You are on page 1of 23

Ang Alamat ng Niyog

Noong unang panahon, may isang


batang nagngangalang Miyog. Siya ay
napakaliit na bata na halos kalahati ng
isang normal na bata, ngunit mayroon
siyang napakataas na pangarap, na
balang-araw, siya ang magbabangon sa
kanyang mga magulang sa kahirapan
at magtataguyod sa buhay.
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos,
daing sa hirap at laging pagod sa
paghahanap-buhay ang mga
magulang ni Miyog. Lagi niyang
binabalak na tumulong ngunit
pinapa-galitan lamang siya ng
kanyang ama at sinasabing,
“huwag ka ng tumulong, maliit ka,
wala kang maitutulong at sa halip
ay makakaperwisyo ka pa”.
Kaya sa tuwing umaalis ng
bahay ang kanyang mga
magulang upang maghanap
buhay, palihim na lang niyang
nililinis ang kanilang tahanan at
maging ang kapaligiran nito
bilang tulong, ngunit hindi ito
napapansin ng kanyang mga
magulang.
Isang gabi, nag-usap ang
mag-asawa.” Kahit ano
gawin nating pagsisikap ay
hindi pa rin tayo makaahon
sa ating pagkakalugmok.
Habang tumatagal, lalo
tayong naghihirap”, sabi ng
ama.
Ang ating anak, mula nung
iniluwal ko siya ay naging
kakambal na naten ang
kahirapan, malas na siya
wala pa siyang pakinabang”,
ang sabi ng ina. Ngunit ang
hindi nila alam ay naririnig
pala sila ni Miyog.
Dahil sa sama ng loob,
naisip ni Miyog na
umalis upang mag-isip-
isip. Buong gabi siyang
umiyak ng umiyak.
Kinabukasan ng madaling
araw, lumayas siya at sa
harap ng kanilang pinto
ay nag-iwan ng sulat na
naglalaman ng kanyang
hinanakit.
Panandalian siyang tumigil at
sinabi niya, isinusumpa ko, lalaki
rin ako, titingalain ng maraming
tao, mararamdaman nyo rin na
isa akong malaking kawalan sa
inyo. Kasabay ng pagtakbo niya
mula sa kinatatayuan ang
pagtulo ng luha.
Ilang araw na ang
nakakalipas ngunit hindi pa
rin nila napapansin ang
pagkawala ni Miyog. Ngunit
isang gabi pag-uwi nila,
napansin din nila ang dumi
at kalat sa bahay ganun na
rin ang paligid nito.
Hindi naglaon, nagkasakit ang ama
ni Miyog dahil sa mga insektong
dumumog sa kanilang kapaligiran
dahil sa dumi at nabubulok na
nakapaligid sa bahay. Noon nila
napagtanto na wala na pala si
Miyog sa kanila at siya lamang ang
posibleng naglilinis ng paligid nung
siya’y nandito pa.
Ilang linggong hinanap ng ina
si Miyog ngunit hindi niya ito
makita. Napaupo na lamang
ang ina at napapikit sa may
pinto at sinabing,” Miyog,
anak, kung nandito ka lamang
sana ay maayos ang kalagayan
ng iyong ama.
Pagmulat niya nasilaw
siya sa isang liwanag
kasabay ng pagtubo ng
isang puno na may
bunga. Kasabay din nito
ang pagkakita sa sulat na
ginawa ni Miyog.
Habang nagtatagal ay
lalong dumadami ang
puno at napakinabangan
ng tao ang lahat ng parte
nito mula ugat hanggang
dahon.
Laking pasasalamat ng mga tao
doon at isang malaking pakinabang
ang punong iyon sa kanila, nagsilbi
itong pagkain, inumin, at maging
gamot sa mag sakit at kung anu-
ano pang gamit ang makukuha
dito.” Siguro nga ay si Miyog ang
punong iyan, nagsisisi akong nasabi
kong wala siyang pakinabang”,ang
sabi ng ina.
Di naglaon, tinawag nila itong
punong miyog, hanggang sa
naging puno ng niyog.
Hanggang sa ngayon, tinitingala
at napakalaki pa rin ng
pakinabang ng mga tao sa puno
ng niyog. Dito nakukuha ang
karamihan sa ipinagmamalaking
mga produkto ng Pilipinas.
Mga tanong:
1. Tungkol saan ang kwentong biyong binasa?
2. Kkk
3. Jjk
4. Jjj
5. Sa iyong palagay, makatotohanan ba ang mga
pangyayari?
Piksyon – ito ay binubuo ng hindi
makatotohanang pangyayari sa
totoong buhay. Ito ay hango sa
imahinasyon ng tao o kathang isip
lamang.
Mga halimbawa:
Pabula, alamat , kwentong bayan,
nobela , parabula, maikling kwento,
dula , tula, awit, korido, epiko at
mitolohiya .
Di Piksyon – ito ay binubuo ng
makatotohanang pangyayari sa
buhay. Ito ay naglalaman ng tunay
na pangyayayari.
Mga Halimbawa:
Sanayasay, talambuhay, anekdota,
aral mula sa bibliya, kasaysayan,
sariling karanasan o kwento ng
tagumpay.
Pangkatang Gawain
Gumawa ng maikling
kwento na piksyon o
di piksyon.
Suriin ang mga sumusunod na
babasahin. Isulat sa puwang ang
piksyon o di piksyon.
1. Mga Kwento ni Lola Basyang
2. Si Dr. Jose P. Rizal, ang ating
Pambansang Bayani
3. Tandang Sora, Ina ng Katipunan
4. Ang Pagong at ang
Matsing
5. Si Langgam at
Tipaklong
6. Noli Me Tangere
7. Kasaysayang
Heograpiya at Sibika
8. Ang Sirena sa Ilog
9. Mulawin
10. Encyclopedia
Britannica

You might also like