You are on page 1of 1

KABABALAGHAN SA DYIP

Lingid sa ating kaalaman na marami ng mga pangyayari sa ating buhay na hindi


natin makakalimutan. May pangyayari na may nakakita ng multo, may nasaniban ng
espirito, nakasalamuha ang kapre at iba pang kababalaghan na pangyayari sa ating
buhay. Ako rin bilang estudyante meron din akong karanasan at di makakalimutang
memorya na magangdang balikbalikan. Ngunit, parang itong isang pangyayaring ito
ang hinding hindi ko talaga lilingunin.

Junior High School pa ako noon nang mangyari ang kababalaghang yun.
Magkasama kami ng aking kaibigan na si Kaye Ruth na nakasakay ng dyip pauwi. At
dahil mabunganga ang aking kaibigan, syempre di maiiwasan ang mahabang
kuwentuhan. Buti nalang at malapit na ang kanyang distenasyon, sa Camp Dangwa.
Sakto naming pagbaba ni Kaye Ruth may sumakay na isang maitim na lalake at umupo
sa dulo ng dyip (yung nakareserba para sa mga may kapansanan) kaharap ko.
Napansin ko na may hawak siyang dyaryong tiktik at napansin ko rin na medyo punit
punit ang kanyang damit. Binalewala ko nalang siya at nagbasa nalang ako sa
wattpad. Aliw na aliw ako sa binabasa ko nang huminto yung sasakyan at may
bumabang pasahero, doon ko lang napansin na dadalawa lang pala kaming natitirang
pasaheros pero binalik ko nalang ang atensyon sa wattpad. Habang inaaliw ko ang sarili
sa pagbabasa, may nararamdaman akong nakatitig sakin. Iniisip ko baka nakatitig sakin
yung maitim na lalake kaya sinulyapan ko siya. Pagkasulyap ko, gulat na gulat ako sa
nasaksihan ko. Sa unang sulyap , akala ko disenyo sa pantalon ang maitim na bilog sa
gitna ng kanyang pantalon pero sa ikalawang sulyap doon mo na makikita ang maitim
na saging. Parang hindi yata makatarungan ng isang 14 na taong gulang na makakita
ng ganon na Rated SPG. Hindi ko nga alam kung sisigaw ba ako o bababa agad dahil
sa pangyayari. Ang masaklap pa nakatingin parin yung lalake sa akin. Nang dahil sa
tingin na iyon na nakakatindig balahibo pumara ako agad at nagmamadaling bumaba
kahit hindi pa ito iyong pagbababaan ko at naglakad nalang ako pauwi sa bahay.

Kinabukasan, ikinuwento ko iyong pangyayari sa mga kaibigan ko at ang nagyari


tinawanan lang nila ako at tinukso nila ako kung Malaki daw ba? O Ilang Inches? Ako
naman hindi makasagot dahil ikaw ba naman ang makakaranas ng ganoon na eksena
at mag-isa mo lang na babae. Kaya sa huli tinawanan ko nalang at inaliw ko nalang
ang sarili ko sa pagbabasa ng wattpad kahit tinutukso parin nila ako.

Dahil sa kababalaghang iyon, lagi na ko nang pinagtutuusan ng pansin ang


pagbabasa ng wattpad para hindi ako sumusulyap sa iba at baka may makita na
naman akong kakaiba. Kaya iminumungkahi ko na huwag kayong tumitingin o
sumusulyap sa paligid baka may makita kayong pagsisihan.

Daphne P. Canabe 11-5-19

STEM 12-U

You might also like