Ang Bionote ni Bb.
Rostiff Franzlyn
Parmisano Siringan
Siya ay nagtapos ng elementarya sa
paaralang Maguilling Elementary School
(MES) at tumanggap ng award na
National Music Competion for Young
Artist (NAMCYA) Singer of the Year.
Nagtapos siya ng sekundarya sa Our Lady of Piat High School (OLOPHS)
at naparangalang Treasure Keeper.
Dahil sa kaniyang kasipagan, determinasyon, at tiyaga, nagtapos siya ng
Bachelor of Science in Hospitality Industry Management (BS HIM) sa
paaralang University of Saint Louis (USLT) noong 2013. Sa parehong
taon, nagturo siya sa Our Lady of Piat High School sa asignaturang
Values Education sa loob ng isang taon. Noong 2014, nag apply siya
bilang isang non-teaching office staff hanggang sa kasalukuyan. Isa siya
sa mga mahuhusay na mang-aawit sa simbahan ng St. Dominic De
Guzman Parish Piat, Cagayan kung saan naroroon anng ating Inang
Birhen Maria na mas kilala sa tawag na Our Lady of Piat.
Sa kasalukuyan, siya ay isang non-teaching staff ng OLOPHS at
nagtuturo rin siya ng mga awitin na sagrado o liturgical songs. Siya rin
ay isang mang-aawit sa nasabing paaralan at isang mahusay na staff.
Naniniwala siya sa katagang “Just Serve Him” na ginawa niyang
inspirasyon upang makapagtapos ng pag-aaral.