You are on page 1of 1

Isang mapagpalang hapon sa ating lahat!

Sa ating mga panauhing pandangal na sina Dr. Maria Divina M. Flores Tagapangasiwa sa Asiganturang
Filipino, Dr. Raul M. Llego Pandistritong Tagapagmasid ng Sentral District, Dr. Louwela P. Guerrero ang ating
punong-guro at Ginoong Phillip M. Racoma ang atng pangalawang punong -guro, mga ka guro at mga mag-
aaral!

Anong buwan ba ngayon mga bata? Ano ang ating ipinagdiriwang sa buwan ng Agosto?
Tama mga bata! Agosto na naman! Isang buwan na lamang at BER months na! Ngunit bago pa man tayong
maging excited ay ating gunitain at ipagdiwang ang buwan ng wika!

Isang natatanging buwan upang maipagmalaki natin ang ating kultura, kasaysayan at higit sa lahat ang ating
wika na sumisimbolo sa ating poagkakaisa at pagkamakabansa.
Saksihan natin sa palatuntunang ito bilang tanda ng ating pagkakaisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na
may temang “FILIPINO AT MGA KATUTUBONG WIKA: WIKA NG KAPAYAPAAN, SEGURIDAD AT
INGKLUSIBONG PAGPAPATUPAD NG KATARUNGANG PANLIPUNAN”

Sa ating pagsisimula ay tayo po ay tumayo at bigyang pugay ang ating Pambansang Awit at manatiling nakatayo
para sa panalangin. Ito ay ipapakita sa pamamagitan ng AVP.

Maari na pong magsipag-upo.


Para magbigay ng pambungad na mensahi at pagpapahayag ng layunin, tawagin po natin at pakinggan ang ating
napakagaling na punong-guro na si Dr. Louwela P. Guerrero.
Maraming salamat Dr. Louwela Guerrero sa isang makabuluhang mensahe.

At ngayon tayo po ay haharanahan ni Jairain Calyx Unabia. Isang masigabong palakpakan para kay Jairain
Calyx Unabia!
Maraming salamat Jairain sa paghahandog ng iyong talent sap ag-awit.

Pakinggan naman natin ang isang pampasiglang mensahe mula sa ating amang pandistritong tagapagmasid na si
Dr. Raul M. Llego!
Maraming salamat po sa pagbibigay ninyo ng mensahe sa aming lahat!

Tunghayan naman po natin ang isang kuwento na bibigyang buhay ng mga mag-aaral sa Ikatlong Baitang!
Isang malakas na palakpakan para sa mga mag-aaral ng Ikatlong Baitang!
Maraming salamat mga bata!

Para magbigay naman ng mensaheng pangsupporta, ating pagkinggan ang Tagapangasaiwa ng Asignaturang
Filipino na si Dr. Maria Divina M. Flores.
Maraming Salamat po Dr. Maria Divina M. Flores!

Atin naman pakinggan ang ating pangawalang punong-guro na si ginoong Phillip M. Racoma para sa kanyang
pampinid na pananalita.
Maraming Salamat Ginoong Racoma!

Ayon sa isang kasabihan sa bawat simula ay may lagging katapusan, kaya naman bago ang pagtatapos ng
palatuntunang ito ay sabay-sabay nating awitin ang makabansang awiting TAGUMPAY NG ATING LAHI!

Muli, maraming salamat sa inyong pagdalo at walang humpay na pagsupporta sa ating paaralan. Gng. Mary Joy
C. Vasquez ang inyong tagapagpakilala! Magandang hapon po sa ating lahat!

You might also like