You are on page 1of 16

MOVIE

REVIEW
ISINAGAWA NI :

VIENCA T.SACDALAN

BSEDII- FILIPINO
Pamagat ng Pelikula : Front of the Class

Petsa kung kalian napanood :

1. Karakterisasyon/ Tauhan

- Pangunahing tauhan

 Jimmy Wolk as Brad Cohen/ Main Character

 Dominic Scott Kay as young Brad Cohen

 Treat Williams as Norman Cohen; Brad's father

 Patricia Heaton as Ellen Cohen; Brad's mother

 Johnny Pacar as Jeff Cohen; Brad's younger brother

 Charles Henry Wyson as young Jeff Cohen

 Sarah Drew as Nancy Keene; Brad's girlfriend. Based on Cohen's real life wife Nancy

Lazarus

- Mga tagasuportang tauhan

 Charlie Finn as Ron; Brad's roommate

 Kathleen York as Diane Cohen; Brad's step-mother and Norman's second wife

 Joe Chrest as Jim Ovbey

 Mike Pniewski as Principal Myer

 Katherine Shepler as Heather; one of Brad's students who dies of cancer

 Zack Miller as Thomas; a trouble student in Brad's class


 Anna Rappaport as Amanda; a former student's of Brad's whose father takes her out

of his class because of his Tourette's

 Ashley Young as student #3; one of Brad’s students who is friends with Heather

- Sa pelikulang aking napanuod na Front of the class nakilala ko ang iba’t ibang tauhan

sa kwento gayunadin nasiyasat ng aking isipan kung paano nila ginampanan angkanilang

karakterisasyon. Batay sa aking pagbibigay oras sa kwento na ito nasisilayan ko ang

kagalingan at kawilihan sa kanilang pagganap sa kwento. Sa bawat emosyon na inaatang sa

kanila ay nakakapukaw damdamin na siyang naghila sa akin upang maramdaman at

isbuhay ang kwento ng pelikula.lagang nagpakitang gilas na ang mga tauhan kung saan

nakita ko ang kahusayan sa paggalaw, pagbigkas at mapangkiyat na anyo sa manunuod. Sa

unang yugto pa lamang ay ta Tulad na lamang ng pangunahing tauhan na si Brad nahinuha

ko ang determinasyon na pumapaibabaw sa kanyang kagalinggan na hindi lamang para

maging actor sa kwento kundi maging aral sa ating mga manunuod. Ang buong pagkatao

nila sa kwento ay nagampanan ng mahusay, kaganyak-ganyak at nagbibigay inspirasyon sa

mga taong nawawalan na ng pagasa sa hamon na kinakaharap nila sa mundong hindi

perpekto, sa mundong mapanakit dahil sa mapanghusgang tao ngunit, patuloy pa ring

lumalaban sa hamon nito.

2. Banghay

2.1 Panimulang galaw/ simula


Sa panimulang bahagi ng kwento may mga yugto na nakapukaw sa aking isipan na

talagang tumatak sa aking kamalayan ito ang yugto na ipinapakita ang kanyang pagkabata

at pinagdaanan niya sa mapanghusgang mundo. Sa kadahilanan na nagkaroon siya ng sakit

ay doon na nagsimula ang panghuhugsga ng tao sa kanyang kakayahan at kagalingan a mga

bagay na pinipiling maging bulag ng karamihan. Sa mga taong inaasahan niyang tutulong

sakanya na umahon sa pagkakalugmok niya sa sakit niya ay yon pa pala ang mga taong

hihila ng kanyang hianahanggad sa buhay. Ngunit ng may isang tao na naging instrumento

niya upang lumaban ang kanyang nanay na tinutulungan siyang gumaling at maging pantay

sa paningin ng iba. Dito palang pinukaw na ang damdamin ko sapagkat ramdam ko ang

tunay na pagmamahal ng isang ina sa isang anak. Masasabi ko na ito ang pumukaw sa akin

sa umpisa pa lang sapagkat sa uang laban niya may kasama siya na pagtagumpayan ito at

sinasabi n hindi hadlang ang ganitong sakit sa pangarap at minimithi sa buhay.

2.2 Saglit na kasiglahan

Sa pelikulang ito isa talaga sa nakahimok sa akin at hindi nawala ang interes ko ay sa

yugto na mga panahong patuloy siyang nagiging mamatag bagaman maraming hindi

naniniwala sa kakayahan niya. Tulad na lamang noong nag aapply siya sa iba’t ibang

paaralan para sa pangarap niya magig guro na ibinuhos niya lahat ng kagalingan at

kagustuhan niya na mapagtagumpayan iyo kahit na sa mga panahong iyon ay walang

tumatanggap sakanya patuloy siyang nagsumikap at hindi nagpanaig sa agwat sakanya ng

mundo. Doon sa yugto na yon namuo ang dedikasyon ko na magpatuloy at huwag sumuko

sa pangarap sa buhay.

2.3 Krisis o tungalian


Ang bawat pelikula ay mga krisis ding kinaharap na siyang lalong magpapasindak sa

aking kung kaya’t sa aking pagsisiyasat ay nasilayan ko ito sa yugto na hindi pagtanggap sa

kanya ng kanyang ama. Noong mga panahong nagsisimula palang lumawig ang kanyang

sakkit ay pilit niya itong piangtatakpan sa sarili niyang walang katotohanan. Sa una na

hindi niya sinuportahan ang kanyang anak sa paglaban sa sakit nito gayunadin sa

propesyon na minimithi. Nararamdaman ko ang pighati sa puso na sariling ama na dapat ay

unang susuporta ay siya pang unang nanakit at nanghila sa kanyang anak na hindi niya

kayang pagtagumpayan ang sakit na dinadala nito. Kaya’t ditto ko nakita at naramdaman

ang sakit at sugat na walang anumang panglanggas pagang pinaka importanteng to sa

buhay mo ang kauna unahang manghuhusga at nangmamaliit sayo.

2.4 Kasukdulan

Sa kwentong ito ay nakakitaan ko ng panganib o suliranin ay noong kumakaharap si

Brad ng mga panahong walang tumatanggap sa kanyang paaralan dahil sa kayang sakit na

dinadala sa buhay. Naranasan niyang ipahiya sa maraming tao at hindi tanggapin sa

kanyang nais na trabaho.

2.5 Wakas

Ang lahat ng bagay o anumang panyayari sa buhay ay natatapos ng Masaya meron

din namang malungkot. Sa kwentong front of the Class natapos itong masaya at

napagtagumapayan ang suliranin na kinakaharap ng tauhan. Masasabi ko na napakaganda

ng wakas ng kwento na ito sapagkat ipinapahiwatig sa ating manunuod na lahat ng bagay

sa mundo bagaman naiiba ka sa ibang tao, hindi mo man kaakibat ang pagiging perpekto

ngunit pag mabuti ang puso maraming gantimpala ang ilalaan sayo. Hadlang man ang sakit
na bigay sayo ng mundo ngunit huwag mong hayaan na manaig ito at manalo sa pangarap

mo. Lahat tayo nakakaranas ng panghuhusga ngunit ang kaikabat pala nito ay ang pagiging

matatag at determinado sa buhay. Sa wakas ng kwentong ito nakamit ng tauhan ang

kanyang pinapangarap sa buhay ang pagiging Guro, magkaroon ng pamilya at matanggap

ng lipunang ginagalawan niya. Sa kwentong ito humuhugot na ako ng inspirasyon na

magpatuloy sa buhay.

3. Sinematograpiya

3.1 Tunog at musika

Sa aking paglilinaw ng pandinig naangkop naman ang bawat musika na nakalapat sa

bawat yugto na nangyayari sa pelikula. Ang bawat tunog ay nakakadala ng emosyon lalo na

sa mga oras ng sumiranin na nagyayari. Masaya man o malungkot ang kwento ay angkop

ito dito, kaya mas naging maganda ang daloy ng kwento. Naging maayos ang paglalapat ng

musika walang maririnig na anumang pagkakamali sa bawat detalye at nakakasabay ang

mga tauhan sa tunog at musika na nakaatang dito.

3.2 Editing

Sa pag papasining ng kwento ay nabigyang kulay at pag kasunod-sunod ng

pangyayari. Bawat detalye na ipinakita ng tauhan ay naangkop sa galaw at desenyo at ng

impormasyon. na nais ng editor. Ang pangyayari ay hindi magulo at madali lamang

initindihin sapagkat walang suliranin o pag kakagwat- agwat ng impormasayon. Ang mga

teksto na makikita sa ilalim ay nakalakip o nakasabay talaga nangyayari sa bawat yugto.

Kung kaya’t madali itong maunawaan at mabilis na nakakuha ng aral sa kwento.


3.3 Production Design

Laging kaakibat ang isang kwento ang pinaganapan nito, kasangkapan na ginamit sa

pagpapalawig ng masining sa kwento. Sa kwentong ito pinakita ang angkop na lugar na

pinaganapan magaganda ang mga napiling lokasyon na siyang nagpaganda lalo sa pelikula.

Ang bawat detalye inangkop talaga sa tamang paglalayan nito. Kung sa usapang kasuotan

naman ay hidni rin papahuli sapagkat ang mga kasuotan dito ay may kalinisan, kaayusan at

talagang ibinagay sa mga tauhan. Ang mga borloloy sa katawan, ang make up ay talagang

ibinagay sa bawat yugto na maaring mangyari sa kwento. Ang bawat tagpuanat lokasyon ay

umaakma sa kwentong ito.

4. Panlipunang Nilalaman

4.1 Pangkaisipang Sikolohikal

Ang kwentong ito’y nagbibigay mensahe sa totoong nagyayari sa buahy ng isang tao

tulad na lamang na gaano ka man husgahan at latiin ng tao a paligid mo sapagkat naiiba ka

sa gusto nila sayo huwag kang papaapekto bagkus maging mabuti ka sa kanila at maging

matatag ka. Marami sa lipunan na ito na dumadanas ng ganoong pangyayari kung kaya’t

sinasabi lamang sa atin ng kwento na ay ang magsumikap at maging matatag sa buhay

upang magtagumpay sa pangarap at hinahangad mo.

4.2 Pansarili/ Personalisasyon

Sa aking pagsusuri sa kwentong ito ay nakakalap ako ng napakagandang mensahe

na maisasakatuparan ko sa aking pansariling hangarin tulad na lang na nabubuhay ako s

mundong mapanghusgha habang hindi ka umaangat at katulad nila mananatili kang


inaalipusta, kaya ang tanging gagawin ko ay ang harapin ito magpatuloy dahil ang bwat

sakit na pinaparanas ng mundo ay katumbas nito ay ang pagkakatuto. Lalaban ako ng patas

ngingitian ko sila at ipapakita na walng laban ang matatalim na salita sa taong may

mabuting puso at hangarin na magtagumpay sa buhay hindi lang para sa sarili kundi sa

minamahal sa buhay. Ang kwentong ito ay tila isa sa npakagandang napunod ko, sapagkat

ang relisasypn ay nanatili sa puso ko na anumang hamon sa buhay talo ang sumuko.

5. Paano makakatulong ang ganitong uri ng pelikula sa mga suliranin sa buhay?

Makakatulong ang ganitong klase ng pelikula sapagkat may mga taong dumdanas ng

hamon nila sa buhay mga taong may kapansanan at nanatiling lugmok sa buhay. Kung ito’y

kanilang mabibigyan ng oras na panuodin ay talagang makakakuha sila ng moral na

impormasyon at aral sa buhay na makakatulong sa kanila na mahanap ang liwanag ng

tagumpay bagaman may kapansanan sila. Mahihinuha nila ang katatagan at pag kakaroon

ng determinasyon na hindi mananayiling ganan ang takbo ng iyong bagkus kung patuloy

kang lalaban at haharapin ito makukuha mong ito’y mapagtagumpayan.

6. Ipagpalagay natin na ikaw ay binigyan ng pagkakataon ibahin ang wakas ng

pelikula, anong ipapalit mo?

Kung ako’y mabibigyan ng pagkakataon na ibahin ang wakas ng pelikula

imumugkahi ko na magkaroon ng ng lunas ang sakit na tourettes syndrome upang mas lalo

kong makita ang katagumpayan niya na manalo sa sakit na dinadala niya. Napili ko ito

sapagkat lahat naman tayo sa mundong ito ay karapat dapat na gumagaling sa bawat sakit

na pinaparamdam satin. Gusto kong ipakita lalo sa mga taong humusga sakanya na nanalo

siya na hindi niya hinayaan na magpadala sa mga sinasabi nila kasi doon mo makikita ang
kagalakan sa kalooban ang pagtanggap at paggaling sa sa lahat ng nararamdaman natin.

Tulad nalang ni Brad sa kagalingan niya sa pagtuturo hindi lang sa bawat leksyon kundi na

rin sa mga aral sa buhay ay talagang gugustuhin natin siya gumaling sa salit na iyon.

Pagkatapos ay magkaroon ng isang pamilya na may simpleng pamilya at ang magiging anak

niya ang susunod sa bawat yapak niya at lahat ng tao ay maturuan ng leksyon na tanggapin

ang kainbahan ng iba.


Pamagat ng Pelikula : Barcelona

Petsa kung kalian napanood:

1. Karakterisasyon/ Tauhan

- Pangunahing tauhan

 Kathryn Bernardo as Mia Dela Torre/ Celine Antipala

 Daniel Padilla as John Ellias ‘Ely’ Antonio

- Mga tagasuportang tauhan

 Aiko Melendez as Insiang, Ely’s Aunt

 Joey Marquez as Caloy Antonio, Ely’s Father

 Joshua Garcia as Tonying , Ely’s Cousin

 Ricky Davao as Robert dela Torre, Mia’s Father

 Maria Isabel Lopez as Belinda Alfaro, Ely’s Mother

- Sa pagsusuri at paguunawang mabuti sa kwento ang mga karakter sa nasabing

pelikula ang lahat ng ito ay naangkop sa tema ng pelikula. Nagkaroon ng

kaangkupan ang mga bida upang mas maipahayag ang laman ng impormasyong

meron sa tema. Naibigay ng bawat tauhan ang emosyon na katanggap-tanggap sa

mga manunuod. Sa lahat ng parte ng pelikula naipakita ng tauhan ang kahusayan

lalong lalo na ng mga panahong kumakaharap sila ng suliranin Kung kaya’t

maraming tumangkilik at nagsabuhay ng kwentong ito.


2. Banghay

2.1 Panimulang Galaw/ Simula

Sa panimulang yugto ng Barcelona ay na pumukaw sa akin sa una palang ay ang

pagiibigang di itinadhana ni Ely and Celine dahil sa biglaang pagkawala nito. Ipinakita dito

na lahat ng bagay sa mundo ay may hanganan kahit ang pinakamahalagang bagay saiyo ay

lilisan. Ngunit sa bawat taong umaalis ay may dumadating at nagsisimula ng pagtagpuin

sina Mia at Ely.

2.2 Saglit na Kasiglahan

Sa kwentong ito mananatili ang konstresyon at interes ko ay ay pag sisimula sa

kaniyang paglalakbay sa Spanya at pagsasakatuparan ng kanyang buhay bagaman ang

pinakamamahal niya’y lumisan. Nag silbing daan upang magtagpo ang landas ni Ely at Mia

at nagtutulungang ang isa’t isang makalimot mula sa nakaraan habang patuloy nilang

kinikilala ang bawat isa.

2.3 Krsis o tunggalian

Makikita ang pinaka dramatikong pangyayari sa pelikula noong panahong kailangan

ni Ely tumakas sa sakit ng pag kawala ni Celine, pumunta siya sa spanya upang hanapin ang

sarili niya. Gayunadin kay Mia dahil sa gusto niyang tumakas sa problema sa pilipinas ay

napagdesisyunan niyang lumayo. Ngunit, hindi pala agad magiging perpekto ang pagkikita

ng dalawa lalong lalo na ng sa mga linyahang “ mahirap magmahal ng isang taong hindi pa

tapos magmahal ng iba” ‘ Hindi ako si Celine. So stop comparing to her.” “ Kung nandyan

siya, bnasana ako? Anong lugar naming mga gusting magmahal sayo? Sa mga linyahan
palang na ito ni Mia ay makakaramdam kana ng sakit dahil sa nararanasan niyang pagibig

kay Ely.

2.4 Kasukdulan

2.5 Realisasyon o Wakas

May pagibig na natatapos ng malungkot meron din namangmasaya. Sa kwento ng

Ely at Mia ay sinubok man sila ng problema na siyang naging instrumento sa kanilang

pagtatagpo at pagkakakilanlan ay doon pala mabubuo ang pagibig na pilit nating hinahanap

pero nandyan na pala. Ngunit ang maskit ay hindi pa tapos magmahalng iba, hinahanap ang

wala at kinakalimutan kung sino ang andyan. Ngunit, sa pagkakamali na yon doon natuto

ang puso na sumubok muli kahit andyan ang sakit at lungkot ay mananatili pa rin kung ano

ang nasa puso. Sa wakas ng kwento ay hinayaan muna nila maghilom ang kanilang sarili sa

sakit na pinaranas sakanila at muling pinagtagpo upang bumuo ng panibagong istorya na

sila naman ni Ely at Mia ang bida. Nabigyang aral tayong manunuod na huwag tayong

magmamahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba, aral sa larangan ng pagibig,

pamilya at pakikipagsapalaran sa pagtakas sa kinagisnang mundo.

3. Sinematograpiya

3.1 Tunog o Musika

Sinasabi na si Cesar Francisco ang naglapat ng musika sa pelikulang Barcelona at

kanyang ginamit ang temang awitin na pinamagatang “ I’ll nerver love this way again” na

inawit ni Gary Valenciano. Ang musikang gianamit dito ay talagang nailapat ng maayos sa

bawat yugto lalo na sa mga maemosyong panyayari na pwang nadala ang mga manunuod
sa bawat kataga na binabato ng tauhan na may angkop na tunog at musika. Kug kaya’t di

natin maikukubli na isa ito sa pinakamagandang pelikula sa Pilipinas.

3.2 Editing

Sa pagkaka gawa naman ng pagkakasunod-sunod ng detalye ay talagang may

kaangkupan at maayos na magkakalapat. Mula sa simula hanggang sa huli ng kwento ay

talagang may maayos na istilo kung paano iintindihin at bibigyang pansin. Magkakaugnay

ang mga salita sa musika, mga teksto at gayunadin ng mga nagsisilbing mga masisining na

instrumento.

3.3 Production Design

Sa pamagat pa lamang ng kwento ay talagang masasabi na angkop na angkop ang

lugar na pinag gawaan nito sapagkat sa mismomg nasa pamagat na Barcelona napalano ang

lugar na pagsasapitan. Ang bawat kasuotanay talagang ibinagay sa tauhan gayunadin sa

kanilang gagampanan,may malinis na produksyon at kaaya ayang manlibang sa manunuod.

Ang mga make-up o mga kagamitan ay nagamit ng maayos na naangkop sa mga tauhan.

Ang mga tagpuan sa bawat yugto at lokasyon ay mas nabigyang diin sapagkat ipiankita

talaga ditto ang ganda ng Espanya ang Barcelona.

4. Panlipuanang nilalaman

4.1 Pangkaisipan/ Sikolohikal

Lahat naman ng tao sa mundo ay nararanasan mawalan ng mga taong mahahalaga

sa buhay ito’y nagpapahiwatig ng pansamantala lang na may dadating na mas makakabuti

at itatadhana sayo. Ang bawat sa paligid natin ay naiisip din namang takasan ang sakit na
pinparanas ng mundo, ang bawat suliranin at upang hanapin ang sarili sa lugar na alam ong

tahimik lang. Dito din sa pelikula na ito ipinakita ang tunay na kagitingan ng mga OFW at

ang mamahal sa pamilya. Lahat ng tao mkakaranas umibig kaya’t sinasabi dito na kapag

may umalis may darating, kapag mahal mo sabihin mo at wag ikukumpara sa ibang tao. Ang

pagmamahal ay palaging naglilisan ng sakitat sugat sa puso ngunit dito natuto at tumatayo

upang mahanap mo talaga kung sino ang nakalaan sayo.

4.2 Pansarili/ Personalisasyon

Sa aking personalisasyon ay nasa edad na ako ng talagang tumatalamak ang pagibig

ang konspto na may aalis at may darating. Sa aking karanasan may taong umalis sa buhay

ko at pinili na lisanin ang magagandang memorya na ginagawa naming pareho. Ngunit, sa

pagalis pala niyang iyon doon ko mahahanap at makikilala kung sino talaga ako, kung

anong gusto o talaga, kung ano bang pangarap ko. Dahil noong mga panahong nandyan pa

siya kontrolado gusto palagi’y perpekto. Sa pagali niya palang yon, may makikita at

darating sa buhay ko at yon ang tanging natutunan ko na wag tayong manatili sa bagay na

ikinasasakit natin bagkus tumakas tayosa realidad na gusto natin, maging malaya tayo sa

sarili nating mga paa at yung puso maging malaya din na magmahal pagkatapos ng bawat

sakit sa nakaraan. May darating sa buhay natin na kukumpleto ng durog sa puso natin, na

makaksama sa pagbuo ng pangarap at mananatili sa tabi mo sa bawat unos na

pinaparamdam ng mundo.

5. Paano makakatulong ang ganitong uri ng pelikula sa mga suliraning

kinakaharapng lipunan?
Ang ganitong uri ng pelikula ay nakakatulong sa suliraning kinakaharap ng lipunan

sa pamamagitan ng imulat ang isipan ng mga kabataan lalo na’t talamak ngayon ang

usapang pagibig imulat sila sa tunay na kahulugan nito ang realidad na nakaakibat ditto na

maging aral sa mga kabataan ang pelikula na ito na walang perpektong pagibig, matuto

silang magintay sa taong nakalaan sa kanila at magkaroon ng ambisyon na tulungan ang

pamilya bago unahin ang puso.

6. Ipagpalagay natin na ikaw ay binigyan ng pagkakataon ibahin ang wakas ng

pelikula, anong ipapalit mo?

Kung ako ay bibigyan ng pagkakataon na baguhin ang wakas ay gusto ko na

mabuhay si Celine palabas lang niya lahat ng pagkakamatay niya upang iwan talaga si Ely

dahil hindi siya sigurado dito dahil gusto niya bumuo ng pangarap ng walang Ely. Sa huli na

nagmamahalan na sila ni Mia ay babalik si Celine at sasabihing hidni niya kayang wala pala

si Ely at pinagsisihan niya ito lahat ng ginawa niya. Tila maguguluhan siya at babalik ang

bawat memorya ngunit sa isipan niya si Mia talaga ang nakikita niya dito. Pinipili ko lang

ang wakas na ito sapgkat upang makita ko ang tunay at mahidhi na pagmamahal niya kay

Mia na kung babalik man ang nauna ay mas pipiliin pa rin niya ang nakasama niya sa bawat

laban niya na mas nagpatatag sakanya.

You might also like