You are on page 1of 29

PICTORIAL ESSAY

Ito ay isang uri ng pagsulat na ginagamitan


ng mga larawan na may kaugnayan sa
bawat isa. Umiikot sa isang tema o paksain
na kinapapalooban ng opinyon o saloobin
ng isang manunulat. Maari itong personal
na paniniwala sa isang partikular na isyu,
usapin o paksa na mayroong repleksyon ng
kultura, paniniwala, tradisyon, pulitika at
iba pang mga tema ng sulatin. Maari itong
maging simple o malikhaing pagsulat.
Mga
dapat tandaan
sa pagsulat
ng
pictorial essay
1. ISAALANG-ALANG ANG URI NG
MAMBABASA.

- Ang mga larawan, wikang


gagamitin at paksa ay
nararapat na nakabatay sa
edad, kaisipan at interes ng
target mong audience.
2. ANG MGA LARAWAN AY
NARARAPAT GAMITIN UPANG
MATAMO ANG IYONG LAYUNIN.
- Sa bawat akdang iyong lilikhain
ay nakapaloob ang iba’t ibang
layunin kaya’t maging maingat sa
pagpili ng angkop na larawan.
3. KUMUHA NG MARAMING
LARAWAN NGUNIT SIGURADUHIN
ANG KAISAHAN NITO.
- Dahil wala namang limitasyon
ang pagkuha ng larawan gamit
ang camera o cellphone, mainam na
mas maraming larawan ang
pagpipilian upang matiyak na ang
mensahe ng pictorial essay ay
maipaabot sa tulong ng mga ito.
4. NAKAPUPUKAW NG KAWILIHAN
AT DAMDAMIN.

- Higit na nauukol sa
pagpapahalaga o mga
kuwentong nag iiwan ng aral
sa isip at puso ng mga
mambabasa.
5. GAMITIN ANG MGA LARAWAN
BILANG GABAY SA PAGLIKHA NG
MAKABULUHANG PICTORIAL ESSAY.

- Tiyakin na ang mga imaheng


ito pa ring ang mangingibabaw
sa kabuoan ng akda.
6. SISTEMATIKO
AT
ORGANISADO
- Siguraduhing ang paraan ng
pagkakalahad ng nilalaman ay
sistematiko at organisado.
7. ISINAAYOS AT PINAG-ISIPAN

- Ang paglalagay ng larawan ay


dapat na isinaayos o pinag-
isipang mabuti sapagkat ito ang
magpapakita ng kabuoan ng
kuwento o kaisipang nais
ipahayag.
8. NAKATALANG SULAT
O
KATITIKAN

- Ang mga nakatalang sulat o


katitikan sa bawat larawan ay suporta
lamang kaya’t hindi ito
kinakailangang napakahaba o
napakaikli. Kailangang makatutulong
sa pag-unawa at makapukaw sa
interes ng mambabasa.
9. MAIPAKITA SA KABUOAN
ANG LAYUNIN NG PAGSULAT
O
PAGGAWA NG PICTORIAL ESSAY

- May isang paksang nais bigyang-


diin sa mga larawan kaya’t hindi
maaaring maglagay ng mga larawang
may ibang kaisipan o lihis sa paksang
nais bigyang-diin.
10. MANONOOD
AT TITINGIN NG IYONG PHOTO ESSAY

- Isipin ang mga manonood o titingin ng


iyong photo essay kung ito ba ay mga
bata, kabataan, propesyonal, o masa
upang maibatay sa kanilang kaisipan at
interes ang mga larawang ilalagay
gayundin ang mga salitang gagamitin sa
pagsulat ng mga caption.
MGA KATANGIAN
NG
PICTORIAL ESSAY
1. MALINAW NA PAKSA

- Siguraduhing nauunawaan mo
at mayroon kang malawak na
kabatiran hinggil sa paksa. Ang
mga larawang nakapaloob dito ay
nararapat na may kaugnayan
lamang sa isang kaisipang nais
bigyang-diin sa akda.
2. POKUS

- Huwag na huwag lunihis sa paksa.


Ang iyong malalim na pag-unawa,
pagpapahalaga at tamang
obserbasyon sa paksa ay mahalagang
sangkap tungo sa matagumpay na
pictorial essay.
3. ORIHINALIDAD/SARILING LIKHA

- Higit na magiging makabuluhan


ang iyong akda kung ang mga
larawan, paraan ng paglalahad at
pagbibigay-kahulugan sa
mensaheng nais ipaabot nito ay
nagmula sa sariling ideya.
4. ORGANISADO

- Nararapat na ang mga larawan


ay nakaayos ayon sa lohikal na
pagkakasunod-sunod.
Kinapapalooban din ito ng
malinaw, malaman at kawili-
wiling panimula, katawan at
wakas.
5. KAWILIHAN

- Gumamit ng mga pahayag na


nagpapahiwatig na kinawiwilihan mo
ang iyong paksa nang kawilihan din
ng mga mambabasa.
6. KOMPOSISYON

- Yung mga artistik na kuha.


Ikonsider ang kulay, ilaw at
balanse ng komposisyon.
7. MAHUSAY NA PAGGAMIT NG WIKA

-iorganisa ng maayos ang teksto.


Sikapin din ang kawastuhang
gramatikal sa pagsulat. Ang mga
pagkakamali sa baybay, bantas,
ganit ng salita at iba pang tuntuning
pangwika ay mga kabawasan sa
husay ng pictorial essay.
HAKBANG SA
PAGSULAT/PAGGAWA
NG
PICTORIAL ESSAY
1. Pumili ng paksa
at
tema
2. Magsagawa ng pananaliksik
bago isagawa ang photo essay.
3. Hanapin ang “Tunay na Kuwento”.
Matapos ang pananaliksik, maari
munang matukoy ang anggulo na
gusto mong dahin ang kuwento kahit
na ang bawat ideya ng kwento ay
pareho. Ang pangunahing mga
dahilan ng bawat larawan ay
nararapat na lumikha ng isang
kapani-paniwala at natatanging
kwento.
4. Ang kwento ay binuo upang
gisingin ang damdamin ng
mambabasa. Pinakamahusay na
paraan upang ikonekta ang iyong
sanaysay larawan sa madla ay ang
mga damdaming nakapaloob sa
kuwento at gamitin ito sa mga
larawan.
5. Pagpasyahan ang mga kukunang
larawan. Magsimula sa paglikha ng isang
listahan ng mga kuha para sa kuwento.
Ang bawat “shot” ay tulad ng isang
pangungusap sa isang kuwento sa isang
talata. Maari kang magsimula sampu (10)
“shot”. Ang bawat “shot” ay bawat
bigyang-diin ang iba’t ibang mga
konsepto o emosyon na maaring
pinagtagpi kasama ng iba pang mga
larawan.
SANGKAP

1. larawan - pinakainiikutan ng
pictorial essay. Ito ay nagsisilbing
puso dahil nakadepende sa larawan
kung ano ang kapsyon ng itong mga
ilagagay sa bawat larawan.
2. teksto - kapsyon na kinakailangan
sa mga larawan. Ito ay magsisilbing
pang-uri sa gagawin mong pictorial
essay.
LAYUNIN

-Layunin nito na pukawin ang


atensyon ng mga tao at magkaroon
ng interes sa pagbabasa.
-Nakadadagdag atensyon ang isang
larawan at maipapaliwanag nang
maayos dahil may larawan na
kaakibat ito.

You might also like