pangunahing layunin ay magtala ng mga naging karanasan sa paglalakbay.
Ito ay naglalarawan hindi lamang ng damdamin ng
maglalakbay pati na rin ng mga lugar na kanyang napuntahan kasama na dito ang mga tradisyon, kultura, mga tao maging ang kasaysayan ng isang lugar. LAKBAY-SANAYSAY (TRAVELOGUE)
Karaniwan itong sinusulat sa pamamaraang
paningin, pakiramdam, panlasa, pang-amoy, at pandinig upang mas mailarawan ng mga mambabasa o tagapakinig ang karanasang inihahandog ng manunulat sa kanilang imahinasyon. DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG LAKBAY- SANAYSAY
• Magkaroon ng kaisipang manlalakabay sa halip na
isang turista. • Sumulat sa unang panauhang punto de-vista. • Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay. • Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa dokumentasyon habang naglalakabay • Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay. ELEMENTO SA PAGLALAHAD
Sa pagsulat naman ng lakbay sanaysay,
kailangang isaalang-alang ang mga elemento ng paglalahad upang makabuo ng isang mahusay at makabuluhang sanaysay. Ang mga ito ay kalinawan, katiyakan, kaugnayan at diin.