You are on page 1of 1

Pambungad na Pananalita

Sa butihing ama ng paaralang ito na siya nating punungguro,G. Larry J. Justo, Sir,
sa mga kapwa ko tagahubog na siyang pumapanday sa ating mga mag-aaral, Maam at
sir, sa lahat ng mga mag-aaral ng institusyong ito, mga magulang na maaaring nakikinig
sa atin ngayon, isang mapagpalang umaga po ang sumaating lahat.

Heto na naman po tayo ngayon, magkasamang ipinagdiriwang ang taunang


Buwan ng Wika alinsunod sa pagkadeklara ni dating pangulong Fidel V. Ramos bilang
pagpapatibay sa proklamasyon Blg 19 ni dating pangulong Corazon Aquino noong 1988
ng Linggo ng Wika.

Dahil dito, kinikilala ang kahalagahan ng isang katutubong wika bilang mahalagang
kasangkapan sa pang-araw-araw nating komunikasyon, unawaan, kaisahan, at
pambansang kaunlaran. Kasabay nating ipinagdiriwang sa palatuntunang ito ang tema
na Filipino: Wikang Mapagbago. Mamaya lalo tayong malilinawan kung paanong
nakapagpapabago nga ang ating wika.

Sa pagpapatuloy ng ating maikling palatuntunan, iba’t ibang kakayahan ang


masisilayan at mapapakinggan natin mula sa mga inihandang natatanging bilang ng
bawat antas. Kahit sa ganitong pagkakataon man lamang ay maipakikita at maipadadama
man lang natin kung gaano kahalaga ang ating wika sa buhay ng mga Pilipino. Hindi
lamang yan kundi maging pagpapahalaga na rin bilang paggunita sa ginawa ng ating
yumaong mahal na Manuel L. Quezon, ang Ama ng ating pambansang wikang Filipino.

Iiwanan ko sa inyo ang isang linya mula kay Carmela Audea…

Wikang Filipino ka ba?

Hindi man sosyal ang dating masarap pa ring mahalin.

Sa muli, maligayang Buwan ng Wikang Pambansa po sa inyong lahat. Magandang umaga.

You might also like