Professional Documents
Culture Documents
Talumpati - Bachelor's Degree vs. Tech-Voc
Talumpati - Bachelor's Degree vs. Tech-Voc
Magandang umaga po sa ating lahat! Ako po si Maria Xyla Eve L. Manuel, isang STEM-
ian mula sa ika-labindalawang baitang na magbabahagi ng isang talumpating titimbang sa
bentahe at desbenteha ng Bachelor’s Degree at Technical Vocational Courses.
Hindi maikakaila ng bawat isa sa atin, bilang mga mag-aaral na malapit nang magtapos,
ay sumagi na sa ating mga isipan ang mga usaping may kaugnayan sa ating pagkakolehiyo.
Marahil isa na rito ang pagpili mula sa pagkuha ng Bachelor’s Degree o ng Technical Vocational
Course.
Ngunit sa mas mahabang panahon ng pag-aaral ay mas nahahasa naman ang mga pumili
na kumuha ng college degree, lalo na sa kanilang napiling larang. Dulot nito ay mas mabenta sila
sa mga job openings kumpara sa mga Technical Vocational graduates.
Sa isang pag-aaral na isinagawa ng Philippine Statistics Authority, taong 2022, patungkol
sa employment rate o bahagdan ng mga nakapagtratrabaho dito sa ating bansa ay napag alaman
na nasa 86 bahagdan ang employment rate ng mga college degree holders, samantalang nasa 78
bahagdan lamang ang employment rate ng mga Technical Vocational graduates.
Bukod pa dito ay mas madaming oportunidad ang nagbubukas para sa mga college
degree holders na kaakibat ng kanilang malawak na kaalaman sa kanilang kurso maging sa mga
trabahong may kaugnayan rito.
Gayunpaman, ang mga ito ay aking mga pahayag lamang. Pawang may bentahe at
desbenteha ang dalawang tahakin. Ngunit, nasa sa atin din naman kung ano ang ating nais piliin.
Pamumuhunan ng kadunungan at tiyaga? O paghahasa ng mga praktikal na kasanayan?
Nakasalalay pa rin ang mga ito sa pangarap na nais nating kamitin at tuparin. Paalala lamang na
ang pagkamit ng edukasyon ay isang regaoing maibibigay natin sa ating mga sarili kung kaya’t
atin sana itong pagsumikapan.