You are on page 1of 3

topic: Ang kapayapaang mula sa Dios.

text: 2 cor 13:11

2 Corinthians 13:11. Sa katapustapusan, mga kapatid, paalam na. Mangagpakasakdal kayo; mangaaliw
kayo; mangagkaisa kayo ng pagiisip; mangabuhay kayo sa kapayapaan: at ang Dios ng pagibig at ng
kapayapaan ay sasa inyo.

intro :

- Maraming tao sa ating panahon ang naghahangad ng buhay na mapayapa,


- Kapayapaan na mula sa sakit, takot, kremin, politika.

2 Uri ng kapayapaan
1.) Kapayapaang mula sa sanlibutan.
2.) Kapayapaang mula sa Dios.

Body:

* Ano ang kapayapaang mula sa sanlibutan?


1.) Lumilipas
- Kapag may pera may kapayapaan, kapag wala ng pera magulo na.
- Pag may pera maraming kaibigan, pag wala na, wala na rin kaibigan.
Matthew 6:21 Sapagka't kung saan naroon ang iyong kayamanan, doon naman doroon ang iyong puso.

2.) Artipisyal / hindi totoo


- Ang sabi kapag mayaman kana, payapa na isip mo.
- hindi rin totoo.
- hindi mapayapa kung saan gagamitin ang pera.
- ocean gate

* Ano ang kapayapaang mula sa Dios.?

1.) isaias 54:10- Mananatili at di nawawala.

Isaiah 54:10 Sapagka't ang mga bundok ay mangapapaalis, at ang mga burol ay mangapapalipat; nguni't
ang aking kagandahang-loob ay hindi hihiwalay sa iyo, o ang akin mang tipan ng kapayapaan ay maalis,
sabi ng Panginoon na naaawa sa iyo.
- lumipat nlng ang bundok at burol, ang kapayapaan ng Dios di mawawala.

John 16:33 Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon sa akin ng kapayapaan.
Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: nguni't laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang
sanglibutan.
- natural ng kapighatian, pero ang sabi ng Dios laksan ntin ang ating loob.
- mapanatanag tayo, manatili sa kapayapaang binigay ng Dios.
Ito ang biyaya sa atin na mga nasa paglilingkod sa tunay na Iglesia, panatag tayo.

Philippians 4:6 Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa
pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga
kahilingan sa Dios.
- idinadaan ntin sa prayer ang lahat ng bagay.

2.) awit 119:165 - Sakdal sa Pag ibig


- Di na natitisod.

Psalms 119:165 Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan. At sila'y walang
kadahilanang ikatitisod.
- kapag meron tayong kapayapaan sa ating mga puso, hindi na tayo natitisod, nagiging sakdal pa tayo sa
paglilingkod.

1 John 4:18 Walang takot sa pagibig: kundi ang sakdal na pagibig ay nagpapalayas ng takot, sapagka't ang
takot ay may kaparusahan; at ang natatakot ay hindi pa pinasasakdal sa pagibig.
- kapag sakdal na ang ating pag ibig, hindi na tayo matatakot.
- anu man ang dumating, payapa tayo.

3.) efeso 2:13-14- Nag lalapit ng kaugnayan sa Dios

Ephesians 2:13 Datapuwa't ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo ay inilapit sa
dugo ni Cristo.
Ephesians 2:14 Sapagka't siya ang ating kapayapaan, na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang
pader na nasa gitna na nagpapahiwalay,
- nung hindi pa tayo nakatanggap ng kapayaan, malayo pa tayo sa Dios,
- at ang Dios ay wala doon sa mga taong walang kapayapaan.
- parang kalapati, pag magulo at walang kapayapaan ang kanyang paligid o environment lumalayas daw.

Acts 9:31 Sa gayo'y nagkaroon ng kapayapaan ang iglesia sa buong Judea at Galilea at Samaria
palibhasa'y pinagtibay; at, sa paglakad na may takot sa Panginoon at may kaaliwan ng Espiritu Santo, ay
nagsisidami.
- sa church, maging kapayapaan ay suma atin.

conclusion:

* hanggang kailan iingatan ang kapayapaan?


Hebrews 12:14 Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at ang pagpapakabanal na kung wala
ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon:
- until na makita ntin c Cristo ibig sabihin until 2nd coming.
Exodus 23:25 And ye shall serve the LORD your God, and he shall bless thy bread, and thy water; and I
will take sickness away from the midst of thee. At inyong paglilingkuran ang Panginoon ninyong Dios, at
kaniyang babasbasan ang iyong tinapay at ang iyong tubig; at aking aalisin ang sakit sa gitna mo.
Larry
Larry Memis

You might also like