You are on page 1of 2

Panitikan Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao.

At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik. Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay ng ibat ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Dalawang Uri ang Panitikan 1. Patula Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maaanyong salita sa mga taludtod na may sukat o bilang ng mga pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa bawat saknong. Kabilang ditto ang mga sumusunod: tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang pangtanghalan, at patnigan. 2. Tuluyan o Prosa Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap. Hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng may-akda. Kabilang ditto ang mga sumusunod: maikling kwento, nobela, dula, alamat, pabula, talambuhay, sanaysay, balita at editoryal. Dahilan sa Pag-aaral ng Panitikang Pilipino 1. Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay na katalinihan ng lahing ating pinagmulan. 2. Upang matalos natin na tayoy may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay sa mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggaling sa ibat ibang mga bansa. 3. Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang mga ito. 4. Upang malaman an gating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti at mapaunlad. 5. Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-aralan an gating panitikan. Tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga sa sariling atin. Mga Akdang Tuluyan 1. Nobela o Talambuhay isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata. 2. Maikling Kwento isang maikling kathang pampanitikang nagsasalaysay ng pang-araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari at isang kakintalan.

3. Dula isang anyong patuluyang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. 4. Alamat isang akdang pampanitikang ang pinakadiwa ay ang mga bagay na makasaysayan at tumutukoy sa pinagmulan ng isang bagay o mga bagay.

5. Parabula isang katha o salaysaying matalinghaga at may-aral mula sa banal na kasulatan. 6. Pabula kwento ng mga hayop at ng mga bata. 7. Talambuhay isang akdang tungkol sa kasaysayan ng buhay ng isang tao. 8. Sanaysay isang akdang nakatuon sa isang tanging paksa at naglalayong maglahad ng mga kuru-kuro o pananaw ng may-akda. 9. Talumpati isang akdang pampanitikang ang layunin ay bigkasin sa harap ng madla upang makaakit o magpapaniwala. Mga Akdang Patula 1. Tulang Liriko o Damdamin nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, guni-guni, pangarap at ibat ibang damdaming maaaring madama ng may-akda o ng ibang tao.

Mga Uri ng tulang Liriko a. Awiting Bayan karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan.

Soneto may labing-apat na taludtod at ang nilalaman ay tungkol sa damdamin at kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao. c. Oda pumupuri ito sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao, masigla ang nilalamn at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod. d. Elehiya tulang may kinalaman sa guni-guni tungkol sa kamatayan. e. Dalit tulang nagpaparangal sa Dakilang Lumikha at may kahalong pilosopiya sa buhay. f. Mga Tulang Patnigan kabilang dito ang karagatan, duplo at balagtasan. 2. Tulang Pasalaysay naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay; katapangan at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma.

b.

Mga Uri ng tulang Pasalaysay a. b. Epiko ang tulang ito ay nagsasalaysay ng kabayanihan ng isang tao at may sangkap ng kababalaghan, mahika at iba pang uri ng pagpapalutang ng kadakilaan. Awit at Kurido nagsasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa mga kaharian tulad ng hari, reyna, prinsipe prinsesa, duke, konde, at iba pang dugong mahal na ang layunin ay palaganapin ang Kristiyanismo. Tulang Pantanghalan o Dulaan katulad din nito ang karaniwang dula, ang kaibahan nga lamang ay binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga diyalogo sa paraang patula.

3.

You might also like