You are on page 1of 3

Ano nga ba ang Lakbay Sanysay?

Ang lakbay-sanaysay ay isang uri ng sulating tumatalakay sa karanasan sa


paglalakbay. Ngunit hindi lamang ito tungkol sa paglalarawan ng mga lugar
o tao. Ang sulating ito ay tungkol sa kung ano ang natuklasan ng manunulat
tungkol sa lugar na pinuntahan niya, sa mga taong nakasalamuha niya, at
higit sa lahat, tungkol sa kaniyang sarili. Kung gayon, ang pagsulat ng
lakbay- sanaysay ay isang paraan ng pagkilala sa sarili. Ang lakbay-
sanaysay ay hindi parang diary. Hindi basta lamang isusulat ang lahat ng
nakita, nalasahan, narinig, naamoy, naramdaman, o naisip sa paglalakbay.
Hindi ito rekord o simpleng pagdudugtong-dugtong ng mga pangyayari.
Nangangailangan ang sulating ito ng malinaw na pagkaunawa at perspektiba
tungkol sa naranasan habang naglalakbay (O'Neil, 2005). Mahalagang Ideya
Ang lakbay-sanaysay ay hindi isang sulating lamang naglalarawan sa
pinuntahang lugar, kundi nagbibigay ng malalim na pagkaunawa tungkol
dito at tungkol sa sarili. Isa sa mga popular na sulatin ang lakbay-sanaysay.
Mag-browse lamang sa Internet at sari-saring travel blogs na ang makikita
na iba-iba ang estilo ng pagkakasulat may seryoso, may magaang basahin,
may nagpapatawa. Ang ilan ay nagbibigay lamang ng impormasyon,
samantalang ang iba ay insight ang iniiwan sa mga mambabasa. May
mahuhusay ang pagkakasulat: impormatibo, nakaaaliw, at puno ng
inspirasyon. Ngunit may ilan din namang hindi mahusay ang pagkakasulat:
nagkukulang sa paglalarawan, hindi lohikal ang ayos ng mga talata,
gumagamit ng malalalim na salita, kulang sa repleksiyon, at iba pa.

Tungkol Saan o Kanino ang Lakbay-Sanaysay?

Ang lakbay-sanaysay ay tungkol sa lugar. Ang tuon dito ay sa lugar na


pinuntahan. Ano- ano ang mga kilalang destinasyon dito? Nagpunta ka ba sa
mga di-gaanong pinupuntahan ng mga turista? Nagandahan ka ba sa
arkitektura at pampublikong eskultura? Buhay na buhay ba ang lungsod?
Masarap ba ang pagkain? Kumain ka ba ng kakaibang putahe? Inilalarawan
dito ang mga nakita, narinig, naamoy, nalasahan, at naramdaman sa lugar na
pinuntahan. Sa paglalakbay, hindi maiiwan ang paghahambing sa lugar na
pinanggalingan at pupuntahan. Sa pamamagitan nito, mas nakikilala ang
pinanggalingan biglang nakikita ang hindi karaniwang nakikita, naaamoy ang
hindi naamoy o iniiwasang amuyin, nalalasahan ang matagal nang hindi
nalalasahan. Sabi nga ng mararaming manlalakbay, kailangang lumayo
upang lubos na makilala ang pinanggalingan. Ang lakbay-sanaysay ay
tungkol sa ibang tao. Kumusta ang mga tao sa tao sa iyong pinuntahan? Ano-
ano ang mga nagustuhan at inayawan mo sa kanila? Katulad ba sila ng mga
Pilipinong palangiti, magalang, at magiliw sa mga panauhin? Ano ang katangi-
tangi sa kanila? Anong karanasan mo na kasama sila ang sa sarili ang mga
dahilan kung bakit hindi mo malilimutan? Sino-sino ang mga nakasama mo sa
paglalakbay? Sila ba ay kapamilya, kaibigan, ito mahal.

Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

Paano magsulat ng isang mahusay na lakbay-sanaysay? Magsaliksik tungkol


sa lugar na pupuntahan. Magbasa tungkol sa kasaysayan at kultura nito.
Maging pamilyar sa politika, ekonomiya, at mga tradisyon at relihiyon sa
pupuntahang lugar. Makapagbibigay ito ng mga kaalamang tiyak na
magagamit kapag naglalakbay na. Habang naglalakbay, danasin ang lahat ng
nasa paligid. Amuyin ang mga bulaklak, tikman ang tsaa, pakinggan ang
tunog ng lengguwaheng hindi pamilyar, damhin ang init ng araw o lamig ng
niyebe. Maglakad-lakad. Kausapin ang mga lokal na tao, kilalanin ang sariling
kultura. Ibahagi rin sa kanila ang sariling kultura. Huwag magkulong at
magpakabulok sa hotel. Walang maisusulat kung nakahiga lamang sa
malambot na kama sa tinutuluyan.

Ngayon, paano mo isusulat ang iyong mga naging karanasan sa


paglalakbay? Maaaring gumamit ng mga elemento ng katha upang bigyan ng
buhay Makatutulong ang paggamit ng diyalogo, ritmo, imahen, ang sulatin.
mga eksena sa pagbibigay ng kulay sa sanaysay. Ngunit siguruhin pa ring
wasto ang facts at huwag mag- imbento. Gamitin ang unang panauhang
punto de bista, ngunit tiyaking magiging diary ang lakbay-sanaysay. Planuhin
muna ang organisasyon ng sanaysay bago isulat. Huwag itong limitahan sa
paglalarawan at pagbibigay lamang ng impormasyon. Kailangang maipakita
sa mambabasa na may malalim at malinaw na pagkaunawa ang naging
paglalakbay. Maaaring simulan ang sanaysay sa isang maikling anekdotang
naglalatag sa pangkalahatang tono at mensahe nito. Tiyaking mahahatak ang
atensiyon ng mambabasa. Ito ay upang hindi sila bumitiw sa pagbabasa.
Huwag simulan ang sanaysay, halimbawa, sa pagsakay sa bus o sa eroplano.
Magsimula agad sa pangyayaring maaaring bumingwit sa interes ng
mambabasa. Iwasan ang mga cliché o gasgas nang paglalarawan tulad ng:
"pagsasalubong ng langit at dagat", "sumilip ang araw sa likod ng mga
bundok", at iba pa. Sikaping bumuo ng orihinal na paglalarawan. Iwasan din
ang paggamit ng mga salita o pariralang hindi naman ginagamit sa pang-
araw-araw na pakikipagtalastasan. Maging natural sa pagsulat. Huwag
magpasikat. Iwasan ding magpatawa kung hindi naman nakakatawa ang tono
ng sanaysay.

You might also like