You are on page 1of 7

(Scene 1)

NARRATOR : “Taong 2023 sa lungsod ng Maynila, may mag-ina ang hirap sa kanilang
buhay, ngunit sila’y masaya at kontento na, kita sa kanilang mata ang tunay na
kaligahayan.”

LOVELY : “Nak, alam ko na mahirap ang buhay natin. Ngunit, nais kong makapagtapos ka
sa iyong pag-aaral.”

SHAILA : “Hayaan mo, ‘nay.. Pagbubutihan ko sa pag-aaral at i-aahon kita sa kahirapan.”

NARRATOR : “Dumating na ang panibagong araw, nag-handa na si Maria para sa kaniyang


pagpasok. Siya’y umalis na sa kanilang tahanan, sa ‘di kalayuan, habang siya’y naglalakad
may narinig siyang malakas na sigaw.”

RIZZTHINE: “Tulong! Tulong! Tulungan niyo ‘ko, may mangnanakaw!”

(Tumakbo papunta si Maria.)

MANGNANAKAW : “WAG KANG GAGALAW! HOLDAP ‘TO! Akin na ang bag mo! Ibigay mo
o GIGILITAN KITA!”

SHAILA : “BITAWAN MO SIYA! Ibalik mo ang bag o sisigaw ako ng malakas, ‘wag mo ‘kong
susubukan, mangnanakaw ka!”

NARRATOR : Nakita ng magnanakaw si Maria kaya ito’y dagling tumakbo, nataranta si


Maria at kaya naman tinanggal niya ang kaniyang sapatos at binato ito sa magnanakaw,
tumama ito sa ulo ng magnanakaw. Sa kabigatan ng sapatos niya naging dahilan ito upang
mawalan ng malay ang magnanakaw.

SHAILA : (kinuha ang bag ng babae at ibinigay ‘to.) “Ayos lang po ba kayo? ‘wag po kayong
magalala may tinawagan na po akong pulis paparating na po sila.”

RIZZTHINE : “Oo, maraming salamat, iha. Alam mo nandito ang napakaimportanteng


papeles ko, hulog ka ng langit. May gusto ka ba? ng masuklian ko ang iyong pagtulong sa
akin.”

SHAILA : “Ah,“wala po, nais ko lang po kayong tulungan.”

RIZZTHINE : “Napakabait mo naman, iha. Maari ko bang malaman ang iyong pangalan.”

SHAILA : “Maria, Maria po. Sige na po, maiwan ko na po kayo, at mala-late na po ako.”

NARRATOR: Nagmadali si Maria dahil batid niya na siya’y late na, kahit na may kalayuan
ang kanyang paaralan ito’y kanyang nilalakad araw-araw dahil hindi sapat ang kaniyang
pera upang mamasahe. Laking saya niya ng nakarating na siya sa kanyang silid-aralan
bago pa man tumunog ang kampana. Ilang sandali pa tumunog na ito at dumating na ang
kanilang guro.
TITSER : (Pumasok ng classroom.) “Magandang umaga sainyong lahat.”

MGA ESTUDYANTE : “Magandang umaga, Ma’am Clores!”

TITSER : “Maaari na kayong magsi-upo. Bago ako magsimula sa ating tatalakayin, mayroon
muna akong nais sabihin. Alam ko na batid niyo naman na kayo ay graduating students,
malapit na matapos ang 3rd grading sa susunod pang grading kinakailangan niyo ng aklat
dahil tayo’y magaadvance study gamit ang mga ito, wag kayong mag-alala dahil ang mga ito
ay magagamit niyo rin sa inyong kurso. Medyo may kamahalan ang aklat mga anak dahil
sabi ng principal ito’y aabot sa . Hangga’t maaari hihintayin ko ang inyong bayad until this
week.

NARRATOR: Nagpintig ang mga tainga ni Maria sa kanyang narinig nagaalangan siya kung
kaya niya ba itong mabayaran. Hindi niya rin alam kung paano niya ito sasabihin sa kanyang
ina dahil batid niya na sila’y mahirap lamang at walang sapat na pera ang kanyang ina.
Natapos na ang pagtuturo ng kanilang guro oras na ng uwian ng biglang nagulat si Maria sa
sinabi ng kanyang guro.

TEACHER: Class Dissmissed, Maria sumunod ka sa’kin sa office.

NARRATOR : “Tila alam na ni Maria ang balak sabihin sa kanya ng kaniyang guro, lumabas
siya ng may lungkot sa kaniyang mukha, samantala naging usap-usapan naman siya ng
kanyang mga kaklase.”

CHASIDY : “Siguro bumagsak ‘yang si Maria, ang baba kasi ng mga scores niya.”

LOVELY : “Halata naman eh. Kawawa naman baka mamaya hindi pa siya makagraduate”

(Tumawa sila ng tahimik.)

GRACE : “Huy! Magsitahimik nga kayo, mga chismosa. ‘Wag kayo mangielam ng buhay ng
iba.”

NARRATOR : Hindi napigilang magsalita ni Grace dahil sumosobra na ang kanilang kaklase,
siya ang matalik na kaibigan ni Maria. Sa kabilang banda masinsinan nag-uusap si Maria at
ang kanyang guro.

TITSER : “Ayokong bangitin sa’yo ‘to Maria, ngunit ang iyong grado ay bumababa. Tandaan
mo nak graduating student ka kailangan mo pagbutihan sa pag-aaral mo dahil pagdating mo
sa college yun ang kanilang gagawing basehan.

SHAILA : Ma’am batid ko naman po na mababa po talaga ang aking grado, ginawa ko
naman po ang lahat ngunit ‘yun lang po talaga ang aking kinaya. Hayaan niyo po mas lalo
ko pa pong pagbubutihan.
TITSER : Alam kong ginagawa mo ang iyong makakaya ngunit hindi pa ito sapat, pero alam
mo Maria may tiwala ako sa’yo alam kong may ibubuga ka pa. Aasahan ko na pagbubutihan
mo pa Maria, maaarii ka ng bumalik sa classroom.

SHAILA : Salamat po!

NARRATOR: Sa ‘di kalayuan nagulat si Maria ng makita niya ang kanyang matalik na
kaibigan na dala dala ang kaniyang bag.

*kumaway si grace

GRACE: Maria! Nandyan ka na pala, ito yung bag mo oh dinala ko na para diretso uwi na
tayo. Ano nga pala ang sinabi sayo ni Ma’am Clores?

SHAILA: Binanggit niya na bumaba raw yung grado ko, pero hayaan mo na kaya ko pa
naman bumawi! Thank you sa paghihintay ahh, taraaa uwii na tayoo.

NARRATOR: Pagkalipas ng ilang araw, sumapit na ang Huwebes. Hanggang ngayon hindi
pa rin nababanggit ni maria sa kanyang ina ang kailangan niyang bilhin na libro, kahit
ganoon ang kanyang kalagayan siya pa rin ay pumasok na tila ba’y wala siyang iniisip.

Dumating ang kanilang guro na may bitbit na papel.

TITSER: Magandang umaga!

MAG-AARAL: Magandang umaga, Ma’am Clores.

TITSER: Para sa ating gawain ngayon nais kong malaman kung ano nga ba ang gusto
niyong kunin na kurso, magsimula tayo kay Grace.

(tatanungin isa isa tinamad na ako itype HAHA kayo na bahala kung ano gusto niyong
course basta si shai is engineering.)

TITSER: Mabuti naman at nakapili na kayo ng inyong kurso MAHUSAY! ngayon naman
ibibigay ko sainyo ang papel na ito upang isulat ang nais niyong pasukan na pamantasan.
Pakipasa nalang sa’kin pagkatapos niyong isulat. Maria ikaw nalang pala ang hindi
nagbabayad sa libro pakibigay nalang ito sakin bukas hangga’t maaari. Class dismissed!

GRACE: Uy beh, anong sinulat mong pamantasan na gusto mong pasukan?

MARIA: Wala pa eh, tanungin ko muna si ina kung mayroon ba siyang sapat na pera para
pag-aralin ako.

NARRATOR: Umuwi na si Maria ng bigla niyang nakita ang kanyang ina na nagbibilang ng
pera.

LOVELY: Anak, nandiyan ka na pala. Oh ito pangbayad mo ng mga aklat.


SHAILA: Nay! Paano mo nalaman na may babayaran akong libro hindi ko naman sinabi ‘to
sayo ah.

LOVELY: Nak kahit hindi mo sabihin sakin malalaman ko pa rin, tandaan mo nanay mo ‘ko.
Mas gugustuhin ko pa na magsabi ka sakin kaysa magtago nak, alam ko na mahirap ang
buhay natin ngunit sabi ko naman sayo na gagawa ako ng paraan diba?

SHAILA: Pasensya na ma, ayaw ko lang pong nahihirapan kayo dahil sakin. Hayaan mo ma
palagi na akong magsasabi saiyo.

NARRATOR: Lumuwag ang dibdib ni Maria ng nagkausap sila ng kanyang ina.


Panibagong araw nanaman ang sumibol, kasabay nito ang patuloy na pag-aaral ni Maria.
Habang inaaral ni Maria ang kanilang leksyon lumapit sa kaniya si Grace.

GRACE: Bes, alam mo may magandang iaalok ako sa’yo mabuti ‘to dahil hindi mo na
iintindihin kung paano ka makakapasa sa entrance exam, dibaa nais mong makapasok sa
pamantasan ng lungsod ng maynila?

SHAILA: Paano mo nalaman na nais kong makapasok sa pamantasan na iyon?

GRACE: Nasabi mo sa’kin last year, well hindi na yun ang usapin. May koneksyon kasi ako
sa pamantasan na ‘yun, need mo lang ako bigyan ng ibibigay ko ito sa kanila at ipapasa
ka na nila sa entrance exam.

SHAILA: Hindi ba’t illegal ‘yun, hindi ko ‘yan magagawa dahil marami ang nagsisikap para
makapasok sa pamantasan na ‘yan tapos ako basta basta nalang ng walang ginagawa?
Alam ko na hindi ako matalino ngunit kaya ko pa naman pag-igihan.

GRACE: Gusto lang kita tulungan, 'wag mong masamain ang aking sinabi. Pag-isipan mo
mabuti ang sinabi ko bes makakatulong 'to sayo at para sa nanay mo rin.

NARRATOR: Hindi maalis sa isipan ni Maria ang sinabi ng kanyang kaibigan, nagdalawang
isip siya kung ano nga ba ang kanyang gagawin. Habang nag-iisip si Maria may biglang
tumawag sa kanya.

LOVELY: Maria! tawag ka ni ma’am Clores punta ka raw sa office, siguro bagsak ka
nanaman no. Nako Maria baka mamaya ‘di ka makapagtapos ah! Kawawa ka naman!
(tumawa)

GRACE: Tumahimik ka nga! Wala ka na bang alam na gawin kundi guluhin si Maria? Shoo
hindi ka namin kailangan dito.

LOVELY: WHATEVER!

GRACE: Uy ‘wag mo na pansinin yun ahh pangit talaga ugali nun dati pa. Pumunta ka na
kay ma’am Clores hintayin nalang kita rito.

MARIA: Salamat ahh, pag-iisipan kong mabuti ang sinabi mo kanina.


NARRATOR: Dagling pumunta si Maria sa office.

MARIA: Magandang umaga ma’am, bakit n’yo po ako pinatawag?

TITSER: Maria, ikaw nalang ang ‘di nakakapili ng nais mong pasukan na pamantasan. 'yung
bayad mo rin sa libro asan na? Maria kailangan mo ang libro na 'yun hirap ka na nga sa
pag-aaral tapos hindi mo pa mabili ang mga libro na 'yun?

MARIA: Ma'am pwede po bang sa lunes na 'ko magbayad, kapos lang po talaga kami.
Sisiguraduhin ko po na makakabayad na 'ko sa araw na 'yun. Nagmamakaawa po 'ko
ma'am!

TITSER: Maria last na 'to, hanggang lunes na lamang ang mabibigay ko sa'yo na palugit.
Maaari ka ng bumalik sa iyong silid aralan.

NARRATOR: Nagawang magsinungaling ni Maria sa kanyang guro dahil napag isip isip niya
na may punto ang sinabi ng kanyang kaibigan, nung oras na yaon nangibabaw sa kaniya
ang kagustuhan niyang makapasok sa sikat na pamantasan na kanyang pangarap.
Naaligaga si Maria tila'y hindi niya batid kung ano nga ba ang gagawin niya, naipit siya sa
sitwasyon na kung saan nakakalamang ang masamang panig.

Lumipas ang sabado na parang wala lang kay Maria dahil nakakulong lamang siya sa
kaniyang kuwarto habang patuloy pa rin ang pag-iisip niya kung ano nga ba ang kanyang
gagawin.
Dahil siya'y nababalisa na tumawag siya sa kanyang kaibigan.

MARIA: Grace? Alam mo, 'di ko talaga alam gagawin ko napagtanto ko na nais ko talaga
makapasok sa pamantasan na 'yon, ngunit kailangan ko rin naman ang mga libro. Ano ba
ang dapat kong gawin, pagod na ko!

GRACE: Kumalma ka, bes tanong ko lang sa'yo 'wag mong intindihin 'yung sinabi ko nung
nakaraan, para sa'yo ano ba ang sa tingin mong tamang gawin? Kung ano ang iyong
desisyon ito na lamang ang ay aking susuportahan.

MARIA: Bes, salamat. Napagtanto ko na mas mabuti kung pipiliin ko na lamang gamitin ang
pera para sa mga libro. At sasabihin ko sa aking ina ang lahat ng ito.

NARRATOR: Ibinaba ni Maria ang tawag at lumabas siya sa kwarto, nagulat siya dahil may
bisita pala ang kanyang ina. Ngunit hindi naging dahilan ang bisita upang mapigil na sabihin
ni Maria sa kanyang ina ang tungkol dito, nakita niya tumingin sa kanya ang kanyang ina
hindi niya napigilan ipakita ang lungkot sa kanyang mukha. Dagli naman nilapitan siya ng
kanyang ina

INA: nak? Anong nangyari ba't tila'y ikaw ay malungkot?


MARIA: Nay. Alam mo po hanggang ngayon nasa akin pa rin ang pera na binigay niyo
upang ipambayad sa libro. (Paiyak na sabi)

INA: Anong ibig sabihin mo anak?

MARIA: kasi po ma inalok ako ng kaibigan ko na may koneksyon sa pamantasan na gustong


gusto kong pasukan na maaari ko raw silang bayaran sa halaga na katumbas ng libro.
Nagdalawang isip ako nung una nay ngunit ngayon ibabayad ko na lamang ito para sa libro
dahil alam kong mali ang inalok sa akin ng aking kaibigan.

INA: 'yan ba talaga ang gusto mo nak?

MARIA: Nay… ang totoo po niyan gustong gusto ko po makapasok sa pamantasan na 'yon
pero wala po eh… handa akong kumuha ng entrance exam nay ngunit alam ko pong
babagsak ako. Natatakot ako nay na hindi kita mabangon sa kahirapan…

INA: Halika nga dito nak, alam mo ang saya saya ko ng dumating ka sa buhay ko. kahit na
iniwan tayo ng tatay mo dahil ayaw ka niyang mabuo sinikap ko pa rin na ika'y buhayin dahil
mahal na mahal kita. Alam mo nak nadidismaya ako sa sarili ko kasi hindi kita mabigyan ng
sapat na pera, alam ko na naglalakad ka lang papuntang paaralan kahit malayo ito sa ating
bahay. Sa tuwing nakikita kitang naghihirap sumasakit dibdib ko nak pero alam mo ang saya
ko dahil nagsabi ka sakin ng kusa ngayon. Tiis ka lang anak ah gagawa ako ng paraan para
mapagtapos ka. (*kiniss sa ulo)

MARIA: Nay ang saya ko rin na kayo ang naging nanay ko, kayo ang tumayong tatay ko nay
apaka suwerte ko po sainyo mahal na mahal kita nay. (*naghug)

INA: uy nak dito pa tayo nag-iyakan nakalimutan ko bumisita pala yung ninang mo, siya pala
ang aking pinakamatalik na kaibigan!

NINANG: MARIA? ikaw yung tumulong sakin nung may magnanakaw?

INA: kilala niyo isa't isa?

MARIA: opo nay may nangholdap po kasi sa kanya at tinulungan ko siya, ninang ko po pala
kayo ba't ngayon ko lang po kayo nakita?

INA: galingg kasi siya sa ibang bansa nak, kakauwi lang nung nakaraang araw. Nakuwento
ka pa sakin ng ninang mo akala ko kung sino ang tumulong sa kanya, ikaw lang pala.
Magmano ka sa ninang mo nak!
(Nagmano)

NINANG: ihaa! Ang ganda mo, masaya ako na ikaw ang aking inaanak. laking salamat ko
rin ng ako'y iyong tinulungan. Alam mo naantig ako sa istorya niyong dalawa nais kong
sagutin ang iyong pag-aaral sa kolehiyo.

MARIA: maraming salamat po, pero hindi po ba napakalaking tulong nito?


NINANG: wala ng pero pero, napagtanto ko na kagaya ka ng iyong ina na may busilak na
puso kaya nais ko kayong tulungan.

INA: Maraminggg salamat sis! Habang buhay ko tatanawin ang aking utang ng loob.

NINANG: Hindii mo na kailangan yan gawin dahil ginawa ko lamang ang nararapat anyways
group hugggg tayoo para maibsan ang inyong lungkot

(Group hug)

Bilang pagtatapos Nakapagtapos si Maria sa kolehiyo bilang cumlaude dahil sa kanyang


pagsisikap at nagkaroon naman ang ninang at ang ina niya ng negosyo na tunay na lumago
na naging dahilan ng pagginhawa ng kanilang buhay. At sila'y namuhay ng mapayapa.

Sa dula dulaan na ito ipinapahiwatig na minsan sa ating buhay nakakatagpo tayo ng


sitwasyon na mahirap pagpasiyahan. Kahit na masasabi nating may benipisyo ang isang
desisyon subalit kung ito naman ay pumapaloob ang kasamaan wala tayong mararating
kung iyon ang pipiliin. Mas nararapat pa rin na piliin kung ano ang tamang gawi na bukal sa
atin puso dahil pagpapalain ka ng panginoon kung ika'y namumuhay sa tamang daan.

You might also like