You are on page 1of 21

Pakitang turo sa EsP V

May matanda ba kayong kasama sa


bahay?

Paano mo sya o sila inaalagaan?


Ano ang naramdaman mo habang binabasa ko ang liham?

Sa panahon ngayon, bkit pinag iingat ang


mga matatanda?

Bakit bawal sila lumabas?


Kung ang lola ko ay ipinanganak nung March 28, 1924, ilang
taon na sya ngayon? Paano mo nakuha ang iyong sagot?

January 1, 1954?

December 25, 1967?


PAMANTAYAN SA
PANGKATANG GAWAIN
Paksa para sa bawat pangkat:

Pangkat 1 - katangian/anyong pisikal ng


matatanda

Pangkat 2 - iguhit ang dapat at hindi dapat kainin


ng matatanda

Pangkat 3 - kaya at hindi kayang gawin ng isang


matanda

Pangkat 4 - pag-uugali ng matatanda


Ano ang dapat nating maging saloobin para sa may
mga maysakit, matatanda, at ibang kasambahay
tungkol sa paraan ng pag-aalaga sa kanila?
Ano ngayon ang masasabi natin tungkol sa
pagtanda?
"ANG PLATONG KAHOY“

May mag-asawang nakatira sa isang bayan na may isang anak.


Sa loob ng mahabang panahon, magkasamang namuhay nang
masaya ang tatay kasama ang anak niyang lalaki at ang
kaniyang asawa. Subalit nang siya ay tumanda na, humina na
rin ang kaniyang katawan. Palagi siyang nakababasag ng plato
sa tuwing kumakain siya sa mesa. Nanginginig na kasi ang mga
kamay niya. Hindi nagtagal, nagalit ang anak sa pagiging lampa
ng tatay niya.
Kaya isang araw, iginawa niya ito ng mapagkakainang
pinggan na kahoy. Ang pinggang kahoy na ito na ang
nagsilbing kainan ng kaawa-awang matanda. Nang
mapansin ng lalaking apo ang ginawa ng kaniyang tatay,
kumuha siya ng ilang gamit pangkarpintero at nagpunta sa
ilalim ng bahay. Nang makita siya ng tatay niya, tinanong
siya nito, “anak, ano ang ginagawa mo?"
“Tay, iginagawa ko kayo ni ina ng pinggang kahoy
para sa inyong pagtanda", sagot ng anak. Pagkarinig
sa mga salita ng anak, tumulo ang mga luha ng ama.
Simula noon, pinayagan na ang matandang lalaki na
kumain sa mesa kasama ng buong pamilya. Hindi
na siya pinakakain sa pinggang kahoy.
Paano mo maipapakita ang wastong
paggalang sa Karapatan ng matanda?
May karapatan din ba ang mga
matatanda ?
Magbigay ng mga karapatan ng
matatanda?
Panuto: isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
 

1. Nakita mong naglilinis ng bakuran ang iyong lola, ano ang iyong gagawin?
 
A. Hahayaan siyang maglinis
b. Tutulungan siya
c. Patitigilin siya sa paglilinis
d. Bibigyan siya ng gantimpala
2. Nakita mo ang isang matanda na hindi makatawid sa kalsada, ano ang gagawin mo?
 
A. Pagtatawanan ko siya
b. Kagagalitan ko siya
c. Tutulungan ko siyang tumawid at lumakad
d. Ituturo ko sa kanya kung paano lumakad.
3. Siksikan sa sasakyan. Nakatayo si aling celing habang tumatakbo ito. Ano ang iyong gagawin?
 
A. Ihahandog ang upuan sa kanya
b. Palilipatin ko siya ng sasakyan
c. Pagtatawanan ko siya
d. Bibigyan ko siya ng pamasahe
4. Kaarawan ng iyong lolo, ano ang dapat
mong gawin?
 
A. Ipagluluto siya ng paborito niyang
pagkain
b. Dalawin siya sa kanilang tahanan
c. Batiin siya at gawaran ng halik
d. Lahat ng nabanggit
5. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin
kung makita mong nalulungkot ang matatanda
mong kapitbahay?
 
A. Tawagan ng pansin ang kanilang mga anak
b. Padalhan sila ng sulat
c. Dalawin sila at makipagkuwentuhan
d. Yayain silang manood ng sine
Takdang aralin
 
Sumulat ng isang slogan na nagsasaad ng
iyong pagmamalasakit sa matatanda.
 

You might also like