You are on page 1of 2

Bisa ng Panitikan

Ang tatlong bisang dapat taglayin ng isang akdang pampanitikan ay gaya


ng sumusunod:
1. Ang Bisa sa Isip – gumaganyak sa mambabasa upang alamin ang mga
pahiwatig at tunay na kahulugan ng mga salita. Kadalasan, ang panitikan
ay naglalantad ng lantay na katotohanan upang ipakita ang larawan ng
tunay na buhay.
2. Ang Bisa sa Kaasalan – nagtuturo ng wastong pag-uugali, moral o kung
ano ang tama at mali. Sa pagsasalamin sa buhay ng panitikan, ipinakikita
nito sa mambabasa kung ano ang tama o mali batay sa konteksto ng grupo
o lahing kinabibilangan ng awtor.
3. Ang Bisa sa Damdamin – ay siyang pinakamahalagang katangiang
maaaring taglayin ng panitikan. Dahil sa kawalan ng bisang ito kung kaya
“maraming katha ang hindi matatawag na literatura.

1. Mga Genre o Uri ng Panitikan

a.) TULA
Ito ay isang uri ng panitikan na binubuo sa pamamagitan ng
pinakamatipid at pinakamakapangyarihang mga salita. Pinakamahalaga
sa manunulat ng tula ang isang inspirasyon na nagtutulak sa kanya
upang mangarap at bumuo ng guniguni. Maliban dito, masasabing
“pilay” ang anumang tula ng sinumang sampay bakod sa makata.

Binibigyang katuturan ni dela Conde (1978) ang tula bilang “likha


ng manlilikhang makata”.

Mga Uri ng Tula

1. Tulang Liriko o tula ng damdamin – nagtataglay ito ng mga


karanasan, guni-guni, kaisipan at mga pangarap na maaaring
madama ng may-akda o ng ibang tao. Madaling maunawaan ng mga
mambabasa ang uri ng tulang ito dahil sa kaiklian at kapayakan.

Nahahati ang tulang liriko sa mga sumusunod:

a.) dalit- ang nagpaparangal sa Maykapal na may halong pilosopiya


sa buhay.
b.) soneto- lagging nagtataglay ito ng mga aral sa buhay, may labing-
apat na taludtod at ang nilalaman ay tungkol sa damdamin at
kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
c.) elehiya- ang nilalaman nito ay may kinalaman sa alaala ng isang
namatay, guni-guni, tungkol sa kamatayan, pananangis at
pananaghoy.
d.) oda- masigla ang nilalaman at pumupuri sa mga pambihirang
nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao. Walang katiyakan ang
bilang ng pantig at saknong sa bawat taludtod.
e.) awit- madamdamin ang nilalaman nito sa dahilang ang
karaniwang pinapaksa ay may kinalaman sap ag-ibig, kabiguan,
kalungkutan, pag-asa, pangamba at kaligayahan.

You might also like