Ang sanaysay ay tinatawag na “essay” sa wikang ingles. Ito ay isang uri ng sulatin na nagpapahayag ng pananaw o opinyon ng nagsulat nito. Ang isang sanaysay ay may pokus sa iisang diwa at paksa. Ang mga sanaysay ay may layong magbahagi ng impormasyon, magpahayag ng nararamdaman, magbahagi ng opinyon, manghikayat ng ibang tao, at iba pa. Tinuturing ang Sanaysay bilang isang uri ng pantikan na hindi mauubusan ng gamit. Iba-iba ang maaring maging porma nito. Maaring personal, na parang nakikipagusap, o kaya naman analitikal at siyentipiko. Gumagamit ito ng pagsasalaysay, paglalarawan o pagpapatawa upang magpahayag ng katotohan o kaya mga karaniwang karanasan ng tao. Maari itong maikli o mahaba, at walang hadlang sa dami ng mga maaring isulat bilang isang sanaysay. Iba-iba rin ang maaring paraan ng pagsusulat ayon sa personalidad ng may-akda. Nagmula ang salitang sanaysay sa makatang si Alejandro Abadilla, na nangangahulugang pagsasanay sa pagsusulat ng isang sanay o nakasulat na karanasan.
Dalawang (2) Uri ng Sanaysay
Nahahati ito sa dalawang uri ayon kay Genoveva Edroza Matute: 1. Palagayan/Impormal Palagayan / impormal – malikhaing paghahayag ng saloobin mula sa mga personal na karanasan o obserbasyon sa mga bagay sa paligid. 2. Maanyo/Impormal Maanyo / pormal – diskusyon ng mga seryosong paksa batay sa pagsasaliksik at pag-aaral ng mga impormasyon. Maari ring igrupo ang sanaysay bilang satirikal, pulitikal, panlipunan pangkasaysayan, pilosopikal, ispiritwal, inspirasyonal, pampanitikan o patawa, ayon kay Abadilla. Ngunit madalas na naghahalo ang mga anyong ito. MGA LARAWAN NG HANAPBUHAY