You are on page 1of 6

SANAYSAY

Alam mo ba...
ang sanaysay ay ginagamit upang
makapagbigay ng mahahalagang kaisipan
tungkol sa paksang nais nitong talakayin?
Ang mahahalagang kaisipan sa sanaysay ay
tumutukoy sa mahahalagang impormasyong
ibinibigay nito sa mambabasa.
Ang mahahalagang impormasyong
ito ay maaaring isulat nang
pabalangkas. Ang balangkas ay
isang lohikal o kaya'y kronolohikal
at pangkalahatang paglalarawan ng
paksang isusulat. Ito rin ay isang
panukalang buod ng komposisyon.
Ang talumpati ay isang halimbawa ng
sanaysay.Ang sanaysay ay isang uri ng
panitikan na nasa anyong tuluyan na
ipinahahayag ang sariling kaisipan,
kuro-kuro, saloobin, at damdamin na
kapupulutan ng aral, aliw ng
mambabasa.
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito'y
"pagsasalaysay ng isang sanay". Noong
1580,isinilang ito sa Pransiya at si
Michel de Montaigne ang tinaguriang
"Ama ng Sanaysay". Ito ay tinawag
niyang essai sa wikang Pranses na
nangangahulugang isang pagtatangka,
isang pagtuklas,isang pagsubok sa anyo
ng pagsulat.
Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal
o personal. Naririto ang pagkakaiba ng dalawa:

Pormal Di-Pormal o Personal


Nagbibigay ng Nagsisilbing aliwan/libangan.
impormasyon.
Nagbibigay ng mahahalagang Nagbibigay lugod sa
kaisipan,o kaalaman sa pamamagitan ng
pamamagitan ng makaagham pagtalakay sa mga paksanh
at lohikal na pagsasaayos sa karaniwan, pang-araw-
paksang tinatalakay.
araw, at personal.

You might also like