You are on page 1of 2

Lakbay Sanaysay

Ang isang lakbay-sanaysay, o travel essay sa Ingles, ay isang uri ng


sanaysay na karaniwang nagpapahayag ng karanasan o paglalakbay
ng may-akda na kanyang nagawa sa isang punto ng kanyang buhay.

Karaniwan itong sinusulat sa pamamaraang paningin, pakiramdam,


panlasa, pang-amoy, at pandinig upang mas mailarawan ng mga
mambabasa o tagapakinig ang karanasang inihahandog ng may-akda
sa kanilang imahinasyon.

Nagagamit ang lakbay-sanaysay sa mga akdang pumapatungkol sa


isang magandang tanawin, tagpo, pangyayari, interaksyon, kultura,
tradisyon, o pamumuhay na minsan nang napuntahan ng may-akda.
Hindi lamang sa mga magagandang pangyayari ang isinusulat sa
ilalim ng lakbay-sanaysay: sinsaklaw din nito ang mga mapapait at
masalimuot na parte ng kanilang karanasan na nais nilang ibahagi sa
mga mambabasa upang hindi na maulit pa ang kanilang karanasan
sa iba.

Maaaring isulat ang lakbay sanaysay sa pormal o ‘di pormal na uri.


Ang importante’y kagaya ang bahagi nito sa iba pang mga sanaysay:
may panimula, katawan, at wakas.

Sa pagdadagdag, may apat na layunin ang isang lakbay-sanaysay


na dapat sundin:

1) Makapagbuo ng konkretong ideya ng lugar na pinuntahan sa


mambabasa;

2) Makapagbigay ng tamang impormasyon ukol sa transportasyon o


paraan upang makaabot sa lugar nang ligtas;

3) Makapagpahiwatig ng mga espiritwal na karanasang nadama


habang naglalakbay sa lugar na tinutukoy; at
4) Makapagpakita ng ebidensiya o magagandang litrato o bidyo ng
lugar at maitala nang tama ang kasaysayan at kultura ng lugar sa
pamamagitan ng pagtanong sa mga lokal na mamamayan ng lugar.

Halimbawa ng Lakbay Sanaysay


1. Lakbay Sanaysay: Baguio Trip

2. Lakbay Sanaysay ng Stem- 7A (Table 3)

3. Tanawin

4. Poracay Resort

You might also like