You are on page 1of 4

I.

Miyembro:
Sernicola, Que-Je P.
Servanda,Crystal Gayle
Singh,Tejinder Valle
Soriano,Franz Dexter S.

II. Pamagat ng Pelikula: Bar Boys


Akda ni: Kip Oebanda

III. Buod ng Pelikula:

Ang Bar Boys ay isang kwento ng apat na magkakaibigan na lalaki na


nangangarap makapasok sa paaralan ng abogasya. Ang mga magkakabigang
ito ay sila Erik, Torran, Chris at si Josh. Sila ay mga magbabarkada na madalas
na naglalaro sa isang internet café. Isang araw napagpasyahan nilang tignan
ang resulta ng kanilang pagsusulit kung sila ba ay nakapasok sa paaralan ng
mga abogado. Nang malaman nila ang resulta tatlo lamang sakanila ang
pumasa at isa sa kanilang kaibigan ang hindi pinalad at ito ay si Josh. Ang sabi
ni Josh kaya’t hindi siya nakapasa dahil hindi naman niya ginusto ang
abogasya, wala ito sa kaniyang pangarap at tanging mga magulang niya
lamang ang may gusto nito at ang pangarap niya talaga ay ang mag artista.

Ang magkakaibigang ito ay may kanya kanya silang ugali. Unahin natin kay
Erik, Si Erik ay anak ng sekyu at walang trabaho ang kanyang nanay tanging
pangtustos na lamang sa kanyang pag-aaral ay ang sweldo ng kanyang tatay.
Pinapatigil man siya ng kanyang ina sa
pag-aaral ay hindi ito nagging hadlang upang magpatuloy sa kanyang
pangarap. Siya ang pinakamasunurin at hindi mapagmataas sa kanilang
magkakaibigan. Ang sunod naman ay si Torran, Si Torran ay nasa middle-class
ang antas ng kanyang buhay. Ang kanyang mga ate at kuya ang nagatrabaho
upang makapag-aral siya. Lahat ng ate at kuya niya’y propesyonal. Si Torran
ang isang halimbawa ng batang alam ang lahat. Ang kanyang memorya ay
parang kompyuter at diksyunaryo, mabilis siyang makapag memorya ng mga
aralin at siya ang tinaguriang matalino sakanila. Siya din ay sumama sa isang
fraternity upang makatulong ito sa kanyang pag-aaral. An gating isusunod
naman ay si Chris, Si chris ang tinaguriang mayaman at englisero sa kanilang
magkakaibigan. Siya ang pinakamayaman sa kanila at parating gustong
mapahanga at mapabilib ang kanyang tatay. Gusto niya ay maging hanga ang
kanyang ama sa kanyang ginagawa upang makapag-aral siya sa Pilipinas
kasama ang kanyang mga barkada. May nobya din siya ngunit parati niya itong
binabaliwala at hindi pinapansin kapag andyan ang kanyang ama dahil gusto
ng tatay niya ay mas pokus siya sa kanyang pag-aaral at walang hahadlang
para makakuha siya ng mataas na grado at makapag aral siya ng masters sa
ibang bansa. Pinakahuli naman ay si Josh, Si Josh ang sunod-sunuran sa
kanilang magbabarkada, kung ano ang kukunin ng kaibigan, yun din ang
kanya. Siya ang barkadang masyadong pinanghahawakan ang kanilang
samahan. Pati ang pagpili ng kurso ay di niya pinagisipan, kung ano ang pinili
ng kanyang mga barkada ay ganun din ang kanya. Kahit anong mangyari gusto
niya sabay sabay sila sa lahat. Ngunit nangyari ang di inaasahan di siya
pumasa sa paaralan. Nagsinungaling siya sa katotohanang di siya pumasa at
ang sinasabi na lamang niya ay pumasa ako kaso, ayaw ko talaga ng abogado.

Lumipas ang ilang araw, umpisa na ng klase sakanilang pinapasukan, si


josh ay tuloy sa pagmomodel at sideline sa trabaho samantalang ang tatlo ay
naranasan ang kahirapan ng kolehiyo. Sa kanilang kolehiyo pinakita na hindi
ka puwedeng hindi ka nag-aaral, hindi ka man magaling mag-ingles o
magmemorya dapat may maisagot ka. Pinakita dito ang mga propesor sa
kolehiyo na mahigpit, strikto at hindi pwedeng mapakiusapan. Puro singko ang
maririnig sa klase pag di nakasagot. Ginagawa ito ng mga propesor hindi para
bumagsak ang isang estudyante kundi para matuto at tumibay ang loob kapag
nasa korte.
Maraming pagsubok ang kinaharap ng mga magbabarkada, si erik ay
namatay ang kanyang tatay bago kumuha ng pagsusuri ng Bar Examination at
hindi ito naging hadlang sa kanyang pagsusumikap, Si Chris naman
nasubukan mamili, kung ang barkada ba o ang kanyang kapakanan, Si Chris
ang parating nangunguna sa klase at ginagawa ang lahat ng makakaya para
sa kanyang tatay at nung pinapili siya ng kanyang propesor kung itataas niya
ang grado niya o ibaba para walang bumagsak sa mga kaklase niya, ang pinili
niya ang kanyang sarili. Maraming mang nagalit ngunit ang kanyang mga
kaibigan ay naiintindihan siya, nagalit man sila sakanya sa una ngunit
naunawaan din nila ang kanyang posisyon. Si Torran naman ay patuloy sa
pagsama sa fraternity at pag-aaral upang pumasa sa abogasya. Nakatulong
sa kanyang pag-aaral ang kanyang fraternity ngunit kapalit nito ang mga onting
galos at pasa. Si Josh naman ay inihiwalay ang sarili sa barkada dahil wala ng
oras ang mga ito sakanya kaya’t pinili niya muna panandalian ang kanyang
sarili at trabaho. Ginawa nalamang niya kung ano ang gusto niya.
Sa hinaba haba ng panahon dumating ang Bar examination at nakamit din
nila ang kanilang kanya kanyang propesyon. Ang tatlo ay naging abogado at
matagumpay na nakamit ang kanilang matagal ng ninanais. Sa wakas, sa lahat
ng kanilang paghihirap ay masasabing sulit din dahil ito ay kanilang naabot.
IV. Pagsusuri:
Pagdulog:
A. Moralistiko
Moralistiko Itinuturing na ang mga akdang pampanitikan ay layuning
magbigay-aral sa mga mambabasa. Masasabing ang pagdulog na ito ay
ekstensyon ng pagdulog humanismo dahil sa pagbibigay halaga ng mga
humanista sa pagpapanatili ng integridad at dignidad ng tao bilang nilalang na may
isip. Sa buhay may kanya kanya tayong pagsubok at hindi naten ito nalalaman
hangga't hindi tayo dumaratimg sa sitwasyong ito. Mayaman man o mahirap may
problema parin dahil dito nasusubok kung kaya ba nating lagpasan ang mga
pagsubok na ito. Kaya ang kailangan nating gawin ay matuto sa mga pagsubok
na napagdaanan natin, dahil bawat pagsubok ay may moralistiko itong binibigay.

B. Pormalistiko
Ang nais iparating ng manunulat sa mambabasa ay sa kahit anong dagok,
o hirap ng buhay kayang kaya itong malagpasan basta’t lumalaban at hindi susuko
sa kahit ano mang pagsubok. Hindi man lahat ng tao ay may oppurtunidad ngunit
may paraan para gumawa ng tsansa sa mga bagay. Hindi sa isang paghihirap,
susuko o iiyak kailangang tumayo sa sariling paa at magpakatatag at matuto sa
mga bagay bagay. Isang bagay din na nais iparating ng may akda ay ang
kahalagahan ng pagkakaibigan. Hindi man sa lahat ng sitwasyon andyan ang
kaibigan ngunit alam mong andyan sila na maasahan kung kinakailangan mo ng
tulong. Andyan silang handang gumabay at sabihan ng mga bagay na dapat
gawin. Ang paraan ng pagkakasulat ay nais iparating na may matutunan sanang
aral sa bawat karakteristiks at maunawaan ang reyalidad ng mundo.

Pananalig:
C. Realismo
Ito ay binase sa totoong buhay ng mga magkakaibigang gustong maging Attorney.
Isang araw ang magkakaibigan ay nagusap usap tungkol dito ang apat sakanila ay
sang ayon na pasokin ang pagiging law student, ngunit ang isa sakanila ay ayaw dahil
hindi niya ito gusto, sakanilang magkakaibigan may mayaman, mahirap at matalino
ay isa sakanila ay minsan ng naisipan na itigil ang pagiging law student dahil sa
kakulangan sa pinansyal na pangangalaingan, ngunit di siya sumuko dahil yun ang
pangarap ng kanyang mga magulang.
Minsan sa buhay natin hindi natin maiiwasan na maligaw ng landas dahil sa
kakulangan ng pinansyal, dito tayo nasusubok na gumawa ng paraan upang tayo ay
magpatuloy, kailangan ding nating lakasan ang ating loob sa mga pagsubok na
dumadating sa buhay natin, mabuti nalang ay naryan ang ating mga kaibigan na
kasama natin sa buhay kung wala sa tabi natin ang ating mga magulang. Karapat
dapat din natin na tulongan ang isa’t isa sa hirap dahil ang buhay bilang studyante ay
hindi nakukuha sa matataas na grado kundi sa ating mga nasasalamuha at nag
bibigay ng rason para sa ating landas. Hindi man lagi tayo ay matagumpay lagi padin
nating gawin ang ating makakaya at huwag susuko dahil sa ating mga pagkakamali
diyan tayo tumitibay at nagiging malakas upang magpatuloy sa buhay.
D. Pananalig Eksistensyalismo

Ang akdang pelikula ni Kip Oebanda na “Bar Boys” ay isang magandang


halimbawa ng panitikan kung saan inisalin-drama ang mahalagang paksain ng
eksistensyalismo. Ang konkretong buhay at pakikihamok ng bawat karakter sa palabas
na may sariling kalayaan sa pagpili ng kanilang desisyon sa buhay para sa kanilang
sariling kapakanan. Pinakilala ang apat na pangunahing karakter bilang isang
magbabarkada na sina Toran, Erik, Christian at Joshua, Ang bawat karakter ay may iba’t-
ibang uri ng klase ng pamumuhay at problemang kinahaharap kaya’t kung sila rin ay may
iba’t-ibang prinsipyo sa pagpili ng kanilang mga desisyon.

Ang bawa’t panguhanhing karakter ay may kanya-kanyang personalidad,


indibidwalidad at layunin sa buhay, Gayun na lamang sa eksena kung saan na piniling
pumasa at makakuha ng mataas na grado si Christian dahil importante ito sa kanya
upang hangaan siya ng tatay niya, Habang si Erik naman ay gustong pumasa upang
makaabot pa ang kanyang amang may sakit. Sa bawat eksena ng pelikula ibibigay diin
ang kilos at katwiran ng mga karakter.

Sa bandang huli ng pelikula binigyan diin ng akda sa kanilang mga manunuod, na


nakabatay sa isang tao, sa kanyang sarili kung paanong paraan siya mamumuhay sa
kanyang mga kilos at pagpili ng desisyon sa buhay at pinaalala din ng akda kung ano
ang layunin ng pagkakaroon ng buhay ng isang tao at yun ang piliing mamuhay at
lumaban.

You might also like