Professional Documents
Culture Documents
Halimbawa 1
Noong siya ay nasa ika-limang baitang, naging parte siya ng “Ang Munting Carmelian” ang
opisyal na pahayagan ng Mount Carmel College, bilang tagapagsulat ng balita sa kategoyag
Pilipino. Nanalo siya sa Division Schools’ Press Conference ’10 ng 2nd placer. Noong siya ay
nasa ikasampung baitang, naging parte naman siya ng “The Nucleus”. Kabilang siya sa
Collaborative Newspaper Publishing, sa kategoryang Pilipino. Nasungkit nila ang 1st place sa
DSPC’15.
Halimbawa 2
Halimbawa 3
ZIA CZARINA A. GARCIA. Isinilang sa bayan ng Maria Aurora, Aurora noong ika-labing
lima ng Abril taong 1999. Siya ay nag aral ng kanyang Primarya sa Maria Aurora Central
School ngunit kalaunan ay lumipat sa Sagana Elementary School sa Nueva Ecija at doon
tinapos ang kanyang Primarya. Siya ay nagtapos ng kanyang sekondarya bilang junior high sa
Angelcare Science Academy sa Baler, Aurora at siya ay kasalukuyang nag- aaral sa Aurora
National Science High School bilang isang Senior High School Student.
Marami din siyang sinalihang patimpalak noong siya ay nasa Primarya tulad ng MTAP,
History Quiz Bee at DSPC, naging President din siya ng SPG o Supreme Pupils Government
noong nasa elementarya at siya ay nagtapos bilang Valedictorian sa kanyang klase. Sa
sekondarya ay patuloy pa din siyang nakikilahok sa iba’t ibang kompetisyon at siya ay
nagtapos na may ikalawang karangalan. Ngayong siya ay nasa Senior High siya ay
nangangarap na makapag-aral sa University of Baguio at makapagtapos bilang isang Dentista.
Halimbawa 4
VON ANDREW C. LOPEZ. Siya ay nakapagtapos ng Junior High School sa Aurora National
Sciece High School. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng ika labing-dalawang baitang sa
nasabing paaralan, sa Strand ng (STEM). Nakapagtapos siya ng ikalawang karangalan noong
siya ay nasa mababang paaralan ng mucdol sa Dipaculao Aurora, Naging Presidente siya ng
SPG ng kanilang paaralan. Hilig niyang maglaro ng football na nakarating na rin siya ng
(CLRAA) sa larong football noong nasa ika-apat na taon sa hayskul. Hilig niyang magkwento
at magbasa ng mga komiks. Sa kasalukuyan ay pinaghahandaan niya ang mga pagtataya sa
admisyon sa iba’t ibang kolehiyo at akademiya.
Sa tingin nyo kung makikita ni Dr. Jose Rizal ang kabataan ngayon, matutuwa kaya siya?
Sabi niya ang kabataan daw ang pag-asa ng bayan, pero sa nangyayari sa kabataan ngayon,
mukang magiging malabo ang tinatawag nating pag-asa.
Kung ikukumpara natin ang kabataan noon sa kabataan ngayon, naku, walang gawa ang
kabataan ngayon. Sa ngayon kasi, hindi na uso ang po at opo. Nakalimutan na ang
pagmamano. Wala nang saysay ang paga-aral. At higit sa lahat wala nang saysay ang
virginity.
Dota ng dota, hindi naman nag-aaral. Hindi mo naiisip ang magulang mo na nagpapa-aral
sayo. Hindi nila tinatae ang perang pinapang-aral mo. Edukasyon na nga lang ang kaya nilang
ibigay sayo, hindi mo pa ma-appreciate. Na-first blood ka no? Kung hindi ka parin tinablan,
eto pa.
Hindi na bago ngayon ang makakita ng grupo ng kabataang babae na parang kinulang sa tela
ang mga suot. Kitang-kita ang mga parte ng katawan na hindi naman dapat ipakita sa publiko.
Ang aga-aga mangati, nagpakamot sa kapwa kabataan, ayun nabuntis. Sabi ng matatanda, ang
pinakamagandang regalo na maibibigay mo sa asawa mo sa araw ng honeymoon nyo e, ang
virginity. Kaso winalang bahala mo ang kasabihan yun kasi hindi ka na marunong makinig sa
matatanda. Feeling mo mas may alam ka sa kanila kasi nabubuhay ka sa panahon ngayong
may internet at pwede mo i-Google ang lahat.
Kung titignan natin, mas matalino at maabilidad sila noon. Walang internet na
makakapagbigay sa kanila ng impormasyon tungkol sa research nila pero nakapasa sila’t
nakapagtapos. Walang copy-paste noon, ita-type mo mano-mano ang research mo, malas mo
pa kapag nagkamali ka ng kahit isang letra kasi walang erase ang gamit mong typewriter.
Pero sa kabila ng hirap noon, hindi sila tinamad gumawa ng assignments. E ikaw, copy-paste
na nga lang kailangan mong gawin, tinamad ka parin at pina-xerox mo nalang yung
assignment ng utu-uto mong classmate!
May pagkain ka sa tapat mo pero hindi mo kinain kasi diet ka. Bat ka ba nagda-diet?
Mainstream kasi? O trip mo lang? Hindi mo ba naiisip yung mga batang namamalimos sayo
kanina? Nakita mo yung katawan nila na sa ilalim ng balat e, buto kaagad at wala nang
laman? Ganun ang mangyayari sayo kung hindi ka makakain. Yung mga batang yun, salat sa
pagkain, e ikaw nasa harap mo na yung biyaya hindi mo pa kinain. Nag-aaksaya ka masyado,
kung ipagpapatuloy mo yan, dapat ikaw nalang yung naging bata sa kalsada at yung bata
nalang yung may sapat na pagkain. At least siya, maa-appreciate niya yung pagkain na nasa
harap niya.
Bisyo, hay, bisyo. Pang matanda lang ‘to kaso curious ka kaya tinry mo din. Yosi ka ng yosi,
bat di ka pa namatay? Tutal unti-unti mo namang binabawasan ang oras ng buhay mo sa
pagyoyosi. Isang yosi ay katumbas ng limang minuto ng buhay mo. Hindi ka naman siguro
kawalan sa mundo kung sakaling mamatay ka dahil sa bisyo mo, pero malaking kawalan ka
para sa mga magulang mo at mga nagmamahal sayo. Isipin mo naman sila.
Nagpakahirap ang nanay mo na dalhin ka sa tiyan niya ng siyam na buwan tapos ngayon
magpapakamatay ka? Wag kang timang sa katotohanan. Kahit gaano kasakit ang katotohanan
kailangan mo ‘tong tanggapin. Hindi pagpapakamatay ang sagot sa problema. Isipin mo, may
isang tao sa isang parte sa mundo na mamamatay na dahil sa isang sakit. Sila, nagkukumahog
na mabuhay pa ng mas matagal tapos ikaw, ikaw na mahaba pa ang buhay, gusto
magpakamatay? Siguro kapag mamamatay na tayo, dun lang natin naiisip na dapat ginawa
nating makabuluhan ang buhay natin para kahit nasa kabilang buhay ka na, wala kang regrets.
Dun lang din natin maiisip na mahalaga pala ang buhay at dapat hindi natin pinangunahan ang
Diyos dito. Habang hindi mo pa oras, gumawa ka na ng mabubuting bagay para kapag
dumating na yung oras na kailangan na maghiwalay ng katawan mo at kaluluwa mo, hindi ka
masusunog sa nagbabagang apoy sa impyerno.
Bata ka pa, madami ka pang tatahakin kaya hindi mo kailangan dibdibin yang tampuhan
niyong magsyota. Laslas, sus, emo. Tapos ipagmamalaki mo yang sugat mo sa braso? Try mo
sa leeg minsan. Hindi kasi nakakamatay yang sa braso e. Ang labo ko no? Kanina ayoko
kayong magpakamatay, ngayon sinasabihan ko kayong i-try maglaslas sa leeg. Kasi naman,
bakit ba natin sinasaktan ang sarili natin e, nasaktan na nga tayo? Ano yun, gusto mo ma-
double kill? Bakit hindi natin i-try na magpakasaya kapag nasasaktan?
Sana naman may naitulong ako sa inyo. Kung hindi ko man naimulat ang mga nakapikit
nyong mata, sana minuta kayo dahil medyo naluha kayo sa mga sinabi ko. Hindi pa huli ang
lahat para magbago ka. Bata ka pa, madami pang pagkakataon sa buhay mo na pwede mong
baguhin ang mga maling gawa mo noon. Naway maging pag-asa tayo ng bayan tulad ng sabi
ni Rizal. Tayo ang kinabusakan. Kung mapapariwara tayo, paano na ang susunod na
henerasyon? Mahalin mo ang buhay, magulang at bayan mo. Manalig ka lagi sa Diyos at
magpasalamat sa mga biyayang binibigay niya kahit di mo naman hinihingi. Magpasalamat ka
din sa mga pagsubok na nagpapatatag sayo. Ibigin mo ang kapaligiran. Kung hindi man
kaibig-ibig ang kapaligiran, gawin mo itong kaibig-ibig. Gumawa ka ng paraan, hindi yung
naghihintay ka lang. Salamat sa pakikinig.
Bumalik tayo sa nakaraan, hindi ba’t tuwing ika-anim ng gabi ay nasa loob na ng kani-
kaniyang bahay ang lahat. Ang pananamit ang kilos ng kababaihan ay kagalang-galang,
“MariaClara” nga kung sila’y ating tawagin. Kung gusto naman ng isang binata ang isang
dalaga ay hindi niya agad nakukuha ang matamis na oo ng dalaga, kailangan pang sumuot ng
butas ngkarayom. Sa ilang programang ating napapanuod sa telebisyon, kailangan munang
mamanhikan ng lalaki upang masigurong magiging maalwan ang buhay ng kanilang anak
sapiling ng lalaki. Ang mga kabataan noon ay masunurin, magalang, walang bisyo at maka-
Diyos. Ang mga kabataan rin noon ay tutok sa kanilang pag-aaral.
Subalit ngayon, napakadali na lamang para sa isang lalaki na mapasagot ang isang bababe.
Ang ilan nga’y sa text na nagkaligawan at nagkatuluyan. Maging sa pananamit, karamihan sa
mga kadalagahan ngayon ay hindi na iginagalang dahil sa paraan ng kanilang pananamit.
Ngayon halos hindi na iginagalang ng ilang kabataan ang kanilang magulang at hindi na rin
sila marunong sumunod. Karamihan din sa kabataan ngayon ay walang inatupag kundi mag-
Dota. Hindi iniisip kung anong hirap ang dinaranas ng kanilang magulang mapag-aaral
lamang sila. Nakakalungkot mang isipin, ngunit ito na ang larawan ng kabataan ngayon.
Tayong mga kabataan lalo na sa mga kababaihang katulad ko, dapat nating tandaan, balikan at
muling isabuhay ang mga kaugaliang noon. Wala man ito sa uso ngayon ngunit maaari natin
itong ibalik sa uso. Subalit ano pa man ang mga kabataan noon at ngayon, ang mahalaga’y
hindi natin malimutan ang winika ni Rizal na ang kabataan ang pag-asa ngbayan.
Mga mahal kong kamag-aral, kaklase at kapwa kong kabataan, sama-sama at tulong-tulong
nating patunayan na ang kabataan pa rin ang pag-asa ng bayan. Patunayan nating kaya nating
mapaunlad ang susunod na henerasyon. Patunayan nating kaya nating iaangat ang Pilipinas sa
kasalukuyang estado nito. Oras na para kumilos dahil ako, ikaw, sila, tayong mga kabataan
ang pag-asa ng bayan.
Ayon sa isang sikat na kasabihan, ang kabataan ay ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayong mga
kabataan ang siyang magbibigay ng magandang kinabukasan sa ating bansa. Iaahon natin ito
sa kahirapan at ibibigay natin ang hinahangad nitong kasaganaan. Iwawagayway natin ang
bandilang ating bayan patunay na tayo’y malaya sa anumang pang-aalipin ng mga dayuhan.
Ito ay ilan lamang sa mga katangian at kaugaliang inaasahan natin na taglay ng bawat
kabataan para sa ikauunlad ng ating bayan.
Noon, masasabi kong napakatatag ang ating paniniwala sa naturang kasabihan at sa kaisipang
nais nitong iparating sa atin. Ngunit ngayon parang humina ang paniniwalang ‘to. Masyado na
yatang mabilis ang takbo ng panahon. Kasabay sa paglipas nito at sa pagsilang ng bagong
henerasyon ay marahil ang paglipas din ng paniniwalang pag-asa ng bayan ang mga kabataan.
Tumatayo ako ngayon dito sa harapan ninyong lahat bilang isa sa mga kabataan ng
makabagong henerasyon tulad ninyo. Bigyan ninyo ng katahimikan ang inyong pag-iisip sa
mga sandaling ito at alalahanin ninyo ang lahat ng mga pinaggagawa ninyo. Ngayon, sagutin
ninyo ang tanong ko: kayo ba’y pag-asa pa rin ng bayan? Kung ako ang inyong tatanungin,
hindi ako mahihiya at mag-aatubiling sabihing “Oo!” Sapagkat lahat tayo ay pag-asa pa rin ng
bayan. Sakabila ng katotohanang may iilan sa atin na mga nagrerebelde, pasaway, batugan at
parang wala ng tamang nagawa sa buhay. Umaasa akong balang araw maintindihan nila ang
tunay nilang tungkulin at pananagutan.
Ngunit paano nga ba natin magagampanan ang pagiging pag-asa ng bayan? Aba simple lang
naman! Kailangan lang natin ng kasipagan, katapatan, pagkamakabayan, disiplina at
pagmamahal. Ipamalas natin ang ating kasipagan sa lahat ng bagay na nakakabuti o
nakatutulong. Hindi ‘yong tipong upo lang ng upo habang hawak ang cellphone at nanunuod
ng tv maghapon. Katapatan – maging matapat tayo sa lahat lalo na sa ating sarili.
Pagkamakabayan – ang pagtangkilik sa produktong sariling atin ay halimbawa ng gawaing
makabayan. Pagmamahal – sino ba naman ang di nakaranas ng pagmamahal? Lahat tayo ay
nagmahal at minahal. Kung disipina naman ang pag-uusapan, lahat ng nabanggit ay may
kaakibat na pagdisiplina. Lagi nating tatandaan na magtatapos din ang ating pagiging
kabataan ngunit tayo’y magiging magulang nagagabay at magtuturo sa susunod na
henerasyon ng kabataan.
Tayo mismo ang tagaguhit ng ating kapalaran sa sarili nating mga palad. Lagi nating isipin na
magtatagumpay tayo kung ito’y ating nanaisin. Kapag tayo naman ay nalugmok, ito ay dahil
sa kagagawan din natin. Pagkatandaan na importante ang oras. Huwag na nating ipagpabukas
pa ang ating mga gawain kung puwede naman nating gawin ngayon. Panahon na para tayo ay
sumulong! Nasa ating mga kamay ang kaunlaran at kalayaan. Tayo nga’y malaya ngunit ang
kalayaa’y hindiu pang gawin ang bawat naisin ngunit upang gawin ang tama at nararapat.
Tara na kapwa kabataan! Patunayan nating tayo’y pag-asa pa rin ng Inang Bayan!
Ang mga balakid sa pagtatapos ng sekondarya: Tutuloy pa ba o hindi na?Nalalapit na naman ang
pagtatapos ng sekondarya, subalit karamiha'y hindi pa handang sumubok sa susunod na yugto. Lahat
tayo ay ay may kanya-kanyang suliranin sa pagharap sa kolehiyo subalit nasa atin ang solusyon.
Laging tatandaan kung nagnanais ng magandang buhay sa hinaharap, kailangan mong tahakin ang
kolehiyo. Bakit nga ba kailangan mong mag-kolehiyo?Una, dahil ang labing dalawang taon na pag-
aaral ay hindi sapat upang makamtan mo ang sinasabing ginhawa. Ayon sa economist na si Joan
Santos, tatlo sa sampung taong nagtapos ng K to 12 ang naging matagumpay. Marami ring sarbey
ang nagsasabing ang Kto12 ay daan o hulmahan lamang para sa buhay kolehiyo.Pangalawa, isa sa
tanyag na suliranin kung bakit ninanais ng iba na mag-trabaho na lamang, ay dahil sa pangpinansyal
na pangangailangan. Aahin pa ang mga state colleges? Ang mga scholarships, kung wala rin naman
palang solusyon dyan. Marami na rin ang nagtapos at piniling magkolehiyo habang nagtatrabaho.
Kaya't masasabing hindi hadlang ang pang pinansyal na suliranin. Katamaran at kawalan ng diskarte
ang problema mo. Lalo pa at batas na ang libreng tuition fee sa mga state colleges.Pangato, ang
pagpili ng kurso ay nagiging balakid, kaya't ayaw magkolehiyo, subalit ayon sa pag-aaral hindi ito
suliranin. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng mga taga United States, noong taong 1991 may
tinatawag na 'rating scale' kung saan ikokonsider mo ang mga factors sa iyong pagpili ng kurso. Kaya't
masasabing hindi ito dahilan upang huminto.Walang balakid sa kolehiyo, kung hahanap ka ng
solusyon. Marami ang ayaw tumuloy sa kolehiyo, ito ay hindi dahil sa suliranin kundi sa takot at
katamaran. Kung minsan ang sagot ay nasa harap na natin subalit natatakot tayo. Tandaan ang
kolehiyo ang maghahatid sa iyo sa magandang buhay na iyong inaasam.
PAGLALAGOM
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
1. Basahing mabuti ang materyal.
2. Tiyakin ang mga bahagi bagay sa pormat ng pag-aaral.
3. Hanapin ang mga pangunahing ideya para sa bawat bahagi.
4. Isulat sa simple, malinaw, at direktang pangungusap.
5. Iwasan ang mga ilustrasyon, grap, teybol, atbp. liban kung bahagi ng
pangunahing ideya.
6. Suriing muli ang orihinal. Tingnan kung may pangunahing ideya na di
naisama.
7. Basahin ito at pakinisin.
PAGLALAGOM
Ang lagom ay ang pinasimple at/o pinaigsing bersiyon ng isang prosa or
berso.
7. Basahing muli ang presi upang masiguro ang mga pangunahing ideya
at hindi "supporting idea" ang isinama.
ABSTRAK
Ito ay isang uri ng lagom na ginagamit sa mga akdang akademiko,
siyentipiko o pangsiyensiyang panlipunan (social science).
1. Layunin
2. Metodo o Pamamaraan
3. Kinasapitan o Resulta
SINOPSIS
Kung ang abstrak ay sumusunod sa lohikal na order ng mga ideya, ang
sinopsis naman ay sa KRONOLOHIKAL na order. Ito ay isang uri ng
lagom na higit na gamitin sa mga akdang may elementong naratibo:
kuwento, salaysay, nobela, dula, atbp.
Mga Hakbang at mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis
1. Basahing mabuti ang materyal. Huwag alisin sa isip ang mga detalye.
Adyenda ng Pagpupulong
I. Introduksyon
a. Skedyul ng klase
b. Balangkas ng programa
a. Palamuti sa eskwelahan
V. Pangwakas na salita
3.4
5 votes
5 votes
Rate!
Rate!
Thanks
20
Comments
Report
Log in to add a comment
The Brain
Helper
Filipino
5 points
3 hours ago
Anong natural na gawi ng tao na siyang dahilan upang nalilikha ang wika?
ANSWER
Filipino
13 points
4 hours ago
Filipino
13 points
9 hours ago
FIL1A- Sino sino ang mga taong may kanya kanyang paniniwala tungkol sa
Pinagmulan Wika?
Ang agenda ay layunin o gabay ng isang pagpaplano na dapat ay matupad ngunit ang planong ito ay
pinananatiling sikreto. Ang paggawa ng agenda ay maaaring sinasabi lamang sa bawat miyembro ng
grupo o pwede rin namang gumawa ng balangkas. Ang mga halimbawa ng agenda ay:*Pagpaplano ng
isang kompanya na mapaunlad ang kanilang negosyo.
*pagpaplano ng isang grupo ng estudyante kung paano tatapusin ang kanilang pananaliksik.
*Pagpaplano ng isang grupo ng kabataan kung paano ang mangyayari sa gaganaping pagkikita.