You are on page 1of 3

MUNTING PAHINGA NA HINIHILING NG ISANG DALAGA

RANGG RANGGG RANGGG,,

MICA S: That’s all class byee

CHARI! SANDALI! Bakit ka natutulog sa klase kanina?

CHARI: pasensya napo maam nalate po kasi ako ng tulog kagabi hindi napo mauulit

MICA S: Pansin ko lagi kang nanghihina this week alam kong gusto mo ng mataas na grado
ngunit wag mo masyadong ubusin ang lahat ng iyong enerhiya sa katawan ikakasama mo
yan, oh sabado bukas magpahinga ka muna ngayon at isabukas mo na yang mga gawain
mo,sana okay kana sa Monday ha

CHARI:opo maam salamat po,

CATH:LUMIPAS ANG ORAS AT NAKAUWI NA SI CHARI GALING SA PAARALAN….

MICA J: OHH!! Nakauwi ka na, binigay na ang kard nyo, 92? Yun lang ang nakaya mo? Hindi
mo manlang ginalingan pa? paano ka magiging doctor?

KRISTIAN: Hayy, sinasabi ko kasi sayo itigil mo yang painting painting nayan hindi yan
makakatulong sa pagaaral mo

CHARI: Pero yun po ang aking gusto pa ang maging pintor..

KRISTIAN: Sinasabi ko wala kang mapapala jan! medicine yan ang kukunin mo, walang pero
pero! Tignan mo yang kapatid mo top student sa medical school gayahin mo sya!

MICA J: Kukunan kita ng tutor bawat lingo at sabado triplehin mo ang oras mo sa pagaaral
mo! Pumasok ka sa kwarto mo at magaral ka.

CHARI: opo ma

CATH: PUMASOK SI CHARI SA KANYANG KWARTO HABANG PINIPIGILAN ANG PAGPATAK


NG KANYANG MGA LUHA, LUMIPAS ANG ORAS AT UMAGA NA

MICA J: OHH ANJAN ANG MGA TITA AT TITO MO SINASABI KO SAYO WAG MO AKONG
IPAPAHIYA

CHARI: opo ma

Page 1
MUNTING PAHINGA NA HINIHILING NG ISANG DALAGA

KATE:ohhh chari ikaw na ba yan?Kamusta ang pagaaral mo aasahan kong valedictorian ka


ha at bakit ganyan ang itsura mo? Natutulog ka pa ba? Hay naku naku minsan mag ayos
ayos ka rin babae ka pa naman buti pa tong pinsan mo maganda at matalino {sabay turo
kay Nicole}

CHARINETH: Nakita ka pala namin noon ng tito mo may kasamang lalake, nobyo mo?

CHARI: kaibigan lang po tita…

TRISTAN: kaibigan o ka-i-bigan kaw ha

ABCIDY: KAIBIGAN? LALAKE? Alam mo hindi pwedeng magkaibigan ang lalake at babae,
tignan mo yang tita at tito mo Tristan at charineth, magkaibigan lang dati tignan mo ngayon

CHARI: hindi naman po lahat ganon tito tsaka kababata ko po yon si aarron

ABCIDY: so sinasabi mong mali ako?

CHARI: opo…

ABCIDY: AY BATA KA APAK-

KRISTIAN: LETS JUST END IT HERE, pumunta ka nalang sa kwarto mo chari

MICA J: pagapsensyahan mo na yang si chari, sinsabi nya naiistress daw siya pero alam
kong wala naman kakaistressan yang batang yan pasensya ule kumain nalang tayo…

CATH: Umakyat si chari sa kanyang kwarto habang pinipigilan ang kanyang iyak at iniisip
kung ano ang nasabi nyang mali, ng bigla nya makasalubong ang kuya nya na si hanz

HANZ: oh iniiyakan mo nanaman, wag kang sasagot sa matanda and improve please parang
pachill chill ka lang naman jan yan ang reason kung bakit ka kinokompara ka sakin ur not
even trying kahit onti nako!

CATH: at tuluyan nangang tumulo ang mga luha ni chari habang nadudurog ang kanyang
puso sa mga salitang binitaw ng kanyang kapatid,tumakbo siya sa kanyang silid at
sinarado ang lahat ng bintana,pintuan, ilaw at humiga sa kanyang kama

CHARI:Sino ba talaga ang problema ako o sila?Bakit lagi nalang akong ganto? {umiiyak na
bigkas ng dalaga}

CATH: AT SA PAGPITIK NGA NG ORASAN KADA SEGUNDO AT MINUTO NAKATULOG NA


ANG DALAGA NGUNIT UNTI UNTING TUMIGIL ANG PAGTIBOK NG KANYANG PUSO AT
Page 2
MUNTING PAHINGA NA HINIHILING NG ISANG DALAGA

SA WAKAS NARAMDAMAN NA NIYA ANG PAHINGA NA KINAKAILANGAN NIYA

Ang aral sa kwentong ito ay, mag-ingat sa sasabihin mo sa iba, hindi mo alam kung ano ang
nararamdaman nila, huwag mong ikumpara ang iyong anak sa ibang bata, huwag pilitin ang
iyong anak na ituloy ang isang bagay na hindi niya gusto dahil lang sa anak mo sila hindi ibig
sabihin na pagmamay-ari mo sila ng buo, MENTAL HEALTH MATTERS THE MOST!!

PS: Ang mga pangyayari ay pawang kathang-isip lamang

 TERNORA ABCIDY- tito


 VERGARA CATHLEYA narrator
 ADVIENTO KATE- tita
 FELIX CHARI MARI- dalaga
 MEDOZA MICA SUZETTE- guro
 CHARINETH HONORIO- tita
 TIMBAS KRISTIAN tito
 ORATA AARON- nakababatang kaibigan
 ANTOLIN NICOLE- pinsan
 ROET TRISTAN LORD-tito

Page 3

You might also like