You are on page 1of 24

KUWENTONG KALYE

(SERIES)
Bahagi na ito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Lagi nating nadadaanan, laging pinupuntahan, laging hinihintuan.
Pero ang hindi natin alam
Sa bawat pagdaan natin sa isang lugar
Sa bawat makasalubong natin sa daan
Ay may ibat ibang istorya
May sari-sariling kuwento
Ito ay tatlong kuwento
Ng tatlong nilalang
Na pinagtagpi-tagpi ng mga kalye at kalsada ng Maynila
Alamin natin ang kuwento nila
Ang kuwento ng pag-ibig, pag-asa at pananalig
Ito ang kanilang
KUWENTONG KALYE.
F.B. HARRISON ST.
1
F.B. Harrison Street, nakakainis bakit ba sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay kailangan
kong baybayin ang kahabaan ng F.B. Harrison St. Sa tuwing dadaanan na lang ang sinasakyan kong
jeep sa kalye ng Harrison ay sumasakit na lang lagi ang puso ko, parang gusto kong himatayin at
parang lagi bang gustong kong pumikit kapag dadaan ako ron para hindi ko makita ang sign board
na F.B. Harrison at hindi ko mabasa ang salitang HP o Harrison Plaza.
Kung pwede lang mag-iba ng way ang jeep para hindi na siya makadaan sa kalye na iyon,
pero wala akong choice, yun lang talaga ang daan para makarating ako sa bangkong
pinagtatrabahuhan ko sa may Gil Puyat.
Sampung taon. Sampung taong umikot ang mundo ko sa pangalang iyon at hanggang ngayon ay
dala ko pa rin ang dalamhati at pangungulila sa pangalang yun. Hay bat ba kasi sa daming
pwedeng ipangalan sa kanya ay yun pa ang napili ng nanay niya eh di sana hindi ko isunusumpa ng
ganito ang kahabaan ng F. B. Harrison. Kaawa-awang kalye, pati siya nadadamay sa kalungkutan
kong ito.
Fifteen years old lang ako noon nang una ko siyang nakilala, bagong lipat lang kami noon
ng nanay ko sa Maynila kaya kahit Junior na ako sa highschool ay napilitan akong magtransfer
din ng school. Kahit medyo naninibago ako sa kapaligiran ng school ay carry ko naman, siguro
dahil nga sa isa kaming NPA ng nanay ko, I mean No Permanent Address, ay madali na kaming naka-
aadjust sa ibat ibang klase ng buhay, ibat ibang klase ng bahay at ibat ibang klase ng tao.
Wala naman kasi kaming choice na mag-ina sa pagiging NPA, kung saan-saan kasi nadedestino ang
nanay ko sa trabaho niya. Sa Public School ako pinag-aral non ni mama, mahal daw kasi ang
tuition fee ng private school sa Maynila kaya magpublic na lang daw muna ako. Okey lang naman
sa akin yun, understanding naman akong anak, saka para sa akin, Public man o Private, pare-
pareho lang yan.
First day nang pagpasok ko sa school, ako lang ang first day na papasok sa eskwelahan na
yun kasi ba naman, isang buwan na ang nakakaraan nang mag-start ang pasukan. Kaya bongga!
Pagpasok ko ng school nagtitinginan ang mga tao sa akin, parang tinatanong nila sa mga sarili
nila kung sino itong morenang maliit na kulot ang buhok na pumasok-pasok sa school nila. Sa
section 1 ako nilagay kasi tutal naman pang Section 1 naman ang mga grades ko sa dati kong
eskwelahan.
Class, we have a new classmate and her name is Marie Serrano. Pagkakaintroduce sa akin
ng aming Homeroom teacher, Marie, you may introduce yourself to you classmates.
Hi, Im Marie, you can call me Marie for short.nagngitian ang iba kong kaklase sa
sinabi kong yun. Im from Cavite and nagtransfer kami rito ng mama ko sa Manila kasi dito siya
nedestino sa work niya.
Okey Marie you can have your seat at the back.tinuro ng teacher namin ang isang
bakanteng upuan sa likuran kung saan katabi noon ang isang tisoy na lalaki na medyo dark brown
ang hair at mukhang foreigner. Ang guwapo-guwapo niya, para siyang member ng bandang Hansons.
At napakasuwerte ko kasi siya ang magiging katabi ko. Hay naku Lord, kung sa bawat lilipatan ko
na eskwelahan ay ganito kapogi ang magiging katabi ko okey lang na magtransfer ako ng
magtransfer ng madalas.
Hi!mahina kong bati sa lalaki at narinig naman niya ako kasi saglit siyang tumingin sa
akin at muling itinuon ang pansin sa lessons namin.
Ang hirap pala kapag may poging katabi, lagi kang napapatingin, gusto kong malaman ang
pangalan niya. Gusto kong makita ang ID niya pero di ko masyadong matanaw nakatagilid ka sa
iyon, Ha---
Problem? napanganga ako, nahalata niya siguro na may tinitignan ako sa kanya.
Ha?napatingin ako sa ID niya, Harrison Miller. Hala foreigner pa yata itong seatmate
ko tiyak na mauubusan ako ng English nito, Ah, no, no problem. Im just ano ano
Tumingin uli ang lalaki sa blackboard at nakinig ng lessons namin.
Huminga ako ng maluwag. Naku, mukhang mahihirapan ata ako sa lalaking ito.
Noli Me Tangere. Pumasok sa kuwarto ang Flipino teacher namin, May bago raw mag-aaral
sa klaseng ito.
Nagtaas ako ng kamay, Ako po yun. Marie Serrano po.
Ikinagagalak kitang makilala, Marie.
Ako rin po. Ang sagot ko.
Para sa kaalaman ng inyong bagong kamag-aral, Harrison, maaari mo bang sabihin sa amin
ang ating mga napag-aralan na.
Tumayo si Harrison, Mam, inumpisahan na po nating pag-aralan ang kabanata 1 at 2 ng
Noli me Tangere.
Napatingin ako sa kanya, hala, eh marunong naman siyang magtagalog pala, akala ko naman
mauubusan ako ng English sa kanya.
Okey, Ginoong Miller, maari mo bang sabihin kay Bb. Serrano kung bakit inilatha ni Dr.
Jose Rizal ang nobelang ito.
Tumingin sa akin si Harrison, Inilathala ni Dr. Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere
dahil naniniwala siya na ang ating bayan ng mga panahon na iyon ay may sakit na kanser.
Napatitig ako kay Harrison habang nag-eexplain siya sa akin. Wow, parang siya lang ang tao na
nakikita ko, mala-anghel ang mukha niya. Hay hindi na nga ako makapakinig sa mga sinasabi niya
dahil masyado akong nabibighani sa kapogian niya at ganda ng tindig niya.
Naiintindihan mo ba, Marie? napatingin ako sa teacher namin. Naku sa sobrang
napatulala ako kay Harrison ay di ko na namalayan na tapos na pala siyang magsalita, O-opo
mam. Na-getz ko po.ang tanging naisagot ko.

Breaktime na. Tumayo na sa tabi ko si Harrison at dahil nga sa wala pa akong makakasama
ay hinabol ko siya palabas ng classroom.
Ano, pogi!tawag ko sa kanya at nilingon naman niya ako.
Uy aminado siyang pogi siya.pabiro kung sinabi sa kanya.
Oh bakit mo ako tinawag?
Hoy pwede ba akong makisabay sayo, kasi wala akong kasama rito.
Hindi ako kakain, pupunta akong library.
Ah ganon ba? Ang sipag mo namang mag-aral.
Sige na, maghanap ka na lang ng iba mong kasama marami namang iba riyan. Itinuro niya
ang iba naming kaklase, Lydia!
Tumingin sa kanya ang isang babae na may suot na eye glasses, Bakit?
Samahan mo nga ito, wala raw siyang makasama eh.
Ngumiti si Lydia, Okey.
Lumapit si Lydia sa akin, Halika na Marie.
Ngumiti ako at sumama kay Lydia.
Ah, talaga ngayon ka lang nagpublic school.sabi ni Lydia sa akin habang kinukuwento ko
sa kanya ang buhay NPA naming mag-ina.
Eh, ang mahal naman kasi ng tuition rito sa Maynila.
Ako, hindi pa ako nakakapag-aral sa private school. Ano bang feeling na nag-aaral sa
private school?
Wala naman masyado, siguro mas magaganda yung facilities nila saka mas may kaya ang mga
estudyante. Pero mukha namang masaya rin mag-aral dito. Mas masaya dahil may katabi akong
guwapo. Lydia, matanong ko lang ha, yang ba si Harrison
Kung may girlfriend siya? Naku paano magkakagirlfriend yan eh loner yan, gusto niya
walang nakikialam sa kanya, walang nang-iistorbo, para bang may sariling mundo.
Abnormal? Autistic ba siya? Ang pogi naman niyang austistic.sabi ko.
Hoy hindi noh, hindi abnoy yun, ganon lang talaga siya. Type mo siya noh.
Napangiti ako kay Lydia, Wala kasing ganyan kapogi sa mga eskwelahan ko non eh.
Naku ang dami ngang nagkakacrush diyan pero mga kaawa-awa lang kasi di naman niya
pinapansin yung mga yun.
Ganon? Ang suplado naman non.
Oo noh, kaya wag mo ng pangarapin yun, suplado yun noh.
Pero hindi ako nakinig kay Lydia, patuloy pa rin akong nagpapansin kay Harrison. Tanong
ako ng tanong sa kanya kahit di naman niya ako sinasagot. Chika ako ng chika sa kanya kahit
hindi siya nakikinig at noong nakuha ang landline nila, tawag ako ng tawag sa kanila kahit pa
lagi niya akong binabagsakan ng telepono.
Hindi ako tumigil sa kakakulit sa kanya hanggang sa.

Pumasok ako sa isang computer shop na malapit sa eskwelahan para magtype nang makita ko
si Harrison na nakaupo sa isang computer at nag-iinternet.
Tahimik akong lumapit sa kinauupuan niya upang silipin kung ano ang ini-internet niya.
Nakabukas ang internet niya sa Yahoo! At may sinisearch na pangalang Stephen Miller.
Binuksan niya ang isang window niya kung saan naka-open ang MIRC at may chinachat siya
na ang pangalan ay Stephen.
Harrison: Where are you from California? Im looking for Mr. Stephen Miller of US Navy
who stayed here in the Philippines during 80s
Stephen: Im sorry Im not from US Navy.
Stephen Millergulat akong nilingon ni Harrison.
Hoy, anong ginagawa mo rito? Kanina ka ba riyan?
Tumabi ako kay Harrison, Siya ba ang tatay mo?
Wala kang pakialam! pagalit niyang sagot akin.
Ang sungit naman nito. Hindi mo ba kilala ang tatay mo?
Tinulak niya ako papalayo sa kanya, Ang kulit mo, umalis ka nga rito.
Aray, ito kung makatulak parang hindi babae yang tinutulak mo. Guwapo ka nga pero hindi
ka naman gentleman!at dahil sa inis ay umupo na lang ako sa isang bakanteng computer don at
nagsimula ng magtype.
Simula noon ay sinumulan ko na siyang dedmahin, aba, akala niya uubra sa akin yung
pagtulak-tulak na ginawa niya sa akin. Hindi siya gentleman kaya hindi niya deserve ang
pagiging gentle ko. Bahala siya sa buhay niya.
Kapag tinatanong niya ako sa classroom, dedma, keber ko sa kanya. Kapag inaalok niya ako
ng pagkain, dedma, kahit mamatay pa ako sa gutom hindi ako hihingi ng pagkain sa kanya. At
kapag bagot na bagot na siya dahil wala siyang makausap, dedma, maghanap siya ng piso ng may
makausap siya.
Lumipas ang mga araw, siguro ay nararamdaman niya rin ang inis na nararamdaman ko sa kanya.
Uwian na tinawag ko si Lydia para sumabay sa pag-uwi, Lydia, halika na.
Umiling si Lydia, Sorry Marie, hindi ako makakasabay sayo, may meeting pa kami ng mga
groupmates ko eh.
Hmp! Nakakainis naman wala akong kasabay pag-uwi.
Ako pwede.
Napatingin ako kay Harrison, Ano?
Wala ka bang kasabay? Ako pwede.
Bakit!?
Di ba nga wala kang kasabay.at hinila niya ang kamay ko, Halika, uwi na tayo.
Sa labas ng school, sa hinatayan ng jeep ay hila-hila pa rin ni Harrison ang kamay ko, Hoy
teka nga!inalis ko ang kamy ko sa kanya, Teka nga, teka nga. anong karapatan mo para hila-
hilahin ako rito. Bakit sinabi ko ba na makikisabay ako sayo! Hoy! I can manage myself noh!
Okey, ano pang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako sa pagiging salbahe ko sayo?
A-anong ibig mong sabihin?
Nagulat ako ng lumuhod siya sa harapan ko, Marie, please Im sorry na. Magpapakabait na
ako.
Nagtingan ang iba pang estudyante sa amin at nagngingisian kaya hinila kong patayo si Harrison,
Hoy tumayo ka nga, mahiya ka sa balat mo.
Please naman Marie oh. Hindi ko na kasi kaya yung pangdededmang ginagawa mo sa akin.
Sorry na okey. Sorry kung dinidedma kita noon, sorry na kung sinusungitan kita noon at sorry na
kung itinulak kita noon sa computer shop. Please patawarin mo na ako.
Hmmm kaya ka ba nagdadrama ng ganyan dahil ayaw mong ipagkalat ko sa iba yung sekreto
mo. Im referring to sa paghahanap niya sa tatay niya.
Of course not. Ano ka ba kahit ipagkalat mo sa buong campus na hinahanap ko ang tatay
ko, okey lang sa akin yun. Saka wala namang masama kung hinahanap ko ang tatay ko ha.
Hmp, oo na. Oo na. Naniniwala na ako sayo. Pero teka, sincere ka ba talaga riyan sa
apology mo ha?
Naman, lumuhod na nga ako sa harapan mo eh.
Sige na, forgive and forget na.
Salamat Marie ha, teka ihahatid na pala kita sa inyo.
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya, Ako? Ihahatid mo pa ako? Aba umo-over na ang
pagiging gentleman mo ha. Naka drugs ka ba?
Ngumiti lang sa akin sa Harrison at inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko, Halika
na?
Hay feeling ko tuloy ang haba-haba ng hair ko habang inihahatid niya ako sa bahay.
Habang pinagtitinginan kami ng ibang mga babae sa jeep dahil super close kami.
Naging madalas ang pagsasama na hindi na lang namin namamalayan that there is something
going on na pala between us. Kaya dumating din ang panahon na officially ay napagtanto namin na
maging mag-ON na kami.
Hay kahit pa sabihin pa ng iba na mukha akong yaya ni Harrison dahil sa layo ng itsura
naming okey lang, keber! Inggit lang sila noh. Dahil sa mga pagkakataong ito, ako ang
pinakamagandang nilalang sa buong mundo.
Lumipas ang highschool, nadestino na naman sa isang probinsya ang nanay ko pero
nagpumilit akong wag sumama. Kahit kalbuhin pa niya ako hindi ako sasama dahil nangako kami ni
Harrison sa isat isa na hindi kami maghihiwalay. Kaya walang nagawa si mader, napilitan siya
dalhin muna ako sa isang dormitory para doon manuluyan.
Hindi nga kami naghiwalay ni Harrison, at ginawa ko talaga ang lahat ng paraan para di
kami maghiwalay. Inalagaan ko siya, sinamahan saan man siyang magpunta, binantayan at
sinuportahan sa paghahanap niya sa tatay niyang di niya makita-kita.

Hanggang sa dumating ang araw na inaayawan ko noon pa


2

Hanggang sa dumating ang araw na inaayawan ko noon pa
Four years na kami noon. Nabibigla na lang ako sa mga pangyayari. Bigla na lang siyang
nawawala ng di nagpapaalam. Bigla siyang mag-a-out of town na di ko alam. Hindi na siya
nagtitext, hindi na tumatawag, at hindi na rin niya ako palaging hinahatid sa dorm.
Isang araw, kagaling niya lang sa Baguio na hindi niya pinagpaalam sa akin na aakyat pala siya
ron, hinarap ko siya at kinausap ko siya ng masinsinan.
Alam mo nakakapikon ko na ha. Umaalis ka na lang ng hindi man lang sinasabi sa akin.
Bakit kung sasabihin ko ba sayo papayagan mo ako? Or papayag ka ba kung hindi ka
kasama? sagot niya sa akin.
Bakit ka ba ganyan magsalita ha? Teka magtapat ka nga sa akin Harrison ha, may problema ka ba
sa akin?
Napabuntong hininga siya sa harapan ko, Oo, malaki. Marie, nasasakal na ako sayo. Hindi
na ako makahinga. Lagi ka na lang nakasunod, lagi ka na lang nagtatanong, laging kailangan
sabihin ko sayo, kailangan kasama ka, daig mo pa ang pulis eh at daig ko pa ang preso sa
ginagawa mo. Minsan nga dahil kakabuntot mo nakalimutan ko na binata pa pala ako, kasi daig ko
pa ang may asawa sa ginagawa mo.
Napaiyak ako sa mga sinabi niya sa akin, Are you breaking up with me?
Bumuntong hininga muli siya at sinabi niya sa akin na walang paligoy-ligoy ang salita
na Yes.
Dahil sa galit ay nabigyan ko siya ng isang malakas na sampal sa kanyang mukha.
Yumuko lang siya at sinabing, Sorry, gusto ko lang ng space.
At bigla ko siyang niyakap, Wag mo akong iwan.
Inalis niya ang pagkayakap ko sa kanya at saka siya tumalikod at lumayo sa akin.
Ilang araw din akong nag-iiyak, ilang araw na walang imik. Kahit magkaklase pa kami sa
ibang subjects namin ay parang hindi na kami magkakilala, hindi kami nagkikibuan at di
nagtitinginan. Sabi nila noong mga araw na iyon nawala ang Marie na nakilala ng lahat, nawala
ang maingay, masayahin at machikang Marie. Nawala lahat dahil nawala si Harrison sa akin.
Ilang araw din akong pumasok na mugtong-mugto ang mga mata sa kakaiyak habang itong si
Harrison hindi ko man lang nakitang namula ang mga mata niya. Parang ngang lagi pa itong
nagnining-ning. Hindi ba niya napapansin ang mga mata ko, luwang-luwa na, ang katawan ko
nanunuyot na dahil di na ako makakain sa kakaisip sa kanya at minsan pa nawawala na ako sa
aking sarili. Pero bakit siya, habang tumatagal parang mas gumaguwapo siya simula ng magbreak
kami. Its so unfair!
Nagkaroon ng singing contest sa school namin. Kahit hindi naman gaanong kagandahan ang
boses ko ay sumali ako sa contest, gusto kong ipadama kay Harrison sa pamamagitan ng awitin ang
nararamdaman ko ngayon.
Tinawag na ako sa stage, at naghiyawan ang mga tao nang makita ako sa stage, ang iba
naman ay nagtinginan kay Harrison.
Nagsimula ng tumugtog ang dala kong minus one tape:
Sana maulit muli
Naglakasan ang hiyawan ng mga tao at nakita kong niloloko ng iba naming kaklase si
Harrison.
Ang mga oras nating nakaraan.
Bakit nagkaganito?
Naglaho nga ba ang pag-ibig mo.
Kahit nagkakatawanan na sa buong auditorium, wala pa rin akong pakialam. Dinama ko pa
rin ang bawat titik ng kantang iyon at hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking luha.
Ang ating kahapon Sana maulit muli.
Bigla akong napiyok sa mataas na nota ng lyrics na iyon at maslalong naghiyawan ang mga
tao.
Natapos ang contest, siyempre hindi ako ang nanalo. Pero wala akong pinagsisihan, kahit
napiyok pa ako dahil ang pinaninindigan ko ay nagpakatotoo ako sa sarili ko at nagpakatotoo ako
kay Harrison.
Sa labas ng auditorium, tahimik akong naglalakad nang nakasalubong ako roon si
Harrison.
Harrisonang sabi ko sa kanya.
Hindi siya makapagsalita.
Harrison miss na miss na kita.
Napayuko siya, Marie, wag mo na sanang ulitin yun. Ang totoo kasi niyan nakakahiya
eh.
Harrison, wala akong pakialam sa sasabihin ng iba dahil mahal kita.
Marie, bigyan mo naman ako ng kahihiyan, bigyan mo naman ng kahihiyan ang sarili mo.
Kahit yung sa sarili mo na lang please. Wag mo namang ipamukha sa lahat na nagpapakatanga ka sa
akin.
Napaiyak ako sa mga sinabi niya.
Im sorry.at umalis na siya.
Pero hindi doon natigil ang lahat ng pagpupursige ko na magkabalikan kami, kinulit ko
pa rin siya. Tinawag-tawagan sa bahay nila, noong una sinasagot pa niya ako pero ng magkalaon,
parang nagtatago na rin siya. Para pa ngang pinaputol pa niya ang telepono nila upang di niya
ako makausap at ilang palit na rin siya ng SIM card niya upang di ko na siya mahagilap.
Grumaduate na kami ng college, nagsimula nang magtrabaho. Kahit di ko na siya madalas
nakikita, di nakakausap ay di ko pa rin siya makalimutan. Hindi ako tumigil sa kahahabol sa
kanya. Hinanap ko siya sa Friendster, sa My Space, sa Facebook, sa Multiply pero di naman niya
ako ina-add sa mga friends niya.
Hanggang sa isang araw papunta ako ng opisina ay nagulat ako ng makasabay ko siya sa
jeep. Halatang nagulat din siya, para pa ngang gustong umalis pero wala lang magawa.
K-kamusta ka na? tanong niya sa akin.
Heto hindi pa rin kita makalimutan.
Aalis na pala ako. Nakita ko na kasi ang daddy ko. Ka-aaprove nga lang ng Visa ko
papuntang Amerika. Ang saya dib a, after all this years na hinanap ko siya hindi ko akalain na
makikita ko pa rin pala siya.
Oo nga, nakakatuwa naman. Hindi na pala tayo magkikita.
Tinapik niya ang balikat ko, Magmove on ka na.
Di ba sabi mo sa akin non space lang. Pinahaba mo na ang space eh.
Sa ganon talaga, Marie eh.
Ilang sandali pa ay bumaba na rin siya ng jeep at iniwan na lang niya akong umiiyak.
Yan ang kuwento, kung bakit ko isunusumpa ang kalye ng Harrison. Dahil hanggang ngayon
after three years na umalis na si Harrison sa Pilipinas ay di pa rin ako maka-move on sa kanya,
umaasa pa rin ako na pwede pa kaming magkabalikan. Hay grabe ang tanga-tanga ko talaga!
Naglalakad ako sa Buendia, nang may bumisina sa akin. Napalingon ako, isang airport
taxi. Bigla akong kinabahan ng bumukas ang pintuan ng taxi at lumabas si Lydia.
Hoy Marie! Kamusta ka na?
Bigla muli akong nakahinga ng maluwag na makita ko si Lydia, akala ko kung sino na..
L-lydia, heto ayos lang kagaling ko lang sa bangkong pinagtratrabahuhan ko. Ikaw?
Heto, kagaling ko lang sa Australia, napauwi ako rito kasi nabalitaan ko may
Highschool Reunion daw tayo. Alam mo ba yun?
Umiling ako.
Hindi mo alam? Eh sina Harrison pa nga ang nag-organize non.
Napanganga ako. Kaya pala hindi ko alam, kasi si Harrison ang nag-ayos. Di ba nasa
Amerika na siya?
Nagbabakasyon siya dito sa Pilipinas para nga sa reunion. inabot niya sa akin ang
invitation, Hoy umattend ka ha.
At bumalik na muli sa Airport Taxi si Lydia.
Habang hawak-hawak ko ang inivitation ay nakadama ako ng pag-asa. Baka malapit na,
katulad nila Popoy at Basha sa pelikulang One More Chance. Malapit ng maganap ang pinapangarap
ko.
Reunion, ang daming tao, panay bati pa nga sa akin ng iba kong kaklase noon. Panay
kamustahan, ngumingiti lang ako, hindi naman kasi ako interesado sa kanila dahil isa lang ang
hinahanap ng mga mata ko.
HInahanap ng mga mata ko ang lalaking bumilanggo ng puso ko ng ilang taon. Nasaan na
kaya siya?
Aray!napatingin ako sa taong nakabunggo ko at napanganga ako sa nakita ko Si
Harrison. Ibang-iba na ang tindig niya ngayon, maslalo siyang gumuwapo, maslalong tumisoy at
naging mamang-mama na.
H-Harrison?
Nagulat siya ng makita niya ako, kasi siyempre di naman niya ako ininvite, M-Marie.
How are you?
Heto hindi pa rin makamove- on sayo.
Doon ka pa rin ba sa bank nagwowork?
Tumango ako, Ikaw?
Ngumiti siya, Heto, happy naman. May magandang work sa US.napahinto siya, At may.
At may?
Marie, ikakasal na ako next month.
Biglang bumagsak ang puso ko sa sinabi niya. Naaalala ko tuloy si Basha, nang makita
niyang may iba ng kasama si Popoy. Parang damang-dama ko ngayon ang mga eksena sa pelikulang
yun.
Ka-office mate ko siya sa Amerika. Pilipina siya. Happy naman ako sa kanya.
T-talaga?nakakalumo kong sinabi sa kanya.
Tumango siya, May sasabihin ka ba?
Harrison, Sananaalala ko ang mga dialogue ni Basha, Sana ako na lang, ako na lang,
Poy.
Sana, sana, maging masaya kayong dalawa.. forever.napaiyak ako sa sinabi kong yun.
Hindi ko alam kung bakit ang mga salitang iyon ang nabanggit ko. Nakakainis, parang hindi ako
si Basha!
Ngumiti siya sa akin at bigla akong niyakap at binulungan, Thanks Marie, kung alam mo
lang kung gaano ako kasaya ngayon dahil nakitat nakausap kita. Binigyan mo ako ng Peace of
mind. Kahit hindi tayo ang nagkatuluyan I can say na you make my life complete.
Napangiti na rin ako sa sinabi niya, parang naramdaman ko na rin ang peace na
binabanggit niya.
Harrison?
Napalingon si Harrison sa isang babaeng maliit na mas maliit pa sa akin, kinky rin ang
buhok at morena. Parang di kami nagkakalayo sa itsura, sa tingin ko nga ay di hamak na mas
maganda ako sa kanya.
Lumapit ang babae sa amin, Harrison, honey. Ive been looking for you.
Inakbayan siya ni Harrison, Im sorry honey. Ay siya nga pala honey, si Marie.
Ningitian ko ang babae.
First Love ko.
Natulala ko sa sinabing yun ni Harrison. First Love? Minahal pala niya ako. Kaya pala
niya sinabi kanina na kunumpleto ko ang buhay niya dahil nagkaroon ako ng malaking bahagi sa
buhay at puso niya.
Nagpaalam na sila sa akin at nang makita ko na si Harrison ay tahimik na akong umalis
sa reunion na iyon.
Kahit na tapos na ang lahat-lahat sa amin ni Harrison ay di pa rin maalis ang
pagkailang ko sa tuwing dumadaan ako sa FB Harrison St. At sa bukod sa mapapikit ay napapamura
pa ako, hayop na lalaking yan! Makatapos ang lahat-lahat ng ginawa ko ay ipagpapalit lang pala
niya ako sa isang babae na mas pangit pa sa akin! Wala talaga siyang taste, nakakadiri siya!
Nakakabuwisit siya!
Malakas ang ulan at napahinto ang jeep na sinasakyan ko at ang kamalasan niyan,
napahinto siya sa harap ng Harrison Plaza.
Miss nasiraan po tayo? sabi ng driver.
Ha manong? Paano yan? Ang lakas pa naman ng ulan.
Isinauli sa akin ng driver ang bayad ko, Sorry talaga miss wala po akong magagawa,
tumirik talaga itong sasakyan ko eh.
Wala akong nagawa, masama man sa kalooban ko ay napilitan akong bumaba ng jeep at dahil
sa w ala akong dalang payong ay inilagay ko ang bag ko sa ulo ko upang panangga sa ulan. Kung
mamalasin nga naman, sa dami pa namang lugar na pwedeng masiraan ng jeep eh bakit sa tapat pa
ng Harrison Plaza pa niya napiling tumirik. Pambihira nga naman!
Waah, bakit ang dalang ng mga sasakyan? Basang-basa na ako rito.
Miss sumilong ka muna.
Napatingin ako sa itaas, may nagpasilong ng payong sa akin, Thanks ha. Tumingin ako
sa mabuting pusong nagpasilong sa akin at napanganga ako sa aking nakita.
Wow! Ang pogi! Pinoy version ni Eduard Cullen ng Twilight Saga.
Ngumiti siya sa akin, Okey ka lang ba?
Ha? Okey lang ako.
Di ba miss taga-Sta Cruz ka rin?
Paano mo nalaman?
Lagi kaya kitang nakakasabay sa jeep. Hindi mo ba napapansin?
Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko sa mga sinabi niya, puro kasi Harrison ang
nasa isip ko kaya hindi ko namamalayan na may mala-Robert Pattinson pala akong nakakasakay
jeep.
Di mo siguro napapansin kasi sa tuwing pababa ako ng jeep at magpapara sa driver ay
nakapikit ka.
Ha? napatingin ako sa ID lace niya may nakalagay don na, Bangko Sentral ng Pilipinas.
Taga BSP siya! Sa tapat mismo ng Harrison Plaza!
Ako pala si Sean. Sa BSP ako nagwowork and you are?
Marie, diyan ako
Bank teller ka di ba sa isang bank sa Buendia?
Napatango na lang ako, Paano mo nalaman?
Nakarating na rin ako sa branch niyo. Natuwa nga ako ng madiscover ko na doon ka
nagwowork.
Napangiti ako sa sinabi niya.
Miss ano ba bulag ka ba! napatingin kaming pareho ni Sean sa isang driver na
sinisigawan ang isang magandang babae na muntikan ng tumawid sa may kalye.
Sorry po. Sabi ng babae.
Hmp! Panira naman ng moment itong masungit ng driver na ito! Miss okey ka lang?
tanong ko sa babaeng binulyawan ng driver.
Mahinhin siyang tumango sa amin, Pwede bang magtanong? Paano bang magpunta ng Roxas
Blvd.
Ah Roxas Blvd. tumawid ka lang tapos maglakad ka sa gilid ng BSP, labas mo na non
CCP, kahabaan na ng Roxas BLvd yun. Sagot ni Sean sa babae.
Miss magbibaywalk ka ba? Sumakay ka na lang taxi, medyo matagal ring lakarin ang
baywalk eh. suhestiyon ko naman sa babae.
Umiling ang babae, Sige maglalakad na lang ako. Thank you ha. At tuluyan nang tumawid
ang babae.
Napailing ako, Kawawa naman yung babaeng yun. Ang ganda pa naman.
Oh ayan na pala ang Sta Cruz. Pinara ni Sean ang jeep at sabay kaming sumakay don.
Magkatabi kami sa loob ng jeep at habang umaandar ang jeepney ay nararamdaman kong
panay ang sulyap niya sa kagandahan ko.
Marie? Di ba pareho naman tayong taga Sta Cruz? Okey lang ba sayo kung lagi akong
sasabay sayo?
Ngumiti ako at agad tumango kay Sean. Hay naku, ang ganda ko talaga! Bentang-benta
talaga ang kagandahan ko sa mga tisoy na ito! Hay buti na lang at mag-aasawa na si Harrison
kundi hindi ko makikilala si Sean. Kaya F.B. Harrison St., inaalis ko na ang sumpa ko sayo. I
love you na!!!
Abangan Roxas Boulevard

ROXAS BOULEVARD
1.
Ate, nasa Church na ba tayo? ang tanong ko sa nagdadrive kong ate.
Wala pa Celine. Nasa Roxas Boulevard pa rin tayo. Sagot niya sa akin.
Napasandal ako sa kinauupuan ko, Ang haba pala ng Roxas Boulevard ate.
Ay oo. Saka medyo may traffic din kasi, pero maganda ang Roxas Boulevard. Madadaanan
mo ang Luneta at Manila Bay, nagkagandahan ang mga hotel at kapag gabi, ang gaganda ng mga
kulay ng ilaw sa kalsada.
Sana nakikita ko ang kagandahan na sinasabi ng ate ko. Sana nakikita ko ang mga
sinasabi niyang makukulay na ilaw sa kalsada ng Roxas Boulevard. Sana nakikita ko kung gaano
kaganda ang mundo. Sa kalagayan kong ito, hanggang sa imagination ko na lamang ang kagandahan
ng Roxas Boulevard. Hanggang sa mga kuwento na lang ni Ate dahil isa akong bulag. Dilim lang
ang nakikita ko at wala ng iba.
Five years old lang ako noon nang unti-unting lumabo ang paningin ko hanggang sa di na
ako tuluyang makakita. Sabi ng mga doctor eye transplant lang ang solusyon sa problema ko, pero
hanggang ngayon wala pa ring tumutugmang mata para sa akin. Kaya heto ako ngayon, nagtitiis na
lang sa kadilimang nakikita ko. Nabubuhay sa mga kuwento at description ng mga taong
nakapaligid sa akin. May pagkakataon ding nagtatampo na ako sa Diyos kung bakit pinagkait niya
sa akin ang paningin ko pero laging sinasabi ng pamilya ko na wag daw akong sumuko, may pag-asa
pa, maghintay lang ako at manalig sa Diyos.
Sa isang church sa UN Ave. kami umaattend ng Sunday Service ng Ate Celeste ko. Si Ate
Celeste, siya lagi ang kasa-kasama ko at gabay ko sa kapansanan kong ito. Dalawa lang kaming
magkapatid at may sarili na ring pamilya si Ate pero kahit pa magkaganon ay hindi pa rin niya
ako iniiwan. Lagi niya akong inaalagaan at tinutulungan mas lalo na sa mga pang-espiritwal na
bagay. College pa lang si Ate ay sa isang Born Again Church na siya sa may UN Ave. Kasapi at
hindi na siya umalis dito, bagkus ay naging active member siya ng Church, sumali sa Usher
ministry at pinasok din ang pagiging Cell Leader (Bible Study Leader). Alam niyang sa kalagayan
kong ito ay kailangan ko ng malakas na pananampalataya kaya every Sunday ay dinadala niya ako
sa Church kasama ang pamilya niya.
Pagpasok namin sa Church ay nagsisimula nang mag praise at worship. Sabay-sabay na
masayang nagkakantahan ang mga mananampalataya, sinasabayan ang pagkanta ng mga awitin ng
Hillsongs. Pinaupo ako ni ate sa isang bakanteng upuan sa Church at umupo naman ako at itinabi
ang tungkod ko na lagi kong kasama sa tuwing lalabas ako.
Celine, dito ka lang ha. Ihahatid ko lang ang mga bata sa Sunday School.ang sabi sa
akin ni Ate.
Tumango naman ako at nakinig sa Worship team sa pagkanta nila.
Nagpalakpakan ang mga tao ng matapos ang Praise and Worship.
Purihin ang Panginoon! Ngayon naman ay batiin natin ang ating mga katabi ng magandang
umaga! ang sabi ni Pastora.
Narinig kong na pag-good morning ng mga tao sa Church.
Good Morning. Sabi ng isang magandang tinig sa akin.
Napangiti ako sa magandang boses ng lalaking iyon, Good Morning din.
Ngayon naman, para bigyan tayo ng special number, palakpakan natin si Bro. Jomy
Silverio.
Nagpalakpakan ang mga tao at siyempre nakisabay na rin ako.
Ahem. ang sabi ng magpeperform, Purihin ang Panginoon. Magandang umaga po sa inyong
lahat. Ito pong aawitin ko ngayon ay ang aking paboritong Christian song. Actually bata pa lang
ako kinakanta ko na ang awiting ito pero hindi ko alam sa paglipas ng mga taon ay magkakaroon
pala ng malaking impact ang awitin na ito sa aking buhay. Sana ay magustuhan niyo ang awiting
ito at sana sabayan niyo rin ako.
Nagsimula siyang patugtugin ang kanyang gitara.
God will make a way.
When there seems to be no way.
He works in ways we cannot see.
He will make a way for me.
Hindi ko alam kung sa lyrics o sa ganda ng boses ng lalaking iyon pero nakadama ako ng
pagkakilabot habang pinakikinggan ko ang pagkanta niya. Nagtaasan ang aking mga balahibo at
hindi ko mapigilan ang maantig sa awiting iyon.
He will be my guide
Hold me closely to His side
With love and strength for each new day
He will make a way, He will make a way.
Siguro tulad din ng ibang nasa church ay naantig din sila sa awiting iyon kaya nakisabay
na rin sila sa pag-awit. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero parang nakaririnig
ako ng mga boses ng mga anghel nang sabay-sabay nilang awitin ang kantang iyon. Di ko na rin
napigilan ang sarili ko na makisabay sa kanila.
God will make a way, he will make a way.
Nang matapos na ang service ay naglapitan sina Pastor sa amin ni ate upang batiin kami.
Kamusta na kayo? tanong nila Pastor sa amin.
Naku, okey naman po kami. Sabi ni ate, Ang ganda po ng mensahe niyo ngayon Pastor.
Salamat. Celeste, sa susunod naman ikaw ang mag tanging bilang.
Natawa si ate sa sinabi ni Pastor, Naku, Pastor naman. Sa ibang paraan na lang akong
magsisilbi sa Diyos. Wala akong talent sa pagkanta.
At natawa rin si Pastor sa sinabi ni ate, Narinig niyo ba si Bro. Jomy kanina, ang
lamig ng boses ano.
Oo nga eh, ang ganda pala talaga ng boses ni Bro Jomy.sabi ni ate.
Oh ayan pala ang singer natin eh. Bro Jomy. Tawag ni Pastor.
Pastor, andito pala kayo.napatigil ako nang marinig ko ang boses na yun. Ang magandang
tinig na iyon ang isa sa bumati sa akin ng good morning kanina, Hi.
Ay siyanga pala, Bro. Jomy, kapatid ko, si Celine.
Ngumiti na lang ako kahit hindi ko alam kung saan nakapuwesto si Bro Jomy, Hello po,
Bro. Jomy.
Ano ba yun? Pino-po mo pa ako, eh bata pa naman ako. Sagot niya sa akin.
Naku po, sorry po. Hindi ko p o kasi alam na bata ka pa pala. Pagpasensiyahan niyo na
ako.
Natawa si Pastor sa amin, Ang totoo niyan Celine, magkasing-edad lang kayo nitong si
Bro, Jomy.
Ah talaga po. Sabi ko, Bro. Jomy, ang ganda-ganda ng boses mo. Ang galing mo nga
kanina eh, kahit ako ako napasabay sayo.
Natawa siya sa akin, Favorite song ko kasi yun eh. Buti naman nagustahan niyo.
SIge na po, brother, pastor. Mauuna na po kami. Pagpapaalam ni ate sa kanila.
Sige, Celeste ha. Mag-ingat kayo.sabi ni Pastor.
Nice meeting you Celine. Sabi ni Bro. Jomy.
Ngumiti ako at sumama na kay ate para umuwi.
Sa sasakyan ay di pa rin maalis sa akin ang kantang God Will Make A Way. Kaya patuloy ko
pa ring hinihimig ito habang tinatahak namin ang kahabaan ng Roxas Boulevard.
Si Tita LSS.sabi ng eight years old kong pamangkin na si Chesca.
Anong LSS?tanong ko sa kanya.
Last Song Syndrome.sagot ni ate, Kanina mo pa kasi kinakanta yang kanta na an.
Natawa ako sa sinabi ni ate, Ang ganda kasi eh.
Mommy, punta tayo sa Luneta.anyaya ng isa ko pang five years old na pamangkin na si
Chloe.
Oh sige next time. Mamasyal tayo sa Luneta.sabi ni Ate.
Nang sumunod na Linggo, bago kami umuwi galing ng simbahan ay dumaan muna kami sa Luneta
para ipasyal ang mga bata.
Tuwang-tuwa ang mga bata nang makarating kami roon. Habang ako, kahit di ko nakikita ay
nalalanghap ko naman ang hangin ng park na iyon. Naramdaman ko ang damuhan na nilalakaran at
naririnig ang mga bisitang foreigners na nagkakatuwaang na nagpipicturan sa park na iyon.
Mommy, gutom na kami.sabi ni Chesca kay ate.
Mommy gusto kong ice cream.sabi naman ni Chloe.
Oh sige, bibili tayo ng pagkain. Celine, maupo ka muna rito ha.sabi ni ate habang
pinapaupo niya ako sa isang bangko roon. Bibili lang kami ng makakain ng mga bata.
Sige ate, ditto lang ako.sabi ko sa kanya.
Umalis silang mag-iina at habang ako naghihintay ay pinakikinggan kong mabuti ang mga
naririnig ko sa park nay un: ang mga ingay ng mga tao, ang mga nagtitinda ng lobo, ang mga
ibon, ang mga busina at tunog ng sasakyan at ang mga nagtatakbuhang mga bata.
Mommy konarinig ko ang isang batang umiiyak.
Tumayo ako at gamit ang tungkod ko ay hinanap ko ang batang umiiyak, Ineng, nawawala ka ba?
Nagpatulog sa pag-iyak ang bata, Nasaan ba ang mommy mo? Saan siya nagpunta?
Celine!napatigil ako nang marinig ko ang magandang boses na iyon, Celine, si Jomy
ito. Anong ginagawa mo rito?
May binili lang kasi sina ate. Yung bata kasi mukhang nawawala.
Iha, iha, nasaan ang mommy?tanong niya sa bata.
Hindi ko po alam.sagot ng bata.
Sapphy!sabi ng boses ng babae na parating, Ano ka ba namang bata ka, bakit ka kasi
humihiwalay sa akin.
Mommy ko.sabi ng bata, Nawala ka kasi eh.
Naku, nag-iiyak nap o ang anak niyo.sabi ni Bro. Jomy sa nanay ng bata.
Salamat po sir ha. Makulit kasi itong anak ko. Maraming salamat sa inyo ng girlfriend
mo.
N-naku mam, hindi po
Pero bago pa makapagexplain si Bro. Jomy ay tuluyan ng nagpaalam ang mag-ina. Natawa
naman ako sa sinabi ng ina sa amin at natawa rin siya nang makitang tumatawa ako.
Celine! narinig ko ang boses ni ate na papalapit sa amin, Naku ano bang nangyari
sayo?
Ate wala naman may narinig lang akong batang umiiyak at buti na lang dumating si Bro.
Jomy para tulungan akong patahanin yung bata.
Naku salamat Bro. Jomy ha. Sabi ni ate.
Okey lang yun. Sagot naman niya, Namamasyal ba kayo?
Oo, gusto kasi nitong mga batang lumibot sa Luneta. Eh ikaw? tanong ni ate kay Bro.
Jomy.
Napadaan lang, papunta kasi ako ng Bible School.
Bible school? tanong ko sa kanya.
Nag-aaral kasi ako ng pagpapastor. Sagot niya sa akin.
Napatango ako, Wow ang galing naman.
Oh sige maiwan ko na kayo. May aasikasuhin kasi ako sa school eh. bye, bye Celine.
At ngumiti ako sa kanya.
Hanggang sa kotse ay di ko alam kung bakit di maalis sa isipan ko ang mga sandaling
kasama si Bro. Jomy. Parang kahit hindi katagalan ang mga sandaling iyon parang gusto ko siyang
maulit at parang di ko ito makakalimutan. Sa tuwing tuloy naaalala ko siya ay hindi ko sadyang
naihihimig ko ang kantang God Will Make A Way
Uy si tita LSS na naman. Tukso ni Chesca sa akin.
Napangiti ako.
Alam mo, tita, bagay kayo non. sabi ni Chesca at nagtawanan ang dalawang bata.
Chesca! suway ni ate sa kanila.
Sorry po. Sabi ni Chesca.
Ate, okey lang yun. Sabi ko kay Ate.
Sa kuwarto ko ay inaayos ni ate ang kama ko habang hinihintay ko siyang mag-ayos ay di
pa rin maalis sa isipan ko si Bro. Jomy.
Ate? Talaga bang mabait si Bro. Jomy?
Ano bang tanong yan, Celine. Sabi niya sa akin.
Ate nagtatanong lang naman ako.
Mabait talaga si Bro. Jomy, sobrang devoted kay God, positive siyang tao, palakaibigan,
talented
Guwapo ba siya ate?
Guwapo, oo, guwapo siya. Maganda ang mga mata, ilong at ngiti niya.
Ate? Bagay ba kami? isa pang tanong ko sa kanya.
Interesado ka ba sa kanya? tanong ni ate.
Ate, curious lang ako sa kanya.
Naramdaman kong tinapik ni ate ang balikat ko, Gusto kong magmamahal ka at may taong
magmamahal sayo. Sana yung taong yun, kaya niyang alagaan sa kabila ng kalagayan mo.
Ate, dib a kapag mahal mo ang isang tao, talagang aalagaan mo siya sa kabila ng lahat.
Parang ikaw, kayo nila mommy at daddy, sa kabila ng kalagayan ko inaalagaan niyo ako kasi mahal
na mahal niyo ako.
Tinapik muli ni ate ang balikat ko, Yun ang ibig kong sabihin.
Linggo muli, alam kong magkikita kami ni Bro. Jomy kaya todong sinabi ko kay ate na
ipili niya ako ng magandang bestida na isusuot ko sa service.
Nagsimula na ang service pero hindi ko pa rin naririnig ang mala-anghel na boses na
hinahanap ko. Nasaan na kaya ang boses na iyon?


2

Nagsimula na ang service pero hindi ko pa rin naririnig ang mala-anghel na boses na
hinahanap ko. Nasaan na kaya ang boses na iyon?
Pagkatapos ko paghandaan ang lahat hindi naman pala kami magkikita.
Sumakay na kami ng kotse para umuwi at bigo akong marinig ang boses niya. Tinatambad na
namin ang Roxas Boulevard at tahimik ako. Hindi ako makaimik dahil kabiguang nararamdaman ko.
Biglang napapreno si ate at saka lang ako nakapagsalita, Anong nangyari?
Naku po, nasiraan yata tayo. Lumabas muna kayo at aayusin ko lang itong sasakyan.
Binuksan ni ate ang pinto para makalabas kami kasama ang mga bata. Pinaupo niya ako sa isang
silya at habang nakaupo ako ay naririnig ko ang tunog ng dagat.
Ate? Dagat ba yun? tanong ko sa kanya.
Nasa baywalk tayo tita. Narinig kong nagtatakbuhan ang mga bata, Ang ganda ng beach.
Hoy wag kayong lalayo, hindi beach ito, baywalk lang ito. Sabi ni Ate Celeste. Naku,
tatawag lang ako ng mekaniko para puntahan tayo rito.
Hello? Andito kasi kami sa Baywalk rito sa Roxas Boulevard, nasiraan kasi kami rito,
may maipapadala ba kayong mekaniko? Ano? Wala, naku po paano ba yan? Oh sige sa iba na lang ako
tatawag, salamat na lang. narinig kong sinasabi ni ate sa kausap niya phone, Pano ba ito?
Ate Celeste?
Napangiti ako pagkarinig ko sa boses na iyon alam ko iyon ang boses na kanina ko pa hinihintay
na marinig sa church.
B-Bro Jomy? sabi ni ate.
May problema ba? Nakasakay kasi ako ng taxi ng nakita ko ngang nakahinto ang sasakyan
niyo kaya napababa ako.
Eh, oo nga. Biglang huminto, hindi ko alam kung anong problema.
Ah, sige tignan natin.
Nanatili lang akong nakaupo habang tinitignan nila ate at ni Bro Jomy ang sasakyan.
Ilang sandali pa ay narinig kong napai-start na ni ate ang sasakyan.
Wow, Bro Jomy ang galing mo! sabi ni Ate.
Dati ko kasing hobby yan. Sagot ni Bro.
Sige, Bro Jomy, salamat. Tinawag ni ate ang mga bata para sumakay na sa kotse.
Am, Celine. Inabot ni Bro Jomy ang kamay kayo kaya parang sandaling huminto ang ikot
ng mundo ko, parang may kuryente ako naramdaman nang maramdaman ko ang kanyang balat na
nakadikit sa akin, Halika na.
Tumayo ako at sinamahan niya ako habang naglalakad ako papuntang kotse, Bro. Jomy,
parang ang haba-haba ng Roxas Boulevard noh.
Ang haba talaga, mula Anda Circle yan bago magManila Hotel hanggang bandang Paranaque.
Kung nakakakita lang ako, parang gusto kong lakarin ang buong Bouelavard na ito.
Natawa si Bro. Jomy, Hindi mo alam kung gaano kahaba ang kalyeng ito, baka mapagod ka.
Pero sabi nila marami raw magagandang sights rito.
Oo, gusto mo samahan kitang mamasyal ditto. Kailan ka ba pwede? Siguro kahit after
church next Sunday.
Parang tumalon ang puso ko sa sinabi niya, Talaga Bro. Jomy.
Oo, sige, magpapaalam ako sa ate mo.
Inalalayan niya ako papasok ng sasakyan, Thanks Bro. Jomy.
Sige, sa Sunday ha.
At tumango ako. Sa next Sunday. Excited na ako sa araw na iyon.

Linggo sa church narinig kong magka-usap sina Ate Celeste at si Bro. Jomy.
Sigurado ka ba? Mahaba ang Roxas Boulevard.tanong ni ate kay Bro. Jomy.
Opo.sagot ni Bro. Jomy.
Taimtim naman akong nanalangin na sana ay pumayag si ate na mamasyal kami ni Bro. Jomy.
Oh sige. Basta ba wag mong pababayaan ang kapatid ko. Mabuti pa siguro kung ihahatid ko
na kayo ron at itext mo na lang ako once na susunduin ko na si Celine.
Sige po ate.Pansin ko ang katuwaan sa boses ni Bro Jomy at ganon na rin sa akin.
Katulad nga ng pinag-usapan nila ate at ni Bro Jomy ay hinatid niya nga kami sa Roxas
Boulevard. Inalalayan naman ako ni Bro Jomy sa pagbaba ng sasakyan.
At andito tayo sa CCP.sabi niya sa akin, Sa tabi naman non ay ang Star City.
Tumango ako, Oo, namasyal na riyan ang mga bata. Nag-enjoy nga raw sila riyan eh.
Katapat naman natin ang Bangko Sentral ng Pilipinas.
Natatawa ako, para kasing tourist guide si Bro Jomy. Dinidescribe niya ang mga sites sa
Roxas Boulevard na dinadaanan naming katulad ng US Embassy, mga Yacht, Museong Pambata pati na
rin ang mga hotel na dinadaanan naming. Nagkukuwento pa siya tungkol sa history ng mga lugar na
iyon, kung paano siya ginawa at anong itsura niya.
Bro. Jomy? Talaga bang nagmememorize ka ng History books para ikuwento sa akin ang mga
yan?
Ahem, hindi naman. Pinaghandaan ko lang. Naku mahirap na noh, ipapasyal kita rito ng
wala akong kaalam-alam.at natawa ako sa sinabi niya.
Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng tunog ng dagat at napahinto ako, Nasa Manila Bay
na ba tayo?
Bakit naririnig mo na ba ang agos ng tubig?
Tumango ako sa kanya, Gusto ko munang umupo rito.
Ay sus, napagod ka rin noh. Sige na nga maupo muna tayo. At inalalayan niya ako sa
pag-upo.
Tamang-tamang magsasunset na.sabi niya sa akin, Alam mo ba kung ano ang main
attraction ditto sa Baywalk? Hindi ang makukulay na ilaw nito at hindi rin ang mga hotel at
kung ano bang gimikan rito. Kundi ang kagandahan ng pagsikat at paglubog ng araw.
Talaga? Ganon siya kaganda?
Oo. Kasing ganda mo. Sabi niya sa akin.
Hay naku, nagsisimula ka ng mambola. Sagot ko sa kanya.
Papalubog na ang araw.
Anong kulay niya?
Nagiging orange ang araw kapag lumulubog ito. Unti-unti siyang bumababa at tinatakpan
ng mga ulap. Ang ganda.
Napangiti ako at napahawak ako sa braso niya.
Sandali kaming nanahimik habang pinagmamasdan ang Sunset. Hindi ko man nakikita ang
ganda nito pero nararamdaman ko pa rin habang hawak ko ang braso niya at tahimik niyang
tinitigan ito. Hindi ko alam kung gaano kaganda ang paglubog ng araw ngunit ang sandaling
katahimikan ni Bro. Jomy ay sapat na sa akin upang masukat kung gaano nga kaganda ito.
Sumapit na ang dilim at nagpatuloy kami sa paglalakad ni Bro Jomy sa Roxas Boulevard.
Sabi ni ate maganda raw ang Roxas Boulevard kapag gabi.
Oo, makulay ang mga ilaw. May kulay green, may kulay blue, yellow, white, red, violet
at marami pang ibang kulay.
Alam mo ba noong bata ako, kabisadong kabisado ko ang mga kulay, kabisado ko nga rin
kung anong colors ng rainbow eh. Pero malay ko ba na darating ang panahon na hindi ko pala
magagamit ang galing ko sa pag-identify ng kulay.
Pero at least alam mo, madali na lang sayong i-imagine kung anong itsura ng paligid
mo. Huminto kami sa paglalakad at pinahawakan niya sa akin ang isang poste, Katulad ng ilaw
na ito. May kulaw blue, green, yellow at white.
Napangiti ako parang nakikita ko nga kung anong itsura ng poste na iyon based sa
description niya.
Ang ganda di ba?
Tumango ako, Maganda nga.
Celine, lahat ng bagay may dahilan.sabi niya sa akin, May dahilan kung bakit ginawa
ng Diyos na magaling ka sa kulay noon dahil darating ng araw na maaappreciate mo ang mga bagay
hindi dahil sa nakikita kundi dahil sa kung anong kayang abutin ng imagination mo.
Tumango ako, Bro. Jomy? Ilang taon ka ng Christian? natanong ko sa kanya.
Two years.ang sagot niya, After akong maaksidente.
Naaksidente ka?
Car racer ako noon tapos minsang nag-trip ang barkada nagkarerahan kami sa kalye at
dahil sa sobrang bilis ko ay hindi ko na namalayan na may dumaan pa lang isang sasakyan sa
harapan ko hanggang say un, nadala ako sa hospital at doon ko nakilala sila Pastor.
Nagpripreaching sila non sa hospital kung saan ako nakaconfine, pinakilala sila sa akin ng
doctor ko at doon nila ako sinumulang share-an ng word of God, that time nadama ko kung gaano
ako kamahal ng Diyos, kung gaano ako kasuwerte dahil buhay ako ngayon at nakilala ko Siya.
Hindi mo pa talaga oras noon.
Siguro nga.sabi niya, Kaya ang lesson don wag ka laging mawawalan ng pag-asa.
Isang simpleng ngiti lang ang nasagot sa sinabi niyang iyon. Sa lagay kong ito, iisipin
ko pa kaya ang salitang pag-asa? Mula ng mabulag ako umaasa ako na may mabuting puso ang
magdodonate ng kanyang mga mata para sa akin, pero walang nangyari. May mga nagdonate nga pero
hindi naman compatible ang mga matang iyon sa akin.
Nakakapagod na.sabi ko, Nakakapagod ng umasa, laging hindi pwede, laging wala.
Naramdaman ko ang tapik niya sa akin balikat, Habang may buhay may pag-asa. God will make a
way if there seems to be no way, hindi ba?
Ang sabi ng kanta
Ang sabi ng Diyos.sagot niya sa akin.
Nakarinig ako ng isang magandang tunog na palapit sa amin kaya tinanong ko siya, Ano
yun? Ang ganda ng tunog nay un? Parang musika.
Yung chimes? Gusto mo ang tunog ng chimes?
Chimes ba yun?
Teka ha..sandali siyang nawala at narinig ko mula sa di kalayuan na parang may kausap
niya na lalaki.
Ito ba.lumakas na ang tunog ng chimes, kinuha niya ang kamay ko at pinahawak ang
chimes na dala niya.
Napangiti ako, Ang ganda ng tunog niya. Nakakarelax.
Alam ko na. Kapag narinig mo ang tunog na ito ang ibig sabihin non andito ako. Sabi
niya sa akin.
At tumango ako. Kahit di ako nakikita malalaman kong andiyan dahil sa magandang tunog
na iyon.
Kaya tuloy every Sunday kapag naririnig ko ang tunog ng chimes nay un ay napapangiti
ako dahil alam kong andiyan siya. Agad ko ng tinatawag ang pangalan niya at nararamdaman ko
namang natutuwa siya kapag naririnig niya na ako ang unang tumatawag sa kanya.
After service ay naglalakad lakad kami sa Roxas Boulevard. Minsan sa Luneta, minsan sa
Baywalk at minsan sa CCP. Doon niya ako kinakantahan ng mga Christian Songs, bina-bible study
at matiyaga niyang binabasa sa akin ang Bible at Masaya naman akong nakikinig sa akin.
Masasabi ko na sa bawat Linggo na pinagsasasamahan namin ay hindi natatapos yun na
hindi niya ako naiinspire. Ini-encourage niya akong maging matatag maslalo na sa akin
pananampalataya at lagi niya akong binibigyan ng pag-asa sa buhay.
Alam mo, Celine. Maniwala ka lang na makakakita ka at mangyayari yun. Minsang sabi
niya sa akin.
Naniniwala na ako, Jomy. Makakakita ako. Makikita ko rin ang Roxas Boulevard, kung
gaano kaganda ito, kung gaano kahaba ito, makikita ko rin ang mga pamangkin ko, sina ate at
kuya ang mga magulang ko, ang buong church, sina Pastor at Pastora, ang buong Pilipinas, ang
buong mundo at siyempre makikita na rin kita.
Natawa siya nang marinig niya ang sinabi ko na makikita ko siya.
Sabi ni Ate Celeste guwapo ka raw.
Natawa muli siya, Ows? Sabi niya yun?
Tumango ako, Maganda raw ang mga mata mo, ang ilong mo ang mga ngiti mo. Ang ganda nga
raw ng dimples mo.
Talaga? Naniwala ka naman.
Jomy, naniniwala ako na sa pagbalik ng paningin ko ikaw ang isa sa pinakamagandang
nilalang na makikita ko.
Natahimik siya at parang sandaling naging seryoso, Baka naman, mag-expect ka ng sobra
at madisappoint kita.
Umiling ako, May tiwala ako sa ate ko noh. Hindi naman kami nagkakalayo ng taste non.
Paano kapag nakita mo ako, matuklasan mo na may kulang. Sabi niya sa akin.
May kulang?
Wala, wala yun. Wag mo ng intindihin. Sabagay marami rin naman akong nagging
girlfriends non at madami ring naghabol sa akin non, two years ago.
Hala, dapat pala matakot ako sayo.
Pero pwera biro nagbago na ako. Sabi niya, Mula ng makilala ko si Lord.
At napangiti ako sa sinabi niyang iyon.
Dumaan ang mga araw, naging masa madalas pa ang pagsasama naming ni Jomy. Kung dati ay
hinahatid sundo pa ako ni ate, ngayon ay si Jomy na ang mismong naghahatid sa akin sa bahay
sakay ng taxi.
Habang tumatagal ay lalong tumitindi ang feelings ko kay Jomy. Nagsimula sa simpleng
crush, na sa naging inafatuation hanggang sa maramdaman ko ang isang kaiibang feeling sa kanya.
Hindi ko alam pero ito na rin siguro ang tinatawag nilang love. Hindi ko alam kung pareho lang
kami ng nararamdaman ni Jomy sa isat isa, pero nafifeel ko naman ang pag-aalaga at affection
niya sa akin. Lagi niya akong tinutulungan at sinusuportahan sa lahat ng bagay. Lagi niya din
akong sinasamahan sa pagdarasal, pinagdarasal naming n asana dumating ang araw na may magmatch
na na eye donor sa akin.
Naglalakad kami sa Baywalk, napansin kong parang may nag-iba, ang parang dating
mapagbiro at madaldal na Jomy ay naging tahimik at walang kibo.
3.
Naglalakad kami sa Baywalk, napansin kong parang may nag-iba, ang parang dating
mapagbiro at madaldal na Jomy ay naging tahimik at walang kibo.
Jomy? May problema ba? pinaupo niya ako sa isang bench sa baywalk at tumabi siya sa
akin.
Hinawakan niya ang kamay ko, ngayon ko lang naramdaman ang mahigpit na hawak niya na
iyon.
Aalis na kasi ako. Ang sabi niya, Pupunta muna ako sa Mindanao para may-mission.
Ha? Paano ang pagpapastor mo?
Baka doon ko na lang ipagpatuloy. Sabi niya.
Ganon ba? Kailan ka ba aalis?
Sa isang Linggo na.
Ha? Ang bilis naman.
Hindi siya sumagot sa akin.
Gaano ka ba katagal don?
Hindi ko alam eh. pero baka umabot ng mga taon.
Wow, ang tagal nun ha. Mamimiss pala kita.
Ikaw din. Ang muli siyang tumahimik.
Jomy, pwede ko bang hawakan ang iyong mukha?
Natawa si Jomy sa request ko, Bakit naman?
Remembrance mo na lang sa akin. Gusto ko kasing malaman kung talaga hindi nga ako
jinojoke ng ate ko nong sinabi niyang guwapo ka.
Kinuha niya ang kamay ko at inilagay yun sa pisngi niya, Ito ang pisngi ko, heto naman
ang dimples ko.
Napangiti ako, parang ang kinis-kinis niya, parang nakaganda ng skin niya.
Heto naman ang ilong ko at heto naman ang mga mata ko. Oh ano ang naiimagine mo?
inalis na ni Jomy ang kamay niya sa kamay ko pero hindi ko pa rin inaalis ang mga kamay ko sa
kanyang mukha. Gusto kong maramdaman ang matangos niyang ilong, ang maganda niyang labi, ang
kanyang mga dimples, ang magandang hugis ng kanyang mga mata at kinis ng kanyang balat.
Napapangiti ako sa tuwing iniisip ko kung gaano siya kagandang lalaki, Mas guwapo ka
pa sa inaakala ko. Ang sabi ko sa kanya.
Kinuha niya ang kamay ko sa kanyang mukha at inilagay niya iyon sa kanyang labi saka
ito hinalikan.
Natulala ako, isang simpleng halik sa aking kamay pero parang huminto ang pag-inog ng
aking mundo.
Binitbit niya ang aking kamay at naramdaman ko na inilagay niya iyon sa kanyang dibdib
at niyakap, May gusto akong sabihin sayo. Hindi mo siguro ma-iimagine ito dahil bulag ka pero
once na makakita ka na at nakita mo na ako ay maiintidihan mo rin kung ano ang ibig kong
sabihin.
A-ano bang gusto mong sabihin?
Celine, nong una pa lang kitang nakita sa church, nong binati kita ng good morning alam
ko na sa sarili ko na gusto kita. At sobrang natutuwa ako dahil nakilala kita, naging close
tayo at habang tumatagal ay maslalo kitang nagugustuhan at maslalo tuloy tumitindi ang
nararamdaman ko sayo.
Napangiti ako sa mga sinabi niya, Ako rin naman eh. nong una kong marinig ang boses na nang
sinabi mo sa akin na good morning, hindi ko alam sa sarili ko pero parang may kaiiba akong
naramdaman. At sobrang natutuwa rin ako na nagkakilala tayo, naging close tayo at habang
tumatagal ay maslalo rin kitang nagugustuhan at maslalong tumtindi ang nararamdaman ko sayo.
Pero sabi niya, Pero aalis na ako.
Oo nga. Malungkot kung naisagot sa kanya.
Pero mananatili ka sa puso ko Celine kahit nasa malayo ako.
Kapag nakakakita na ako, Jomy. Asahan mo, kahit nasaan ka pa, ikaw ang unang hahanapin
ng mga mata ko. Ang pangako ko naman sa kanya.
Niyakap niya ako. At sa pagyakap niya sa akin ay naramdaman ko ang init ng pagmamahal
niya sa akin. at doon ko maslalong narealize na hindi kailangan ng paningin upang Makita mo
kung mahal ka ng tao minsan mararamdaman mo na lang ito sa kaibuturan ng iyong puso.
Umalis si Jomy at patuloy pa rin akong umaattend sa Sunday service. Kung dati ay nakaupo
lang ako at nakikinig sa Service ngayon ay naging aktibo na rin ako sa Church dahil sa tulong
ni Jomy.
Nakakasabay na ako sa Praise and Worship dahil itinuro sa akin ni Jomy ang ilang
Christian Songs. Nagpaparticipate na rin ako sa mga cell group at nagkakaroon ng ibat iba pang
kakilala.
Celine. May gustong kumausap sayo. Sabi sa akin ni Ate.
Sino ate?
Celine. Narinig ko ang boses ni pastor, Ipinakikilala ko sayo si Dr. Jimenez, isang
espesyalista sa mata.
Celine, nabanggit ko kay Doc yung tungkol sa kalagayan mo at sinabi niya sa akin na may
pwedeng magdonate ng mata sayo.
Talaga po doc? Pero baka katulad din ng dati, hindi magmatch sa akin ang mga mata
nila.
Naramdaman kong tinapik ng doctor ang balikat ko, Wag kang mawalan ng pag-asa Celine.
Maniwala ka lang na makakakita ka.
Naalala ko tuloy si Jomy, kung andito lang siya, siguro magiging Masaya rin siya sa
balitamg iyo at sasabihin niya sa akin katulad ng mga sinabi ni doc, na maniwala lang ako.
Isang pagpapala sa Panginoon, nagmatch ang mga mata sa akin. kaya walang inaksayang oras
si Dr. Jimenez, agad niyang sinumulan ang eye transplant.
Okey, Celine, dahan-dahan mong buksan ang iyong mga mata.
Sinunod ko si Doc. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata.
Naaninag ko ang ilaw ang mga kulay, sa unay Malabo pero unti-unting nabibigyang liwanag
ang lahat hanggang sa ang nakakita ako ng isang mukha na nasa harapan ko.
Isang magandang mukha, may kaputian, maganda ang ilong, maganda ang mga mata at may mapulang
labi.
Ang ganda niya di b a? sabi ni Ate Celeste sa akin, Nakita mo na rin Celine kung
gaano ka kaganda.
Napatingin ako kay ate na nasa tabi ko, Ate! hindi ko mapigilan ang mapaiyak, Ate
nakakakita na ako. Tumayo ako at yumakap sa aking kapatid.
Nagyakapan naman ang aking mga magulang dahil sa katuwaan.
Mommy? Daddy? niyakap ko sila, Nakikita ko na muli kayo.
Napangiti ako ng makita ko ang mga pamangkin ko. Ang gaganda nilang mga bata, Chesca,
Chloe. Niyakap ko sila ng mahigpit.
Wow, tita, nakakakita ka na.
Celine, praise God! sabi ng isang matandang lalaki na medyo nakakalbo na.
Natawa ako, Pastor kayo ba y an?
Naku, nakita na rin ni Celine ang kapogian ko.
Hinawakan ko ang ulo ni Pastor, Pastor, kahit pala nakakalbo ka na, pogi ka pa rin.
Lumapit ako kay Dr. Jimenez at nagpasalamat sa kanya, Marami pong salamat talaga doc.
Tinapik ng doctor ang balikat ko, Di ba, sabi ko naman sayo, maniwala ka lang.
Naalala ko muli si Jomy. Nasaan na kaya siya, alam kaya niyang nakakakita na ako.
Sayang, hindi ko man lang siya nakita.
Si Bro. Jomy ba? sabi ni pastor. Paniguradong isa siya sa magiging masaya once na
malaman niyang nakakakita ka na.
Umupo muli ako sa kama, Isang taon na rin kaming di nagkikita. Ilang araw lang naman
yun, sana naabutan niya ito.
NIyakap ako ni ate, Magkikita rin kayo non, maniwala ka lang.
Ngumiti ako at gumanti ako ng yakap kay ate.
Nang makarecover na ako mula sa operasyon ang una naming pinuntahan ay ang Church upang
icelebrate ang matagumpay kong operation. Nagpahanda ang aking pamilya at ang buong church.
Tuwang-tuwa ako at nakikita ko ang aking mga ka-churchmates. Nakikita ko na ang mga ngiti sa
kanilang mukha na waring ipinapakita nila sa akin kung gaano sila kasaya para sa akin.
Natapos ang handaan at busy ang aking pamilya sa pakikipagkuwentuhan sa mga ibang
members. Nagpaalam lang ako sa kanila upang magpahangin sa labas ng church at pumayag sila.
Paglabas ko ng church ay nakita ko ang makukulay na jeep at mga taong tumatawid sa
kalsada ng UN Ave. Nakita ko ang isang jeep na may nakalagay na Mabini. Naalala ko tuloy ang
sinabi sa akin ni Jomy, kapag sumakay ako ng Mabini at bumaba ng Harrison Plaza, lalakarin ko
lang daw para makarating ako ng Roxas Boulevard.
Hindi ko napigilan ang sarili ko. Nangako ako kay Jomy na sa pagbalik ng paningin ko ay
siya ang una kong hahanapin. Magbabakasakali ako na baka nakabalik na rito sa Maynila at nasa
Roxas Boulevard siya ngayon. Pinara ko ang jeep at sumakay ako ron.
Mama, malapit na po ba tayo sa Harrison Plaza? tanong ko sa driver, Miss, nasa Manila
Zoo na tayo, katabi na niyan ang Harrison Plaza.
Hininto ako ng mamang driver sa Harrison Plaza at saka naman biglang bumuhos ang malakas
na ulan, wala pa naman akong dalang paying kaya agad akong sumulong sa isang shed ron at
naghintay ng paghina ng ulan.
Asan na kaya rito ang Roxas Boulevard? ang sabi ko sa aking sarili. Humina ang ulan at
tumawid ako sa kalsada nang biglang may dumaan na jeep.
Miss, ano ba, bulag ka ba! pasigaw na sinabi sa akin ng driver.
Sorry po. Kung pwede ko lang ipaliwanag sa driver na dati talaga akong bulag at hindi
ako sanay tumawid.
Lumapit sa akin ang isang babaeng may kaliitan, morena at kulot ang buhok. May kasama
siyang lalaki na may hawak na paying na matangkad at may kaputian.
Miss okey ka lang? Ang tanong niya sa akin. Naramdaman ko ang concern nila sa akin.
Tumango ako, Pwede bang magtanong? Paano bang magpunta ng Roxas Blvd.
Ah Roxas Blvd. tumawid ka lang tapos maglakad ka sa gilid ng BSP, labas mo na non CCP,
kahabaan na ng Roxas BLvd yun. Sagot ng lalaki sa akin.
Miss magbibaywalk ka ba? Sumakay ka na lang taxi, medyo matagal ring lakarin ang
baywalk eh. sabi ng babae sa akin.
Umiling ako sa kanila, gusto kong masaksihan ang kahabaang ng Roxas Boulevard. Gusto
kong Makita ang bawat lugar na sinasabi sa akin non ni Jomy sa tuwing mamasyal kami. Sige
maglalakad na lang ako. Thank you ha.
Nang naghintuan na ang mga sasakyan ay tumawid na ako. Napatingin ako sa building na
pinatawiran ko, Bangko Sentral ng Pilipinas, nabanggit ito ni Jomy sa akin.
Naglakad ako sa gilid non at natanaw ko ang isang structure na wari ko ay CCP at katabi
non ang Star City. Tama ang pagkakadescribe sa akin ni Jomy, hugis inidoro nga ang gusali ng
CCP at may fountain sa harapan nito. Ang Star City naman ay napakamakulay at parang ang saya-
saya sa loob non.
Natagpuan ko rin ang iba pang nabanggit na lugar ni Jomy, ang mga yate sa Manila Bay,
ang mga hotel, ang mga ilaw sa Roxas Boulevard. Tama nga ang pagkadescribe sa akin ni Jomy sa
mga lugar na iyon.
Nakaramdaman ako ng pagod sa aking paglalakad. Tama pala yung babae kanina, mahaba ang
Roxas Boulevard. Hindi ko maimaimagine non pero ang haba pala ng nilalakaran namin non ni Jomy.
Mula CCP hanggang Luneta. Eh heto nga lang sa Baywalk ay hinihingal na ako. Nakakapagtaka,
bakit kaya kapag ang kasama ko si Jomy ay hindi ko nararamdaman ang pagod na ito.
Naupo ako sa isang bangko sa may Bay walk dahil sa pagod din sa paglalakad. Pinagmasdan
ko ang mga batang naglalaro at mga magkasintahan na sabay na namamasyal. Napangiti ako, ganyan
kaya ang itsura namin non ni Jomy.
Napahinto sa paglalaro ang mga bata at napahinto rin sa paglalakad ang mga namamasyal.
Tinignan nila ang Manila Bay.
Ayan na, magsasunset na. sabi ng isang bata.
Napatayo ako at lumapit sa dagat. Nakita ko ang araw, kulay orange nga ito, unti-unting
bumaba sa dagat at natatakpan ng mga ulap.
Napanganga ako sa aking nakita. Ang ganda pala talaga nito, tama si Jomy.
Ilang sandal pa ay may tumunog ang celphone sa bulsa ko at agad kong kinuha ito, Hello
ate. Sorry ha, naexcite lang kasi ako. Andito ako sa Roxas Boulevard, sa Baywalk.
Lumipas ang mga araw at buwan. Sa tuwing dadaan an gaming sasakyan sa Roxas Boulevard
ay pinagmamasdan ko iyon ng mabuti. Hindi ko alam kung paano ko malalaman pero umaasa ako na
doon ko makikita si Jomy. Baka naglalakad-lakad lang siya sa Baywalk, o di kaya sa Luneta, o di
kaya nakaupo sa may fountain ng CCP.
Ilang araw rin akong bigo na Makita siya. Ang totoo hindi ko alam kung paano ko siya
makikita, o paano ko siya makikilala. Umaasa na lang ako n asana kapag nakita niya ako ay
magpakilala siya ng kusa sa akin.
Namasyal ako sa Luneta ng mag-isa after ng Service. Hinayaan na rin ako nila ate na
mag-isa tutal nakailang pasyal na rin kami sa Luneta na pamilya simula ng makakita ako.
Naupo ako sa isang upuan don at napatingin sa paligid. Nakakita ako ng isang batang
bulag na lalaki na akay-akay ang kanyang kapatid. Napangiti ako, siguro ganyang kami tignan ni
Ate Celeste non.
Sumama ang magkapatid sa isang grupo ng mga tao na kumakanta ng Ang Buhay ng Krisiyano
ay Masayang Tunay. Napansin ko ang mga itsura ng grupo ng mga taong iyon, may mga bulag, may
mga nakawheel chair at nakasaklay, may mga walang kamay, puro may mga kapansanan. Nakakatuwa,
sa kabila ng kanilang mga kapansanan ay di pa rin nila nakaliligtaan na magpuri sa Diyos.
Siguro katulad ko rin non, umaasa sila na bibiyayaan sila ng Diyos.
Napapikit habang pinakikinggan ang pagkanta ng mga may kapansanan. Naaalal ko tuloy ang
kantang God Will Make A Way
God will make a way. Nasabi ko sa sarili ko, Kung hindi kita mahahanap sa
pamamagitan ng aking mga mata ay pipikit na lang ako at baka sa pagpikit ko ay mahanap kita.
Natapos ang pag-awit ng mga may kapansanan at nagpalakpakan sila.
Salamat po. Ang narinig kong sabi ng iba, Next Sunday po uli.
Patuloy kong pinakaramdaman ang paligid hanggang sa may narinig akong pamilyar na
tunog. Tumaas ang mga balahibo ko nang marinig ko ang tunog ng chimes na iyon, napabukas ako ng
aking mga mata at hinanap ang tunog ng chimes hanggang sa nakita ko ang isang lalaki na kausap
ang bulag na bata at ang kanyang kapatid.
Napangiti ako nang Makita ko ang lalaki, ang ganda ng kanyang mga mata, matangos ang
kanyang ilong, mapula ang kanyang labi at may dimples siya sa magkabilang pisngi. Mula nang
makakita ako ay siya na yata ng pinakamagandang lalaki na nakita ko.
Oh, kulit. Sabi niya sa batang lalaki.
Makakakita pa kaya ako.
Kulit, habang may buhay may pag-asa, basta maniwala ka lang na makakakita ka. Ang
sabi niya sa bata.
Salamat po Pastor Jomy. Napatayo ako nang marinig ko yun na sinabi ng bata.
Lumapit ako sa lalaki, Jomy?
Napatingin siya sa akin, halatang nagulat siya nang Makita niya ako.
J-jomy ikaw ba yan?
Hindi siya nakasagot at tumunog muli ang chimes. Hinanap ko ang chimes at nakita ko yun
na nakasabit sa isang kahoy
Sa isang kahoy na saklay.
Kinuha ni Jomy ang saklay at dahan-dahan siyang tumayo.
Napangaga ako sa nakita ko
Isa lang ang paa ni Jomy, putol ang isa niyang binti.
Celine. Im sorry, hindi ko nagawang ipagtapat sayo. Ilang taon na ang nakakaraan,
noong na-car accident ako. Naipit ang kanang binti ko kaya naputol ito.
Napatango ako. Siya pala si Jomy at isa lang ang binti niya pero sa kabila ng
kapansanan niya ay di siya napagod na samahan akong mamasyal, sa kahabaan ng Roxas Boulevard.
Kahit mahirap sa kanya ang maglakad gamit ang isang paa ay pinasyal pa rin niya ako at walang
sawang idinescribe sa akin ang kagandahan ng Roxas Boulevard. Ngayon naiintindihan ko na ang
sinabi niya sa akin non na: Hindi mo siguro ma-iimagine ito dahil bulag ka pero once na
makakita ka na at nakita mo na ako ay maiintidihan mo rin kung ano ang ibig kong sabihin.
Sabi ko naman sayo di ba? Baka madisappoint ka lang once na makita mo ako, kasi may
kulang.
Umiling ako at lumapit ako sa kanya, Wala Jomy. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng
luha ko, Walang kulang. Dahil mulat sapol pa ay ibinigay ka ng buong-buo sa akin ng Diyos at
sobra pa.
Celine
Dahil noong mga panahon na wala akong paningin ay binuo mo ang pagkatao ko na daig ko
pa ang nakakakita dahil sa pag-akay mo sa akin ng walang kapagod-pagod sa kahabaan ng
kalasadang ito.
Hinawakan ko ng dalawa kong kamay ang kamay ni Jomy, Jomy, kung may kulang man sayo
ngayon wala yun sa pag-ibig na ipinadama mo sa akin. Bahil buong-buo mong ipinadama sa akin ang
pagmamahal mo na parang walang kulang sayo.
Hindi rin napigilan ni Jomy ang pagtulo ng luha niya, Tatanggapin mo pa rin ako sa
kabila ng kalagayan.
Tumango ako, Hindi Jomy. Hindi lang kita tatanggapin, kundi mamahalin kita ng sobra-
sobra, katulad ng pagmamahal na ipinadama mo sa akin.
Niyakap ako ng mahigpit ni Jomy, Matagal ko ng gustong sabihin sayo ito, Celine. Mahal
na mahal kita.
Alam ko, Jomy. At mahal na mahal din kita.
Tinignan ni Jomy ang mukha ko at hinawi ang buhok , God is good.
God made a way para sa ating dalawa, Jomy. Ang sagot ko naman sa kanya.
Tinitigan niya ako at saka niya hinalikan ang aking labi. Napapikit ako, maslalo kong
naramdaman ang saya at pag-ibig ni Jomy sa akin sa pamamagitan ng halik na iyon.
Sa pagkakataong ito ay ako naman ang umalalay sa kanya. Hawak kamay kaming naglakad sa
Luneta.
Magpunta tayo ng church Jomy. Namimiss ka na nila Pastor. Ang sabi ko sa kanya.
Sige, more than one year na rin akong hindi nakadalaw sa church.
Pinara ko ang isang taxi na may nakasulat na Mahal Ko at saka ko inalalayan si Jomy
sa pagpasok nito sa likuran ng taxi.
Saan po tayo? tanong sa amin ng driver. Napangiti ako nang makitang babae ang
nagmamaneho ng taxi.
Miss, sa UN Ave po tayo. Sagot ko sa kanya.
Tamang-tama UN Ave. makakaparada na rin ako.
Taga saan po ba kayo? tanong ni Jomy sa driver.
Sa Moriones. Sagot ng lady driver at ningitian kami nito.
Ah, oo nga po, malapit na lang yun. Sagot naman ni Jomy.
Sa loob ng taxi ay yumakap ako ng mahigpit kay Jomy at hinalikan naman niya ako sa ulo
ko.
Napapikit ako at nagdasal, Thank you Lord. Thank you Lord at ibinigay niyo po sa akin
si Jomy.
Abangan Moriones
MORIONES
1
Anong oras na ba? Alas singko na ng hapon, kailangan ko na palang umuwi pero mukhang
kulang pa rin ang kinita ko sa maghapon ngayon. Siguro kailangan pa ng isa pang pasahero bago
ako umuwi. Sana na lang one way yun pauwi sa amin.
Dumaan ako ng Roxas Boulevard, pero mukhang wala naman akong magiging pasahero ditto.
Linggo kasi at madalang talaga ang pasahero kapag Linggo.
Isang magandang babae ang pumara sa akin. Salamat naman at nakakuha ako ng pasahero
bago pa man ako umuwi, sana na lang ay di sa malayo pupunta ang mga ito.
Pinasakay ng babae ang kasama niyang lalaki na putol ang isang kanan binti at saka siya sumakay
din.
Saan po tayo?
Ngumiti sa akin ang babae.
Miss sa UN Avenue tayo.sagot niya sa akin.
Hay buti naman para diretso na rin ako pag-uwi sa amin. Tamang-tama UN Ave.
makakaparada na rin ako.
Taga saan po ba kayo?tanong sa akin ng lalaki.
Sa Moriones.
Ah, oo nga po, malapit na lang yun. Sagot niya sa akin.
Sa front mirror ay pasimple kong tinitignan ang dalawa. Sa isip-isip ko ang sweet naman
ng dalawang ito. Ang swerte naman ng lalaki, dahil sa kabila ng kapansanan niya ay mahal na
mahal siya ng babae, obvious naman dahil yakap-yakap ng babae ang kasama niyang lalaki.
Marcus, nakikita mo ba sila? Ang sweet nila di ba?
Naalala ko tuloy, ilang taon na rin ang nakakaraan, ganyan kami ni Marcus. Kapag
magkasabay kami sa jeep laging magkahawak ang aming mga kamay, nagpapalita ng mga magagandang
salita sa isat isa.
Para tuloy gusto kong maiyak sa tuwing naiisip ko si Marcus. Sa tuwing naiisip ko ang
magagandang ala-ala naming dalawa.
Ay dito lang po kami sa tabi. Sabi ng babae, kaya inihinto ko ang aking taxi sa tabi
ng UN Ave.
Inabot sa akin ng babae ang bayad, Thank you po ha.
At saka sila lumabas ng aking taxi.
Nang makalabas na sila aya saka ko hindi napigilan ang aking sarili sa pagluha. Kinuha
ko ang aking tissue ay pinunasan ang mga mata ko.
Kailangan ko ng umuwi, marami pa akong gagawin.
Binusina ko ang aking taxi dahil sa may mga batang naglalaro sa kalyeng dinadaan ko.
Pero kahit ilang beses akong bumusina ay parang bingi ang mga batang ito sa kakalaro. Binuksan
ko ang bintana ng sasakyan ko at sinabihan ang mga bata na tumabi, Hoy! Mga bata, tumabi nga
kayo riyan! Kanina pa ako bumubisina rito ha!
Huminto rin sa paglalaro ang mga bata at tumabi.
Hininto ko ang aking taxi sa tapat ng bahay namin dito sa isang looban sa Moriones,
Tondo.
Sa Moriones, kung saan una naming binuo ang aming mga pangarap ni Marcus: magkaroon ng
magandang bahay, magkaroon ng mga anak makabili ng taxi upang maging negosyo naming
dito sa Pilipnas.
Nagkaroon nga kami ng anak, si Junior, pitong taon na siya ngayon pero sakitin, lagi
siyang sinusumpong ng asthma niya kaya lagi kong isinusugod ng hospital.
Nakapundar din kami ng taxi, pero ako naman pala ang magdadrive.
Bahay, andito pa rin kami sa dati naming bahay saTondo, maliit at maingay ang paligid.
Pinangako niya sa akin non na bibigyan niya kami ng maginhawang buhay na mag-ina pero
nawala rin ang lahat, nawala rin kasabay niya.
Sa mga panahong ito wala akong choice: kailangan kong kumayod, at magdoble ng kayod para
kay Junior. Ala-una pa lang ng umaga ay bumabiyahe na ako sa taxi, natatapos ako ng alas-
singko. Pagdating naman sa bahay ay si Junior naman ang aasikasuhin ko, tumatanggap din ako ng
service sa pagmamanicure at pagpepedicure sa may lugar naming para pangdagdag kita. Kailangan
kong gawin ang lahat na ito dahil ako na lang mag-isa ang gagawa nito.
Ate ubos na p ala yung gamot ni Junior.sabi sa akin ng kapating kong bakla na si
Gemini na siya munang nag-aasikaso kay Junior habang nasa biyahe ako.
Tinignan ko ang perang kinita ko maghapon sa pagtataxi, tamang-tama lang ito sa pang
ilang araw na gamot ni Junior. Inabot ang pera kay Gemini, Ito, bumili ka sa botika.
Okey ate.at lumabas ng bahay si Gemini.
Kasabay naman non ay dumating ang akin ina, na sa una palang ay tutol na siya sa amin ni
Marcus.
Kamusta naman yang anak mo? tanong niya sa akin.
Awa ng Diyos nay napagkakasiya ko naman yung kinikita k okay Marcus. Sagot ko sa
kanya.
Kung nakinig ka lang sa akin non..
Nay, please.sabi ko sa kanya.
Ano nagsisisi ka na at sumama-sama ka riyan sa lalaking yan.
Nay pwede ba?
Umupo siya at umiling, Kung nakinig ka lang talaga sa akin.

Kung nakinig lang ako sa kanya
Kung nakinig lang ako sa kanya noong sinabi niya na magpunta ako ng Japan at magtrabaho
don para sa pamilya namin, pero hindi ko sinunod, nakipagtanan ako kay Marcus at sumama ako sa
kanya rito sa Tondo.
Nabigo si nanay, pero hindi siguro ang sarili ko. Sa loob ng sampung taon na pagsasama
naming mag-asawa ay masasabi kong naging masaya ako. Siya ang naging kaligayahan ko noong mga
panahon na napakalungkot ko dahil sa pamilya ko. Siya ang naging sandalan sa tuwing umiiyak
ako. Siya ang naging liwanag ng buhay ko pero hindi nga lang nagtagal. Para siyang liwanag sa
kandila na may katapusan at nauubos din.
Promo girl ako noon sa isang supermarket. Nakasuot ako ng costume ng isang bubuyog
habang nagpapamigay ng mga free taste na biscuits sa mga namimili.
ISama po natin sa ating mga pinamimili, Bumble Bee Biscuits. Tamang-tamang pambaon ng
mga bata ngayong pasukan.
Marami-rami rin ang kumukuha ng free taste, kasi siyempre free taste, madami ang
umuulit ang madami ang nambubulsa ng mga biscuits. Hinahayaan ko lang sila, free taste naman
ito eh kailangan ko ring maubos ang mga biscuits pagkatapos ng araw.
Habang nakatayo at nagpapamigay ng biscuits ay naramdaman kong may pumapalo sa likuran
ko at napalingon ko.
Nagtatawanan ang mga bata, Tignan mo oh ang laki ng puwet ng bubuyog.
Bwisit na mga bata ito, pinagtritripan pati ang puwet ng costume ko.
Hinarap ko ang mga bata at inabutan ng biscuit, Mga bata gusto niyo ba ng Bumble Bee
Biscuits.
Umiling ang mga bata, Ayaw naming niyan, hindi yan chocolate!
Pero kasing sarap din ito ng chocolate.
Hindi totoo yan, natikman na namin yan, hindi siya masarap.
Salbaheng mga bata ito, sa loob-loob ko. Wag sana akong bigyan ng ganitong anak ng
Diyos pagdating ng araw.
Kesa kunin ang biscuit ay nagpunta uli ang mga bata sa likuran ko at pinalo-palo ang
pwet ng costume ko.
Sinusuway ko ang mga bata pero ayaw nilang tumigil.
Boy, boy, masamang awayin ang mga hayop di ba.sabi ng isang lalaki na nakasuot ng
uniporme ng supermarket at may dalang cart.
Tumingin lang sa kanya ang mga bata.
Maawa ka naman kay Bumble Bee, gusto mo ba paluin ka rin sa pwet ng mommy mo?
Umiling ang mga bata sa kanya.
Ilang sandali pa ay dumating ang ina ng mga bata, Mga bata kayo, andiyan lang pala
kayo kanina ko pa kayo hinahanap.at kinuha sila ng kanilang ina.
Ayos ka lang ba?tanong sa akin ng lalaki.
Tumango ako.
Ayos lang ba yung puwet mo?
Napatingin ako ng masama sa kanya.
Ngumiti siya, Ayos lang ba yung costume mo?
Oo, oo naman. Salamat sa pagsuway mo sa mga bata. Sabi niya.
Yun ba, okey lang yun. Sige, ingat Bumble bee.
Hinila niya ang cart na dala niya at nagpatuloy sa pagtratrabaho niya.
Natapos na ang buong araw ng pagtratrabaho ko bilang promo girl. Nakakapagod tumayo
maghapon at napakainit ng costume na suot ko, namamaos na rin ako sa kakasalita.
Umupo ako sa labas ng locker room at nagpaypay upang makahinga ako ng maayos.
Bumble Bee, okey ka lang?
Tanong uli sa akin ng lalaki habang nilalagay niya ang gamit niya sa kanyang locker.
Ang hirap kumita ng pera. Kailangan ko pang magmukhang tanga para lang magkapera.
Natawa siya sa akin naglabas siya ng coleman at inabot yun sa akin, Uminom ka muna,
mukhang init na init ka na.
Binuksan ko ang cooler at uminom ako rito, Salamat ha. Ano nga pa lang pangalan mo?
Marcus.ang sabi niya sa akin, Ikaw?
Ako, ako si Yna.
Tumango siya, Taga-saan ka?
Sa Navotas. Ikaw ba?
Moriones.
Napatango ako, Hindi ba magulo ron?
Hindi naman.sagot niya, Kasing gulo rin siguro ng Navotas.
Napangiti ako sa sinabi niya.
Uuwi ka na ba pagkatapos nito.
Umiling ako, May raket pa ako eh.
Raket?
Kailangan eh.
Sa isang restaurant sa Maynila ang raket ko non. Waitress ako sa isang 24 hour na
restaurant don. Nakakapagod dahil after kong maghapong tumayo sa supermarket ay buong gabi
naman akong tatayo sa restaurant. Ilang oras na nga lang ang pahinga ko at minsan ay wala na
talaga akong pahinga.
Yna, table 6.
Kinuha ko ang tray ng beer at nagpunta ako sa Table 6.
Sir heto na po ang order niyo.isa-isa kong inilapag ang mga bote ng beer sa lamesa
nila at saka bumalik sa counter.
Yna, pasuyo naman itong Sisig sa table 1.
Kinuha ko mula ang tray at nagpunta sa Table, Heto na po ang Sisig ninyo.
Yna?
Napantingin ako sa customer na iyon, Uy Marcus.
Anong ginagawa mo rito?at sabay kaming natawa ng sabay naming tanungin yun sa isat
isa.
Una siyang nagsalita, Birthday ko ngayon eh, trineat ko lang itong mga kasamahan ko.
Kinausap niya ang mga kasamahan niya, Mga pards naaalala niyo pa ba siya, si Yna, yung
promo girl.
Ay parang namumukaan ko nga.sabi ng isa, Di ba siya yung Bumble Bee.
Tumango ako, Oo ako nga yun, yung bubuyog na malaki ang puwet.
At nagtawanan sila.
Kamusta ka na? Dito ba yung sinasabi mong raket?tanong ni Marcus sa akin.
Tumango ako, Oo. Pa-waitress- waitress sa gabi.
Pero promo girl ka pa rin.
Tumango muli ako, Oo naman. Kailangan ko rin non. Pero sa ibang mall naman. Saka hindi
na ako bubuyog ngayon, nagdedemo na ako ng Karaoke microphone ngayon sa isang appliance
center.
So, singer ka naman ngayon.
Ngumiti ako, Parang medyo parang ganon na nga.
Tinignan ni Marcus ang relos niya, Hanggang anong oras ka ba rito?
Ah isang oras na lang, tapos na rin ang shift ko.
Gusto mo sabayan na kitang umuwi?
Ha? Teka eh paano yang mga kasama mo?
Tinignan niya ang mga kasama niyq, Hayaan mo na yang mga yan, kaya na nila ang sarili
nila. Dali pa-birthday mo na sa akin. Minsan lang naman tayong magkita eh, saka isang way lang
naman tayo.
S-sige. Hihintayin mo ako?
Tumango naman siya at ngumiti.
2
Pagkalabas ko ng restaurant ay andoon na nga si Marcus at mag-isa niya akong
hinihintay.
Lumapit ako sa kanya, Marcus. Ano nainip ka?
Umiling siya, Hindi naman.
Am. Happy birthday pala ha. Sorry wala kong gift sayo, hindi pa kasi suweldo eh.
Ngumiti siya, Ano ka ba? Hindi mo naman alam na birthday ko eh.
Nahiya naman ako sayo hinintay mo pa ako.
Kumain ka na ba?tanong niya sa akin.
Am a-ayos lang naman ako.
Pero gutom ka na?
H-hindi naman.pero bago pa ako makapagsalita pa ay hinila na niya ang braso ko.
Halika na. Libre na kita birthday ko naman eh.
Matagal-tagal na rin yun nang huli akong makakain sa maayos-ayos na restaurant. Nag-
order si Marcus ng Pancit, Crispy Pata, kanin at softdrinks.
Nag-umpisa ng kumain si Marcus pero dahil sa nahihiya ako ay nahihiya akong damputin
ang kutsara at kumain.
Hoy, oh, bat di ka pa kumakain?
Napahawak ako sa batok ko, Ano kasi eh, nakakahiya.
Kumuha siya ng ilang pirasong Crispy Pata at Pancit at nilagay niya iyon sa plato, Ano
ka ba? Nagpapakamatay ka ba? Nagpapakapagod ka sa pagtratrabaho tapos hindi ka kakain.
Nakakahiya talaga.
Okey lang yan.
Dahil sa pamimilit ni Marcus ay nag-umpisa na rin akong sumubo ng pagkain. Napatigil
ako ng matikman kong masarap ang Crispy Pata at Pancit, Ang sarap nito.
Di ba sabi ko naman sayo.sabi niya.
Nagtuloy-tuloy ako sa pagkain hanggang sa di ko na namamalayan na marami na rin ang
nakakain ko.
Mukhang di ka na nahihiya. Sabi niya sa akin.
Natawa ako nang makita kong nakakailang pinggan na rin ako ng Pancit at kanin, Sorry
ha. Gutom na kasi talaga ako.
Okey lang yun. Sobra ka naman kasing magtrabaho eh.
Kailangan ko yun noh. Kailangan kong sobrang magtrabaho. Ako lang kaya ang inaasahan
ng pamilya ko. Sabi ko sa kanya.
Talaga. Breadwinner ka.
Tumango ako, May tatlo pa akong kapatid na pinag-aaral. Tapos bayad pa sa kuryente at
sa ilaw. Luho pa ng nanay at tatay ko.
Ang OA naman, lahat sayo.
Eh ako lang ang nagtatrabaho eh. As if may choice ako.napahinto ako sa pagkain, Sana
nga may choice ako. Napatingin ako sa kanya, Ikaw? Parang wala kang problema sa buhay ha.
Umiling siya, Mag-isa lang ako sa buhay, patay na ang parents ko at mga kapatid ko
naman may sari-sarili ng pamilya.
Buti ka pa, ang sarap ng buhay mo. Solong-solo ang mga sinusuweldo mo, kaya ka pala
galanteng manlibre eh.
Hindi naman, nag-iipon din naman ako, for the future.
Tumango ako, Buti ka pa, naiisip mo ang future. Sa akin kasi, pamilya ko na ang nag-
iisip ng future ko. Nilalakad nga nila ako sa tiyahin ko para mag-Japan.
Mag-Jajapan ka?
Oo. Eh mas may pera ron, saka mas kayak o silang buhayin don.
Alam mo yung dati kong kasamahan nasa Japan na, niyayaya nga ako eh.
Oh bat hindi ka sumama?
A-ano naman ako ron? Wala naman akong bubuhayin dito sa Pilipinas eh.
Sabagay.
Nagulat na lang ako ng hanggang sa Navotas ay hinatid niya ako.
Naku, Marcus sobrang nakakahiya na talaga ito.
Okey yun. Alangan naman pabayaan kita, delikado rin sa lugar niyo noh.
Para namang hindi ako sanay sa pagbiyahe rito.
Yna, may tanong ako sayo. Anong tipo mong lalaki?
Napahinto ako sa paglalakad at natawa sa tinanong niya, Alam mo Marcus yang mga tanong
mo ha? Ibang klase rin ha. Ngayon nga lang tayo muling nagkita tapos ganyan pa ang mga
tinatanong mo sa akin.
Anong masama? Nagtatanong lang naman ako sayo.
Wag mo ng tanungin. Kasi hindi ka rin naman papasa.
Hindi ako papasa? Gaano pa kataas yang standard mo?
Apat na M.
Apat na M?
Matandang, mayaman na madaling mamatay. Ano papasa ka bar on?
Hanggang ba naman sa love life mo, pera pa rin ang hanap mo? sabi niya sa akin.
Yun ang kailangan ko noh.
Pwedeng ibang apat na M na lang?
Meron pa bang ibang apat na M?
Mabait, magalang, masipag at magandang lalaki.
Binatukan ko siya sa sinabi niya, Patawa ka talaga.
Hindi ko na namalayan na nakatapat na pala kami sa bahay namin. Andito na tayo sa
amin.
Tinignan niya ang bahay naming, Nanay mo ba yun?
Napatingin ako sa bintana, nakadungaw nga ron si nanay, Ah oo. May kailangan siguro
kaya inaabangan ako.
Sige na, Marcus. Umuwi ka na. Thank you ulit ha, saka happy birthday ulit ha, este
belated na pala.
Sige.at umalis na si Marcus.
Pagpasok ko sa bahay ay sinalubong ako ni nanay, Sino yun?
Ah yun, dati ko pong kasamahan yun sa supermarket.
Boyfriend mo na?
Nay, kaibigan ko lang po yung tao.
Manliligaw mo?
Nay madaling araw na ang kulit mo pa rin. Kaibigan ko lang po yun. Ka-i-bi-gan.
Dapat talaga kaibigan mo lang yun, dahil hindi ka ba pwedeng makipagboyfriend o
makipagligawan mas lalo na sa ganyang klaseng lalaki.
Alam ko naman po yun nay, kasi kargo ko pa po ang pamilyang ito. At dapat makapunta na
akong Japan para mapunan ko ang lahat ng mga pangangailangan ng pamilyang ito. Mula sa pag-
aaral ng mga kapatid ko, sa pagkain, pambayad nag kuryente at tubig at hanggang sa pambili ng
mga luho niyo. Di ba po?
Buti at alam mo. Kaya ngayon pa lang ay lumayo-layo ka na sa lalaking yan. Mahirap na
at baka mahulog pa ang loob mo sa kanya. At saka pumasok ng kuwarto niya si inay.
Napaupo ako sa sofa. Bakit ba ganon si inay? Bat ba puro pera na lang ang nasa isip
niya? Hindi niya na ako inintindi, hindi man lang niya tinanong sa akin kung kamusta na ako?
Kung pagod ba ako? Kung nagugutom na ako? Sinalubungan niya agad ako ng sermon tungkol sa
pangangailangan namin ng pera. Kahit kailangan hindi ko narinig na tinanong niya sa akin kung
Masaya ba ako? Madalas ang tanong niya sa akin ay Anak may pera ka ba? , Anak sumuweldo ka
ba?
Hindi kaya nararamdaman ni nanay na napapagod na ako? Parang gusto ko ng sumuko at
umalis sa bahay na ito pero iniisip ko ang mga kapatid ko, mga bata pa sila at kailangan nila
ako.
Pinagdarasal ko na lang sa Diyos na sana dumating ang araw na guminhawa ang buhay ko,
yung hindi ko na kailangang magtrabaho ng sobra-sobra para buhayin ang pamilyang ito. Yung
buhay na hindi ako mapapagod, Masaya kahit simple.
Sana dumating ang araw na iyon
Nasaan na ang pangako mo
Noong sinsuyo ako
Anong tamis anong lambing
Binabigkas ng labi mo
Habang kumakanta ako para sa demo ng Karaoke Mic na binebenta naming ay nagulat ako
nang dumating si Marcus at umupo sa tapat ko.
Sandali akong huminto at mahinang kinausap si Marcus, Hoy, anong ginagawa mo rito? Di
ba may pasok ka?
Day off ko ngayon. Mahinang sagot niya sa akin.
Tinignan ko ang paligid namataan ko ang manager naming na paikot ikot at nagmamasid,
Mamaya na lang tayo sa break mag-usap, andiyan ang manager ko. Magkita na lang tayo sa
fastfood.
At sumunod naman siya sa sinabi ko.
Pagdating ko sa fastfood ay natagpuan ko ron si Marcus na naghihintay sa akin. Lumapit
ako sa kanya at nagulat ako nang makitang may nakahain na pagkain sa mesang kinauupuan niya.
Sorry ha. Kumain ka na ba? sabi ko sa kanya nang maupo ako.
Oo, nagutom na rin ako. Binili na pala kita ng lunch mo. Sabi niya sa akin.
Ikaw talaga. Dapat nga ako ang manlibre sayo di ba kasi dinalaw mo ako. Sabi ko sa
kanya.
Wag na. okey lang yun. Itabi mo na lang yung panlibre mo para sa pamilya mo.
Napangiti ako sa sinabi niya. Buti pa siya, inaalala niya at naiintindihan niya ang
kalagayan samantalang ang sarili kong pamilya parang wala silang pakialam kung hindi ako kumain
basta may pera akong maibibigay sa kanila.
S-salamat ha. Sumubo ako ng pagkain, Ang bait mo naman. Ganyan ka ba talaga?
Naiintidihan ko lang ang sitwasyon mo. Sagot niya sa akin.
Buti ka pa naiintindihan mo ako. Eh bat ba ang bait-bait mo sa akin? tanong ko sa
kanya.
Bakit ayaw mo?
Hindi naman. Natatakot lang ako. Baka kasi may hingin kang pabor sa akin na hindi ko
naman kayang ibigay sayo.
Paano kung meron nga?
Napahinto ako sa pagkain, Ano ba talagang kailangan mo sa akin?
Ngumiti siya sa akin, Kailangan ko kailangan ko ng tissue.
Natawa ako sa sinabi niya, T-tissue lang ba?
At tumango siya.
Kinuha ko ang tissue at ibinigay ko ito sa kanya, Tissue lang pala, kinabahan naman
ako ron.
Kinuha niya ang tissue at pinahid iyon sa bibig ko, sandal akong di nakakibo.
Madumi ang bibig mo.
Ngumti ako. Hindi ko alam pero parang may iba akong naramdaman nang pinunasan niya ang
bibig ko. Sa isip-isip ko napakabait naman nitong taong ito at napakasuwerte ko dahil nakilala
ko siya.
Naging palagi ang pagsasama naming ni Marcus. Lagi niya akong sinusundo mula sa
pinatratrabahuhang kong restaurant. Madaling araw na rin daw kasi ang delikado sa daan. Lagi
namang napapansin ni nanay yun at lagi ko na rin siyang hindi pinapansin sa tuwing sesermunan
niya ako tungkol kay Marcus.
Masaya ako kay Marcus, lagi niyang pinagignhawa ang pakiramdam ko sa tuwing napapagod
ako. Lagi niya akong pinangingiti sa tuwing iiyak ako sa harapan niya at sinasangguni ko ang
problema ko sa pamilya. Kaya siguro habang tumatagal ay maslalo ko pa siyang nagugustuhan at
mas lumalalim ang pagkagusto ko sa kanya.
Isang araw na sinundo ako ni Marcus sa bahay ay nagulat na lang kami nang makita naming
si nanay na nag-aabang na sa harap ng bahay naming.
Nay, ano ka ba? Madaling araw na andito ka pa sa labas.
Hoy lalaki, mag-usap nga tayo. Sabi niya kay Marcus.
Nay ano ba namang,.,
Layuan mo ang anak ko! Hindi ikaw ang karapatdapat na lalaki para sa kanya!
Pinigilan ko si nanay, Nay sobra ka naman! Sobra naman yang sinasabi mo kay Marcus!
Mabait siya at inaalagaan niya ako.
Bakit ha Yna! Mapapakain ba niya sa mga kapatid mo yang sinasabi mong kabaitan at pag-
aalaga niya.
Nay hindi. Hindi niya nga mapapakain sa inyo ang kabaitan at pag-aalaga niya sa akin.
Hindi niya kayang ibigay sa atin ang lahat ng luho natin sa buhay. Pero alam niyo nay, yung
kaligayahan at kaginhawaan na binibigay niya sa akin, walang kapantay yun kumpara sa mga perang
ibinibigay ko sa inyo at sa pamilyang ito! at isang malakas na sampal ang ibinigay sa akin ni
nanay dahil sa sinabi kong yun.
Walang hiya ka! Suwail kang anak!
Sana nga nay, sana nga nay naging suwail na lang akong anak para hindi na lang ako
naghihirap ng ganito.
Sa akala mo ba magmamanik luhod ako sayo babae ka. Pumasok siya sa bahay naming at
kinuha ang mga gamit at saka niya itinapon yun sa akin. Lumayas ka babae ka! Magsama kayo ng
lalaking yan.
At saka siya muling pumasok ng bahay naming at saka ibinalibag ang pintuan.
3
Wala kaming nagawa ni Marcus, nang oras na iyon ay sumama ako sa kanya sa Moriones.
Kahit medaling araw pa lang ay madami pa ring tao sa looban na iyon. Meron pang nag-iinuman sa
mga kalsada at mga tambay sa paligid.
Marcus. Sabi ng isang kapitbahay niya na mukhang lasing at umiinom, Isang shots tayo
riyan oh para diyan sa miss na kasama mo.
Nakaramdam ako ng takot kaya napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Marcus.
Ngumiti si Marcus sa kanila, Saka na lang tol, kahit taya ko pa.
Ngumiti rin ang lalaki sa kanya at nagtuloy kami sa paglalakad.
Wag kang matakot sa mga yun, mga sunog baga lang yang mga yan pero mababait naman,
maasahan din naman. Sabi niya sa akin.
Sigurado ka ba?
Oo naman. Close kami non noh.
Natawa ako sa sinabi niya at saka ko siya pinalo sa braso.
Maliit na 2 storey ang bahay nila Marcus, kasya lang siguro ang apat hanggang lima na
miyembro ng pamilya sa bahay nila. Ang kuwento ni Marcus, five years old siya ng nabili ng
tatay niya ang bahay na iyon, dati kasi silang nangungupahan sa Tondo. Doon na sila lumaki kaya
kilala na sila ng mga taga-roon, kaya rin wala na siyang takot sa lugar na iyon. nang mag-asawa
ang mga kapatid niya ay lumipat na ang mga ito sa probinsya kaya naiwan na sa kanya ang bahay.
Pinakita sa akin ni Marcus ang kuwarto niya sa bahay, Dito ka muna matulog ha.
Saan ka?tanong ko sa kanya.
Kahit doon muna ako sa sofa, okey lang naman ako ron.
Sigurado ka ba?
Ngumiti siya sa akin, Wag mo akong alalahanin.
mupo ako sa kama at napayuko, Salamat ha. Nakakahiya na talaga sayo.
Tumabi siya sa akin at tinapik ang balikat, Naku, okey lang yun. Eh, ano bang balak
mo?
Umiling ako, Hindi ko nga alam kung makakabalik pa ako sa amin.
Siguro naman. Alam mo naman ang nanay mo, kailangan ka rin non.
Pero baka sa pagbalik ko pamiliin niya ako.
Eh kung kailangan mong mamili eh di mamili ka. Ano bang pipiliin mo?
Tumingin ako sa kanya, Ikaw.
Napanganga siya at sandaling di nakapagsalita, Teka, p-paano ang mga kapatid mo?
Ayoko na talaga sa amin, Marcus. Dito na lang ako sayo. Mas masaya ako rito. Gusto mo
magpakasal na tayo kahit sa huwes lang.
Alam mo kasi Yna
Bakit ayaw mo ba?nakaramdam ako ng hiya sa puso ako. Kababae kong tao ay ako pa ang
nagpropropose ng kasal sa lalaki.
Siyempre hindi noh. Alam mo namang mahal na mahal kita at saka sobrang gusto talaga
kitang pakasalan pero iniisip ko rin ang mga kapatid mo.napag-isip siya, Sige ganito lang.
Magpapakasal tayo, pero ako muna ang gagastos para sa pamilya natin at susuportahan mo pa rin
ang mga kapatid mo. Iniisip ko rin kasi na sayang naman kung hindi makakapagtapos ang mga
kapatid mo, importante rin naman ang makapagtapos sila ng pag-aaral.
Natuwa ako sa sinabi ni Marcus, nakita ko sa kanya ang hindi lang ang pagmamahal niya
sa akin kundi ang pagmamahal din niya sa mga kapatid. Sa kabila ng masasakit na salita na
natanggap niyamula sa nanay ko ay naalala pa rin niya ang pamilya ko. Naiyak ako sa katuwaan at
napayakap ako sa kanya, Salamat talaga Marcus. Salamat sa lahat.
Dalawang buwan pagkatapos kong umalis sa bahay namin ay nagpakasal kami sa huwes ni
Marcus. Pero kahit pa kasal na kami ay patuloy ko pa ring sinusuportahan ang mga kapatid ko.
Naging kakuntsaba ko si Gemini, pinapunta ko siya sa Moriones upang kunin ang perang nilaan ko
para sa kanila, minsan pa nga pagnagkukulang ako ng bigay ay nakikishare na rin si Marcus sa
akin.
Dumaan ang tatlong buwan at nagkaroon kami ng pagkakataon ni Marcus na magpakasal sa
simbahan. Hindi naging magarbo ang kasal naming dahil kailangan naming mag-ipon ng pera.
Seremonyas lang at isang maliit na handaan lang ang ginawa naming.
Naging isa sa napaligayang araw ko yun dahil may basbas na ng Diyos ang kasal namin ni
Marcus ang nakakalungkot nga lang ay hindi nagpunta si inay sa kasal, tanging mga kapatid ko
lang ang nagpunta sa kasal naming.
Nagliligpit ako ng mga pinagkainan sa kusina nang lumapit sa akin si Marcus, Iniisip
mo ba ang nanay mo?
Inaasahan ko nay un, Marcus. Alam ko naman na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya
matanggap ang pagpapakasal ko sayo. Alam mo kasi ang gusto kasi sa akin ni inay non, magpunta
ako sa Japan at magpakasal ako sa mayamang Hapon don.
Niyakap ni Marcus ang aking likuran habang naghuhugas ako ng plato, Nabanggit sa akin
ni pare na may opening pa rind aw sa Japan ngayon, sa isang factory. Gusto mo bang subukan
natin yun.
Hinarap ko si Marcus, Pupunta tayo ron.
Tumango si Marcus, Kailangan mo di ba? at hinawakan niya ang kamay ko, Eh ayoko
namang iwanan ako ng mahal ko kaya sasama na rin ako sayo.
Hindi nga?
Oo, sapat na rin siguro ang mga naipon ko para makapunta tayong dalawa ron. Sabi naman
ni pare may matitirhan naman daw tayo ron eh.
Marcus, hindi ko talaga alam kung paano kita pasasalamatan sa lahat-lahat ng ginawa mo
sa akin. Naiiyak kong sinabi sa kanya.
Wala kang dapat gawin sapat na yung pagamamahal mo. Basta ang pangako ko sayo,
bibigyan kita ng maginhawang buhay, mag-iipon ako ng pera pambili ng Taxi para kahit na andito
tayo sa Pilipinas ay may mapagkakakitaan tayo, bibigyan natin ng magandang buhay ang mga
magiging anak natin at saka kung gusto mo talaga, aalis tayo rito sa Tondo at lilipat tayo sa
mas maganda at malaking bahay kung saan kasya ang isang dosenang anak.
Pinalo ko ang braso ni Marcus, Tumigil ka nga, ayoko ng isang dosenang anak, mahirap
magbuntis noh.
Nangyari ang mga plano ni Marcus. Nagpunta kami sa Japan at namasukan sa isang factory
doon. Maraming trabaho para sa amin sa Japan kaya todo kayod kaming mag-asawa. Sa factory sa
umaga, waiter at waitress naman sa gabi. Dahil sa pagsusumikap naming sa Japan ay napagtapos ko
ang isa kong kapatid at napupunan ko na ng maayos ang mga pangangailangan nila. Habang si
Marcus ay pinaghahandaan na ang pagbuo naming ng pamilya.
Ika-anim na buwan naming sa Japan nang matuklasan kong buntis ako. Tuwang-tuwa kaming
mag-asawa maslalo na si Marcus nang malaman niyang lalaki ang magiging anak namin, pangarap
niya kasing magkaroon kami ng Junior.
Ipinanganak ko si Junior, naging malusog siyang bata noong mga unang taon niya pero
magkalaon ay napansin namin na nanghihina siya at nahihirapang huminga. Nalaman naming na may
asthma si Junior at dapat laging pinakokonsulta siya sa doctor dahil sa sakit niya.
Nalungkot siyempre kami dahil alam naming mahina ang baga n gaming anak, pero hindi
nawalan ng pag-asa si Marcus. Sa tuwing susumpungin si Junior ay inaakay niya ito at laging
pinapatawa, sabi niya naniniwala siya na laughter is the best medicine. Tuwang-tuwa naman si
Junior sa tuwing patatawanin siya ng kanyang ama, gumagaling naman siya dahil na rin siguro sa
pag-aalaga ni Marcus sa kanya.
Mula ng maging sakitin si Junior ay hindi na ako pinagdoble ng trabaho ni Marcus. Sabi
niiya sa factory na lang daw ako magtrabaho at siya na lang ang kakayod ng mabuti para sa amin,
kailangan kasi ng may mag-aalaga kay Junior.
Naging masikap sa trabaho si Marcus. Wala siyang sinayang na oportunidad sa Japan.
Buokod sa pagfafactory worker ay naging janitor at waiter din siya ron. Dahil din sa pagsisikap
niya ay natupad na rin ang pangarap niyang makabili ng Taxi. Sa tulong ng kapatid niya ay
nakabili kami ng taxi na pinapasada ng kapatid habang nasa Japan kami. Tuwang-tuwa kaming mag-
asawa dahil nakakapundar na kami.
Ikalimang taon na naming non sa Japan nang mapansin kong bumabagsak ang katawan ni
Marcus, nagiging sakitin na rin ito at napansin ko ang mga pasa sa kanyang katawan. Lagi naman
niyang sinasabi sa akin na dahil lang yun sa pagod at siguro dahil sa bigat rin ng trabaho kaya
nagkakapasa siya. Nabahala na lang ako nang mapansin kong madalas na siyang mahilo at talagang
mahina na ang kanyang resistensya.
Dinala naming siya sa hospital at doon ko natuklasan ang isang malaking pagsubok sa
aming mag-asawa.
May Leukemia si Marcus at malala na ito. Wala kaming magawa ni Marcus kundi iwan ang
maayos-ayos na buhay naming sa Japan at bumalik ng Pilipinas, bumalik sa looban ng Moriones
kung saan kami nagsimula.
4
Naging mahirap sa akin ang mga panahong iyon. Nagging masakit dahil hindi ko kayang
Makita ang asawa kong naghihirap dahil sa karamdaman niya, sa tuwing napapansin ko na tinitiis
niya lang ang sakit na nararamdaman niya para lang di ako mag-alala sa kanya.
Sa tuwing tinitigan ko siya sa pagtulog hindi ko maiwasan ang lumuha, hindi ito ang
lalaking una kong nakilala. Ang Marcus na nakilala ko, malakas, masayahin, punongpuno ng sigla
at lagi akong pinapangiti sa kabila ng mga sakit na nararamdaman ko. Hindi ko akalain na kaya
rin pala akong paiyakin ni Marcus, kaya niya rin akong saktan at kayang pahirapan kahit hindi
niya intensyon yun. Sa gitna nang pagluha ako ay hindi ko namalayang nagising ko si Marcus kaya
agad kong pinahid ang aking mga luha.
Nahihirapan ka nab a? tanong niya sa akin.
Hindi ako sumagot.
Mahal ko, Sorry ha. Ang sabi niyang muli, Pinahihirapan kita.
Umiling ako, H-hindi. Okey lang ako Marcus.
Hinawakan niya ang kamay ko, Di ba sabi ng doctor sandali na lang matatapos na rin
ito.
Natahimik ako. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Nagtapat ang doctor sa tunay na
kalagayan ni Marcus, may taning na ang buhay nito.
Umiyak ako at hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya, Hindi mangyayari yun Marcus.
Hindi mo kami iiwan. Hindi mo kami iiwan ni Junior. Hindi pwede Marcus, may utang ka pa sa
akin. naaalala mo pa ba yung mga pangako mo sa akin non, dib a sabi mo aalis din tayo rito sa
Moriones at lilipat tayo sa malaking bahay.
Ngumiti si Marcus sa akin, Wala akong pangakong hindi nakalimutan, Mahal ko.
Marcus, ipangako mo naman sa akin na di mo kami iiwan.
Yun ang hindi ko kayang ipangako, Yna.
Marcus naman nagsimula akong humagulgol sa pag-iyak.
Patawarin mo ako ha. Gustuhin ko man tuparin lahat ng ipinangako ko sayo pero hanggang
doon na lang ang makakaya ko. Pero pangako Yna, kahit ganito ang kalagayan ko pipilitin ko pa
ring tuparin ang mga pangako ko sayo.
Tama si Marcus, hindi niya nga kayang ipangako ang buhay niya dahil after two years ng
pakikipaglaban niya sa Leukemia ay natalo rin siya ng sakit na ito.
Iniwan kami ni Marcus, kasabay na rin don ang mga pangako niya.
Never will I leave you, never will I forsake you. Ang sabi sa isang brochure na nakita
ko sa likuran ng taxi. Siguroy naiwan ito nong pilay na sumakay sa taxi ko noong isang araw
kasama ang girlfriend niya. Mukhang nahulog ito sa Bible na dala-dala niya.
Never will I leave you, never will I forsake you. Parang si Marcus, parang mga pangako
ni Marcus noon sa akin. sabi niya hindi niya ako iiwan, sabi niya hindi niya ako pababayaan,
sabi niya giginhawa ang buhay naming pero anong nangyari? Heto iniwan niya kami.
Miss, ditto lang kami. Inihinto ko ang taxi sa tapat ng airport. Lumabas ako ng
sasakyan upang tulungan ang matandang babae na kunin ang maleta niya sa likod ng akong taxi.
Naku, miss thanks ha. Inabot sa akin ng matanda ang bayad at kinuha ang maleta niya.
Bago ko isara ang compartment ng taxi ay nakita ko ang isang plastic envelope na nakaipit sa
carpet ng compartment. Kinuha ko yun at hinabol ko ang pasahero, Mam naiwan niyo po yata
ito.
Umiling ang matanda, Naku miss, hindi sa akin yan. Hindi ko dala yan.
Ah ganon ba?
Tignan mo na lang yung loob baka may address ng may-ari yan.
At tuluyan ng pumasok ng airport ang pasahero.
Sinilip ko ang laman ng envelope upang tignan kung anong nakalagay ditto.
Mrs. Yna Nolasco.
Bigla akong kinabahan nang mabasa ko ang pangalan ko sa isang papel sa envelope agad
akong pumasok ng taxi upang basahin ito.
Nilabas ko ang laman ng envelope na iyon.
May isang passbook ron na nakapangalan kay Marcus Nolasco ITF Marcus Nolasco Junior
binuksan ko ito at nagulat ako sa laki ng balanse nito. Tamang-tama sa pag-aaral ni Junior
hanggang kolehiyo. Tinignan ko kung kailan ito nabuksan, nabuksan ito limang taon na ang
nakakaraan ay buwan-buwang may deposito ang account, hanggang sa huling buwan ni Marcus sa
mundong ito.
Binuklat ko pa ang ibang nakalagay sa envelope, nakakita ako ng Life Insurance Plan na
nakapangalan kay Marcus at nakalagay ang pangalan ko bilang beneficiary.
May mga isa pang passbook roon na kapangalan kay Marcus na naglalaman ng malaking
halaga.
At isang maliit na envelope kung saan nakalagay ang pangalan ko. Binuksan ko ang
envelope na iyon at kinilabutan ako ng Makita ko ang sulat kamay ni Marcus. Tinignan ko ang
petsa ng sulat na iyon, ito ang petsa ng huling dalawang linggo ni Marcus.
Yna, Mahal ko:
Una sa lahat ay gusto kong humingi ng tawad sayo, dahil alam kong wala na ako sa tabi
mo ngayon.
Nabigo ako Yna. Nabigo akong ibigay sayo ang lahat ng ipinangako ko, pero kahit sa mga
huling sandal I ko katulad ng ipinangako ko sayo sa abot ng aking makakaya ay gusto kong
tuparin yun.
Kung may bintana ang langit Yna, gusto kong masilayan ka ron, gusto kong Makita ang
iyong mga ngiti. Ayokong makitang nahihirapan ka kaya bago pa man ako maglaho ay inihanda ko na
ang lahat.Gusto ko sanang gawing supresa sa inyo ni Junior ang mga naipon ko sa matagal ng
panahon pero dahil sa nangyari sa akin ay hindi ko na magagawang itago pa ito dahil alam kong
kakailanganin niyo ito.
Ang lahat ng laman ng envelope na ito, Mahal ko. Ang lahat ng lamang yan ay para sa
inyong mag-ina ko. Para sa kinabukasan ng Junior ko at sa kinabukasan mo rin. Siguroy kasya na
rin yan upang magpagawa ka ng maayos na bahay tulad ng ipinangako ko.
Maniwala ka sa akin Yna, gusto kong tuparin lahat ng ipinangako ko pero heto lang ang
kinaya ko.
Mahal na mahal kita Yna, mahal na mahal ko kayo ni Junior.
Marcus.
Napayuko ako sa manibela dahil sa kakaiiyak. Hanggang sa mga huling hinanga ni Marcus
ay hindi niya ako binigo, tinupad niya ang mga pangako niya, tinupad niya ito ng sobra-sobra.
Sandali akong dumaan sa Sta. Cruz Church upang ipagpasalamat sa Diyos ang mga bagay na
natuklasan ko, ipinagpasalamat ko rin sa Diyos ang mga taong pinagsamahan naming ni Marcus, ang
pinakamasasayang araw ng buhay ko. Tama ang brochure na iyon, hindi nga ako pinabayaan ng Diyos
at isa ng patunay diyan ay ang pagpapahiram niya kay Marcus sa akin.
Hindi ko alam kung gagamitin ko ang pera ni Marcus sa pagpapatayo ng bahay sa ibang
lugar, nagbago na ang isip ko. Mananatili ako sa Tondo, mananatili kami ni ni Junior sa looban
sa may Moriones, dahil ayokong mabura ang masasayang alaala naming ni Marcus. At sa Moriones
nabuo ang mga pangako at pangarap naming ni Marcus sa isat isa.
Maliit ang bahay namin sa Moriones, maingay at minsan may gulo. Pero nandoon ang mga
masasayang alaala ko, ang mga panahong kasama ko si Marcus. Wala man siya rito sa tabi ko alam
kong sa maliit na bahay na iyon ay mararamdaman ko ang pagmamahal niya.
Mula sa simbahan ay pumara sa akin ang isang maliit na babae na kulot ang buhok na
nakasuot ng panguniporme ng bangko ay may kasamang isang matangkad at mestisuhin na lalaki na
nakapangopisina rin.
Huminto ako at pinasakay ko sila.
Miss saan po tayo?
Ngumiti ang babae sa akin, Sa Harrison po muna.
Oh saan tayo magkikita mamaya? tanong ng kasama niyang lalaki sa kanya.
Doon na lang tayo magdinner date sa loob ng Harrison Plaza. sagot ng babae.
Sige, magkita na lang tayo sa loob ng Harrison. Inakbayan siya ng lalaki at saka siya
hinalikan sa noo, I love you, bebe. Happy monthsary!
Niyakap siya ng babae, I love you rin bebe ko.
Napapangiti ako sa kanilang dalawa. Ang sweet nilang tignan, parang kami ni Marcus
noon. Sa tuwing makakakita na lang ako ng mga sweet na couple ay naaalala ko palagi siya.
Nakikita mo ba sila Marcus? Ang sweet nila di ba, parang tayo. Kahit nasaan ka man
Marcus gusto kong sabihin sayo na mahal na mahal kita at maraming salamat Marcus, dahil hindi
mo ako binigo sa pagtupad ng mga pangako mo.

You might also like