You are on page 1of 3

Tula

Ang tula ay isang uri ng akdang pampanitikan na


naglalayon na magpahayag ng damdamin gamit ang masusing
pagpili ng mga salita upang maglarawan o magpahiwatig.

Ang tula ay naglalaman ng iba’t ibang elemento tulad ng:

1. Sukat — ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod na bumubuo sa isang


saknong.

2. Saknong — ito ay tumutukoy sa isang grupo sa loob ng tula na may dalawa o higit pa
na taludtod (linya).

3. Tugma — ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng mga magkakasingtunog na huling


pantig sa salitang nasa dulo ng bawat taludtod. Ito ay nagdudulot sa isang tula upang
magkaroon ng indayog o himig.

4. Kariktan — ito ay tumutukoy sa paggamit ng piling mga salita upang maging mas
kaakit-akit ang tula. Ang may akda ay maaaring gumamit ng:

a.Talinghaga — ito ay mga pahayag na nagtataglay ng nakatagong kahulugan.


b. Simbolismo — ito ay ang paggamit ng mga salita na nagpapahiwatig sa isang
ideya (halimbawa: kalapati — kapayapaan).
c. Larawang-Diwa — ito ay nag-iiwan ng makulay at makabuluhang imahe sa isipan
ng mambabasa.

Mga Uri ng Tula


1. Tulang Liriko
Ito ay uri ng tula na naglalahad ng saloobin o damdamin ng may akda. Karaniwan itong
nagpapakita ng masidhing damdamin tulad ng pag-ibig, kabiguan, kasiyahan, kalungkutan,
takot, pangungulila, at iba pa. Ilang halimbawa ng tulang liriko ay ang mga sumusunod:
a. dalit - isang tulang nagtataglay ng apat na taludtod na may walong pantig sa
bawat saknong.
b. awit - isang tulang pasalaysay na binubuo ng apat na tuludtod na may
labindalawang pantig bawat isa.
c. oda - ito ay tulang liriko na kadalasang nagbibigay puri sa isang tao o bagay.
d. elehiya - ito ay tulang liriko na patungkol sa kamatayan at pagluluksa.
e. soneto - ito ay may labing-apat na linya na nagmula sa Europa

2. Tulang Pasalaysay
Ito ay uri ng tula na may nilalahad na kuwento. Sa mga taludtod at saknong ay
mahahanap ang tagpo, mga karakter, at mga pangyayari na bumubuo sa kuwento. Ilang
halimbawa ng tulang pasalaysay ay ang mga sumusunod:
a. korido - ito ay tulang pasalaysay na binibigkas na pakanta at may kuwento o
kasaysayan na nakapaloob dito. Ito ay binubuo ng walong pantig bawat taludtod at
apat na taludtod bawat saknong.
b. epiko - ito ay tulang pasalaysay na naglalahad ng isang kuwento ng kagitingan at
pagharap sa mga pagsubok na isang karakter.

3. Tulang Patnigan
Ito ay uri ng tula na nagpapakita ng tagisan ng pangangatwiran at talas ng isip. Ilang
halimbawa ng tulang pasalaysay ay ang mga sumusunod:
a. duplo - ito ay tula ng tagisan ng paggamit ng salita at pahayag hango sa Bibliya,
salawikain, o mga kasabihan.
b. karagatan - ito ay uri ng tula na sinasambit ng padula at umaanyaya sa masusing
paggamit ng pag-iisip.
c. balagtasan - ito ay isang uri ng tulang patnigan sa paraan ng isang debate ng
dalawang magkaibang panig. Salitang maglalahad ang dalawang panig ng
kanilang katuwiran at pinapangasiwaan ng isang tagapamagitan.
Ang mga tema ng tula sa Timog-Silangang Asya ay nagpapakita ng pamumuhay at
kultura ng mga mamamayan nito. Ang iba pang kadalasang sa mga tulang Timog-Silangang
Asya ay pagiging makabayan, ang pag-iibigan, kalikasan, at agrikultura. Tampok din ang
mga tula patungkol sa dinamiko sa pagitan ng mga mananakop at mamamayang nasakop
tulad sa tulang ating nabasa

Pagtalakay sa Gramatika
Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Maraming mga paraan upang ating maipahayag ang ating emosyon o damdamin.
Ilan sa mga paraan na ito ay ang mga sumusunod:

1. Maikling sambitla

Ito ay nagpapahayag ng matinding emosyon o damdamin sa isa o dalawang pantig.


Halimbawa:
Oh! Aray! Yehey! Ay! Naku!

2. Mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin o saloobin ng isang tao.

Ito ay nagpapahayag ng matitinding mga damdamin tulad ng pagkagulat, kasiyahan,


takot, at iba pa. Kadalasan din itong gumagamit ng tandang padamdam (!) ngunit
maaari din sa pamamagitan ng pangugusap na pasalaysay.
Halimbawa:
Hindi ako makapaniwalang iniwan mo ako!
Napakasaya ko na makita kang muli!
Nakakalungkot isipin ang kasalukuyang kalagayan ng ating kapaligiran.

3. Mga pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin ngunit hindi tiyak ang


paglalahad.

Ito ay mga pangungusap na hindi diretsahang inilalahad ang damdamin o emosyon


ng nagsasambit ngunit malalaman sa kahulugan sa likod ng mga salita.
Halimbawa:
Kumukulo ang dugo ko sa pagpapabaya ng mga awtoridad.
(nagpapakita ng pagkainis)
Namumuti na ang aking mata bago ka dumating sa ating tagpuan.
(nagpapakita ng pagkabagot at matagal na paghihintay)

You might also like