You are on page 1of 27

Panimulang Gawain:

Bigyan ng sariling
caption ang mga
sumusunod na Larawan
ayon sa Lugar na
Ipinapakita.
e lco m e to
W
Boracay
Mahalaga ba sa inyo
ang paglalakbay?
Bakit mahalaga na
maibahagi sa iba ang
ating karanasan sa
Paglalakbay?
PAGSULAT
NG
LAKBAY-
Lakbay Sanaysay
- Tinatawag ding travel essay
o travelogue.
- Ito ay isang uri ng
lathalaing may
pangunahing layuning
maitala ang mga nagiging
karanasan sa paglalakbay.
Ayon kay Nonong Carandang
- Tinawag niyang sanaylakbay
ang lakbay sanaysay kung saan,
ang terminolohiyang nabuo ay
galing sa konsepto ng Sanaysay,
Sanay at Lakbay.
KATANGIAN NG LAKBAY-
SANAYSAY
 Ito ay personal at kalimitang
nakakapang-akit ng mambabasa.
 Mas marami ang teksto kaysa sa
mga larawan.
 Naglalaman ng mga larawan at
paksa tungkol sa lugar.
Mga Dahilan ng Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
1. Upang maitaguyod ang isang lugar
at kumita sa Pagsusulat.
• Mga travel blog na itinuturing na
libangan at gayundin ay maaaring
pagkakitaan.
• Ang mga blog ay naglalaman ng
mga pagsasalaysay ng may-akda ng
kanyang paglalakbay.
2. Upang maidokumento ang
kasaysayan, kultura at Heograpiya ng
lugar sa malikhaing paraan
• Magandang halimbawa nito ay ang
ginawa ni Antonio Pigafetta na
tumungo sa Pilipinas kasama si
Magellan kung saan siya ang
nagtala ng mahahalagang datos na
kanilang Nakita sa Pilipinas.
3. Upang makalikha ng Patnubay
para sa mga posibleng
manlalakbay.
• Mahalagang alamin ang
mga kasaysayang taglay o
katangian ng kultura ng
bansang pinupuntahan.
4. Upang maitala ang pansariling
kasaysayan sa Paglalakbay tulad ng
Espiritwalidad, Pagpapahilom o Kaya’y
Pagtuklas sa sarili.
• Hal. Daily Journal o Diary
• Itinatala sa Journal ang mga
realisasyon at natutunan sa
proseso ng paglalakbay.
Mga Dapat Tandaan
1.Magkaroon ng Kaisipang Manlalakbay sa
Halip na isang Turista.
- Mahalagang malinaw sa isipan ang pakay at
layunin sa paglalakbay upang makagawa ng
isang masining at makabuluhang lakbay-
sanaysay.
2. Sumulat sa unang panauhang Punto de-bista
- Ayon kay Antonio (2013), ang susi sa mainam
na pagsulat ay ang erudisyon o ang pagtataglay
ng sapat na kaalaman at pagkatuto sa
paglalakbay.
• Bukod sa matamang obserbasyon,
mahalagang maranasan din ng
manlalakbay ang mga bagay-bagay
upang lubos na maunawaan at
mabigyang kahulugan ang pangyayari.
• Sikaping maisali ang sarili sa bawat
bahagi ng imersyon sa paligid at
subukin ang iba’t-ibang karanasan at
hamon na maaaring gawin sa lugar.
3. Tukuyin ang pokus ng susulating
Lakbay-sanaysay.
• Mahalagang matukoy ang pokus
ng sulatin batay sa human
interest. ( Layunin o dahilan)
• Tandaang iba-iba ang
kinahihiligang paksang maaaring
itampok sa paglalakbay at maging
pagsulat ng lakbay-sanaysay.
• Maaari ring gawing paksa ang
tungkol sa hayop, halaman, kakatwa,
libangan, kultura, pagkain at iba pa.
4. Magtala ng mahahalagang detalye at
kumuha ng mga larawan
• Pangunahing gamit na dapat dala
ng taong susulat ng lakbay
sanaysay ay ang panulat, kwaderno
o dyornal at kamera.
• Itala ang mahahalagang lugar, kalye,
restoran, gusali at iba.
• Ang wastong detalye ay nagbibigay
ng kredibilidad sa sanaysay.
• Para sa mga larawan, mahalagang
maglagay ng mga impormasyon para
sa mambabasa.( Eksaktong lokasyon,
maikling deskripsyon o kaya naman
maikling kasaysayan
5. Ilahad ang mga reyalisasyon o mga
natutunan sa ginawang paglalakbay
• Ito ang magsisilbing pinakapuso ng
sanaysay kung saan ibabahagi ang
gintong aral mula sa paglalakbay.
• Maaaring talakayin kung paano ang
buhay o pananaw, paano umunlad
ang pagkatao ng isang tao mula sa
kanyang karanasan.
6. Gamitin ang Kasanayan sa Pagsulat
ng Sanaysay
• Mahalagang taglayin ng may-akda ang
sapat na kasanayan sa paggamit ng wika.
• Sikaping sumulat ng malinaw,
organisado, lohikal at malaman na
sanaysay, maaaring gumamit ng mga
tayutay, idyoma o matatalinghagang
salita upang mas maging masining ang
pagkakasulat.
• Sa pangkalahatan, maging obhetibo
sa paglalatag ng mga impormasyon
sa pamamagitan ng paglalahad ng
katotohanan positibo man o
negatibong karanasan at maging
kondisyon ng lugar na pinuntahan.
• Sikaping hindi nakatuon sa sarili ang
mga larawan, kung hindi sa
magagandang larawang kailangan
upang mapagtibay ang sanaysay.
KAHALAGAHAN
o Magiging paraan upang maibahagi ang
naging karanasan ukol sa ating mga
nakikita sa ating paglalakbay.
o Mapupukaw ito sa realidad
o Makapagbibigay ng malalim na
kabatiran at kakaibang anggulo
tungkol sa isang destinasyon.
o Makikilala ang lugar na itinampok sa
lakbay-sanaysay
o Magkaroon ng maraming kaalaman ang
mambabasa at ang manunulat ukol sa lugar
na inilalarawan o inilalahad ng sanaysay
o Napahahalagahan at mapahahalagahan ng
mga tao ang lugar o kulturang itinalakay.
o Nagbubukas ng kaalaman sa mga taong
mahilig maglakbay
o Nagdadala ng damdaming pagpapahalaga
at respeto sa kalikasang bigay ng maykapal
at mga kultura o anumang makikita sa
ibang lugar.
TANDAAN
THANK
YOU Prepared by:
Margie B. Almoza
INDIVIDUAL PROJECT
 Gumawa ng collection of Collage tungkol sa mga
paglalakbay na iyong ginawa.
a. Lagyan ng caption ang bawat larawan.
b.Lagyan ng design ang mga ito.
c. Gawin ito sa A4 o short bond paper.
d.Lagyan ng Cover Page ang iyong Gawain.
Mga dapat isulat sa Cover page
1.Pangalan at Address ng iyong Paaralan.
2.Titulo ng Gawain
3.Submitted by
4.Submitted to
5.Date of Submission
Ipapasa ang mga ito sa November 24, 2022
Alejo M. Pacalso Memorial National High School- MAIN
Bua Tuding, Itogon, Benguet

COLLAGE COLLECTION
(MGA LUGAR NA AKING NILAKBAY)

Submitted by:
JUAN DELA CRUZ

Submitted to:
JUANA DELA CRUZ

Date Submitted:
November 24, 2022

You might also like