KAAYUSAN NG PAGTATALAGA AT PAGLILIBING
SALITA NG KASIGURADUHAN Pastor
“
Isang hiwaga ang sinasabi ko sa inyo, hindi lahat tayo'y mamamatay ngunit lahat tayo'y babaguhin. Ang ating katawang
nabubulok ay mapapalitan ng hindi nabubulok, at ang katawang namamatay ay mapapalitan ng katawang hindi namamatay.
Kapag ang nabubulok ay napalitan na ng di nabubulok, at ang may kamatayan ay napalitan na ng walang kamatayan,
matutupad na ang sinasabi sa kasulatan: “Nalupig na ang kamatayan; lubos na ang tagumpay!” “Nasaan, O kamatayan, ang
iyong tagumpay? Nasaan, O kamatayan, ang iyong kamandag?” Magpasalamat tayo sa Diyos na nagbibigay sa atin ng
tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo!” 1 Corinthians 15:51, 53, 54 b-55, 57
Pastor: Tayo ay manalanagin
LAHAT: O AMING DIYOS, KAYO ANG LUMIKHA NG LAHAT MAGAGANDANG BAGAY SA LANGIT AT SA LUPA.
BIGYAN NIYO PO KAMI NG PANANAMPALATAYA NA SA BAWAT ARAW AT BAWAT GABU, SA LAHAT NG LUGAR,
KAMI AY WALANG TAKOT NA MAGTALAGA NG AMING MGA SARILI GANUN DIN NG AMING MGA MINAMAHAL SA
BUHAY PATUNGO SA IYONG WALANG HANGGANG PAG-IBIG, SA BUHAY NA ITO AT SA BUHAY PA NA DARATING.
AMEN.
SALITA MULA SA BANAL NA KASULATAN 1 PETER 1:3-
9
ALL: Pasalamatan natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo'y
binigyan niya ng isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Ito ang nagbigay sa atin ng
isang buháy na pag-asa na magmamana tayo ng kayamanang di masisira, walang kapintasan, at di kukupas na inihanda ng
Diyos sa langit para sa inyo. Sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, iniingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos habang
hinihintay ninyo ang kaligtasang nakahandang ihayag sa katapusan ng panahon. Ito'y dapat ninyong ikagalak, kahit na maaaring
magdanas muna kayo ng iba't ibang pagsubok sa loob ng maikling panahon. Ang ginto, bagama't nasisira, ay pinapadaan sa
apoy upang malaman kung talagang dalisay. Gayundin naman, ang inyong pananampalataya, na higit na mahalaga kaysa ginto,
ay sinusubok upang malaman kung ito'y talagang tapat. Sa gayon kayo'y papupurihan, dadakilain at pararangalan sa Araw na
mahayag si Jesu-Cristo. Hindi ninyo siya nakita ngunit siya'y inibig ninyo. Hindi pa rin ninyo siya nakikita hanggang ngayon,
ngunit sumasampalataya kayo sa kanya. Dahil dito'y nag-uumapaw na sa inyong puso ang kagalakang di kayang ilarawan sa
salita, sapagkat tinatanggap na ninyo ang bunga ng inyong[a] pananampalataya, ang kaligtasan ng inyong buhay.
PANALANGIN NG PARANGAL
ALL: Dakila naming Diyos, sa inyong mga kamay aming itinatagubilin ang iyong anak, ROSENDO ALCASUDA, ng may
kasiguraduhan at pag-asa muling pagkabuhay patungo sa buhay na walang hanggan buhat kay Jesu-Cristo na ating Panginoon.
AMEN.
SALITA NG PAGTATALAGA Pastor
Itinatalaga at inilalagak namin ang katawang ito, lupa sa lupa, abo sa abo, alabok sa alabok. Pinagpala ang mga nangamatay,
na pumanaw sa piling at presensiya ng ating Diyos.
PANALANGIN NG PAGTATALAGA Pastor
Walang hanggang Diyos, ibinahagi mo ang buhay ni ROSENDO ALCASUDA sa kanyang pamilya, kaibigan at mga
nagmamahal sa kanya. Siya ay buhat sa iyo, at tanging sa iyo. Ang lahat ng ibinahagi niya sa amin ay naging dahilan ng aming
pagkatuto at paglago. Sa pamamagitan ng buhay niya, dumaloy sa amin ang dakilang pag-ibig niyo O Diyos na kumukupkop at
kumakalinga sa amin, dahil dito kami ay lubos na nagpapasalamat. Sa aming pagtatalaga sa aming kapatid na ROSENDO,
ibinabalik namin sa iyong piling. Aliwin niyo po kami sa aming kalungkutan, palakasin niyo po kami sa aming kahinaan, at
pagkalooban niyo po kami ng kakayahan na harapin ang buhay ng may pag-asa. Ilapit niyo po kami sa mga taong nanatiling
kasama naming, tulungan niyo po kaming maging tapat sa Inyo at sa kanila, bigyan niyo po kamin ng kapanatagan at kagalakan
buhat kay Jesu-Cristo na aming Panginoon. Amen
ANG “AMA NAMIN”
‘Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang iyong pangalan. Dumating nawa ang iyong kaharian. Masunod nawa ang iyong
kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit. Bigyan mo kami ng aming pagkain sa araw-araw; at patawarin mo kami sa aming mga
kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas
mo kami sa Masama!
Sapagkat iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailanman! Amen.
BENEDIKSYON Pastor
Sa kanya na makapag-iingat sa inyo upang hindi kayo magkasala, at makakapagharap sa inyo nang walang kapintasan at may
malaking kagalakan sa kanyang kaluwalhatian, sa iisang Diyos na ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na
Panginoon natin, sa kanya ang kaluwalhatian, kadakilaan, kapamahalaan at kapangyarihan, mula pa noong una, ngayon at
magpakailanman! Amen.
THREEFOLD AMEN