You are on page 1of 2

Boses: Contestant number 3…

Kikay: (O, mahal na Patron ni San Rafael, tulungan nyo po akong manalo sa paligsahang ito.)

Kikay: Magandang gabi po sa inyong lahat. Ako si Francisca Batungbakal, tubong Karilaya, naniniwala sa kasabihang “ ang
lalaking hindi marunong lumingon ay hindi makakikita ng aking kagandahan, salamat po.

Boses: At ngayon ay tawagin na natin ang contestant number 3 para sa kanyang talento.

Kikay: Sa isang pangarap ako’y naniniwala, hindi ako titigil hangga’t aking makakaya, unti-unting mararating tagumpay ko’y
makikita, patuloy ang pangarap.

Hindi lang iyan, magaling din akong umarte.

Kikay: Hahaha! Hahaha! Hahaha! Huhuhu! Bakit n’yo ako iniwan? Huhuhu!

Boses: At ang nanalo ay walang iba kundi ang kontestant number 3.

Kikay: Maraming salamat po Diyos ko at dininig nyo ang panalangin ko. San Rafael, salamat po.

Kikay: Inay may panghanda na po tayo para sa pyesta. At may pamasahe na rin po ako patungong Maynila.

Lola: Salamat apo at binabati kita sa iyong pagkapanalo. Pero kailangan mo ba talagang pumunta pa roon?

Kikay: Opo la, nagkausap kami kagabi ni Coreen at isasama niya ako pag-uwi niya para makahanap ng maganda namang
trabaho.

Lola: O siya basta iingatan mo ang sarili mo roon apo ha?

Sa isang restoran habang mag-isang kumakain ay may lumapit na lalaki.

Lolo: Ineng, maaari ba akong makiupo, wala na kasing bakante.

Kikay: Matanda? Ano ba naman ito pag minamalas ka nga naman o. Eh lolo, nasa banyo po ang kasama ko eh.

Lolo: Ganun ba, di bale na lang.

Kikay: Wow, naninilaw siya sa suot niya ah. Teka, lolo, este ginoo, pwede po kayong umupo, nakauwi na pala yung kasama
ko.

Lolo: Salamat. Ako nga pala si Ginoong Mariano. Isang bakasyunista at naghahanap ng kaibigan.
Kikay: Ganun ba? … Ang ganda naman ng pangalan mo, kasingganda ng suot mo, este bihis mo pala. Ako naman si Francisca
Batungbakal, Hay, baka ito na ang sagot sa matagal kong pangarap na makabingwit ng mayaman. Kahit amoy-lumot na ito
maaari ko tong pagtiyagaan, yumaman lang ako.

Natupad nga ang nais ko, niligawan niya ako at syempre di na ako nagpatumpik-tumpik pa.

Sa simbahan, napansin ko ang mga taong di ko alam kung nakikiusyuso o talagang naiinggit.

Nang may biglang dumating na nakabihis doctor.

Doktor: Iha, Pasensya ka na pero di na matutuloy ang kasal mo. Wala nang kasalang matutuloy.

Kikay: Bakit! Anong nangyari sa boyfriend ko. Hindi pwedeng gawin niya sa akin to.

Doktor: Iha, sorry talaga pero nais ko lang ipaalam sa iyo na ang mapapangasawa mo ay isang…

Takas sa mental. Ibig sabihin baliw siya.

Kikay: Hindi! Hindi! Hindi maaaring mangyari ito! Paano na ang pangarap ko. Paano na ang pamilya ko. Kayo! Bakit niyo ako
tinitingnan nang ganyan. Anong pinag-uusapan niyo! Huhuhu. Bakit? Bakit nangyari sa akin to, paano na ang kutson, ang
marmol, at ang litson? Paano na ang milyon-milyong pangarap ko? Wala na, natunaw na lang bigla ang lahat ng iyon.

You might also like