You are on page 1of 20

Mga alituntunin sa loob ng klase

Buksan ang Camera


Itaas ang kamay kung may katanungan
Makinig sa guro

With Teacher Xandie


P_G_ _L_N_

PAGGALANG
M A_ _L_N G_N
MATULUNGIN
P_G M_M A_ _
L
PAGMAMAHAL
St. Joesph De Mary Academy

Pagmamahal sa
Kapwa
With Teacher Xandie
1. Pagmalasakitan- pakitunguhan nang mabuti ang kapwa
2. Bangketa- gilid ng kalsada na dinadaanan ng tao
3. Humarurot- mabilis na takbo
4. Luntian-kulay berde
5. Ligaw- nawawala
1. Ilarawan ang katangiang taglay ni Jacob.
2. Ano ang ginawa ni Jacob nang makita niya ang matandang babae na
tumatawid sa lansangan?
3. Ano naman ang ginawa ni Jacob sa kuting na nahulog sa kanal?
4. Bakit humahanga ang nanay ni Jacob sa kaniya?
5. Kung ikaw si Jacob, gagawin mo rin ba ang ginawa niya sa matanda at
sa kuting? Bakit?
Pagmalasakitan at Mahalin ang Kapwa
Tuwing hapon, si Jacob ay naglalakad pauwi galing sa paaralan.
Isang araw, habang naglalakad siya sa may bangketa ay may napansin
siyang isang matanda na papatawid sa lansangan ngunit halatang
nahihirapan siya sa paglalakad.

Ang matandang babae ay may dala-dala ring plastik. May hawak itong
tungkod sa kanang kamay. Bahagyang nanginginig ang kanyang tuhod
habang naglalakad. Lubhang maliit ang kanyang hakbang at mabagal ang
kanyang paglakad.
Naawa si Jacob at dali-daling nilapitan ang matanda. Kinuha niya
ang hawak nitong plastik at inalalayan ang matanda sa kanyang
pagtawid. Sinenyasan din niya ang mga sasakyan upang mapansin
sila at hindi humarurot ng takbo ang mga ito kapag luntian na ang
kulay ng stop light.

Nang makatawid na sa kabilang bangketa sina Jacob at ang


matandang babae, laking pasasalamat ng matanda kay Jacob.
“Maraming salamat,iho” nakangiting pahayag ng lola.
“Wala pong anuman, lola” tugon ni Jacob. “Saan po ba kayo patungo?”
“Papunta ako sa bahay ng aking anak. Hindi ako nasamahan ng aking
apo na pumunta roon kaya mag-isa lamang ako ngayon. Salamat at
tinulungan mo ako sa pagtawid” wika ng lola
“Sasakay po ba kayo ng dyip? Tutulungan ko na rin po kayong sumakay
ng dyip, lola” wika ni Jacob.
“Oo, sasakay nga ako ng dyip mula rito. Maraming salamat sa
pagmamagandang-loob. Nawa’y pagpalain ang batang katulad mo”,
humahangang pahayag ng lola.
Ngumiti lamang si Jacob sa sinasabi ng lola. Nang may humintong dyip,
agad na tinulungan ni Jacob ang matanda na makasakay at makaupo ng
maayos. Nagpaalam din siya sa matanda bago tuluyang umalis ang dyip na
sinakyan nito.

Nagpatuloy muli sa kanyang paglalakad si Jacob pauwi sa kanilang bahay.


Hindi pa siya nakakalayo ay may napansin siyang munting kuting na
nahihirapang makaalis sa kanal. Halatang ligaw ang kuting at walang
nagmamay-ari nito. Nahulog ito sa kanal at hindi makaalis.
Huminto sa Jacob sa paglalakad at lumapit sa kanal kung saan naroroon ang
kuting. Tinulungan niya itong makaalis mula sa pagkakahulog. Marumi ang
katawan ng kuting at nanginginig ito. Naisip ni Jacob na baka nagugutom ang
kuting. Payat ang katawan nito at malamlam ang mga mata.Sa nakitang anyo
sa kuting ay naawa si Jacob. Naisip niyang dalhin ito sa kanilang bahay
upang linisin at pakainin.
Pag-uwi sa kanilang bahay, agad na nilinis ni Jacob ang kuting at pinakain.
Pagpasok ng nanay ni Jacob sa kusina, tinanong niya kung saan nagmula ang
kuting. Kwinento ni Jacob sa kanyang nanay ang karanasan mula sa
pagtulong sa matandang babae sa pagtawid hanggang sa pagliligtas sa kuting
na nahulog sa kanal.
“Naawa po ako sa kuting,Nanay, kaya po dinala ko muna rito sa atin upang
pakainin at linisin. Nanginginig po siya kanina at tingnan po ninyo.
Ngayon nakakatayo na po siya nang maayos.” “Napakabait mo talaga,
anak. Humahanga ako sa kagandahan ng iyong loob lalo na sa kabutihang
ipinapakita mo sa kapwa at mga bagay na nakapaligid sa iyo,” masayang
pahayag ng nanay ni Jacob. “Kung gusto mo ay maari nating kupkupin ang
kuting na iyong nakuha bilang alaga,” dagdag na pahayag ng kaniyang
nanay. “Talaga po,nanay. Sige po. Gusto ko nga pong magkaroon ng
alagang hayop”, wika ni Jacob na hindi maitago ang kasiyahan sa kaniyang
mukha.
1. Ilarawan ang katangiang taglay ni Jacob.
2. Ano ang ginawa ni Jacob nang makita niya ang matandang babae na
tumatawid sa lansangan?
3. Ano naman ang ginawa ni Jacob sa kuting na nahulog sa kanal?
4. Bakit humahanga ang nanay ni Jacob sa kaniya?
5. Kung ikaw si Jacob, gagawin mo rin ba ang ginawa niya sa matanda at
sa kuting? Bakit?
Ang mga sumusunod na larawan ay nagpapakita ng taong
nangangailangan ng tulong. Piliin ang angkop na pamamaraan
upang tulungan sila. Lagyan ng tsek ( ) ang kahon.

Tulungan siyang tumawid


ng lansangan

Ipagwalang-bahala siya

Hayaan siyang tumawid


mag-isa
Ngitian siya

Tulungan siya sa
pagdadala ng kanyang
mga gamit
Magpanggap na hindi siya
nakita
Hayaan silang mag-away

Ipagwalang bahala at
magtago
Paliwanagan ang dalawang
bata na walang maidudulot
ang pakikipag-away
Imungkahi sa mga
magulang na tumulong sa
mahirap na pamilya at
nangangailangan
Ipagwalang bahala ang
mahihirap na pamilya

Hindi mo problema na
mahirap sila
Hayaang umiyak ang bata

Lapitan ang bata at


subuking patahanin

Magkunwaring hindi
nakita ang bata
Gawain:

Panuto: Magbigay ng (10)


sampung pamamaraan upang
pahalagahan ang kapwa

You might also like