______
Joefrel: Ako naman si ______, na nagsasabing
Sabay: Mabuhay! At pagpalain kayo ngayong umaga.

OPTIONAL
PAGBIBIGAY CERTIFICATE SA JUDGE
Oras-
Loraine: Ngayon ay muli naming tinatawagan si ________ sa paghahandog ng sertipiko ng
pagpapahalaga para sa ating mga guro nanaglaan ng oras sa paghuhurado sa patimpalak na ito,
bilang pasasalamat sa kanilang suporta.

You might also like