You are on page 1of 7

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

MODYUL 6 PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

PAGGALUGAD:

Ang lakbay-sanaysay ay tinatawag ding travel essay o travelogue. Ito ay isang uri ng lathalaing
ang pangunahing layunin ay maitala ang mga karanasan sa paglalakbay. Ayon kay Nonon
Carandang, ito ay tinawag niyang sanaylakbay kung saan ang terminolohiyang ito ayon sa kanya,
ay binubuo ng tatlong konsepto: sanaysay, sanay at lakbay. Naniniwala siyang ang sanaysay ang
pinaepektibong pormat ng sulatin upang maitala ang mga naranasan sa paglalakbay.
Mula sa aklat na Pagsulat sa Piling Larangan (Akademik at Sining) nina Villanueva at Badril
(2016), ang lakbay-sanaysay ay:

• Tumutukoy sa detalyeng pagsasalaysay ng mga karanasan kaugnay sa lugar na


pinuntahan.
• Isa-isahang ibinabahagi ang mga karanasan, mabuti man o masama sa pook na
pinuntahan upang mamasyal, tumuklas ng mga bagay-bagay, maglibang at iba pa.
• Mayroong pagkakataon na matapos ang pagsasalaysay sa lokasyon, espasyo, tao,
pook-pasyalan, tradisyon, kultura, at iba pang ang panghihikayat o rekomendasyon
na maranasan din ang naranasan ng nagsulat ng lakbay-sanaysay.
• Kadalasang may kasamang mga larawan (selfie o groupie) bilang patunay ang
paglalakbay na makikita sa sanaysay.

MGA DAHILAN NG PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

Ayon kay Dr. Lilia Antonio, et.al. sa kanilang aklat na Malikhaing Sanaysay (2013), may apat na
pangunahing dahilan ng pagsusulat ng lakbay-sanaysay.
1. Upang maitaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat. Isang halimbawa nito ay
paggawa ng travel blog kung saan ito ay maituturing na isang libangan at gayundin
naman ay maaaring pagkakitaan.

2. Layunin ding nitong makalikha ng patnubay para mga posibleng manlalakbay. Marami
ang nakikinabang sa travelogue lalo na sa mga taong nais magkaroon ng paunang
kaalaman sa lugar na kanilang bibisitahin bago nila ito puntahan. Sabi nga ni Rizal sa
kanyang Noli Me Tangere, kung nais mong higit na makilala ang katangian at kultura
ng bansang iyong pupuntahan, mahalagang alamin mo muna ang taglay nitong
kasaysayan.

3. Sa lakbay-sanaysay, maaari ding itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay


tulad ng espirituwalidad, pagpapahilom, o kaya’y pagtuklas sa sarili. Kadalasang
naisasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng daily journal o diary. Ginagawa ito
upang maitala ang mga bagong bagay na kanyang nakita, narinig, naranasan, at iba
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

pa sa kanyang ginawang paglalakbay. Madalas itinatala rin sa journal ang mga


realisasyon o mga natutuhan sa proseso ng paglalakbay.

5. Upang maidokumento ang kasaysayan, kultura, at heograpiya ng lugar sa malikhaing


pamamaraan. Tipikal na halimbawa nito ang ginawa ni Antonio Pigafetta na isang Venetian
iskolar na tumungo sa Pilipinas kasama ni Ferdinand Magellan. Siya ang nagtala ng
mahahalagang datos na kanilang nakita sa Pilipinas na may kinalaman sa mga hayop,
klima, heograpiya, at kultura ng mga sinaunang Pilipino bilang bahagi ulat sa hari at reyna
ng Espanya sa kanilang pagbabalik sa kanilang bansa. Gayundin ang pagtatalang ginawa
ni Marco Polo, isa namang mangangalakal na Venetian na sumulat ng librong “The Travel
of Marco” bunga ng kanyang pagtungo sa Asya at resulta na rin ng kanyang paninirahan sa
Tsina sa loob ng labimpitong taon.

Anuman ang dahilan ng paglalakbay, ang lakbay-sanaysay ay kadalasang naglalaman ng mga


tala ng karanasan ng awtor o sumulat sa paglalakbay. Ang pagtatalang ito ay isang paraan ng
manunulat na maibahagi ang karanasan at kasiyahan sa paglalakbay.

PAGLALAHAD:

Formative Assessment:
A. Manuod ng video tungkol sa “It’s More fun in the Philippines”. Maaaring puntahan ang
mga site na ito para sa video o sa video na nakalakip sa flash drive na kasama ng
modyul na ito.
https://www.youtube.com/watch?v=JZgXHjtcqaM
https://www.youtube.com/watch?v=gqoAwa19ELA

https://www.youtube.com/watch?v=ADNgEHFDYzo&list=RDADNgEHFDY
zo&start_radio=1

B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Ano-ano ang mga lugar na nakita sa video? Alin sa mga lugar na ito ang
iyong napuntahan?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
_________________________________________

2. Mula sa iyong naitala, maglahad ng ilang napansing katangian o kultura ng


lugar na ito.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

___________________________________________________________
________________________
Nagtataglay ng mga pahayag tungkol sa karanasan sa paglalakbay ang lakbay-
sanaysay. Isinusulat ito upang ilahad sa mambabasa ang mga nakita at natuklasan sa
paglalakbay gamit ang pandama, paningin, pakiramdam, panlasa, pang-amoy at pandinig.
Kadalasang pumapaksa sa magagandang tanawin, tagpo, at iba pang mga karanasan
sa paglalakbay ang lakbay-sanaysay. Gayundin, maaari din itong magbigay ng impormasyon
ukol sa mga karanasang di kanais-nais o hindi nagustuhan ng manunulat sa kanyang
paglalakbay (Garcia, 2016).
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Lakbay- Sanaysay
1. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista.
Upang makagawa ng isang masining at makabuluhang sanaysay, dapat isaisip
ng taong naglalakbay na siya ay tutungo sa isang lugar hindi bilang isang turista
kundi manlalakbay. Mahalagang malinaw sa kanyang isip ang kanyang pakay o
layunin. Kadalasan, ang isang turista ay nagpupunta sa isang lugar upang
maglibang, magliwaliw, at makita ang magagandang tanawin, mga gusali, at iba’t
ibang lugar. Karaniwang may nakatakda nang itinerary o talaan ng magagandang
lugar na pupuntahan.
Para sa manlalakbay ay pangalawa lamang ang mga bagay na ito. Kasabay ng
kanyang paglalakbay sa iba’t ibang lugar ay sinisikap niyang maunawaan ang
kultura, kasaysayan, heograpiya, hanapbuhay, pagkain, at maging uri ng pang-araw-
araw na pamumuhay ng mga tao. Mahalaga ang mga ito upang sa kanyang pagsulat
ng kanyang lakbay-sanaysay ay hindi lamang nakabatay sa mga kuhang larawan
ang mga kaisipan o impormasyong itatala kundi malalim siyang maipaliliwanag o
mailalarawan ang mga bagay o lugar na kanyang nakita o namalas.

2. Sumulat sa unang panauhang punto de-bista.


Ginagamit sa pagsulat ng lakbay-sanaysay ang unang panauhang punto de-
bista. Ang karamihan ay mula sa mga nakita, narinig, naunawaan, at naranasan ng
manunulat. Kadalasang napakapersonal ng tinig ng lakbay-sanaysay. Ayon kay
Antonio (2013), ang susi sa mainam na pagsulat nito ay ang erudisyon o pagtataglay
ng sapat na kaalaman at pagkatuto sa isang paglalakbay. Tumutukoy rin ito sa
pagkilala sa sarili at sa pagmumuni sa mga naranasan sa proseso ng paglalakbay.
Bukod sa matamang obserbasyon hinggil sa paligid o mga pangyayari,
mahalagang maranasan din ng manlalakbay ang mga bagay-bagay upang lubos na
maunawaan at mabigyang-kahulugan ang mga pangyayari. Sikaping maisali ang
sarili sa mga gawain bilang bahagi na rin ng imersyon sa mga pangyayari.
Makipamuhay kagaya ng mga taong naninirahan sa lugar na iyong pinuntahan,
kumain ng mga natatanging pagkain ng lugar, makisalamuha sa mga tao at higit sa
lahat ay maging adbenturero. Subukin ang iba’t ibang karanasan at mga hamon
tulad ng pag-akyat sa bundok, paglangoy sa dagat, surfing, pagpasok sa mga yungib,
pagsakay sa mga kakaibang sasakyan o rides, at pagkain ng mga kakaiba at
katutubong pagkain sa lugar. Sa pamamagitan ng pagsasagawa nito, magiging
makatotohanan at may lalim ang gagawin mong paglalahad ng iyong mga
karanasan.
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

3. Tukuyin ang paksa ng susulating lakbay-sanaysay.

Mahalaga rin matukoy kung ano ang magiging paksa ng susulating lakbay-
sanaysay batay sa human interest. Tandaang iba-iba ang kinahihiligan o
kinawiwilihang paksa na maaaring itampok sa paglalakbay at maging sa pagsulat ng
lakbay-sanaysay. Ito ay maaaring ibatay kung ano ang dahilan o layunin ng
paglalakbay.
Ito ay maaaring tungkol sa espiritwal sa paglalakbay gaya halimbawa ng
pagtungo sa Lupang Pangako ng mga Kristiyano o ang pagpunta sa Mecca ng mga
Muslim. Ito ay maaaring pagtatampok naman ng magagandang pook, kilalang
landmark, liwasang simbahan at mga gusali at establisimyento.
Maaari ding gawin paksa ang tungkol sa mga hayop o halaman, mga kakatwa
o kakaibang bagay, mga pagkain, libangan, kultura at marami pang iba.
Maaaring bigyan pansin mismo ang pakikipagsapalaran mararanasan sa
paglalakbay. Ang pagtukoy sa tiyak na paksa ay makatutulong upang matiyak ang
sakop ng nilalaman ng lakbay-sanaysay. Tintawag itong delimitasyon sa pagsulat ng
isang akda.

4. Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa


dokumentasyon habang naglalakbay.
Ang mga pangunahing gamit na dapat dala ng taong susulat ng lakbay-
sanaysay ay ang panulat, kwaderno o dyornal at kamera.
Mahalagang maitala ang pangalan ng mahahalagang lugar, kalye, restoran,
gusali, at iba pa. Ang wastong detalyeng may kinalaman sa mahahalagang lugar na
nakita, nabisita o napuntahan ang magbibigay ng kredibilidad sa sanaysay.
Makatutulong din nang malaki kung makukuhanan ng litrato ang larawan, tao,
o pangyayayri. Mahalaga ito para sa wastong dokumentasyon ng sanaysay. Para sa
mga larawan, mahalagang maglagay ng mga impormasyon para sa mambabasa.
Maaaring ilagay ang eksaktong lokasyon kung saan ito matatagpuan, maikling
deskripsyon nito, o kaya naman ay maikling kasaysayan nito. Iwasang maglagay ng
napakadetalyadong deskripsyon upang ito ay kawilihang basahin ng mga mambabasa.

5. Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay.

Bukod sa paglalahad ng mga karanasan at mga nakita sa paglalakbay,


mahalaga ring maisama sa nilalaman ng sanaysay ang mga bagay na natutuhan
habang isinasagawa ang paglalakbay. Ito ang magsisilbing pinakapaso ng sanaysay
kung saan dito ibabahagi sa mga mambabasa ang mga gintong aral na nakuha bunga
ng epekto ng ginawang paglalakbay. Maaaring talakayin kung paano nabago ang
buhay o pananaw ng may-akda, kung paano umunlad ang kanyang pagkatao mula sa
kanyang ginawang paglalakbay.

6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.

Dahil ang iyong gagawin ay isang lakbay-sanaysay, mahalagang taglayin ng may-


akda ang sapat na kasanayan sa paggamit ng wika. Sikaping ang susulating sanaysay ay
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

maging malinaw, organisado, lohikal, at malaman. Gumamit ng akmang salita batay sa


himig ng lakbay-sanaysay na iyong bubuoin. Maaari ding gumamit ng mga tayutay,
idyoma o matatalinghagang salita upang higit na maging masining ang pagkakasulat nito.
Tiyaking makakukuha ng atensyon ng mambabasa ang iyong akda.
Sa pangkalahatan, sa pagsulat ng lakbay-sanaysay, maging obhetibo sa
paglalatag ng mga impormasyon. Sikaping mailahad ang katotohanan sa pamamagitan
ng paglalahad ng mga positibo at negatibong karanasan at maging ng kundisyon ng lugar
na pinuntahan. Ito ay makatutulong nang malaki sa mga mambabasa.

PAGPAPALAWIG:

ISAGAWA NATIN (Formative Assessment)


A. Manood ng isang episode ng programang pampaglalakbay “Byahe ni Drew”sa telebisyon
(GMA NewsTV) o maaaring pumili ng isa sa mga site na ito para sa programa. Ang kopya
ng nasabing bidyo ay nasa flash drive na kalakip ng modyul na ito.

https://www.youtube.com/watch?v=PFqNzVZP8sw
https://www.youtube.com/watch?v=o3Q3z6J1g6U
https://www.youtube.com/watch?v=iu4sID2db2s
https://www.youtube.com/watch?v=TE9M6vA6jQU
https://www.youtube.com/watch?v=ALaKiZUuIdI

B. Tukuyin ang mga elemento ng paglalahad na nakita rito. Magbigay ng iyong pananaw
kung paano nakatutulong ang mga ganitong programa upang makita hindi lamang ng
mga dayuhan ang kagandahan ng bansa ngunit lalo na ang mga Pilipino.
1. Pamagat ng Programa:
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_____

2. Kailan ito ipinalabas at gaano katagal?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
______

3. Buod/tampok sa Paglalakbay
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

___________________________________________________________________
_____
4. Taglay na elemento ng paglalahad na nakita sa programa
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_____

C. Ang buhay ng tao ay punumpuno ng paglalakbay hindi lamang sa magagandang lugar


kundi maging sa kanyang mga karanasan sa buhay. Ibahagi ang iyong yugto o pangyayari
sa iyong buhay na nakapag-iwan nang malaking aral at marka sa iyong pusong alam
mong makatutulong sa iyo upang lalo kang magpunyagi sa buhay at patuloy na
naglalakbay sa mundong ating ginagalawan. Isulat ang sagot sa kuwaderno sa ibaba.

D. PINAGHANGUAN NG MGA TALA AT GAWAIN:


Garcia, F. (2016). Filipino sa piling larang (akademik). SIBS Publishing House, Inc.
Julian, A. B. at Lontoc, N.(2016). Pinagyamang pluma. Phoenix Publishing House Inc.
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

You might also like