You are on page 1of 11

BANAL NA ORAS

PARA HALALAN 2022


MAYO 2, 2022

1
MENSAHE
Minamahal kong mga Kapatid kay Kristo:

KAPAYAPAAN!

Isang linggo na lang ang nalalabi upang tayo bilang isang sambayanang Pilipino ay
muling magpasya sa ating mga iluluklok na mga mamumuno sa ating bayan, lungsod,
lalawigan, at bansa.

Inaanyayahan namin kayong italaga natin ang araw na ito, ika-2 ng Mayo 2022, para sa
ating samasamang pananalanging lalakipan natin ng pag-aayuno. Sapagkat ang dasal na
may katambal na pagtitimpi at pagsupil sa ating sariling hilig ay tanda ng ating
marubdob na paghingi ng awa at tulong sa Diyos para sa ating Inang Bayan.

Ginawa natin ang ating makakaya bilang simbahan sa ating diyosesis upang samahan
tayong makapaghubog ng kalooban at kaisipan para sa isang buhay na ganap at kalugod-
lugod. Makapagpasya nang wasto upang iluklok ang makatarungan at makataong
mamumuno sa ating lupain na ang kanya o kanilang gawa ay naaayon sa katangian ng
Mabuting Pastol na si Hesukristo at nakabatay din naman sa pamantayan ng ating
Katuruang Panlipunang Katoliko.

Ngunit sa kabila ng lahat ng pagsusumikap na ito, alam nating salat at walang kahulugan
ang ating ginawa at pinaghirapan kung ito ay di natin ihihingi ng tulong sa Diyos. Sa
salat mang pagsusumikap nating ito, ito ang nag-uudyok upang lalo pa tayong
maghangad na Siya na ang bahalang magpuno. Sa lahat ng pagkukulang at kakapusan
ng ating kakayanan kinikilala natin na sa ating sama-samang pananalangin at pag-
aayuno ang siyang umantig sa awa Niyang huwag tayong pabayaang bilang Kanyang
bayan na tayo ay mapasakamay ng masasamang pastol na walang inisip kung di ang
kanilang kapangyarihang magpahirap at maniil. Sa Banal na Oras na ito ating
ipanalangin: Isugo Mo Panginoon mga tapat at mabubuting pastol sa aming bansa!

+Dennis C. Villarojo, D.D.


Obispo ng Malolos

2
BANAL NA ORAS
PARA SA HALALAN

PAGTATANGHAL SA KABANAL-BANALANG SAKRAMENTO


Luluhod ang lahat

Awit:

O SALUTARIS HOSTIA O OSTIYA NG KALIGTASAN

O salutaris Hostia O Ostiya ng Kaligtasan,


Quae caeli pandis ostium. pinto Ka ng langit na bayan.
Bella premunt hostilia; Tulong Mo laban sa kaaway,
Da robur fer auxilium. mangyaring sa ami’y ibigay.

Uni trinoque Domino Puri sa Diyos na Maykapal:


Sit sempiterna gloria: sa Tatlong Personang marangal.
Qui vitam sine termino, Poon, nawa’y aming makamtan
Nobis donet in patria. ang langit na masayang bayan.
Amen. Amen.

PAANYAYA SA PAGSAMBA

Pari: Purihin natin ang Amang Makapangyarihan,


na pinagmumulan ng lahat ng biyaya
Bayan: Kapuri puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman

Pari: Purihin natin si Kristo, bukal ng lahat pagpapala.


Bayan: Kapuri puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman

Pari: Purihin natin ang Banal na Espiritu,


Panginoon at tagapagbigay ng buhay at kabanalan.
Bayan: Kapuri puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman

TAHIMIK NA PAGSAMBA

3
PANALANGING PAMBUNGAD

Pari: Ama naming Makapangyarihan,


sa Iyong dakilang kapasyahan ay pinamamahalaan Mo ang
sanlibutan. Tanggapin Mo ang aming mga panalangin
para sa aming Inang Bayan
upang maging marunong ang namumuno
at maaasahan ang mga mamamayan
sa ikatatatag ng pagkakasundo at katarungan
at sa ikapagkakaroon ng pampalagiang
kapayapaan sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen

Awit: ISANG BANSA


Ofrasio, Hontiveros

O kay ganda ng ating buhay


napupuspos ng pagpapala
ng sakramentong mahiwaga
kaloob ni Hesus sa ‘ti’y gabay.

O kay tamis ng pagsasama


nagmumula sa pagkakaisa
Bumubukal sa pagsasalo
sa iisang hapag ay dumalo.

Purihin si Hesus sa sakramento;


purihin ng lahat ng tao.
Purihin siya ng Pilipino
sa pagkakaisa lingapin mo.
O lingapin mo.

NAMUMUNO Antipona 1: Kahanga-hanga ang iyong Pangalan, O


Panginoon, sa buong sangnilikha.

4
Kaluwalhatian ng Diyos at
Dignidad ng Tao (Awit 8)

Kanan: O Diyos, na aming Panginoon,


sa buong mundo'y tunay kang dakila!
Iyong papuri'y abot sa langit!

Kaliwa: Pinupuri ka ng mga bata't bagong silang,


ikaw ay nagtayo ng isang tanggulan,
kaya't natahimik ang lahat ng iyong kaaway.

Kanan: Pinagmasdan ko ang langit na gawa ng iyong kamay,


pati ang buwan at mga bituin na iyong inilagay.

Kaliwa: Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan;


o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan?
Nilikha mo siyang mababa sa iyo[b] nang kaunti,
pinuspos mo siya ng dangal at ng luwalhati.

Kanan: Ginawa mo siyang pinuno ng lahat ng iyong nilikha,


sa lahat ng mga bagay, siya ang iyong pinamahala:
mga tupa at kawan pati na ang mababangis,
lahat ng ibong lumilipad, at mga isda sa karagatan, at lahat ng
nilikhang nasa karagatan.

Kaliwa: O Diyos, na aming Panginoon,


sa buong mundo'y tunay kang dakila!

Kanan: Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo


Kaliwa: kapara noong una, ngayon, at magpakailanman at
magpasawalang hanggan. Amen.

LAHAT Antipona 1: Kahanga-hanga ang iyong Pangalan, O Panginoon, sa


buong sangnilikha.

5
NAMUMUNO Antipona 2: Panginoong Makatarungan,
igawad mo ang makabubuti sa amin.

Diyos ang Kataas-taasang Hari


(Awit 82)

Kanan: Ang Diyos ang namumuno ng pulong sa kalangitan,


sa pulong ng mga diyos, ganito ang kapasyahan:
“Dapat ninyong itigil na, paghatol na hindi tama,
tumigil na ng paghatol na panig sa masasama.

Kaliwa: Bigyan ninyong katarungan ang mahina at ulila,


at huwag ninyong aapihin ang mahirap
at may dusa. Ang marapat na tulunga'y
ang mahina at mahirap,
sa kamay ng masasama sila'y dapat na iligtas!

Kanan: “Anong pagkamangmang ninyo, wala


kayong nalalaman! Sa gitna ng kadilima'y
doon kayo nananahan,
sa ibabaw ng daigdig ay wala nang katarungan.

Kaliwa: Ang sabi ko, kayo'y diyos, anak ng Kataas-taasan,


ngunit tulad nitong tao, lahat kayo'y mamamatay;
katulad din ng prinsipe, papanaw ang
inyong buhay.”
Kanan: O Diyos, ikaw ay magbangon at daigdig pagharian,
ang lahat ng mga bansa ay hawak ng iyong kamay.

Kaliwa: Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo


Kanan: kapara noong una, ngayon, at magpakailanman at
magpasawalang hanggan. Amen.

LAHAT Antipona 2: Panginoong Makatarungan,


igawad mo ang makabubuti sa amin.
6
NAMUMUNO Antipona 3: Narito ang hari kong hinirang
na mamahala sa Bundok ng Zion.

Ang Haring Pinili ng Panginoon


(Awit 2)

Kanan: Bakit nagbabalak maghimagsik ang mga bansa?


Sa sabwatan nilang ito'y anong kanilang
mapapala? Mga hari ng lupa'y nagkasundo
at sama-samang lumalaban, hinahamon ang
Panginoon at ang kanyang hinirang:

Kaliwa: Sinasabi nila: “Ang paghahari nila sa atin ay dapat


nang matapos; dapat na tayong lumaya at
kumawala sa gapos.”
Ang Panginoon na nakaupo sa langit ay
natatawa lamang, lahat ng plano nila ay
wala namang katuturan.

Kanan: Sa tindi ng kanyang galit, sila'y kanyang binalaan;


sa tindi ng poot, sila'y kanyang sinabihan,
“Doon sa Zion, sa bundok na banal,
ang haring pinili ko'y aking itinalaga.”
“Ipahahayag ko ang sinabi sa akin ng Panginoon,
‘Ikaw ang aking anak,
mula ngayo'y ako na ang iyong ama.
Hingin mo ang mga bansa't ibibigay ko sa iyo,
maging ang buong daigdig ay ipapamana ko.

Kaliwa: Dudurugin mo sila ng tungkod na bakal;


tulad ng palayok, sila'y magkakabasag-basag.’”
Kaya't magpakatalino kayo, mga hari ng mundo,
ang babalang ito'y unawain ninyo:

7
Kanan: Paglingkuran ninyo ang Panginoon nang may
takot at paggalang, sa paanan ng kanyang anak

Kaliwa: Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo


Kanan: kapara noong una, ngayon, at magpakailanman at
magpasawalang hanggan. Amen.

LAHAT Antipona 3: Narito ang hari kong hinirang


na mamahala sa Bundok ng Zion.

PAGBASA Ez. 34:1- 24 Ang Pahayag Laban sa mga Pinuno ng Israel

PAGNINILAY
Halaw mula sa Liham Pastoral ng Kapulungan ng mga Obispo ng Pilipinas

Ang Katotohanan ang Magpapalaya sa Inyo (Juan 8:32)


Liham Pastoral ng Catholic Bishops Conference of the Philippines(CBCP)

PANALANGIN PANGKALAHATAN:
(Batay sa 7 Batayang Katotohanan ng Catholic Social Teachings)

Tugon: Panginoon, akayin kami sa mabuting pastulan.

AMA NAMIN
PANALANGIN

AWIT: PANANAGUTAN
1. Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang.
Koro: Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa.
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N’ya.
2. Sa ating pagmamahalan at paglilingkod sa kaninuman.
Tayo ay nagdadala ng balita ng kaligtasan. (koro)

8
PANALANGIN PARA SA HALALAN

Tagapamuno: Manalangin tayo upang ang papalapit na halalang lokal at


pambansa ay maging salamin ng kalooban ng Diyos, ang gumagabay sa
kapalaran ng lahat ng mga bansa.

Sa bawat kahilingan, ating idalangin: Ipag-adya mo kami, Panginoon.

Mula sa pamimilit, pananakot, karahasan, at terorismo ...


Mula sa panloloko, pagsisinungaling, at pagbaluktot sa katotohanan... Mula
sa panunuhol, kasakiman, at sabwatan sa pandaraya... Mula sa dagling
pagpapatangay sa pagkukunwari at pagkabulag ng pananaw...
Mula sa pagbabanta, hindi pag- imik, at lapastangang pananalita...

Tagapamuno:
Samasama nating idalangin: Dinggin Mo kami, Panginoon.

Upang ang aming budhi ang maging tunay naming pamantayan... Upang ang
pangkalahatang kabutihan ang maging lagi naming pinakamataas na hinahangad...
Upang ang dignidad ng tao sa tuwina'y igalang...
Upang ang kapakanan ng mahihina at aba ang siyang laging unahin... Upang ang
pagmamalasakit sa kalikasan ay hindi kaligtaan... Upang ang pagkakaisa ang umakay
sa landas ng kapayapaan at pag- unlad... Upang ang banal na pagkatakot sa Diyos at
pag-ibig sa kapwa ang gumabay sa mga naghahangad manungkulan sa pamahalaan...

Tagapamuno: Manalangin tayo.

Lahat: Pastol ng aming kaluluwa at Tagapagligtas ng sanlibutan,


ang pulitika ay kaloob mo sa amin;
isang paanyayang maglingkod sa kapwa at lumago sa
kabanalan. Gabayan Mo ang pulitika sa aming bansa
tulad ng paggabay mo sa aming buhay.
Nawa ang pakikilahok namin sa pulitika bilang botante
at kandidato ay magdulot ng kaluwalhatian
sa Iyong mapagmahal na pangalan
at tumulong sa aming pagyabong sa kabutihan,
magpasawalang hanggan. Amen.
9
PAGBABASBAS
Luluhod ang lahat

Awit:
TANTUM ERGO LUMUHOD AT GUMALANG

Tantum ergo Sacramentum Lumuhod tayo at gumalang


Veneremur cernui; sa Sakramentong mahal.
Et Antiquum documentum Sa atin ay bagong alay;
novo cedat ritui.. luma ay napalitan.
Praestet fides supplementum Di malirip na hiwagang
Sensuum defectui. dapat sampalatayanan.

Genitori, Genitoque Luwalhati sa Amang Diyos,


Laus et iubilatio. puri kay Kristo Hesus,
Salus, honor, virtus quoque at sa Espiritu Santo,
Sit et benedictio: magdangal na lubos.
Procedenti ab utroque Ipagbunyi nating puspos
Compar sit laudatio. Amen. Amen. ang Tatlong Personang
lubos. Amen. Amen.

Pari: Panem de caelo praestitisti eis


[Binigyan Mo sila ng tinapay buhat sa langit]

Lahat: Omne delectamentum in se habentem


[Na naglalaman sa kanyang sarili ng lahat ng katamisan]

Pari: Oremus. (Manalangin Tayo)

PAGPUPURI

Purihin ang Diyos.


Purihin ang Kanyang Santong Ngalan.
Purihin si Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo.
Purihin ang Ngalan ni Hesus.
Purihin ang Kanyang Kamahal-mahalang Puso.
Purihin ang Kanyang Kamahal-mahalang Dugo.
Purihin si Hesukristo sa Santisimo Sakramento sa altar.
10
Purihin ang Espiritu Santo, ang Mang-aaliw.
Purihin ang Dakilang Ina ng Diyos na si Maria Santisima.
Purihin ang santa’t ‘di narungisang paglilihi sa kanya.
Purihin ang maluwalhating pag-aakyat sa langit kay Santa
Mariang Birhen. Purihin ang Ngalan ni Maria, Birhen at Ina.
Purihin si San Jose, ang kanyang kalinis-linisang esposo.
Purihin ang Diyos sa Kanyang mga anghel at sa Kanyang mga santo.

PAGBABALIK SA BANAL NA SAKRAMENTO SA TABERNAKULO


Tatayo ang pari. Ilalagay uli ang Banal na Sakramento sa siboryo at isasauli iyon sa tabernakulo, habang inaawit ng
sambayanan ang sumusunod:

O Sakramentong Mahal, O Sakramentong Banal,


na sa langit buhat, Hiwagang dalisay,
papuri ng santinakpan, Kami’y Iyong bendisyunan,
Iyong-iyong lahat; Iyong-iyong lahat. at laging ingatan; at laging ingatan.

Tatayo na ang lahat matapos isara ang pinto ng tabernakulo. Maaaring umawit ng isang awit patungkol kay Maria
matapos ang lahat ng ito.

Awit Kay Maria

Dahil ngayon ay panahon ng Muling Pagkabuhay, maaring awitin ang Regina Coeli (A. Logo)
o kaya naman ay maaring awitin ang Awit sa Inmaculada Concepcion (A.Logo).

11

You might also like