You are on page 1of 7

DINNER. FIRST SCENE.

Christopher: (Uminom ng wine, tumikhim) Mayroon na ba kayong desired course for college? Enrollment is now open so
dapat mayroon na kayong napili… isa pa, good job Cleah for the high grades this semester, you should maintain it or
higher para makapasok ka sa school na gusto mo.

Tumingin sa kambal at tinaasan sila ng kilay

Clea: May napili na ako Dad... I will pursue l-law and political science will be my pre-law course…

Biglang napatingin si freya sa kaniya at tinignan siya ng mariin.

Christopher: Good, as expected. You have a very good choice. Then I supposed, magte-take ka rin ng law, Freya? Just
like your twin and other cousins, kahit hindi gaano katas ang grades mo?

Victoria: Aba dapat lang. Pamilya tayo ng mga politician at abogado. They must follow our legacy.

Kumuyom ang mga palad ni Freya. She clenched her jaw.

Freya: O-of course dad, magte-take din po ako ng law.

Christopher: 'Yan, 'yan ang gusto kong marinig but you should do better this semester. Nag-ffail ka pa rin, your efforts
are not enough for your grades. (kain muna bago salita ulit) So dahil nakapag-decide na kayo, by next week kailangan
niyo nang mag-enroll.

Victoria: It's good to hear na parehas kayo ng kursong kukunin. Don't disappoint us, and you should be on top of your
class because that will be a dishonor to our family. Right honey?

Saglit na nagpalitan ng tingin si shai at rachelle

Christopher: Exactly. Be excellent as we want you to be. Bukas maghahanap na kami ng magiging condo niyo. Don’t
worry.

After dinner Hinila ni Shai si Rachelle sa kwarto nila at ni-lock niya ang pinto.

TWINS’ ROOM. SECOND SCENE.

Freya: what the hell? akala ko ba gusto mong mag-take ng fine arts? (napa-upo si Clea habang nakatayo si Freya)

Clea: same as you, akala ko ba gusto mong mag-take ng medicine?

Freya: may usapan tayo hindi ba? Akala ko ba sasabihin na natin yung totoo?

Clea: Hindi mo ba narinig yung sinabi ni mama kanina? She said that we must follow their legacy! Sobrang laki ng
expectation nila sa atin, Freya!

Freya: hindi 'yan ang point ko! I know we are mature enough to make our own decisions, Clea. Where's our freedom ha?
Nasaan? Ginagawa nila tayong puppet!

Clea: *(starts to sob) N-natatakot lang ako, Freya... Look, ayaw ko lang silang ma-dissapoint sa akin, okay? Sobrang
napepressure ako... (palakad-lakad si Clea habang nag-aalala)

Freya: Bago magnext week, dapat masabi na natin sa kanila even if it means na kailangan natin silang salungatin. We will
explain our side.

Napatango na lamang si Clea habang tahimik na lumuluha.

COFFEE SHOP. THIRD SCENE.

Nagpaalam si freya na pupunta siya ng coffee shop kasama ang mga kaibigan niya
Umupo si Freya sa stool ng coffee shop at nilapag ang bag sa table. (Insert side characters)

Freya: Girls... may problema... Gusto ng parents ko ang Law course kahit ayaw ko naman. I want to take med pero hindi
sila suportado roon.

Her friend sips iced coffee

Friend: That’s the problem with our parents and hindi na bago yan sa Filipino parenting culture. Expectations and
manipulation are one thing na magaling sila. Pero sinabi mo na ba?

bumuntong hininga si Freya

Freya: Yoon na nga ang problema. Pinapangunahan ako ng takot. Para nilang kinokontrol ang buhay namin ni Clea na
kung ano ang gusto nila ay dapat naming sundin.

Another friend (Charish): Hindi rin ako agree diyan, sis. Though, kilalang kilala kasi ang pamilya ninyo in terms of politics
and everything under the law, so maybe, gusto lang nila ang makabubuti sa pangalan ng pamilya niyo.

Freya: But we aren’t born to be the way they wanted us to be! Kung gusto nila ng magtutuloy ng pangalan namin, they
should’ve brought a son…. We will end this bloodline.

Nilapitan siya ng kaniyang kaibigan at hinagod nito ang kaniyang likod

Friend (Chezka): Kaya mo 'yan, Freya. Course 'yon ha, course. Future proffesion mo 'yon. Malakas naman loob mo eh,
alam naming kayang-kaya mo ‘yan!

Gabi na noong nakauwi si Freya dahil sa matinding traffic

LIVING ROOM. FOURTH SCENE.

Biglang napatayo si Victoria sa couch kasama ang kaniyang asawa

Victoria: Bakit ngayon ka lang? gabi na, tapos ngayon ka lang uuwi? Ano, naglalakwatsa ka na ngayon?

Frea: Momm---- (pinutol ni mama)

Victoria: 'yan na nga ba ang sinasabi ko e, hindi ba't kabilin-bilinan ko na dapat hindi kayo abutin ng gabi sa labas? You
should not be with those kinds of friends!

Freya: Mom? Pwede po bang huwag niyong idamay ang mga kaibigan ko rito? Pwede po bang hayaan niyo muna akong
magpaliwanag? 'Yan kasi ang problema sa inyo e, masyado niyong pinapangunahan ang mga bagay bagay. (PAIYAK NA)

Victoria: Ayan! Ayan ba ang mga natututunan mo sa kaibigan mo? Natututo ka nang sumagot?

Frea: Mom, i'm just trying to explain, kasi...kasi kailangang pakinggan niyo rin yung side k- pak! (sampal)

Christopher: Huwag kang sumasagot-sagot sa mommy mo ha! Wala ka pang nararating sa buhay mo pero ganyan ka na,
ang pangit ng ugali mo!

Lumabas si Clea mula sa kaniyang kwarto at naabutan si shai na umiiyak

Clea: Anong nangyayari? (Di na nakapagtimpi si Freya kaya napagtaasan niya ng boses ang kanyang mga magulang)

Freya: sobra na ang panghuhusgang ginagawa niyo! Hindi niyo kilala ang mga kaibigan ko kaya wala kayong karapatan
para sabihin ang mga bagay na iyon sa kanila! (Naiiyak niyang tugon)

Christopher: Manahimik kang bata ka. Ikaw ang walang karapatan para pagtaasan kami ng boses! Anak ka lang,
magulang kami! kaya mas alam namin kung ano ang tama at mali! (Dinuduro-duro si shai)
Freya: (napatikhim) Oo nga, anak nga lang pala ako. Kailan ba ako nagkaroon ng karapatan? Kailan nga ba ako nagkaroon
ng karapatang ipagtanggol ang sarili ko kahit na alam kong nasa tama ako.

Froi: Hindi ako natutuwa sa tono ng boses mo ha. (At dinuro-duro nito si frea)

Frea: Sobrang nakakasakit na kayo. Minsan kasi alam niyong may mali rin kayo pero hindi niyo lang kayang tanggapin
kasi masakit 'yon sa pride niyo bilang magulang! (Humagulgol ito)

Clea: tama na iyan (naiiyak na sabi niya). Can we just talk about it tomorrow? (lumapit siya kay sam) Gabi na mom,
kailangan niyo na pong magpahinga ni daddy.

Bago umalis ni Christopher ay dinuro niya muna si Freya

Freya: Hindi pa tayo tapos. (inihatid ni clea ang kanyang mga magulang sa kanilang kwarto at umiiyak namang umalis sa
lugar na iyon si frea at patakbong nagtungo sa kaniyang kwarto)

FIFTH SCENE. BREAKFAST.

KINABUKASAN Ang buong pamilya ay nasa hapag at kasalukuyang kumakain para umagahan nang magbukas ng
napakalaking usapin ang haligi ng tahanan.

Christopher: bakit tahimik kayo ngayon? Let's continue the topic last night. At bigla itong napatingin kay Freya

Victoria: yang anak mong 'di marunong sumunod at makinig. Akala niya kaya niya na ang sarili niya kahit wala pa naman
siyang napapatunayan.

Freya: pwede bang kumain muna tayo at mamaya na natin ituloy 'yan? Gusto kong namnamin ang ang pagkain at nais
kong respetuhin natin ang nasa hapag.

Victoria: Napaismid. Lumalaban ka na naman. Bakit ba di ka marunong makinig? Yan ba ang natutunan mo sa sinasabi
mong kaibigan mo?

Christopher: Lumayo ka sa mga taong iyon dahil wala silang magandang maidudulot sa'yo at hindi sila makakatulong sa
pag-unlad mo!

Freya: Bigla niyang binitawan ang kubyertos. Pati ba naman pagpili ng sariling kaibigan di niyo pa ako pagbibigyan?
Buhay ko ito kaya I have rights to make decisions for my own. Kayo ang gagabay sa akin. Pero mukhang kinokontrol niyo
naman ang buhay namin ni Clea.

Christopher: Ito ang tandaan niyo. Hangga't dito kayo sa pamamahay ko nakatira, kami ang magdi-desisyon dahil kami
ang mas nakakaalam kung ano ang dapat at hindi dapat para sa inyo. Kaya wala kayong magagawa kundi sumunod sa
lahat ng gusto namin ng mama niyo para sa inyo.

Freya: No pa! Nasa tamang edad na ako kaya may karapatan akong pumili ng mga taong kakaibiganin ko nang hindi
tinatanong ang opinyon niyo!

Christopher: Aba bastos ka!

Frea: Alam niyo ba na 'yong mga taong paulit-ulit niyong hinuhusgahan ay sa kanila ko nakukuha ang suporta at
pagmamahal na dapat manggaling sa inyo. (Naluluwa niyang sabi at tila ba hindi na niya kaya pang pigilan ang kanyang
emosyon.)
Christopher: Wala akong pakialam kung anong klaseng pagmamahal at suporta ang nakukuha mo mula sa mga taong
iyan. Basta ang gusto ko ang masusunod sa loob ng pamamahay na ito at wala akong maririnig na kahit na anong
reklamo lalo na mula sa'yo!

Clea: Dad, pwede bang kumalma kayo?

Christopher: Ito ang tandaan mo, sa oras na malaman ko na nakipagkita ka ulit sa mga taong ipinagtatanggol mo ngayon
sa harapan ko, hindi kita pag-aaralin ng kolehiyo at hindi ka makaka-graduate ng law.

Freya: Bakit? Sino bang nagsabi sa inyo na law ang kursong kukunin ko sa college? (Tila ba nang-iinis at namimikon
nitong sabi.)

Christopher: Anong ibig mong sabihin kukuha ka ng ibang kurso? Nahihibang ka na?! Ano nalang ang sasabihin ng mga
tao at ng mga kamag-anak natin kapag nalaman nilang walang kinalaman sa politics ang kursong kukunin mo? Hindi mo
ba naisip na maaaring masira

Freya: Bakit pa? Kayo ba inisip niyo kami? Ni minsan ba sumagi sa isip niyo na tanungin kami kung ano ba talaga ang
gusto namin? Kahit kailangan naisip niyo ba na doktor talaga ang gusto ko at hindi sumunod sa mga yapak niyo? Hindi 'di
ba? Kasi sarili niyo at ang sasabihin lang ng ibang tao lagi ang iniisip niyo.

Christopher: Bastos ka! Wala kang karapatang sabihin sa akin 'yan dahil wala kang alam sa kung ano ang ginawa ko para
sa pamilyang ito! Tumahimik si Freya at patuloy na nagtitimpi at pinipigil ang pagdaloy ng luha mula sa kanyang mga
mata.

Christopher: Ba't 'di ka kaya gumaya sa kapatid mo?

Clea: Dad, enough. Kumuyom ang mga kamay ni freya at nagsisimula nang manubig ang kaniyang mga mata

Christopher: Look at her, matalino, madaming achievements, at marunong siyang sumunod sa magulang! E ikaw ha?
Hindi ko pa nga alam kung parte ka ba talaga ng pamilyang ‘to. You're nothing but a disappointment in this family!

Clea: Dad, i said stop! Nagdabog sa mesa si Freya at tumayo ito at tinignan ang kaniyang ama.

Freya: Tapos na ho ba kayo? May gusto pa ba kayong idagdag? (Nanunubig ang matang nakatingin ito sa kaniyang ama
habang si clea naman ay walang magawa kundi tahimik na lumuha) First, you don't have to compare me to my twin,
kasi magkaiba kami. May sarili kaming daan na tinatahak at hindi sa lahat ng bagay ay kailangan kong gawin ang mga
bagay na hindi ko gusto just for your satisfaction! Hagulgol nito. Clea, bakit hindi mo sabihin sa kanila? Hindi ka naman
talaga mag-aabogado hindi ba? You're planing to take fine arts tapos ako naman ay med right?

Clea: T-that's not true. M-magtetake ako ng law at final na ho iyon.

Frea: What the hell clea?? Hanggang kailan ka magiging duwag ha?! Why are you letting them to control your life?!

Christopher: Tumigil ka Frea! Tumigil ka na dahil kilala namin ang kapatid mo at alam kong hindi niya kami susuwayin.
Hindi siya tulad mo na walang ibang ginawa kundi sumama sa walang kwenta mong mga kaibigan at mag-lakwatsa.

Freya: Tandaan mo ito Freya, kami lang ng Dad mo ang masusunod sa kung anong kurso ang kukunin mo at kung sino
ang taong kakaibiganin mo. Kaya mag-aaral ka ng law sa ayaw at sa gusto mo.

Christopher: At sa oras na sumuway ka sa gusto namin, sisiguraduhin kong hinding-hindi ka na makakaapak sa loob ng
pamamahay na ito at kalimutan mo na rin na isa kang Lafuente.

Freya: Buong buhay ko wala na akong ibang ginawa kundi pagbigyan ang gusto niyo sundin ang lahat ng sinasabi niyo.
Pero sa pagkakataong ito, hindi ko na kayo hahayaang diktahan ang buhay ko at sa kung ano ang dapat kong kuning
kurso sa college dahil future ko na ang nakasalalay rito.
Victoria: Sumusobra ka na talaga! Wag kang magsalita na parang hindi mo na kami kailangan at kaya mo ng tuparin ang
mga pangarap mo nang wala ang suporta namin. Bigla itong tumayo at mabilis na lumapit kay Freya. Hinila niya ang
buhok nito palabas ng kanilang bahay. Hagulgol lang ng hagulgol si Freya at wala na siyang nagawa noong itinulak siya
ng kaniyang ina sa labas ng pinto.

Clea: Mom, tama na please! Hindi niyo naman kailangang gawin 'to! Iyak nitong pag-awat sa kaniyang ina.

Victoria: Akala mo ba ay may mararating ka sa pagiging doktor? Hinding-hindi mo yan kakayanin! Bakit hindi mo gayahin
'yang kapatid mong may pangarap talaga sa buhay?!

Christopher: Let her be! Pero simula ngayon ay wala na siyang kikilalaning pamilya! Wala akong anak na rebelde!

Clea: D-dad..please....'wag niyong gawin 'to sa kaniya!

Victoria: Let's go honey, hayaan mo yan. Bahala siya sa buhay niya. Halika na, Clea!

Christopher: She don't deserve this family, let's go. At pilit na hinila papasok ng bahay si clea. Sinaraduhan nila ito ng
pinto at wala nang nagawa si shai kundi umiyak at umalis sa lugar na iyon. Good thing na dala niya ang kaniyang
cellphone at wallet sa kaniya.

NARRATION

Sinaraduhan nila ito ng pinto at wala nang nagawa si shai kundi umiyak at umalis sa lugar na iyon. Wala ng itong ibang
nasabi dahil sa matinding takot na naramdaman niya. Nilisan ni Frea niya ang kanilang bahay na itinuring niyang
kulungan at impyerno.

Matapos ang nangyaring alitan sa pagitan ng mga mag-anak ay panandaliang tumuloy muna si frea sa bahay ng kaniyang
kaibigan habang siya'y naghahanap ng matutuluyang apartment.

Si Frea ay naghanap ng paraan para ipagpatuloy ang nais niyang kurso. Siya ay namasukan bilang isang waiter sa cafe na
lagi nilang tinatambayan ng kaniyang mga kaibigan.

Sa umaga ay pumapasok siya bilang isang studyante habang sa gabi naman ang kaniyang shift sa nasabing cafe.

Sa mga nakalipas na buwan ay walang kaalam alam si Frea na ang kanyqng kakambal na si Clea ay naglakas loob na
ipaalam sa kanilang magulang ang nais niyang kurso. Ngunit, di tulad kay Frea si Clea ay sinuportahan ng kanilang mga
magulang sa buhat na si Clea ang paboritong anak ng pamilya Lafuente. Lalo itong naging dahilan para kwestunin ni Frea
ang kanyang sarili kung saan ba siya nagkulang bilang anak, kung bakit hindi pantay ang pagmamahal na ibinibigay ng
kanilang mga magulang sa kanilang magkapatid, at sumagi rin sa kanyang isipan kung tunay nga ba talaga siyang
Lafuente.

Sa kabilang dako, di na naging sapat ang kinikita ni Frea sa pagiging waitress para tustusan ang kanyang pag-aaral para sa
pagdodoktor. Alam niya na mahihirapan siyang tapusin ang kinuha niyang kurso kung wala siya sa puder ng kaniyang
mga magulang. Ngunit sa kabila ng mga hirap na kanyang pinagdaraanan at lahat ng pagdududa sa kanyang sarili ay
hindi naging hadlang upang patuloy na ituloy ang kanyang pangarap. Bagkus ay naghanap siya ng iba pang
pagkakakitaan para matustusan ang kaniyang mga pangangailangan. Siya'y nakapagdesisyon na mag live selling o mag-
benta ng iba't-ibang gamit online.

At pagkalipas ng ilang taon ng pagsisikap, maraming sakripisyo, hirap at sama ng loob na naramdaman niya sa kanyang
pamilya ay dumating na ang pinakahihintay niyang araw. Ang araw na kung saan ay aakyat siya sa entablado para
parangalan sa pagtatapos sa kursong medisina. Makalipas ang ilang taon, si Frea ay ganap ng isang doktor at naging sikat
itong influencer sa larangan ng medisina. Nakapagtrabaho ito abroad at lalong nadagdagan ang kanyang kaalaman
tungkol sa panggagamot.
Matagal-tagal na noong huling nakita ni Frea ang kaniyang pamilya mula noong pinalayas ito at itinakwil bilang isang
anak ng kanyang sariling mga magulang. Ang kanyang ina ay isang taon ng nakikipaglaban sa sakit na cancer ngunit wala
siyang kaalam-alam tungkol dito dahil matagal-tagal na noong huli siyang nagkaroon ng contact sa kanila.

Sa kabila ng sakit at hirap na pinagdaanan niya sa kamay ng kanyang mga magulang ay araw-araw niya parin silang
inaalala, na tila ba napatawad na niya ang mga ito kahit na hindi pa sila humihingi ng kapatawaran sa kanya. Marahil
nakapagtanim siya ng matinding sama ng loob ngunit hindi niya maitatanggi na patuloy parin niyang hinahanap ang
kalinga at pagmamahal ng kaniyang mga magulang na nasa Pilipinas.

Isang araw ay itinakbo sa ospital ang kanyang ina ngunit hindi kinaya ang gamutan sa Maynila kung kaya't lumipad sila
paibang bansa. Lingid sa kanilang isipan na ito na rim ang araw na kung saan magbabago ang takbo ng kanilang mga
buhay, dahil sa di inaasahan ay isa sa mga doctor sa ospital na iyon si Frea. Dahil sa mapaglarong tadhana si Frea ang
umasikaso sa kaniyang ina. Bakas parin sa kanyang puso't isipan ang mga nangyari, ngunit hindi siya nagdalawang isip na
asikasuhin ito dala ng takot na baka mawalan ulit siya ng ina sa pangalawang pagkakataon, at dahil na rin sa
ipinangakong responsibilidad at gampamin bilang isang doktor.

Ilang oras na ang nakalipas at ang operasyon ay naging matagumpay. Sa kabila ng sama ng loob na kanyang
nararamdaman ay hindi maipinta ang saya sa kanyang mukha sa kadahilanang naisalba nito ang buhay ng sarili niyang
ina.

Pagkatapos ng operasyon ay lumabas si Frea para sumagap ng kaunting hangin. Bakas parin sa mukha ni Frea ang saya
nang makita na maayos na ang kalagayan ng kanyang ina. Sa isang saglit ay nakita ni Clea ang paglabas ni Frea sa ospital.
Agad niyang sinundan at nilapitan si Frea para humingi ng kapatawaran. Ngunit hindi parin maiwasan ni Clea ang
matinding kaba at hiya dahil sa mga nangyari. Nakita ni Frea ang palapit nito sa kanya at nagkatitigan ang kanilang mga
mata na punong-puno ng luha. Lumapit si Clea at bigla niyang niyakap nang napakahigpit ang kanyang kapatid at tila ba
ang pagdaloy ng mga luha sa mga mata ay hindi na mapigil pa.

Clea: I'm sorry, Frea. (mangiyak-iyak nitong sabi) I'm sorry kung hindi kita nagawang suportahan. I'm sorry kung masyado
akong naging duwag kaya wala akong nagawa para ipagtanggol ka kina papa at mama. And I'm very sorry kung
naramdaman mo na hindi pantay ang pagmamahal sa atin nina mama. I'm sorry, I'm sorry I'm sorry....

Freya: Shhhhhh... Walang kang kasalanan sa lahat ng nangyari at kahit kailan hindi ako nagkaroon ng kahit na anong
sama ng loob sayo... Marahil hindi ko nasabi sayo ito noon, pero gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita at
kahit ano man ang mangyari, ikaw parin ang pipiliin kong maging kapatid ko.

Niyakap muli nila ang isa't-isa at kitang-kita sa kanilang mga mata ang luha na sanhi ng labis na tuwa. Sa mga
sesyon ng gamutan ay nagkaroon ng pagkakataong kausapin nina Christopher at Victoria ang kanilang anak na si Frea
para humingi ng kapatawaran.

Victoria: (Hinawakan ang kamay ni Frea) Anak, saan ka ba nagpunta? Napakatagal ka naming hinanap. Maniwala ka man
o hindi, pero walang araw, oras at minuto na inisip ko kung maayos ba ang kalagayan mo, kung nakakakain ka ba nang
tatlong beses sa isang araw at kung nakakatulog ka ba nang maayos. Alam ko na hindi pa naghihilom ang sugat sa iyong
puso at hindi sapat ang salitang "sorry" para mapatawad mo kami sa lahat ng pagkukulang namin sa'yo, pero sana hindi
pa huli ang lahat, anak.

Freya: Ma, siguro nga hindi talaga ganun kadali ang magpatawad, pero gusto kong sabihin na simula't sapul ay hindi
nawala ang pagmamahal ko sa inyo. Ako ang dapat humingi ng tawad sa inyo dahil masyado akong naging matigas at
pasaway sa inyo...

Hindi pa natatapos magsalita si Frea ngunit hindi na napigilan ni Victoria na sabihin ang nais niyang sabihin.

Victoria: Shhhh no, no anak...wala kang naging kasalanan dahil ginawa mo lang ang gusto mo at ang makapagpapasaya
sayo, na kahit kailan ay hindi namin nagawang suportahan. Gusto kong malaman mo at sabihin sa'yo sa unang
pagkakataon na mahal na mahal kita, anak, at nagpapasalamat ako sa pagsuway mo sa amin. Dahil kung sinunod mo
lang ang gusto namin, tiyak na wala ka ngayon sa kinatatayuan mo. Niyakap ni Frea ang kanyang ina at patuloy na
dumadaloy ang luha sa kanilang mga pisngi. Sa isang saglit pa'y nagsalita ang kanyang ama na si Christopher para
humingi ng kapatawaran.

Christopher: Naging mabuti nga ba akong ama? O naging ama nga ba talaga ako sayo. (sabay tingin kay Frea) Patawad
anak kung masyado akong naging mahigpit at sa ibang tao mo pa naramdaman ang pagmamahal na dapat samin
manggaling. Buong akala ko naging isa akong perpekto at mabuting ama sa inyo, pero mali pala ako dahil wala akong
ibang inisip kundi ang sarili kong kapakanan at ang reputasyon ko. Patawad anak, patawarin mo ako.

(mangiyak-iyak nitong sabi) Lumapit si Frea kay Froy at hinawakan ang kanyang kamay.

Freya: Matagal ko na kayong pinatawad, pero kailangan mo ring patawarin ang sarili mo dahil walang ibang makakagawa
nun kundi ikaw lang Don Froy: Pakiusap, tawagin mo akong papa.

Freya: Pa.... papa (Naluluhang sabi sabay yakap nsa kanyang ama)

You might also like