You are on page 1of 1

BIONOTE

Sulating Akademik #2

Si Engr. Francis Denny J. Delmendo ay isang


Professional Electrical Engineer. Ang titulong ito ay natamo niya
nang taong 2015. Sa murang edad palang nagsilbi na siyang haligi
ng tahanan dahil sa maagang pagpanaw ng kaniyang ama. Nagsikap
siya sa kaniyang pag-aaral at nagtapos ng kolehiyo na mayroong
Bachelor of Science in Electrical Engineering sa Bicol University,
taong 1990. Sa kaniyang pagtatapos sa kolehiyo, siya’y nagtrabaho
sa Fuji-Haya Electric Corporation nang labing-isang taon. Nang taong 2002 siya’y
lumiban sa kaniyang posisyon sa Fuji-Haya at nagtayo ng sarili niyang kumpanya, ang
Powerbuild Construction & Development Corporation. Ang kumpanyang ito ay
maglalabing-siyam na taon na sa darating na Agosto, 2021. Taong 1994 siya’y naging
miyembro ng Institute of Integrated Electrical Engineers of The Philippines Inc (IIEE).
Siya’y naging Central Laguna Chapter President ng IIEE taong 2016-2017 at Regional
Deputy Governor ng South Luzon Region taong 2018-2019. Sa ngayon siya’y nag-iisip na
tumakbo bilang Regional Governor ng South Luzon.

You might also like