You are on page 1of 4

Kyla Joyce A.

Castañeda FILAKAD
HSC – 7 Replektibong Sanaysay

Karaniwang nakapupukaw ng atensyon ang mga palabas o pelikula, lalo na kapag ang

mga paborito mong love team o artista ang mga bida, na darating sa punto na kikiligin at iiyak sa

mga senaryo dahil naka-re-relate ang kanilang istorya. Kadalasan ding sa katapusan o wakas ng

palabas ay may resolusyon at makapupulot ng mga aral. Ngunit ibang sitwasyon ang naranasan

ko sa panunuod ng pelikulang ‘PK’, hindi nito agarang nakuha ang aking antensyon sa

kadahilanang hindi ako pamilyar dito, pangalawang dahilan ay bihira akong manuod ng mga

pelikula na hindi galing sa Hollywood at sa bansa natin. Ngunit sa kalaunan ng palabas ay

sinampal ako ng katotohanan at ng kasabihang “Don’t judge a book by its cover” sapagkat ang

dami kong reyalisasyon sa palabas na ito, ng dahil sa pelikulang ito ay nakapagbalik-tanaw ako

sa pagkabata ko, kung saan katulad ng bida sa palabas ay isa rin akong walang muwang na bata

na kung ano ang nakikita sa paligid ay siyang pinaniniwalaan at kinokonsidera na tama.

Noong ako ay anim na taong gulang ang pagtingin ko sa mundo ay sobrang babaw lang.

Hindi ko inaanalisa ang mga bagay na nakapaligid sa akin, kung ano lamang ang sabihin ng

aking mga magulang ay iyon lamang ang aking gagawin, susundin at paniniwalaan. Pero tulad ni

Pk sa palabas dumadating tayo sa punto na habang tumatagal o habang nadadagdagan ang edad

ay mas lumalawak na ang ating pag-unawa sa bawat sitwasyon sa ating kapaligiran. Na sa bawat

paglipas ng panahon ay nadadagdagan ang mga katanungan sa isip, mas nagiging komplikado

ang mga bagay at dumadami na rin ang mga nararanasan kaya’t mas nagiging matalino sa pagpili

ng mga desisyon.
Habang pinanunuod ang palabas ay dumagdag sa aking reyalisasyon ang paksa ng

relihiyon, lumaki ako sa pamilya na hindi sobrang relihiyoso, sa isang buwan ay isa o dalawang

beses lamang kami nakapagsisimbang pamilya, pero sa kabila nito ay hindi ko nakaliligtaang

magdasal gabi-gabi bago matulog. Nagkakaroon din ng mga pagkakataong naitatanong ko sa

sarili ko na, sapat ba ang ginagawa kong paninilbihan sa D’yos? Sa sobrang kyuryosidad ko ay

naitanong ko ito sa aking ina, ang tanging tugon lamang niya ay “Hangga’t alam mo ang tama at

mali, at patuloy mong ginagawa ang tama ay sapat na iyon.” napagtanto ko na may punto ang

aking ina, naisip ko rin na wala sa relihiyon o uri ng pananampalataya kung sino ang maililigtas,

kung hindi ay sa kung paano mo gagawin ang tama at nararapat.

Lubos din akong natulungan ng pelikula na ito na lalong pagtibayin ang paniniwala ko na

may magandang plano ang D’yos sa kabila ng mga hirap na dinaranas natin sa kasalukuyan,

dahil minsan naring nasubok ang aking paniniwala sa D’yos,, nagkaroon ako ng sakit sa balat

na nagpababa ng tiwala ko sa aking sarili, naramdaman kong naiilang na sa akin ang aking mga

kaibigan sa paaralan kaya’t ako na lamang ang tuluyang lumalayo sa kanila, natuto akong

dumistansya sa mga taong nakapaligid sa akin, hanggang sa dinala na ako ng aking mga

magulang sa ospital at sa kabutihang palad ay nahanapan naman ito ng lunas at tuluyang

gumaling.

Nagdaan ang ilang buwan nagkasakit naman ang aking ina na maaring humantong sa

paglaki ng kanyang puso, lubusan itong ikinalungkot ng aming pamilya pero nanalig parin kami

na may plano ang D’yos para sa aking ina, lumipas ang ilang buwan ay unti-unti na itong

nakarerekober sa kanyang sakit, ngunit meron pa palang kasunod iyon, ang negosyo ng aming

pamilya na Grocery Store ay nasunog, ang tanging kabuhayan ng aming pamilya ay tuluyang
natunaw na parang bakal, ang pangunahing pinagkukunan namin ng pangtustos sa araw-araw na

gastusin at sa pag-aaral naming magkakapatid ay sa isang iglap ay tuluyang nawala.

Dahil dito ay napunta kami sa wala,, naranasan ko ang magtipid naranasan kong hindi

masunod ang aking mga luho, natakot din ako sa kalagayan ng aking ina, na araw-araw kong

nakikitang mugto ang mga mata sa kaiiyak at palaging tulala, ang aking ama naman ay patuloy

na naghahanap ng paraan para bumalik ang aming buhay sa dati nitong estado.

Lumipas ang tatlong buwan at kami ay unti-unti nang nakababawi sa mga nagdaang

pangyayari, kami ay nagplanong magbakasyon subalit sa kalagitnaan ng biyahe ay nagkaroon ng

banggaan, dito na ako tuluyang bumigay, dito ko na tuluyang kinwestyon ang plano ng D’yos sa

aming pamilya? Tinanong ko s’ya ng maraming beses kung ano ang nagawa naming

pagkakamali para maranasan ang ganitong paghihirap? wala ba kaming karapatang maging

masaya? Ang nanay ko ay may sakit sa puso at naghihirap na kami, hindi pa ba sapat ang lahat

ng iyon? Puro nalang ba pagsubok at pagdurusa?

Pero sa kabila ng lahat ng mga pangyayaring ito ay hindi kami sumuko at pinili parin ng

pamilya namin na manalig sa kanya at magtiwala sa mga plano nya, hanggang sa nakapagsimula

kaming muli, nakapagpatayo ng bagong negosyo at naibangong muli ang ekonomikong estado

ng aming pamilya.

Alam ng D’yos kung ano ang makabubuti sa atin, kaya’t dapat lamang na magtiwala tayo

sa kanya at sa kanyang mga plano, hindi natin kailangang gumawa ng mga bagay o kaya ng iba’t

– ibang anyo ng pananampalatay para lamang marinig niya ang ating mga kahilingan, kailangan

lamang nating manalig sa kanya,at matutong maghintay, gaya na lamang ng kasabihang

“Everything takes time” lahat ng bagay ay may proseso, hindi lahat ay nakukuha ng biglaan,
kadalasan ay kailangan pa itong paghirapan bago makuha, pero worth it at sulit naman kapag

tuluyan nang nakamtan ang kahilingan.

You might also like