You are on page 1of 11

Synopsis:

May isang single mom, anak nya is isa. Nabbully. Kesyo walang tatay ganyan. Si single mom,
sobrang higpit sa anak nya. Kasi alam nya na ang reality. Mahirap maging mahirap. Ayaw nya
magaya ang anak nya sa kanya. So she did her best na maging strict wag lng mapariwara ang
anak nya. Unfortunately, dahil sa kanyang paggiging strict nakalimutan niyang maging ina. yung
anak nya naghanap ng kalinga sa ibang kaibigan and unfortunately sa mga maling kaibigan
napunta. nalaman ng nanay, nag-away silang dalawa ng anak kasi di nya matanggap na
ginagawa na nya lahat pero parang di pa rin enough. Then, yung anak nagkasense of pride. eh
bakit nga ba kakailanganin nya pa nanay nya eh kaya nya naman diba? tapos nung naglayas
sya, lahat ng kaibigan na puntahan nya walang tumanggap sa kanya. sya lang alone. tas
nakaranas sya ng gutom. nakita nya yung ibang mga bata na binibilhan ng food ng nanay nila
na pagod. tas narealize nya na mali, then bumalik sya sa mama nya. nagkpatawaran sila and
then para dun sa flashback effect yung bata sya ang valedictorian ng klase nila

Nagdesisyon si Jacira na makipagkita sa


Scene 1 kanyang mga kaibigan upang makalimot sa
(1min) problema sa bahay.

Jacira: Mika, nasaan ka? Nandito ako


ngayon sa mall. Gusto mo bang gumala?

Mika: Oo naman, basta galaan at kasiyahan


maaasahan mo ko riyan. HIntayin moa ko at
papunta na ko diyan.

---
Jacira: Bakit naman napakatagal mo?
Kanina pa ako nandito.

Mika: Oh, wag ka na magalit. Eto na nga eh.


Syempre kailangan ko magpaganda at
umawra. Madaming fafa doon.

Jacira: grabe sa awra yang ootd mo ngayon


be. HAHHAA. E saan ba tayo pupunta?

Mika: wag ka mag-alala, ako bahala sayo.


Dadalhin kita sa lugar na tiyak ay magiging
masaya ka.

--
Walang kaalam alam si Jacira na dadalhin
siya ng kaibigan niya sa isang bar.

--
Jacira: Bakit tayo nandito?

Mika: Malamang para magsaya.

Jacira: Alam mo naming strikta ang nanay ko


mika, baka mapagalitan ako nun.

Mika: ano ka ba, akong bahala sayo,


makakalimutan mo saglit problema mo. Tska
pwede ba? Kalimutan mo muna nanay mo.

Jacira: Pero…

Mika: Oh ayan na pala si Ria.

Ria: Hi girls, kamusta kayo?

Mika: turuan mo nga itong si Jacira,


masyadong takot na takot sa nanay niya.
Hahaha

Ria: Nako, Jacira, yang nanay mo parang


namumuhay pa rin sa sinaunang taon. HAHA

--
Wala nang nagawa si Jacira kundi sumunod
sa mga kaibigan nito.

Mika: Hey, Jacira, inumin mo to. Eto ang


pinaka dabest dito.
(binigay ni Mika ang pinakamalakas na tama
ng alak kay Jacira at ininom ito)

Jacira: Teka, parang sobrang tapang ng lasa


nito.

Ria: oo naman girl.

Mika: Oh, ano nagustuhan mo ba?

Jacira: uhm, medyo


(Nanatili si Jacira at mga kaibigan nito sa bar
at patuloy na nagkasiyahan ang
magkakaibigan)

Kinabukasan, umuwi si Jacira ng lasing at


agad naman itong napansin ng kanyang ina.
Scene 2
(1min) Nanay: JACIRA?! SAN KA NA NAMAN
NANGGALING NA BATA KA? MAGDAMAG
AKONG NAGHINTAY SAYO. BAKIT DIKA
MANLANG MAGTEXT SA AKIN? AT ANO
BAKIT AMOY ALAK KA?

Jacira: MA! Pwede bang manahimik ka?


Nakikita mo naming nahihilo ako diba?!

Nanay: AT NATUTO KA NG SUMAGOT


SAAKIN? HINDI KITA PINALAKING
GANYAN JACIRA!

Jacira: KAILANGAN BA MA SABIHIN KO


LAHAT SAYO? SAKAL NA SAKAL NA KO
MA, Ginusto ko lang namang maging
masaya. Malaya!

Nanay: MAGDAMAG AKONG NAG ALALA


SAYO! TAPOS UUWI KA NA PARANG
WALANG NANGYARE?

Jacira: PWEDE BANG MANAHIMIK KA NA


MA?! SAWANG SAWA NA KO KASAMA KA.
SOBRA KA NA MA! HINDI KO NA
MAENJOY ANG BUHAY KO. PALAGI KA
NALANG GANYAN, BAWAL GANITO,
BAWAL GANYAN! KELAN BA KO
MAGIGING MALAYA?!

Nanay: AT SINUSUMBATAN MO KO SA
PAGIGING NANAY KO SAYO?!

Jacira: AYOKO NA MAKASAMA KA MA!


PAGOD NA PAGOD NA KO.
(Umalis si Jacira at tinalukuran ang ina)

Kasabay nito ang pag empake niya sa mga


gamit niya.
Nang makaalis si Jacira sa bahay nila, agad
niyang tinawagan ang kanyang mga
kaibigan.
Scene 3
(1min) (phone ringing…)

Jacira: Hello mika? Pwede ba kong


makituloy sa bahay niyo pansamantala?

Mika: Bakit anong nangyari?

Jacira: Lumayas kasi ako sa amin, sawang


sawa na ko sa nanay ko

Mika: Naku, Jacira pasensya ka na ha, hindi


kasi pwede dito sa amin.

Jacira: Ganun ba, sige salamat. Subukan ko


tawagan si Ria

MIKA’s POV

Anong akala mo Jacira? Tutulungan kita?


Nagkakamali ka. Gusto kong maranasan mo
ang hirap na dinanas naming noon.

Sandali, panigurado, tatawag yun kay Ria

Mika: Hello Ria?

Ria: O anong kailangan mo girl?

Mika: May magandang balita ako

Ria: OMG ano yun?

Mika: Naglayas si Jacira, kagaya ng plano,


natupad natin girl. Tatawag yun sayo,
tatanungin ka nun kung pwede siya dyan.
Ria: Ohhhh tingnan mo nga naman,
napakabilis talaga ng karma. HAHAH

Mika: Naalala mo ba noon, yung ginawa niya


satin yan. HAHAHA

Ria: yah, kailangan niya itong pagbayaran.

JACIRA’s POV

Phone ringing….

Ria: Hey Jacira?

Jacira: Ria, pwede mo ba akong tulungan?


Pwede bang makitira muna ako dyan ?

Ria: naku, pasensya na Jacira, limitado lang


kasi ang pinapayagang tao dito sa
tinutuluyang apartment ko.

Jacira: Ganun ba, sige Ria salamat.

O ano ngayon Jacira? San na ko tutuloy


nito, nakakainis naman, wala pala akong
perang dala. Nagugutom na rin ako. Hays
bakit ko ba kailangan pag daanan ito.

(maglalakad si Jacira sa kalye)

Scene 4 Makalipas ang ilang linggo na si Jacira ay


(1min) nakatira sa kalye.

(naglalakad si Jacira habang hawak ang tiyan


at nagugutom)

Jacira: gutom na gutom na ako, ilang araw


na akong walang kain at ligo. Amoy araw na
rin ako hays.

Habang naglalakad si Jacira, Nakita niya ang


isang pulubi na nanghihingi at nanlilimos
Pinulot ni Jacira ang isang lata sa daanan at
siya ay nagsimula na din na manlimos sa
mga taong dumaraan.

Nakakita si Jacira ng isang tira-tirang pagkain


sa basurahan. Kinuha niya ito at kinain.

Jaciraa: Hayss kailangan ko bang kumain ng


ganito? Di bale na nga kaysa magutom ako.

Nanirahan si Jacira sa kalye at nagging


isang ganap na pulubi

MAKALIPAS ANG ISANG TAON…

Habang naglalakad ang magkaibigang Mika


at Ria, makikita nila si Jacira

Ria: Mika, si Jacira ba yun?

Mika: OMG, Si Jacira nga, teka pulubi na


siya?

Ria: Halika, lapitan natin

(lumapit ang magkaibigan kay Jacira)

Mika: Tingnan mo nga naman ang


pagkakataon, ano Jacira?

Ria: Anyare sayo girl? Dugyot living?

Jacira: (napansin niya ang dalawang


kaibigan at hindi siya umimik sa kanila.)

Mika: Gutom ka na ba? Gusto mo pera?


Oh ayan! (itinapon ang pera)

(umiyak si Jacira)

Kinuwelyuhan ni Ria si Jacira upang mas


asarin ito.
Ria: Myghad Jacira! Ang baho baho mo

Mika: Ano Jacira? Bat dka makapagsalita?


Nahihiya ka bas a itsura mo?

Ria: Bilis ng karma diba?

Mika: Anong akala mo tutulungan ka


naming? ASA KA PA! diba ganito ginawa mo
saamin noon? O lasapin mo ang buhay
lansangan

Ria: lika na nga, kadiri naman dito

(Tinapon ni Mika ang pagkain kay Jacira)


Scene 5 Matapos ang insidenteng iyo sa pagitan ng
(3 mins) kaibigan ni Jacira, sinikap niya na matugunan
pa rin ang kanyang pamumuhay

MAKALIPAS ANG SAMPUNG TAON

(DALAGA na si Jacira)

Habang naglalakad si Jacira, napansin niya


ang isang simbahan

Kinausap siya ng madre

Madre/Padre: Iha, napansin ko kanina ka pa


pasilip silip, halika tuloy ka

Jacira: pasensya na po sister/father,


naghahanap po kasi ako ng matutuluyan.

Madre/Padre: Ganun ba, o siya halika.


Tutulungan ka namin. Simula ngayon hindi ka
na maninirahan sa lansangan.

Jacira: TALAGA PO?

Madre: oo naman iha, iyon naman ang


layunin ng bahay ampunan na ito. Halika
upang ika’y makakain.
Jacira: Maraming salamat po sister.

Magmula noon, sa bahay ampunan na


nanirahan si Jacira kung saan tinulungan
siya nito upang makapagtapos ng pag
aaral.

(ipakita ang daily life ni Jacira)

Makalipas ang limang taon hindi nabigo si


Jacira at nakapagtapos siya sa kolehiyo

(ipapakita na mas nagging maayos na ang


buhay ni Jacira at nagkaroon ng magandang
trabaho.)

Habang naglalakad papasok sa kanyang


trabaho, makakakita si Jacira ng pulubi

Jacira: ganyan rin ako noon, ang layo na pala


ng narating ko. Labis ang pasasalamat ko sa
iyo Panginoon ko

Bilang pasasalamat sa buhay na mayroon


ako ngayon, nais kong tumulong sa mga
batang nakatira sa lansangan. Ngunit
bago ito, kamusta na kaya ang aking ina,
miss na miss ko na rin siya.

Kinabukasan, pumunta si Jacira sa dati


nilang tirahan

Nanay: (nagulat) J-Jacira?

Jacira: (yumakap sa ina)

Nanay: Anak, kamusta ka na, miss na miss n


akita (ssasabihin habang umiiyak)

Jacira: Ma, patawarin niyo po ako. (umiiyak


rin)
Nanay: Labis akong nagsisisi anak,
patawarin mo rin ako. Nangulila ako sayo,
hinanap kita anak.

Jacira: Miss na miss na kita mama.


Pangako, magsisimula tayo ulit. Mahal na
mahal kita ma, patawarin moa ko

Nanay: mahal na mahal din kita anak.


Babawi ako sayo. Halika tuloy ka, namiss ka
ng ating munting bahay

Jacira: ma, kamusta ka

Nanay: Jaciraa anak, patawarin mo sana ako


kung bakit nagging ganun ako kahigpit s aiyo
ha, ayoko lang naman na matulad ka sa
dinanas kong buhay noon

FLASHBACK (BUHAY NG MAMA NI


JACIRA)

SCENE:
Ipapakita sa eksena yung paghihirap ng
mama nya, nagtatrabaho at mukhang pagod
na pagod. Iniwanan ng asawa.

END OF FLASHBACK

Jacira: hayaan mo ma, naiintindihan ko na


ngayon. Di na ako aalis ma, magbbonding
tayo, susultin natin mga oras na hindi tayo
nagkasama

Nanay: Anak, may dapat kang malaman.

Jacira: ano yun ma?

Nanay: Anak, noong nakaraang buwan,


nadiagnosed ako na may cancer. (sasabihin
habang umiiyak)

Jacira: (yayakpin ang ina at iiyak)


Matapos malaman ito ni Jacira, wala na
siyang pinalampas na oras at
pinaramdam niya sa kanyang ina kung
gaano niya ito kamahal.

(Ipapakita na magbbonding ang mag ina.


Magkakasayahan.)

Scene 6 Makalipas ang isang buwan nasabi na ni


(1 min) Jacira sa kanyang ina ang adbokasiya nito
para sa mga batang nakatira sa lansangan.
Alam na rin ng kanyang ina ang nagging
buhay ni Jacira

(nagtungo ang mag ina sa bahay ampunan


na tinuluyan ni Jacira)

Nanay: sister/father, labis akong


nagpapasalamat sa lahat ng ginawa niyong
tulong para sa aking anak.

Sister/Father: Kami man po ay labis din


nagagalak dahil dumating si Jacira sa aming
buhay. Nagbigay saya siya dito at kitang kita
ko ang paglaki at pagbabago ni Jacira

Jacira: sister/father, may inihanda po pala


akong mga programa at munting donasyon
para sa kagaya kong nakatira sa lansangan

Sister/Father: naku, maraming salamat iha

(ipapakita yung pag abot ng sobre para sa


donations.)

Scene 7 Ipinagpatuloy ni Jacira ang pagtulong sa


(1min) mga taong nakatira sa lansangan

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon,


nalaman din ni Jacira na siya ay
mayroong stage 4 cancer, ngunit hindi
niya ito ipinaalam sa kanyang ina, dahil
ang kanyang ina ay lubhang mag aalala.

(papakita na may sakit na si Jacira)

Dahil sa nalaman ni Jacirla ang kanyang


karamdaman, minabuti niyang ihanda na
ang lahat sa anu pa mang mangyayare.
Inilipat niya lahat ng kanyang ipon sa
pangalan ng kanyang ina.

(Magvvideo si Jacira na parang nagpapaalam


na)

Ma, siguro kapag napanood mo ito, wala


na ako sa mundong ibabaw. Mama,
patawarin moa ko sa lahat ng kasalanan
ko sa inyo. Labis akong nanghihinayang
sa mga oras at araw na tayo ay
nagkalayo. Naihanda ko na rin po ang
aking sarili sa anu man pong mangyayari.
Pakaingatan niyo nawa ang inyong
kalusugan. At ipagpatuloy po Ninyo ang
naumpisahang adbokasiya ko mama.

Pinapangako ko po, magiging masaya po


ako. Mahal na mahal kita mama

(Ipapakita na palala ng palala ang sakit ni


Jacira…. Hanggang sa ito ay mawalan ng
buhay.)

Scene 8 Matapos ang pangyayaring iyon,


(1min) ipinagpatuloy ng kanyang ina ang
naumpisahang adbokasiya ng kanyang
anak.

Ang buhay ni Jacira ay nagsilbing


inspirasyon para sa kanyang ina.

Wakas…

You might also like