You are on page 1of 2

LAKBAY SANAYSAY-isang uri ng sulating tumatalakay sa karanasan sa paglalakbay.

Ngunit hindi lamang ito tungkol sa


paglalarawan ng mga lugar o tao.
-isang sulating hindi lamang naglalarawan sa pinuntahang lugar, kundi nagbibigay ng malalim na pagkaunawa
dito at tungkol sa sarili.
-ito ay tungkol sa kung ano ang natuklasan ng manunulat sa lugar na pinuntahan niyq , sa mga taong
nakasalamuha niya at higit sa lahat, tungkol sa kanyang sarili
-isang paraan ng pagkilala sa sarili
-hindi parang diary (hindi basta lamang isusulat ang lahat ng nakita, nalasahan, narinig, naamoy, naramdaman,
o naisip sa paglalakbay)
-hindi ito rekord o simpleng pagdudugtong -dugtong ng mga pangyayari.
-nangangailangan ang sulating ito ng malinaw na pagkaunawa at perspektiba tungkol sa naranasan habang
naglalakbay (0’ NEIL, 2005)
-isa sa mga popular na sulatin ang lakbay-sanaysay(travel blogs sa internet) na ang makikita na iba-iba ang
estilo ng pagkakasulat-SERYOSO, MAGAAN BASAHIN, MAY NAGPAPATAWA, NAGBIBIGAY IMPORMASYON AT
NAG-IIWAN NG INSIGHT SA MGA MAMBABASA
Ang isang lakbay-sanaysay, o travel essay o travelogue sa Ingles, ay isang uri ng sanaysay na karaniwang
nagpapahayag ng karanasan o paglalakbay ng may-akda na kanyang nagawa sa isang punto ng kanyang buhay.

NONONG CARANDANG- isang propesor at manunulat na ang lakbay-sanaysay ay nangangahulugang sanaylakbay:sanaysay,


sanay at lakbay-tatlong kaisipan

MAY MAHUSAY ANG PAGKAKASULAT-impormatibo, nakakaaliw at puno ng inspirasyon


HINDI MAHUSAY ANG PAGKAKASULAT-nagkukulang sa paglalarawan hindi lohikal ang ayos ng mga talata, gumagamit ng
malalim na salita, kulang sa repleksyon at iba pa.

LARAWAN-ang lugar na tinungo ng manlalakbay , mga taong nakasalamuha, pagkain, kultura at iba pang mga representasyon ng
lugar
TRANSPORTASYON-pamamaraan sa pagtungo sa lugar
GUGULIN AT BUDGET-ang salaping kailangang ihanda kung magbabalak na tumungo sa itinampok na lugar
MGA TAMPOK NA PAGKAIN-ang pang-akit ng mga manunulat at karagdagang impormasyon sa pook
LANDMARK-mga tanyag na pook na kilala ng lahat at madaling matandaan.
TUON O PUKOS NG LAKBAY SANAYSAY
1. ANG LAKBAY SANAYSAY AY TUNGKOL A LUGAR
 Ang tuon dito ay lugar na pinuntahan.
 Ano ang mg kilalang destinasyon dito?
 Nagpunta ka ba sa di-gaanong pinupuntahan na mga turista?
 Nagandahan ka ba sa arkitektura at pambublikong eskultura?
 Buhay na buhay ba ang lungsod?
 Masarap ba ang pagkain?
 Kumain ka ba ng kakaibang putahe?
 Inilalarawan dito ang mga nakita, narinig, naamoy, nalasahan, at naramdaman sa lugar na pinuntahan.

2. ANG LAKBAY-SANAYSAY AY TUNGKOL SA IBANG TAO?


 Kumusta ang mga tao sa iyong pinuntahan?
 Ano-ano ang mga nagustuhan at inayawan mo sa kanila?
 Katulad ba sila ng mga Pilipinong palangiti, magalang at magiliw sa mga panauhin?
 Ano ang katangi-tangi sa kanila?
 Anong karanasan mo na kasama sila ang hindi mo malilimutan?
 Sino-sino ang mga nakasama mo sa paglalakbay?
 Sila ba ay kapamilya, kaibigan,kasintahan o katrabaho?
 Kumusta naman ang relasyon mo sa kanila habang kayo ay naglalakbay?
 May bago ka bang natukalasan sa kanila?
 Sinasabi na ang paglalakbay labas sa comfort zone ang susukat sa relasyon sa iba

KATANGIAN NG LAKBAY SANAYSAY


 KAWILI-WILI-ang nilalaaman ng akda ay nakapupukaw ng interes dahil sa masining ng paglalahad nito.
 PERSONAL-ginagamitan ito ng panghalip sa unang panauhan sapagkat ito ay mga tala ng pansariling kaisipan ng sumulat na
batay sa kanyang tunay na nasaksihan o karanasan.
 IMPORMATIBO-nagtataglay ng mga mahahalagang impormasyong makadaragdag sa kaalaman ng mga mambabasa
 PAYAK NA GAMIT NG WIKA-simple at malinaw ang mga salita , kaisipan at pagpapaliwanag na ginagamit sa pagpapabatid
ng nilalaman ng akda
 ORGANISADO-may maayos na pagkakasunod-sunod at nakapaloob din ang mga bahagi ng pagsulat ng sanaysay tulad ng
may kawili-wiling simula, katawan at wakas

You might also like