You are on page 1of 1

MULING PAGHANGA SA ISANG BINIBINING MAGALITIN

Sulat-Nobela galing kay : G. Jake Naquila

I. Ang Sekretong Lihim


Ako si G. Louis Vergara , isang estudyante mula sa ika-sampung baitang. Isang
araw , habang naglalakad kami ng mga kaibigan ko na sina Mark at Carl ay aksidente
kong nakita ang isang sulat na medyo may dumi na pero kinuha ko paren ito. Nakita
ko sa sulat , "Minamahal kong Louis , akin ka lang". Dito ako kinabahan na baka
wari'y isang mangkukulam ang gumawa ng pasadyang bagay na ito o mayroon talagang
humahanga sa akin ng hindi ko namalayan.
Pumunta ako sa malapit na basurahan at nagpasyang itapon ang sulat dahil baka
isa lamang biro iyon subalit , napahinto ako nang bigla akong tinawag ng aking mga
kaibigan para pumasok na sa silid-aralan. Dahil sa pag aalinlangan , binulsa ko
nalang ang sulat at masayang pumasok sa silid-aralan.

II. Ang Paglilibot sa Buong Paaralan


Ako'y nag iisa lamang at walang magawa , nagpasya akong libutin ang buong
paaralan bilang pampalipas-oras lamang at para mawala ang pagkabalisa ko. Ngunit sa
gitna ng aking paglilibot ay may tumingin sa'kin na isang magandang binibini na
tila ba'y may pagtingin sa akin , yung tipong hindi ka niya tatantanan sa pagtingin
kahit saan ka magpunta. Tumungo naman ako sa kanya at nagpatuloy sa paglakbay
hanggang sa napadaan ako sa entablado ng paaralan dahil may pagsasanay sa
pagsasayaw ng mga magagandang mga binibini at mga ginoo , kay sayang panoorin ,
naghahawakan ng kamay na tila ba'y napatulala ako at naisip na balang araw ay
magagawa ko rin ito kasama ng aking magiging binibini.

Nagpatuloy ako sa paglalakbay at paglilibot , masaya ako dahil dito ko nakasama


ang mga tao na naging kaibigan ko na rin , kadalasan dito ay mga babae ang siyang
nakaibigan ko dahil mas magandang makikipagkaibigan sa mga binbini at sa paraang
ito ay medyo maiiwasan ko ang mga lalaking siga sa buong paaralan , gusto kong
mapag isa bilang isang ginoo kasama ang aking mga babaeng kaibigan.

III. Binibining Alexandria

Isang linggo ang lumipas , pumunta ako sa palaruan ng aming paaralan nang
biglang napansin ko'y kakaiba ang galaw ng mga babae sa paanan ng mga silid-
paaralan. Kinausap ko sila at tinanong , "Mga binibini , sadyang kakaiba yata ng
kilos natin ngayun ah?" ; tumungo lamang sila at nagmamadaling umalis na para bang
hindi ako nakikita sa kanilang harapan.

Napansin ko ang isang binibining tila pumukaw ng aking atensiyon , nagpaplano


akong lumapit sa kanya at kausapin ngunit sadyang hindi , dahil hindi ko pa siya
kilala at isa pa , baka magalit lang siya pag nakita niya ang aking presensiya.
Mayamaya ay pumasok na ako sa silid-aralan namin , biglang pumasok ang isang
binibining tila nakilala ko na at nasilayan. Siya pala yaong nakita kong babaeng
pumukaw ng aking atensiyon. Nagpakilala siya sa amin at siya ay si B. Alexandria
Vendugo.

Tumingin siya sa akin ng may matamis na ngiti na para bang gusto niya akong hagkan.
Siya'y mabait , madisiplina at may angking kagandahan. Lumapit ako sa kanya at
niyakap niya lang ako ng mahigpit , biglang gulat ko at napaisip kung bakit niya
ako biglang niyakap. Pagkatapos ng klase ay umalis na siya , sabay nagbigay sa'kin
ng kamay-paalam.

You might also like