You are on page 1of 1

Bionote ni Gng.

Alma Dayag

Si Alma M. Dayag ay nagtapos ng Bachelor of Science in Elementary and


Secondary Education magna cum laude at ng Master of Arts in Teaching Filipino
Language and Literature sa Philippine Normal University. Nakapagturo siya ng
Filipino sa loob ng dalawampu’t limang taon at nakapanglingkod bilang
homeroom chairman, koordineytor ng Filipino at Sibika/HeKaSi at Assistant
principal for Academics sa St. Paul College Pasig. Nakadalo na rin siya sa iba’t
ibang kumperensyang pangguro sa iba’t ibang bansa tulad ng Amerika, Singapore,
China (Macau) at Thailand. Ang mga makabagong kaalamang natutuhan niya sa
mga kumperensyang ito ay nakatulong nang malaki sa kanyang pagbabahagi ng
kaalaman at kasanayan sa pagiging trainer-facilitator ng mga seminar-workshop
na pangguro sa iba’t ibang panig ng bansa.

Siya ay accreditor din ng Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges,


and Universities o PAASCU. Kontribyutor din siya sa ilang magasing pambata
gayundin sa mga magasin at journal na pangguro. Subalit ang itinuturing niyang
pinakamahalagang katungkulan at biyaya mula sa Maykapal ay ang pagiging
simpleng maybahay at ina ng tatlong supling siya niyang inspirasyon sa pagsulat
ng mga aklat na kanyang iniaalay sa lahat ng mga batang Pilipino.

You might also like