Professional Documents
Culture Documents
Esp Co
Esp Co
I. Layunin
II. Nilalaman
A. Paksa
1. Wastong Pangangalaga sa Matanda
B. Mga Kagamitan
Kuwento: "Ang Platong Kahoy"
Liham: "Ang Sulat ni Nanay at Tatay"
PowerPoint/Laptop/larawan/kahoot app
III. Pamamaraan
Itanong kung ano ang kanilang naramdaman habang binabasa ang liham.
Sa panahon ngayon, bakit pinag iingat ang mga matatanda?
Bakit bawal sila lumabas? (Araling Panlipunan – Current event)
Kung ang lola ko ay ipinanganak nung March 28,1924, ilang taon na sya ngayon? Paano mo nakuha ang iyong
sagot? January 1,1954? December 25, 1967? (Math)
Pangkatin sa apat ang klase. Bawat grupo ay mayroong group chat na aking ginawa sa messenger. Pag usapan
ang mga gagawin. Bigyan ng tig-isang paksang tatalakayin. Papiliin ng lider, tagasulat, at taga-ulat ang bawat
pangkat.
B. Pagsusuri
Matapos nating talakayin ang katangian/anyong pisikal, pagkain, kayang gawin, at ang pag-uugali ng
matatanda. Ano ang dapat nating maging saloobin para sa matatanda?
C. Paglalahat
Ano ngayon ang masasabi natin tungkol sa pagtanda? (Ipasabi ang mga natutuhan) at basahin ang "Ang Platong
Lata."
E. Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Nakita mong naglilinis ng bakuran ang iyong lola, ano ang iyong gagawin?
a. Hahayaan siyang maglinis
b. Tutulungan siya
c. Patitigilin siya sa paglilinis at ako ang magtutuloy ng kanyang ginagawa
d. Bibigyan siya ng gantimpala
2. Siksikan sa sasakyan. Nakatayo si Aling Celing habang tumatakbo ito. Ano ang iyong gagawin?
a. Ihahandog ang upuan sa kanya
b. Palilipatin ko siya ng sasakyan
c. Pagtatawanan ko siya
d. Bibigyan ko siya ng pamasahe
4. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin kung makita mong nalulungkot ang matatanda mong
kapitbahay?
a. Tawagan ng pansin ang kanilang mga anak
b. Padalhan sila ng sulat
c. Dalawin sila at makipagkuwentuhan
d. Yayain silang manood ng sine
5. May sakit ang iyong lola, ano ang dapat mong gawin?
a. Huwag pansinin
b. Tulungan siya sa kanyang pangangailangan
c. Hayaan siyang kumilos mag-isa
d. Tulungan nang may pagkainis
EREL G. MARCELINO
Teacher I
Observed by: