PHOTO
ESSAY/
PICTORIAL ESSAY
Layunin:
Makilala ang mga katangian ng mahusay na
photo essay;
Mabigyang-kahulugan ang mga terminong
akademiko na may kaugnayan sa photo essay;
Maibahagi nang pasalita sa klase ang isinulat
na photo essay;
Makasulat ng organisado, malikhain at
kapani- paniwalang sulatin;
Makabuo ng photo essay batay sa maingat,
wasto, at angkop na paggamit ng wika; at
Maisaalang-alang ang etika sa sinusulat na
photo essay.
Magobserba ka!
Ang PHOTO
ESSAY ay..
Koleksiyon ng mga larawang maingat na inayos
upang maglahad ng pagkasunod-sunod na
pangyayari.
Nagpapaliwanag ng partikular na konsepto at
nagpapayahag ng damdamin.
Hindi limitado ang paksa.
Maaaring serye ng imahen.
Maaring patungkol sa isang tao o mga
kakaibang pangyayari.
Katulad din ng iba pang uri ng sanaysay na
gumagamit ng mga teknik sa pagsasalaysay.
Naiiba dahil larawan ang gamit sa
pagsasalaysay.
May PHOTO ESSAY
na..
Binubuo LAMANG ng mga larawan.
Binubuo ng mga larawang
may MAIIKLING TEKSTO.
Binubuo ng KALAKHANG TEKSTO
at sinasamahan ng mga larawan.
Ang mga larawan ang lumulutang
sa anyong ito, hindi mga salita.
Pagnilayan
Nakapagselfie ka na ba gamit ang iyong
kamera? Ano ang idinudulot sa iyo ng gawaing
ito?
Bukod sa sarili, kaibigan, kamag-anak at
kakilala sino o ano pa ang nakunan mo na ng
larawan?
Ano ang silbi sa iyo ng pagkuha ng larawan?
Kung ikaw ay gagawa ng isang photo essay,
ano o sino ang iyong magiging paksa at bakit?
Subukin
ang
natutunan
Paano nakapagpapahayag ng mga ideya ang
isang larawan?
Kailan nagiging makabuluhan ang paggawa ng
isang photo essay?
Paano nagkakatulad ang photo essay sa iba
pang tradisyunal na sanaysay?
Kalikasan ng Photo Essay
Nagpapahayag ng damdamin at kaisipan sa
serye ng larawan
Ang mga larawan ang pangunahing
nagkukwento samantalang ang teksto ay
SUPORTA LAMANG.
Gumagamit lamang ng salita kung may mga
detalyeng mahirap ipahayag.
Inaayos ayon sa kronolohikal na pagkakasunod-
sunod o ayon sa damdaming gustong ipahayag.
Ngunit kadalasan ay nasasaayos ito ayon sa
pagkakaugnay ng mga larawan.
Ang mahalaga ay malinaw ang pahayag sa
unang tingin palang.
Subukin ang natutunan II
Sang-ayon ka ba na sa photo essay, mas
mahalaga ang larawan kaysa nakasulat
na teksto? Pangatwiran.
Ano ang gamit ng teksto sa photo essay?
Paano inaayos ang mga larawan sa
photo essay?
Halimbawa
Dapat Tandaan!
Siguraduhing pamilyar ka sa paksa
Alamin kung magiging interesado sa paksa
ang magbabasa nito
Kilalanin kung sino ang mambabasa
Malinaw ang patutunguhan ng photo essay
Idepende ang haba ng teksto sa paglalarawan
Kailangang may kaisahan ang mga larawan
Isaalang-alang ang consistency sa framing,
komposisyon, anggulo, pag-iilaw, o kulay
Hakbang
1. Maghanap ng isang paksa na ayon sa
iyong interes.
2. Magsagawa ng pananaliksik bago
isagawa ang photo essay.
3. Hanapin ang “tunay na kuwento.”
Matapos ang pananaliksik, maaari
munang matukoy ang anggulo na gusto
mong dalhin ang iyong kuwento kahit na
ang bawat ideya ng kuwento ay pareho.
Ang pangunahing mga dahilan ng bawat
larawan ay nararapat na lumikha ng
isang kapani-paniwala at natatanging
kuwento.
Hakbang
4. Ang kuwento ay binuo upang gisingin ang
damdamin ng mambabasa. Pinakamahusay na
paraan upang ikonekta ang iyong sanaysay larawan
sa madla ay ang mga damdamin nakapaloob sa
kuwento at gamitin ito sa mga larawan.
5. Pagpasyahan ang mga kukunang larawan.
Magsimula sa paglikha ng isang listahan ng mga
kuha para sa kuwento. Ang bawat “shot” ay tulad ng
isang pangungusap sa isang kuwento sa isang
talata. Maaari kang magsimula sa 10 “shots.” Ang
bawat “shot” ay dapat bigyang-diin ang iba’t ibang
mga konsepto o emosyon na maaaring pinagtagpi
kasama ng iba pang mga larawan.
Paglalapat
1. Sapat ba ang bilang ng ginamit na larawan
upang maipahatid sa mambabasa ang
mensahe? Pangatwiran
2. Paano inorganisa ang mga larawan sa
binasang photo essay?
3. May kaisahan ba ang mga ginamit na
larawan?
4. Kapagtinanggal ang nakasulat na teksto,
mauunawaan mo ba ang mensahe ng
sanaysay?
5. Sa kabuuan, nagtagumpay ba para sa iyo
ang binsang photo essay? Pangatwiran.
Konklusyon
Hindi malalayo ang photo essay sa iba pang uri
ng sanaysay. Gumagamit ito ng mga teknik sa
epektibong paglalahad ngmga ideya at
pagsasalaysay ng mga pangyayari.
Isinaalang-alang dito ang tema, organisasyon
ng kaisipan, tono, target na mambabasa, at ibp.
Ang kaibahan lamang ay ang paggamit nito ng
mga larawan na siyang pangunahing
pinagkukunanng kahulugan sa isang photo
essay. Madalas na nating sabihing sanlibong
salita ang katumbas ng isang larawan ngunit
maaaring higit pa rito ang kapangyarihan ng
larawan.
Aplikasyon
Ikaw ay mamamahayag at litratista sa isang
kilalang payahagan. Inatasan ka ng iyong editor
na gumawa ng isang photo essay tungkol sa isang
karaniwang Pilipino. Layunin ng proyektong ito
na ipakita sa mga mambabasa ang hirap na
pinagdaanan ng isang karaniwang mamamayan
upang maitawid ang sarili at pamilya sa araw-
araw.
Ipapaliwanag mo ito ng pasalita sa iyong editor.
Susuriin at pagpapasyahan ang ginawa mong
photo essay ayon sa sumusunod: linaw ng
mensahe, kaisahanng mga larawan, ugnayan ng
mga larawan at salita at organisasyon ng mga
larawan.