You are on page 1of 6

KAYA YAN, LAKBAY SANYSAY

Mula sa ika-labindalawa pangkat Catacutan:


Liezel J. Bello
Melanie O. Cortez
Shekinah Grace S. Fulgencio
Lanie N. Gutierrez
Erika V. Mariano
Zyra Jane W. Pagaduan
Rhala DC. Pestano
Chelssey Hailey Eu N. Sapang
Carla U. Sunga.
PANIMULA
Ang paglalakbay ay kinapapalooban ng mayayamang karanasan. Ito ay kadalasang

punum-puno ng masasayang pangyayari, pagkamangha, o paghanga sa magagandang

lugar na unang napuntahan. Ang isang lakbay-sanaysay, o travel essay sa Ingles, ay

isang uri ng sanaysay na karaniwang nagpapahayag ng karanasan o paglalakbay ng

may-akda na kanyang nagawa sa isang punto ng kanyang buhay. Karaniwan itong

sinusulat sa pamamaraang paningin, pakiramdam, panlasa, pang-amoy, at pandinig

upang mas mailarawan ng mga mambabasa o tagapakinig ang karanasang

inihahandog ng may-akda sa kanilang imahinasyon. Nagagamit ang lakbay-sanaysay

sa mga akdang pumapatungkol sa isang magandang tanawin, tagpo, pangyayari,

interaksyon, kultura, tradisyon, o pamumuhay na minsan nang napuntahan ng may-

akda. Hindi lamang sa mga magagandang pangyayari ang isinusulat sa ilalim ng

lakbay-sanaysay: sinasaklaw din nito ang mga mapapait at masalimuot na parte ng

kanilang karanasan na nais nilang ibahagi sa mga mambabasa upang hindi na maulit

pa ang kanilang karanasan sa iba.

Maaaring isulat ang lakbay sanaysay sa pormal o ‘di pormal na uri. Ang

importante’y kagaya ang bahagi nito sa iba pang mga sanaysay: may panimula,

katawan, at wakas.Ang isang lakbay-sanaysay, o travel essay sa Ingles, ay isang uri

ng sanaysay na karaniwang nagpapahayag ng karanasan o paglalakbay ng may-akda

na kanyang nagawa sa isang punto ng kanyang buhay. Karaniwan itong sinusulat sa

pamamaraang paningin, pakiramdam, panlasa, pang-amoy, at pandinig upang mas

mailarawan ng mga mambabasa o tagapakinig ang karanasang inihahandog ng may-

akda sa kanilang imahinasyon. Nagagamit ang lakbay-sanaysay sa mga akdang

pumapatungkol sa isang magandang tanawin, tagpo, pangyayari, interaksyon, kultura,


tradisyon, o pamumuhay na minsan nang napuntahan ng may-akda. Hindi lamang sa

mga magagandang pangyayari ang isinusulat sa ilalim ng lakbay-sanaysay: sinsaklaw

din nito ang mga mapapait at masalimuot na parte ng kanilang karanasan na nais

nilang ibahagi sa mga mambabasa upang hindi na maulit pa ang kanilang karanasan

sa iba.

NILALAMAN

Ang isang mapanghikayat na lakbay-sanaysay ay dapat makapagdulot hindi lamang

ng mga impormasyon kundi ng matinding pagnanais na maglakbay. Ayon kay Patti

Marxsen (2012), sa kanyang artikulong “The art of the travel essay” maituturing na

matagumpay ang isang lakbay-sanaysay kung ito’y nakapag-iiwan sa mambabasa ng

sariwa at malinaw na alaala ng isang lugar bagama’t hindi pa nila ito napupuntahan.

Ito rin ay maituturing na matagumpay kung ito ay nagbigay ng aliw sa mga

mambabasa at kung naintindihan ng mambabasa ang mga bagay na nais iparating ng

manunnulat.

Ayon kay Dinty W. Moore (2017), ang lakbay-sanaysay ay napakahirap din,

sapagkat bilang manunulat kailangang maintindihang lubos ng isang manunulat ang

mga paksa at ang mga damdamin ukol sa sinusulat nang hindi lang ng ilang araw.

Kailangang maintindihan ang kulturang kinalakihan. Kailangang maunawaan din ang

pamilyang nagmamahalan o ang mga taong may hindi pagkakaintindihan. Kailangang

isulat ang ispirituwal na paglalakbay pagkatapos ang paghahanap at paggalugad.

Samakatuwid, ang mga naranasan ng isang manunulat na manlalakbay ay dapat ding

iparanas sa mambabasa sa pamamagitan ng lakbay-sanaysay.

Ayon kay Alyssa Batu (2016) ang lakbay-sanaysay ay isang sanaysay na hindi

lamang tungkol sa isang lugar o paglalakbay. Ito rin ay puwedeng tungkol sa kung
ano ang madidiskubre ng manunulat tungkol sa pamumuhay ng mga naninirahan sa

lugar na iyon. Kaya’t kinakailangan na manaliksik ng isang manunulat upang

magkaroon siya ng kaalaman tungkol sa isang ispisipikong lugar na kaniyang napiling

gawan ng lakbay-sanaysay.

Ayon kay Antonio (2013), ang susi sa mainam na pagsulat nito ay ang erudisyon o

ang pagtataglay ng sapat na kaalaman sa pagkatuto sa isang paglalakbay. Tumutukoy

rin ito sa pagkilala at pagpapakilala sa sarili at sa mga pagmumuni ng karanasan sa

proseso ng paglalakbay. Bukod sa matamang obserbasyon hinggil sa paligid o

panyayari. mahalagang maranasan ng manlalakbay ang mga bagay-bagay upang lubos

na maunawaan at mabigyang kahulugan ang pangyayari. Subukan na maisali ang

sarili sa mga gawain bilang bahagi na rin ng imersiyon sa mga pangyayari.

KONKLUSYON

Ang lakbay-sanaysay ay naglalayong magsalaysay ng mga karanasan at kaalaman

patungkol sa paglalakbay na isinasagawa ng isang indibidwal, at kabilang sa mga

natutunan ng mga mananaliksik ay nararapat na ang manunulat ay nanghihikayat

upang puntahan ang nasabing lugar at makapaglahad ng mahahalagang impormasyon

upang maging patnubay ng mga mambabasa sa pagpunta, at nararapat na inilalarawan

nito hindi lamang ang damdamin ng mananalakbay kundi pati na rin ang mga lugar na

kanyang napuntahan kasama na dito ang kultura, tradisyon, pamumuhay, at uri ng

mga tao sa lugar na gagawan ng lakbay-salaysay na ng isang manunulat.

Ang isang manunulat ay makakagawa lamang ng isang masining at makabuluhang

lakbay-sanaysay kung siya ay tutungo sa isang lugar hindi bilang turista kundi

manlalakbay, napakahalaga rin na malinaw ang kaniyang pakay at isip. Kadalasan

kasi ang isang turista ay pumupunta sa isa lugar para maglibang, mag liwaliw at
makita ang magndang tanawin. Samantala, para sa isang manlalakbay ay pangalawa

na lamang ito dahil kasabay ng kanyang paglalakbay ay sinisikap niyang maunawaan

ang kultura ng lugar, kasaysayan, heograpiya, hanapbuhay, pagkain at mga araw-

araw na pamumuhay ng tao. Mahalaga ito para sa kanyang pagsulat ng lakbay-

sanaysay dahil hindi lamang ito nakabatay sa larawan ang mga impormasyon kundi

para sa malalim na pagpapaliwanag at paglalarawan ng bagay o lugar na kanyang

nakita o namalas.

Bukod sa paglalahad ng mga karanasan at mga nakita sa paglalakbay, mahalaga rin

na maisama sa nilalaman ng sanaysay ang ang mga bagay na natutuhan habang

naglalakbay. Ito ang magsisilbing pinakapuso ng sanaysay kung saan dito ibabahagi

sa mga mambabasa ang gintong aral na nakuha bunga ng epekto ng paglalakbay.

Maaring talakayin kung paano nabago ang buhay o pananaw ng may-akda, kung

paano umunlad ang kanyang pagkatao mula sa kanyang mga karanasan at mga

karagdagang kaalaman na natuklasan mula sa ginawang paglalakbay.


REFERENCES

https://www.coursehero.com/file/pt0em3/LAKBAY-SANAYSAY-Kahulugan-at-
Kalikasan-Ayon-sa-kasabihan-ang-paglalakbay-ay/

https://www.elcomblus.com/pagsulat-ng-lakbay-sanaysay/

https://gabay.ph/ano-ang-lakbay-sanaysay/

https://akademikongpagsulatcom.wordpress.com/2018/10/14/lakbay-sanaysay/

https://thewaywardnotionblog.wordpress.com/2020/12/20/modyul-14-lakbay-
sanaysay-at-pictorial-essay/

You might also like