You are on page 1of 1

BIONOTE

Magandang Umaga. Isang kagalakan na makilala natin ang ating pangunahing


pandangal sa pinaka-importanteng araw ng mga Senior High School Graduates.

Tagumpay na sinasalamin niya ang kahulugan ng pagpupunyagi at determinasyon sa


pagkamit ng kanyang pangarap. Siya ay nakapagtapos sa kolehiyo sa kanyang kursong
Industrial Engineer, sa National Taiwan University of Science and Technology (Taiwan tech). Sa
kanyang pagpupursige ay nakatanggap din siya ng Innovation in Education Competition Award,
Annual Conference Implemented Solution Award at IISE Transactions Award. Ngunit hindi ito
ang dulo ng kanyang tagumpay, ito’y sumala palang ng kanyang pag-angat sa kanyang
pangarap.

Sa pagtahak ng kanyang propesyon ay hindi naging madali, bagamat hindi siya


nagpatinag, at noong 2028 ay naipasa niya ang Professional Industrial Engineering
Examination at agad nakapasok sa Top 1 Rank Industrial Engineering firms (AECOM) sa
Amerika. Naging isang Industrial designer at marami naring nagawa na mga malikhaing
produkto gaya ng mga sasakyan, upuan, at marami pang iba. Ang kanyang mga proyekto at
disenyo ay may malalim na impluwensya sa kalidad ng buhay ng mga tao, at ito ay nagpapakita
ng kanyang pangarap na makabuo ng mas magandang produkto. Dahil sa kanyang kahusayan
ay marami siyang natanggap na award, kagaya ng Outstanding IISE Publication Award,
Distinguished Achievement Award, Honorary Member Award, UPS Minority Advancement
Award, at Excellence in Productivity Improvement Award.

Upang mapanatili ang kanyang mataas na antas ng kahusayan, nagpatuloy siya sa pag-
aaral at nagtagumpay sa pagkuha ng Master's degree sa University of Michigan (2031). Ang
kanyang pangalawang antas ng edukasyon ay nagbigay sa kanya ng mas malalim na kaalaman
at kakayahan na naging pundasyon ng kanyang tagumpay sa kanyang propesyon. Nagtayo rin
siya ng sariling Industrial Designing Firm sa Pilipinas at patuloy parin na gumagawa ng
dekalidad at malikhain na mga produkto.

You might also like